"Binibini.."
"Mayroong binibini dito.."
Halos malula ako na napapikit ng makita ko ang isang ale na papalapit na sa akin hanggang sa tuluyan ko ng naramdaman ang pagkakahiga ko sa kinasalampak ko..
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata ng magtama ang paningin namin ng isang napakagwapong lalaki hanggang sa muli kong naramdaman ang kakaibang antok.
Halos mapaupo ako at napahawak pa ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang papitik pitik nito..
"Binibini mabuti at gising kana.."
Nagitla ako ng makita ang isang babae na alam kong kaedaran ko..
"T-teka nasaan ako?"
Takang tanung ko ng makitang lampara lang ang nakalagay sa tabi namin ng babaeng kasama ko ngayon.
"Narito ka sa silid ni Heneral Thylandier, binibini."
T-thylandier?? Anak ng!! Nananaginip na naman ba ako.
Bahagya kong sinapok ang sarili ko.. 'Ouch!!' So, hindi to panaginip? OMG!!
Paano naman ako nakarating dito? At anong sabi ng babaeng to.. Silid ba talaga ito ni thylandier na tauhan sa nobela ko?
"Buti na lamang at nagising na kayo, binibini. Kailangan nyo ng umalis dito sapagkat darating ang ama ni heneral thylandier na si Don Mariano.."
OMG!! So totoo talaga to?
Halos mapahilamos ako sa aking sarili ng inalalayan ako bigla ng babaeng kasama ko..
"Sabi ni senior thylandier ay ako na daw ang maghatid sa inyo.."
Napapailing lang akong tumango sa kanya at sumabay palabas ng silid ni thylandier habang pinagtitinginan naman kami ng ibang kasambahay na abala sa paglilinis.
"Binibini.."
Halos mangilabot ako sa napaka bruskong pananalita ng lalaking nasa harapan kona ngayon.. Hindi ko malaman kung sino sya bukod kase sa pananalita nito halatang kagalang galang ito.
"S-seniorito thylandier.. G-gising na po ang binibini.."
Tumingin naman agad ang lalaki sa kasama kong babae.
"Ako na lamang ang maghahatid sa kanya sonya.. Dumito ka na lamang at hintayin an gaming pagbabalik.. Sasalubungin ko si ama sa daungan."
Teka!! May 01, 1886 kung saan sinimulan ko na ang eksena sa nobela ko.. Ibig bang sabihin nito nandito ako sa unang kabanata ng nobelang ginawa ko..
"G-ganun poba senior.. Sige po aalis na muna po ako.."
Bago sya makaalis sa pwesto nya ay dali dali ko naman syang hinarangan at pinatitigan ang mukha nito..
SONYA – Sya ay isang utusan ng mga Valdez.. Ang babaeng mataray na may gusto sa kanyang amo na si thylandier.
"Anong kailangan mo binibini?"
Nagtataray ngunit mahihimigan ang pagtataka at kaba sa dibdib nito.
"N-ngayon ba ay May 1, 1886 araw kung kailan darating ang isa sa mga pangunahing tauhan ng aking nobela?"
Nakita ko namang nangunot ang noo nito tanda na wala syang naintindihan sa sinabi ko.. Hindi to maaari!! Nandito ako ngayon sa sarili kong nobela.
"P-pasensya na b-binibini... W-wala akong naintindihan sa inyong katanungan.."
Napapayukong sagot nito bago ako talikuran.. Panay lang ang pagiling ko ng magtama ang paningin namin ni thylandier ang antagonist ng nobelang kinatatayuan ko ngayon..
"Ano nga pala ang iyong ngalan binibini.. Anong maitutulong ko sa iyo?"
Halos matulala lang ako sa harapan nya habang pinagmamasdan ang maganda nitong mga gray na mata bumagay ito dahil hindi naman kasingkitan at kalakihan ang mata nito para sa akin sakto lang ang shape ng mapupungay nyang mga mata.
Relax lang lenzy..
"K-kailangan ko ng umalis.."
Mabilis ko syang tinalikuran ngunit bago pa ako makahakbang sa kinatatayuan ko ay narinig ko pa itong nagsalita ng hindi ko inaasahan..
"M-mukhang n-nagkita na tayo, Binibini"
Halos magdahan dahan ako paharap sa kanya ng magsalita ito.. Nanatili lang tikom ang bibig ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.. SAAN KAMI NAGKITA?
" Ikaw yung babaeng nakita ko sa aking panaginip.. S-sadyang sayo lang ang malinaw habang ang dalawang kasama ko sa panaginip ko ay sadyang napakalabo.."
