"Lenzy nagawa mona ba ang last part ng ' The Daughter of Governor and The Leader of Revolution' ??"
Halos hindi ako nakapagsalita ng bumungad agad si Ms. Pearl sa akin.
"A-ang totoo po ay kailangan ko pang pagisipan ang ending ng nobela ko.. Hindi ko kase alam kung happy ending or tragic ending ang ihahatol ko sa character ni Thylandier Ms. Pearl.."
Biglang iniabot ni Ms. Pearl ang isang tablet sa akin at halos maningkit ang mata ko ng mabasa ang karamihan sa mga comments ng mga mambabasa ko about my novel.
- Please give him a chance
- Happiness for thylandier
- Happy Ending for the novel
- Girl for thylandier
"So!! Anong gusto mong ending?"
"H-hindi kopa alam ang ending ng nobela ko,eh. P-pinagiisipan kopa.."
Napabuntong hininga na lamang ako ng seryosong tumingin si Ms. Pearl sa akin..
"I'll give you a 3 months.. Buti na lang at may part II and III ang nobela mo and the last part ay ang ending.. Pagisipan mong mabuti at ayusin mo ang last part ng kwento.."
Unti unti naman akong ngumiti at tumango kay Ms. Pearl at tuluyan ng nagpaalam sa kanya..
Napapabuntong hininga na lamang ako habang tinutungo ang kotse ko.. Paano koba tatapusin ang last part ng nobela kung nagdadalawang isip ako sa ending..
Please give him a chance
Happiness for thylandier
Happy Ending for the novel
Girl for thylandier
Natatawa na lamang ako sa aking sarili dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sa nobela lalong lalo na kay thylandier na isa sa mga antagonist ng nobela.. Paano koba tatapusin ang isang nobela kung ang mga mambabasa ko ay humihingi ng hustisya para kay thylandier.. Ngayon naba ako gagawa ng happy ending?
Tuluyan ko ng pinaandar ang kotse at nagtungo sa aking Condo Unit.
Pagkarating na pagkarating ko ng condo unit ko ay dali dali akong nagtungo sa kama at ipinikit ang aking mga mata.
*** ***
Teka bakit nasaan ako?
"N-nathalia..."
Halos mangunot ang noo ko ng marinig ang isang boses ng maginoong lalaki.. Sinundan ko ito hanggang sa mahinto ako at kunot noo kong pinagmasdan ang dalawang bulto ng tao.. Babae at isang lalaki.
"P-patawad thylandier hindi ko kayang ibigay sayo ang buo kong puso.."
Anak ng!! Teka bakit nandito ako? Ano to.
"N-nathalia gagawin ko ang lahat bigyan mo lang ako ng chansa na maipakita ko sa iyo ang tunay kong nararamdaman para sayo.."
T-thylandier Third Valdez a high ranking politics and soldier.. Isang Maginoo si Thylandier ngunit isa rin itong marahas na sundalo ang katangiang meron sya ay nakakatakot at nakakapangamba.. Matalino at mabilis din ito na makakapagisip ng tama at higit sa lahat tapat sa tungkulin at sunod sunuran sa kanyang ama na espanyol na may katangiang hindi magugustuhan ng sino man dahil ito ay kayang pumatay ng walang pagaalinlangan para lang sa pwesto at kapangyarihang meron ang pamilya nila.. Ngunit pagdating naman sa pagibig si thylandier ay isang ginoong seloso at hindi madaling sumuko at kayang pumatay para lang makuha ang pag ibig para kay nathalia na kababata nilang pareho ni Dairus na naghirap dahil sa isang trahedyang magaganap sa kanyang pamilya.
Shit!! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nandito ako sa eksenang to..
"N-nathalia, T-thylandier.."
Halos manlaki ang mga mata ko ng biglang dumating sa eksena si dairus na ikinagulat ni thylandier..
"A-ano ang iyong ginagawa dito? I-ikaw ba ang katagpo ni nathalia?"
Nagaalangang tanung ni thylandier kay dairus at kay nathalia na magkahawak ang kamay..
"Patawad thylandier.. M-mahal namin ang isat isa at hindi ko kayang ibigay sayo ang hinahangad mong pagmamahal mula sa akin.. H-hindi kita kayang lokohin at hindi ko din kayang lokohin ang aking sarili.. M-mahal namin ang isat isa."
