PATULOY ang pagbuhos ng ulan sa madilim na kalsada sa gabing iyon, halos walang patid ang pagpatak ng malamig na tubig ulan sa sementadong daan na nang-gagaling sa alapaap.
Hindi siya makapaglakad pauwi, dahil hindi siya nakapagdala ng payong. Nanunuot ang lamig ng hangin sa kaniyang katawan na hatid ng tubig ulan sa paligid. Tila nakapag-daragdag sa kakaibang katahimikan ng paligid ang bawat patak ng ulan. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng gate, habang naghihintay ng masasakiyan.
Ngunit batid niya na sa mga ganoong oras ay malabo ng may mapadaang pampasaherong sasakiyan. Hihintayin nalang niyang tumila ng kahit kaunti man lang ang malakas na buhos ng ulan.
Muli naalala niya ang nangyari kamakailan, kung saan tinapos niya ang paghihirap ng kaniyang ama. Kinailangan niyang gawin iyon, 'di dahil ginusto niya iyon o siya ay uhaw sa pagpaslang. Sapagkat iyon ang dapat niyang gawin sa mga sandaling iyon. Matagal ng panahon noong huli siyang kumitil ng buhay, may sampung taon na rin ang nakararaan.
Kung hindi niya inunahan ang ama, tiyak siya ang mawawala sa mundo. Napakatuso nito, kaya nitong gawin ang lahat ng imposible. Kahit mahina na ang katawan nito, ito na rin ang nagsabing makapangyarihan ang angkan na pinanggalingan nito.
Nakakatiyak siyang pinaghahanap na siya mismo ng mga pinagtitiwalaan nitong tauhan na nasa Samar, mabuti nalang at kahit kaunti nag-iba na ang itsura niya sa mga nakalipas na taon.
Natigil ang malalim niyang pag-iisip ng mula sa 'di kalayuan, kitang-kita niya ang paparating na puting kotse. Natitiyak niyang hindi taga doon ang nagmamaneho ng kotseng kaniyang natatanaw, dahil bukod sa bagong modelo ito. Sa mga magazine lang makikita ang mga ganitong klaseng modelo ng kotse.
Nanatili siyang tahimik na nakatayo sa kaniyang kinaroroonan, habang nakamasid siya sa palapit na puting kotse. Napatitig siya ngayon sa humintong sasakiyan sa mismong tapat niya, dahan-dahang bumaba ang bintana ng kotse. Kung saan naroon na nakupo ang isang dalaga, mula sa dilim kitang-kita niya ang pamilyar at maamong mukha nito. Bigla siyang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na damdamin, nang tuluyan na nga niyang matunghayan ang kabuuan ng mukha nito.
Bigla ang pagsalakay ng kaba sa kaniyang dib-dib, hindi niya aakalaing sa tinagal-tagal ng panahon. Makakaramdam siya ng ganoon, dahil nang maranasan na niya ang pumatay ay inihanda na rin niya ang sarili. Na huwag makaramdam ng kahit na ano mang damdamin, para patuloy siyang buhay at ligtas na maari niyang ikapahamak kapag nagkamali siya nang hakbang.
"H-hai goodevening baka gusto mong maki-angkas?"Agad na bungad nito sa kaniya. Titig na titig ito sa kaniya, maski siya'y ganoon din. Tila namagneto sila sa bawat titig ng isa't isa, walang nais na kumurap sa mga sandaling iyon.
Hindi niya maintindihan ang mismong sarili, tila kay gaan ng pakiramdam niya sa babaing kaharap. Tila kay tagal na niya itong kakilala, 'yung pakiramdam na parang matagal na nilang kilala ang isa't isa.
Damdamin na tila kay tagal nilang nangulila sa presensiya ng bawat isa. Ngayon ay muli na silang pinagtagpo ng panahon.
Isang maluwang na ngiti ang sumilay sa labi niya, inilahad niya ang kanang palad. "Siya nga pala, ako nga pala si Shin Montello. A-ano nga pala ang iyong pangalan binibini?"Napakurap-kurap ito ng makita niyang sumilay sa labi ng babae ang napakagandang ngiti.
Bagamat kamukhang-kamukha ito ng kakambal niyang si Dada ay may hawig din sila sa bawat kilos. Alam niyang may kakaiba sa babaing kaharap. Nais pa niya itong makilala ng lubusan, kaya hindi niya hahayaang 'di niya malaman ang pangalan nito.
Dahan-dahang nagdaop ang kanilang palad, kasabay ng pagkakadaiti ng kanilang palad ay ang biglang pagkidlat ng matatalim at pagkulog ng pagkalakas-lakas ang kanilang naulinigan na nagmula sa madilim na kalangitan. Tila nakaramdam sila ng kuryenti sa pagkakahugpong ng kanilang mga palad, "Ako nga pala si Carrieline Monteclaro, nice to meet you Shin..."malamyos ang tinig ang nanulas sa bibig ng dalaga.
Mayamaya biglang nabitawan ni Carrieline ang kamay ni Shin. Buhat sa may likuran nito nakita niyang nakatayo roon si Toushiro, mababakas ang kalungkutan sa mukha, nakatitig ito sa kaniya. Habang may tumutulong dugo sa ulo nito.
