Chereads / Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 13 - Kabanata 10

Chapter 13 - Kabanata 10

SA isang kisap-mata'y napunta siya sa isang lugar kung saan hindi pamilyar sa kaniya.  Nakatayo siya sa isang malawak na lupain, kung saan kitang-kita niya ang mga magsasakang nag-aani ng mga palay.

Tila napunta siya sa isang sinaunang taon, mga klase ng damit na suot ng mga taong nasa paligid niya'y tila mga kasuotan noong panahon pa ni Rizal.

Tila hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid niya, dinadaanan lamang siya. Ang iba ay patuloy lang sa pagtatabas. 

Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan nang yabag ng kabayo, kitang-kita ng dalawang mata niya ang lalaking nakasakay mula roon. Napanganga siya habang titig na titig siya sa mukha nito. Kamukhang-kamukha ito ni Shin!

"Magandang umaga Señyorito, dumating na pala kayo buhat sa Maynila?"Nakangiting pagbati ng matandang babae rito. Natitiyak niyang ito ang pinuno ng mga magsasaka na nagtratrabaho sa lupain ng mga ito. Base na rin sa asta nito at kilos, agad din namang bumati ang lalaki.

"Oo kadarating ko lamang, maari ko bang malaman kung nasaan si Laura?"Nasa tinig nito ang pinaghalong pananaabik.

"P-po?! sandali lamang at tatawagin ko lamang siya,"nakangiti nitong sabi. Agad itong naglakad papasok sa palayan, mayamaya'y hawak-hawak na nito sa siko ang isang dalaga. 

Umeedad ito ng disi-nueve, habang ang lalaki ay nasa benti otso. Napangiti ng maluwang ang binata pagkakita sa dalaga.

"Magandang umaga binibining Laura, napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?"Tanong ng binata.

Tumingin nang masama ito sa binata, kasabay niyon ang pagsasabi ng mga salitang umalingaw-ngaw sa buong paligid. Maski ang mga magsasakang nag-aani ay palihim na napasulyap.

"Kailanma'y hinding-hindi mo makukuha ang gusto mo señyorito, kung maari sana huling beses mo na itong itatanong sa akin!"Puno ng pagkasuklam ang nangibabaw sa tinig ng dalaga. 

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ng lalaking nakasakay sa kabayo. Tila nahalinhinan nang poot at pagdaramdam ang mukha nito.

"Laura... kailanman walang maaring tumanggi sa isang katulad kong nanggaling sa angkan ng mga Lacus. Sa ayaw at sa gusto mo magiging akin ka. Kung gusto mo pang mabuhay ang iyong ama!"Mariin nitong pagbabanta. Matapos ang ilang sandaling pagtitig ng binata sa dalaga ay mabilis nang pinatakbo palayo ang  kabayong kinalulunan nito.

Nagpupuyos sa galit  si Laura, mula sa kaniyang kinatatayuan ay napagmasdan niyang maiigi ito. Napagtanto niyang may pagkakahawig sila nito. 

Bigla ay nakaramdam siya ng kung ano sa kaniyang katawan, napapikit siya sa biglang pagsalakay ng kakaibang sensasyon sa kanya. Nang imulat niya ang mga mata, tumambad sa kaniya ang kakahuyan na pagmamay-ari ng pamilya Lacus. Lalo pa siyang nagimbal nang makita niyang wala na siyang suot na anumang saplot, kitang-kita niya ang sinaunang damit niya na nasa may 'di kalayuan. Napuno ng gasgas at pasa ang buo niyang katawan, biglang nakaramdam siya ng galit nang makita niya mula sa malayo si Señyorito Haimee.

Oo nagkagustuhan sila sa totoo lang, mahal niya ito. Ngunit hindi niya maatim mapabilang sa angkan nito. Dahil may sakit ang mga ito na namamana pa sa susunod pang henerasyon. Kilala rin na walang awa ang mga ito,  napakagat-labi siya ng maramdaman niya ang mahapding parte sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. 

Akala pa man din niya nang sumama siya rito kanina ay makakapag-usap sila nito ng maayos at magsasabi ito ng totoo. Ngunit hindi niya aakalaing may binabalak itong masama sa kaniya.

Dahan-dahan niyang hinagilap ang katanang bigay ng kaniyang ama, mahigpit na niyang hawak ito at akma na niyang isasaksak sa binata. Nang walang anu-ano'y mabilis lang na hinawakan ni Haimme ang palapulsuhan niya.

"Tumigil ka Laura! wala ka nang magagawa... kung pumayag ka lang sana. Hindi sana kita dadaanin sa dahas!"Pinanlakihan siya ng mga mata nito kasabay nang paghampas ng murang katawan ni Laura sa lupa. Kasabay ng pagkakasadlak nito ay nabitawan nito ang hawak na katana. Agad iyon pinulot ni Haimee, tuluyan ng nagdilim ang buo niyang kaisipan, mahal na mahal niya ito sa totoo lang. Ngunit ito mismo ang nagtulak sa kaniyang magbago, hindi niya aakalain na lalayuan siya ng dalaga dahil sa nalaman nitong may sakit siya sa pag-iisip. Kaya nagpupunta siya sa Maynila, dahil nagpapagamot siya roon. Malaki ang naging improvement niya sabi ng Doctor niya, ang lahat niyon ay inilihim niya kay Laura. Ngunit hindi niya aakalaing aayawan siya nito ng ganon-ganon lang. Alam niyang minahal siya nito, ngunit hindi siya nito kayang mapanindigan. Kaya mas mabuti pang paslangin na lamang niya ito para wala na ritong makinabang pa! Mga salitang bumulag sa pag-iisip ni Haimee sa mga oras na iyon. Tuluyan na itong kinain ng sariling poot!

Wala  sa sarili habang dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Sa isang kisap-mata'y sunod-sunod na ang ginawa niyang pagsaksak rito! 

"Napakawalang-hiya mo H-Haimee, pagbabayaran ng angkan niyo ng malaki ang ginawa mong ito. Lahat ng lalaking panganay ay kakapitan ng sumpa. Hangga't may nabubuhay sa inyong lahi ay hindi mapuputol ito!"Habol at paputol-putol na paghinga ni Laura. Napuno ng poot at pagkamunghi ang mukha nito. Kasabay naman niyon ang pagkawala ng aking malay...

UNTI-UNTI siyang nagmulat, nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang may isang itim na anino ang pumupulupot kay Toushiro. Kitang-kita niya ang paghihirap sa mukha nito.

"T-Toushiro!"Hysterical niyang sigaw rito. Napalingon ang itim na anino, mabilis nang ipinulupot ng mga galamay nito sa katawan ng binata. 

"Carrie si Dexter, k-kailangan ka niya!"Naisigaw pa nito bago itong tuluyan hilahin sa kawalan ng itim na anino...