Teka!! Si Nathalia at Dairus ba ang sinasabi nyang malabo sa panaginip nya?
Teka bakit nasaan ako?
"N-nathalia..."
Halos mangunot ang noo ko ng marinig ang isang boses ng maginoong lalaki.. Sinundan ko ito hanggang sa mahinto ako at kunot noo kong pinagmasdan ang dalawang bulto ng tao.. Babae at isang lalaki.
"P-patawad thylandier hindi ko kayang ibigay sayo ang buo kong puso.."
Anak ng!! Teka bakit nandito ako? Ano to.
"N-nathalia gagawin ko ang lahat bigyan mo lang ako ng chansa na maipakita ko sa iyo ang tunay kong nararamdaman para sayo.."
T-thylandier Third Valdez a high ranking politics and soldier.. Isang Maginoo si Thylandier ngunit isa rin itong marahas na sundalo ang katangiang meron sya ay nakakatakot at nakakapangamba.. Matalino at mabilisdin ito na makakapagisip ng tama at higit sa lahat tapat sa tungkulin at sunod sunuran sa kanyang ama na espanyol na may katangiang hindi magugustuhan ng sino man dahil ito ay kayang pumatay ng walang pagaalinlangan para lang sa pwesto at kapangyarihang meron ang pamilya nila.. Ngunit pagdating naman sa pagibig si thylandier ay isang ginoong seloso at hindi madaling sumuko at kayang pumatay para lang makuha ang pag ibig para kay nathalia na kababata nilang pareho ni Dairus na naghirap dahil sa isang trahedyang magaganap sa kanyang pamilya.
Shit!! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nandito ako sa eksenang to..
"N-nathalia, T-thylandier.."
Halos manlaki ang mga mata ko ng biglang dumating sa eksena si dairus na ikinagulat ni thylandier..
"A-ano ang iyong ginagawa dito? I-ikaw ba ang katagpo ni nathalia?"
Nagaalangang tanung ni thylandier kay dairus at kay nathalia na magkahawak ang kamay..
"Patawad thylandier.. M-mahal namin ang isat isa at hindi ko kayang ibigay sayo ang hinahangad mong pagmamahal mula sa akin.. H-hindi kita kayang lokohin at hindi ko din kayang lokohin ang aking sarili.. M-mahal namin ang isat isa."
Teka ito ang eksena na pagtatangkang pagbaril ni thylandier kay dairus ng malaman nyang hindi sya mahal ni nathalia.
"Hindi ko inaasahang mangyayari ang bagay na kinatatakutan ko.. P-paulit ulit kong ipinamumukha sa aking sarili na wala ka nga talagang pagmamahal sa akin.."
Huh!! Mali- mali... Bakit ganito? Hindi bat maglalabas ng baril si thylandier sa eksena na ito..
"Patawad.."
"A-ako'y natutuwang nagpakatotoo ka sa iyong sarili nathalia.. Nakatutuwa ang iyong ipinapakita sa akin. Akala ko ay magagawa kong angkinin ang katulad mo.. Subalit ako ay nabigo sapagkat si dairus parin ang iyong iniibig.. P-pinalalaya na kita nathalia alam kong magiging masaya ka sa piling ni dairus."
No way!! Gagawin ko ang lahat mapasa akin ka lang!!- Thylandier Third- Yan dapat ang sasabihin mo thylandier bakit tila nagiba ang ihip ng hangin at iba ang nasabi mo kay nathalia at dairus?
Mas lalo akong nangamba ng talikuran ni thylandier sina nathalia at dairus na hindi ko inaasahan.. WHY?? Hindi ito ang inaasahan kong eksena ng tatlo!!
Halos mapaatras ako ng magtama ang paningin namin ni thylandier.. SHIT!! NAKITA BA NYA AKO?
Halos mapaatras ako ng muli ko na namang naalala ang panaginip ko nung natutulog ako sa condo unit ko.. Ibig bang sabihin nun malinaw na malinaw sa kanya ang kabuuan ko sa panaginip nya?
"S-siguro ay nagkakamali ka lamang.. Ang sabi mo ay isa iyong panaginip lamang ginoo.. A-aalis na lamang ako pasensya na sa abala."
Shit!! Wala akong alam na pwedeng tuluyan dito.. Napapabuntong hininga na lamang akong tumalikod at tuluyan ng umalis ng hindi kona pinakinggan ang sasabihin nito.
Panay lang ang paglinga ko nagbabakasakaling may tutulong sa akin at nagbabakasakaling may magpapatuloy sa akin.