Madilim ang paligid, kaya ang tanging kislap na nagmumula sa kidlat lamang, ang nagbigay sa kaniya ng pahapyaw na liwanag para sapat niyang makita ito. Bigla siyang kinilabutan nang unti-unting lumalapit ito sa binata, si Shin ay nagtaka na rin sa kakaibang ikinikilos ng dalaga.
Naramdaman niya ang pagtaasan ng pinong buhok niya sa batok at braso. Pakiramdam niya tila may mga pares ng mata ang kasalukuyang nagmamatiyag sa kanila. Nanatiling nakatitig niya sa likuran si Carrieline, akma siyang lilingun sa kaniyang likod ng biglang nagsalita ang dalaga. Nakita pa niya ang sunod-sunod na paglunok nito.
"S-sakay na Shin, idaan ka nalang namin kung saan ang inyo."pilit ang ngiting nakabadha sa labi ni Carrieline. Maski ang panginginig ng boses nito'y hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng binata. Dahan-dahang binitiwan ng dalaga ang hawak pa rin niyang kamay, nakaramdam siya ng panghihinayang ng sandaling bitiwan nga ni Carrieline ang kamay niya.
Mabilis siyang pumasok pagkabukas niya ng pintuan ng kotse nito. Agad siyang napatingin sa kasama nitong si Jared, sarap na sarap pa ang tolog nito habang mahigpit na yakap-yakap ang stuff toy na si sponge bob.
Tila naman napansin ni Carrieline ang biglaang paglipad ng tingin ni Shin sa katabi niyang si Jared.
"Siya nga pala si Jared, Shin. Best friend ko."pakilala ni Carrieline sa binata. Ngunit hindi niya nakakitaan ng anumang reaction ito, nanatiling blangko ang mukha ng binata. Hanggang sa sabihin nga nito kung saan ito baba.
Nakababa na ng kotse si Shin nang muli itong magsalita. "Salamat nga pala sa paghatid, Carrieline."
Nakita na niyang nakangiti na ang binata sa kaniya, bigla-bigla ang agad na pagbabago sa mood nito. Na hindi normal sa isang tao. Pinagmasdan niya ang bawat galaw ng binata, hanggang sa may mapagtanto ito.
"S-sige magandang gabi sa iyo Shin,"bulong ni Carrieline.
Isasara na sana niya ang bintana ng muling magsalita si Shin. "Maari ko bang kunin ang iyong cellphone number Carrie?" Tanong ng binata sa kaniya. Napangiti siya habang nererecite niya sa harapan ng binata ang kaniyang numero.
Matapos na mai-save ni Shin ang numero niya, agad na siyang nagpaalam sa binata. Lumakas lalo kasi ang ulan, mahihirapan silang pumasok sa looban kung tatagal pa ang kanilang biyahe.
Tumango ang binata at kumaway ito pagkatapos. Habang nagmamaneho si Carrieline, muling bumalik ang isip niya ang nangyari kanina kung saan niya rin nakita si Shin. Ang eskuwelahan, kung saan iyon ang lugar na nasa larawan. Kung saan nakita niya si Toushiro rin. Sunod-sunod na ang samo't-saring isipin sa kaniya.
Bigla na lamang tumulo ang luha ni Carrieline, kitang-kita niya kasi ang duguang mukha ni Toushiro sa harapang salamin ng kaniyang kotse. Nakaupo ito mula sa likuran, napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela ng kaniyang kotse.
"Carrie, ikaw lamang ang makakatulong sa amin. Sana matulungan mo kami ni Dexter..."tila bulong lang sa hangin ang narinig niyang tinig ni Tosh.
Mabilis niyang ikinabig ang manibela ng kotse, dahil sa papasalubong na kotse. Nagpaekis-ekis pa ito, hanggang sa tuluyang huminto ito sa gitna ng daan. Nagbigay naman ng malakas na ingay ang sumagitsit na gulong ng kotseng minamaneho ni Carrieline. Na umabot pa sa pandinig ni Shin.
Napabalikwas pa ng bangon si Jared ng maramdaman ang biglang pag-alog ng kotseng kinalulunan niya. Laking pangamba niya ng makitang nakaluklok si Carrieline sa harapan ng manibela, patuloy lang ang mabigat na pagluha ng dalaga.
"What's wrong Carrie?"takang-tanong nito sa umiiyak na dalaga. Minasdan ng binata ang kinaroroonan nila, hindi niya matukoy bakit nakatirik sa gitna ng daan ang kotseng minamaneho ng dalaga. Hinagod nalang niya ang likod nito at hinayaan ito sa ganoong ayos. Alam niyang madami ang pinagdadaanan nito sa mga sandaling iyon.
Unti-untin namang naglaho si Toushiro sa likurang bahagi ng kotse. Batid na nitong alam na ng dalaga ang nais niyang iparating dito sa mga sandaling iyon.
Umaasam ito ng labis na sana ay matulungan siya nito kahit alam nitong delikado. Nakakatiyak si Toushiro na si Carrieline lamang ang susi para matulungan ang kakambal nilang si Dexter sa kinakaharap nitong laban...