Teka ito ang eksena na pagtatangkang pagbaril ni thylandier kay dairus ng malaman nyang hindi sya mahal ni nathalia.
"Hindi ko inaasahang mangyayari ang bagay na kinatatakutan ko.. P-paulit ulit kong ipinamumukha sa aking sarili na wala ka nga talagang pagmamahal sa akin.."
Huh!! Mali- mali... Bakit ganito? Hindi bat maglalabas ng baril si thylandier sa eksena na ito..
"Patawad.."
"A-ako'y natutuwang nagpakatotoo ka sa iyong sarili nathalia.. Nakatutuwa ang iyong ipinapakita sa akin. Akala ko ay magagawa kong angkinin ang katulad mo.. Subalit ako ay nabigo sapagkat si dairus parin ang iyong iniibig.. P-pinalalaya na kita nathalia alam kong magiging masaya ka sa piling ni dairus."
No way!! Gagawin ko ang lahat mapasa akin ka lang!!- Thylandier Third- Yan dapat ang sasabihin mo thylandier bakit tila nagiba ang ihip ng hangin at iba ang nasabi mo kay nathalia at dairus?
Mas lalo akong nangamba ng talikuran ni thylandier sina nathalia at dairus na hindi ko inaasahan.. WHY?? Hindi ito ang inaasahan kong eksena ng tatlo!!
Halos mapaatras ako ng magtama ang paningin namin ni thylandier.. SHIT!! NAKITA BA NYA AKO?
*** ***
"LENZYYYYYYYYYYYY"
Halos mapamura ako ng bigla akong nahulog sa kama na kinahihigaan ko ng bigla kong marinig ang nakaririnding tinig ni Erika kasama si Noime.. My two best-friend.
Napahawak pa ako sa aking ulo ng bigla bigla itong sumasakit dahil sa pagkabigla ng pagkagising ko dahil sa malakas na sigaw ni Erika.
"Bakit hindi ka nagsabing nakabalik kana.."
Napapailing kong iniabot ang unan at inis kong binato si Erika na tatawa tawa pang umupo sa kama ko kasama si noime na nakangiti sa akin.
"Oo nga!! Porket nakarating lang ng state hindi na nagsabi na darating sya.."
Wow!! Makapagsalita ng ganun akala mo hindi nakakapunta ng dubai at paris..
"Woi!! Ikaw nga noime nakarating ka ng paris at dubai hindi ka din naman nagsabi na uuwi ka din ng pilipinas samantalang ako nagsasabi ako sa inyo.."
Inis at nangaasar na bulyaw ni Erika kay noime na napapakamot pa sa kanyang batok na ikinangisi ko naman sa dalawa.
"Coming from you,ah!! Nice one Erika.. Isa ka din naman,eh.. Oh! Oh! Aangil kapa.."
Natatawa kong sigaw sa kanya ng makatayo na ako ng maayos sa pagkakasalampak ko kanina ay umalingaw-ngaw ang tawa ng dalawa sa harapan ko.. MGA WALANG PINAGBAGO!! ABNORMAL PARIN ANG DALAWA..
Natahimik naman agad ako ng maalala ko na naman ang panaginip ko.. Tama panaginip lang ang lahat ng eksena na nakita ko..
"Hindi ko inaasahang mangyayari ang bagay na kinatatakutan ko.. P-paulit ulit kong ipinamumukha sa aking sarili na wala ka nga talagang pagmamahal sa akin.."
"Patawad.."
"A-ako'y natutuwang nagpakatotoo ka sa iyong sarili nathalia.. Nakatutuwa ang iyong ipinapakita sa akin. Akala ko ay magagawa kong angkinin ang katulad mo.. Subalit ako ay nabigo sapagkat si dairus parin ang iyong iniibig.. P-pinalalaya na kita nathalia alam kong magiging masaya ka sa piling ni dairus."
Bakit ganun na lang bigla ang nangyari sa eksena nila dairus, nathalia at thylandier? A-at isa pa bakit kailangang magtagpo ang mga mata naming dalawa?
"HOY BRUHA.."
Halos mainis naman ako sa pagbatok ni noime sa akin kaya naman inis akong naglakad palabas ng kwarto ko sa condo unit ko..
