Chapter 4 - KABANATA 03

"Kinagagalak kong makilala ka binibining isabel.. Nawa'y tanggapin mo ang aking inaalok sayong tulong... Isa lamang iyong tulong mula sa isang heneral ng ating bansa.."

NO WAY!! Bakit ibang iba na ang ugaling meron si thylandier? Anon ng gagawin ko ngayon makukulong ba ako sa nobelang to..

"Iyo sanang tanggapin ang aking alok.."

Ano ng gagawin ko ngayon?

"Tanggapin mo na lamang ang inaalok ni Senior thylandier, binibini."

Napatingin naman agad ako sa matandang babae na bigla na lamang nagsalita sa aming gilid.

"Napakabait ni senior thylandier sa mga binibini na kagaya mo, iha. Kaya naman tanggapin mo na lamang ang kanyang alok."

Napalunok na lamang akong napalingon kay thylandier na may ngiti sa labi.. Ang thylandier na binuo ko sa nobelang ito ay hindi ngumingiti sa kahit sinong binibini sapagkat kay binibining nathalia lang sya ngumingiti  ng ganito at hindi sa akin.

Naguguluhan naman ako ng bigla na naman nyang ilahad ang kanyang kamay.. Tanging pintig ng puso ko ang syang naririnig ko habang nakangiti parin sa akin si thylandier.

"Mayroon akong alam na panuluyan.. Gusto mo bang doon na lamang!! Mukha namang wala kang kakilala sa lugar na ito."

Ano bato!! Lenzy magisip ka ng paraan kung paano mo sya tatanggihan.

Magsasalita sana ako ng alalayan nya akong maupo sa isang bakanteng upuan habang pinagsisilbihan naman kami ng isang ginang na sa tingin ko ay nagmamay-ari ng kainan kung saan ako dinala ni thylandier.

"Kumain ka lamang binibini.. Ako ay uupo lamang dito at ika'y pagmamasdan ko na lamang.."

"G-ginoo.. N-nakakahiya naman po kung pagmamasdan nyo lang ako sa aking ginagawa.. S-sabayan nyo na lamang ako sapagkat hindi ako sana'y na pinagmamasdan habang kumakain."

Ganyan nga lenzy!! Mahiya ka naman sa kanya..

Ngumiti naman ito at tumango sa akin sabay kinuha ang isa pang bowl na may lamang lugaw.. Kumuha naman ako ng isa pang kalamansi at hinati ito sa dalawa at walang paalam na nilagyan ng kalamansi ang lugaw nito.

"Masarap ang lugaw kapag may kalamansi.."

Nakangiti kong tugon sabay kuha naman ng isang sili ng labuyo at iniaabot ito sa kanya.

"Sabayan mo din ng labuyong sili.. Sigurado akong malalasap mo ang anghang at kakaibang sarap."

Napatitig pa ito sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin habang inaabot parin sa kanya ang siling labuyo na hindi pa naman nya kinukuha sa akin.

"Try it!!"

Nangunot bigla ang noo nito ng makuha nya ang siling labuyo..

"Ang salitang iyong binanggit ay salita ng mga ingles.. May lahi kaba, binibini?"

Ang sabi ng mama ko may lahi ang flores at pacheco.. Ibig sabihin may lahi nga siguro ako..

"Lahing espanyol at lahing amerikano.. Ang aking ina ay may lahing espanyol samantalang ang aking ama ay may lahing amerikano."

Pagmamalaki kong sagot sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko ng tumitig ito sa akin.

"Gaya mo ay may lahi din kaming espanyol.."

Nahimigan ko ang pagmamalaki nito kaya naman napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya.. Siguro ay meron talaga syang ganitong katangian na hindi ko man lang nalalaman.

"Nasaan ang iyong ama at ina, binibini?"

Nahinto naman ako sa pagsubo ng magtanung ito sa akin.

"N-nasa malayong lugar ang aking mga magulang.. S-sa lugar kung saan walang sino man ang makakarating.."

Makahulugan kong sagot sabay subo sa lugaw na hindi kopa naisusubo dahil sa kinailangan ko namang sagutin ang tanung nito sa akin.

*****  *****

"Manang ising maari bang dito na lamang manuluyan ang binibining ito?"

Nakangiting tanung ni thylandier kay aling ISING isa sa mga tauhan na ginawa ko sa nobela.. Pinagkakatiwalaan din ito ng mga valdez at isa ito sa taong kampi sa ipinaglalaban na pamahalaan ni thylandier.

Tumingin na muna sa akin si manang ising at bahagya naman akong nginitian nito kaya naman ngumiti na din ako baka sakaling pumayag sa kagustuhan ni thylandier.

"Oo naman,iho. Maari syang tumuloy dito kahit kailan nito gusto.. "

Napahinga naman ako ng maluwag ng pumayag ito na dito na muna ako sa kanyang panuluyan ako manirahan.

"Wag po kayong mag-alala... Promise po tutulong po ako sa gawaing bahay wag lang po sa kitchen, hehehe.."

"Kitsyen? Poromise? Ano ang iyong mga isinambit binibini.."

Nagtatakang tanung ni manang ising kaya panay lang ang pagiling ko at napapatingin pa kay thylandier na nakatingin lang din sa akin habang nakakunot ang noo nito sa akin.

"A-ang ibig ko pong sabihin ... P-pangako tutulong po ako dito sa panuluyan.. W-wag lang po sa pagluluto."

Kunwaring natatawa kong sagot kay manang ising kaya naman ngumiti ito lalo sa akin..

"Iwanan kona kayo, binibining isabel.. Kailangan kong magtungo sa daungan para sunduin si ama."

Nakangiti nitong paalam sa akin sabay kay manang ising naman sya humarap.

"Sana ay makadalo kayong pareho sa aming hacienda ngayong linggo, manang ising. Ang pagkakaalam ko ay magdadaos ng piging ang aking ama sana ay makadalo kayo ng binibini.."

Nakangiti nitong turan sabay tingin sa akin.. Nak ng!! Ako ba tinutukoy nyang binibini? Anong nangyayari sa antagonist ng nobelang ito.

"Oo naman senior.. Makakaasa kayo na dadalo kami ng binibining ito!"

Si aling ising ay nagiisa nga lang pala.. Walang asawa at anak at kasalanan kopa ata yun.. Napapabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan si aling ising na kausap parin si thylandier.

"Senior thylandier oras na upang tayo ay humayo na.. Baka naroon na ang iyong ama na si Don mariano."

Turan naman ng isang ginoo na kabababa lang ng kalesa at alam kong si edwardo ito.. Ang laging ipinapasama ni Don mariano para sa nagiisa nitong anak na si thylandier.

"Aasa akong naroon ka binibini.. Kayo din po manang ising."

Nakangiti nitong turan sa akin ng humarap ito bago kay manang ising na nakangiti sa aming dalawa ni thylandier.

Napapaiwas na lang ako ng tingin dahil sa kakaibang ngiti ni manang ising na para bang nangeechos sa amin.

Tinalikuran na kami nito hanggang sa marating na nila ang kalesa na sinakyan namin kanina papunta dito sa panuluyan.

Nang masiguro na namin na wala na ang kalesa ay naunang tumalikod si manang ising na may nakakalokong ngiti sa labi. Ano kaya ang iniisip ni manang ising patungkol sa amin.

Si manang ising ang tipo ng taong napakabusilak ang puso at hindi matapobre.

"Nakakatuwa ang ginoong iyon.. At masasabi kong mas bagay kayo."

Makahulugang turan ni manang ising habang naglalakad papasok ng panuluyan.. Panay lang ang pagiling ko habang sumusunod sa kanya.