Napalunok na lamang ako ng mahawakan ko ang relo sa palad ko kaya naman tinignan ko ang oras at halos manghina ako ng makitang hindi ito gumagana.. Lenzy remember nandito ka sa loob ng nobelang ginawa mo..
'One day, I open my eyes and now I am trapped in my own novel.'
Halos ilang beses na akong napapabuntong hininga habang nilalakad ang napakalawak na hacienda ng mga valdez.. Ngayon ko lang napansin na sobrang lawak at sobrang layo ko na sa mansion nila thylandier.
'Ikaw yung babaeng nakita ko sa aking panaginip.. S-sadyang sayo lang ang malinaw habang ang dalawang kasama ko sa panaginip ko ay sadyang napakalabo..'
'Ikaw yung babaeng nakita ko sa aking panaginip.. S-sadyang sayo lang ang malinaw habang ang dalawang kasama ko sa panaginip ko ay sadyang napakalabo..'
Bakit ba naman kase napadpad ako sa nobelang ito at hindi ko maintindihan kung bakit??
Nagpaulit ulit sa isipan ko ang mga katagang sinabi nya.. Ibig sabihin nagkita kami sa mismong panaginip naming dalawa.
**** ****
Nakaramdam na ako ng gutom ng marating ko ang palengke ( Pamilihan) ng nobela.. Ganito pala kaganda ang palengke ng nobela ko.
Halos manghina akong napaupo sa narra na nakita ko.. Ganito pala kahirap maglakad at gutumin sa daan..
"Binibini ayos ka lang ba?"
Napalingon pa ako sa taong nagsalita habang nakalahad ang kamay nito sa akin.
"Kung wala kang matutuluyan tutulungan kita.."
Bakit? Bakit ako tutulungan ng isang antagonist ng nobela na ito? Hindi ko namalayang iniabot kona pala ang aking kamay at nagugulat pa akong napatitig kay thylandier ng alalayan nya ako papunta sa isang kainan.
"Naalala kong hindi kapa kumakain ng umagahan bago ka lumisan.. Buti na lamang at naabutan kita, binibini."
Ang isang thylandier third valdez ang nandito sa harap ko pero kakaiba ang kilos at ginagawa nya para sa akin.. Bakit parang ako naman ang nagiging priority nya? Kailangan ko syang malihis sa ganitong sitwasyon. Dahil si nathalia lang dapat ang pinagtutuunan nya ng pansin at hindi ako.
"S-sandali lamang ginoong thylandier.. Sapat na sa akin na pinatuloy mo ako sa iyong silid kahit na labag iyon.. K-kailangan ko ng umalis,ginoo."
Kahit gutom na gutom na ako hindi dapat ako nakikipagusap sa isang antagonist ng nobelang ako mismo ang gumawa.
"Hindi kopa sinasabi sayo ang pangalan ko binibini.."
Nagtatakang tanung nito sa akin. Syempre ako ang may gawa sayo kaya kilala kita!! At isa pa binanggit ka ni Sonya sa akin.
"Binanggit ni binibining sonya ang iyong pangalan ginoong thylandier."
Tatango tango naman ito sa sinabi ko kaya naman mabilis akong tumalikod sa kanya ngunit nagitla ako ng hawakan nya ako sa palapulsuhan ko at bahagya akong hinila palapit sa kanya kaya muling nagtama ang paningin naming dalawa.. BAKIT BA NAGIBA ATA ANG LALAKING TO? IBANG IBA SYA SA THYLANDIER NA GINAWA KO HINDI GANITO ANG THYLANDIER NA BINUO KO SA NOBELANG TO!!
"Maari ko bang malaman ang iyong ngalan, binibini?"
Magisip kana lenzy!! Kailangan mo tong malusutan.
Napaiwas ako ng tingin at ngumiting umatras upang magkalayo na kaming dalawa.
"A-ako nga pala si--- S-si Isabel.." Magaling ka sa kasinungalingan self!!
Mas lalo akong nahirapang kumilos ng bigla syang ngumiti sa akin at inilahad nito ang kanyang kamay na syang ikinagugulo ng isipan ko pati ang puso ko ay umaayon..
"Kinagagalak kong makilala ka binibining isabel.. Nawa'y tanggapin mo ang aking inaalok sayong tulong... Isa lamang iyong tulong mula sa isang heneral ng ating bayan.."
NO WAY!! Bakit ibang iba na ang ugaling meron si thylandier? Anon ng gagawin ko ngayon makukulong ba ako sa nobelang to..
"Iyo sanang tanggapin ang aking alok.."