Hindi ba nya alam na nag d-daydream ako?
"Okay ka lang lenz?"
Nahihimigan ko sa tono ng pagtatanung ni Erika ang pag aalala kaya naman dali dali ko silang nilingon at ngumiti ng pilit bago sila sinagot.
"I-I don't know..B-but I think I-I'm tired."
Hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin ng eksena na titigan namin ni thylandier sa panaginip ko.. May mali sa scene na yun at yun ang hindi ko maintindihan.
"Hah!! Ganun ba.. Yayayain ka sana naming uminom sa sikat na bar.."
Napalingon naman agad ako kay noime ng magsalita ito sa likuran namin ni Erika.
"S-sige sasama ako.."
Halos lumaki naman ang ngiti sa labi nila at umupo sa sofa.
"Hintayin ka namin.."
Tumango na lamang ako at dumeretsyo na sa comfort room sa kwarto ko.
Nagsimula na nga akong mag shower para makapunta na kami sa sinasabing bar. Ngayon na lang uli ako makakainom kasama sila noime at erika..
*** ***
"Grabe!! Ang ingay naman dito."
Angil ko kina erika at noime na tatawa tawang naglakad papunta sa counter bar at umupo kaming tatlo.
"Three red wine."
Nakangiting order ni Erika sa lalaking nasa harap namin.. I think he's bartender..
Nagpalinga linga ako habang ang iba ay nagsasayawan at ang iba naman ay simple lang kung uminom habang ang iba ay naninigarilyo habang may kausap na babae or kaibigan then meron din namang nagm-make out in public..
Grabe!! Ganito ba talaga ang bar?? Hanep,ah! Naghahalikan sa maraming tao.. ANO TO?
"Hoy ayos ka lang ba talaga?"
Napapailing naman akong tumango sa dalawang kasama ko..
"H-hindi lang ako sanay sa nakikita ko.."
Natatawang sagot ko kay Erika na nasa gitna namin ni noime.. Panay naman ang pag iling ko ng masulyapan ko na naman ang mga naghahalikan sa loob ng bar na pinuntahan namin.. Haysss... Buset!! Public to,ah. Andami kayang nakakakita..
Ilang oras pa kaming umiinom ng red wine na tatlo habang nagkukuwentuhan sa nakaraan naming tatlo panay lang ang pagtawa namin mayat maya ay nakaramdam na ako ng sakit sa ulo at parang nanlalabo na ang mga mata ko.. HINDI DIN KASE AKO SANA'Y UMINOM.
"A-ahh.. U-uwi na ako nahihilo na kase ako.."
"Kaya mo bang bumalik sa condo mo?"
Tumango na lamang ako kay Erika habang si noime naman ay nakapikit na at nakasandal ang ulo.. Isa din!! Mahina din sa inuman..
"B-bantayan mo na lang yang kasama mo.."
Natatawang turan ko at inginuso si noime na mukhang masarap na ang tulog kahit nakasandal lang naman ito.
"Ako ng bahala... Ingat ka!!"
Tumango na lamang ako at tumayo na sa pagkakaupo.. Kahit nanlalabo na ang mga mata ko ay pinilit kong ayusin ang lakad ko hanggang sa marating ko na ang pinto ng bar.. Pahakbang na ako ng maisalampak ako ng may lalaking bumangga sa akin. BASTOS YUN,AH.
Keysa makipagtalo sa lalaki ay tumayo ako at muling naglakad ng tuluyan ngunit bago yun ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo habang tinitignan ang kabuuan ng kalsadang kinatatayuan ko parang umiikot ako habang unti unti kong nakikita ang pagiiba ng kinatatayuan ko.. TEKA!! ANONG NANGYAYARI SA AKIN?
Napaupo ako at napahawak sa aking ulo habang pinagmamasdan ang kabuuan ng daan na kinakasalampak ko na ngayon.
Nandidilim na din ang paningin ko habang tinitignan ang lugar na unti unti na ding nagdidilim sa aking paningin.
"Binibini.."
"Mayroong binibini dito.."
Halos malula ako na napapikit ng makita ko ang isang ale na papalapit na sa akin hanggang sa tuluyan ko ng naramdaman ang pagkakahiga ko sa kinasalampak ko..