PATULOY ang grabeng pag-iyak ni Carrieline, puno na nang pagtataka ang nasa mukha ng mga taong nadadaanan nila ni Jared.
"Bitiwan mo ako Red, k-kailangan kong matulungan si Dexter. So please... put me down, pupuntahan ko siya sa kanila!"Naghuhumiyaw sa sambit ni Carrieline sa binata. Pinaghahampas niya ito sa likod, dahil pasan siya mula sa balikat nito. Kaya hindi siya makatakbo rito, dahil tila bakal ang kamay nitong nakahawak sa katawan niya.
Nagpapalag siya para tuluyan na siyang ibaba nito, kailangan nilang mag-usap ni Dexter. Hindi niya hahayaang pati ito ay mapasakamay ng itim na anino. Lalo siyang nagwala ng sapilitan siyang ipinasok ni Jared sa loob ng kaniyang kotse.
"I hate you Jared, why you have to do this. Dexter need me, kaya puwedi umalis ka diyan!"Gigil na sigaw ni Carrieline sa binatang nanatiling nakaharang sa labasan ng kotse, akma niyang bubuksan ang pintuan sa kabilang side ng kotse. Ngunit sa pagkadismaya niya, nakalock iyon.
"Ano ba Jared, palabasin mo ko... get out of my way!"Patuloy na niyang pagwawala. Pakiramdam niya kapag hindi niya napuntahan ngayon si Dexter ay hindi na siya magkakaroon ng chance na makita o makausap ito.
"Tama na Carrie, hindi kita papayagang makaalis. Kaya puwedi umuwi na lang tayo, saka ibinilin sa akin ng sinasabi mong Dexter na ako ng bahala sa iyo. See... that's means you have to stop now, so please Carrie... kanina pa tumatawag si tito."pagmamatigas nito habang hawak-hawak nito ang mga kamay ng dalaga.
Mayamaya'y tuluyang tumigil si Carrieline, tila napagod na rin ito." Dahan-dahang umalis si Jared sa harap ng pintuan nang mapagtanto niyang nahimasmasan na ang dalaga.
Marahan niyang tinapunan ang pamumula at kalmot sa mukha, leeg at braso. Actually hindi niya ininda ang pinong kirot na nagmumula sa mga iyon. Kung 'di ang kakaibang sakit na biglang namuo sa kaibuturan ng kaniyang puso sa mga sandaling iyon. Ang sakit lang na makitang umiiyak ang babaeng mahal niya sa iba--- sa lalaking minahal nito mula sa panaginip.
Natigilan siya kanina nang makita niya mismo sa kaniyang harapan ang tila nabuhay na imaheng ipinipinta ng dalaga. Hindi niya aakalaing, matatagpuan at makikilala ito ng dalaga. Labis siyang nanibugho nang makita niya kung gaano mahumaling si Carrieline rito, kung paano nito iyakan ang lalaking ngayon-ngayon lang nito nakita. Nagpupuyos siya sa galit, bakit kung sino pa ang pinili ng puso mong mahalin ay siya pang may ibang minamahal.
... And it hurts him big time.
Mabilis silang nakarating sa tahanan nina Carrieline, nakita niyang nanatiling nakatutok lang ang mga mata ng dalaga sa harap ng kotse.
Itinigil na niya ang kotse, marahan niyang idinantay sa palad ng dalaga ang mga kamay niya. Ngunit iwinaksi lang nito iyon, muli nasaktan siya sa inasal nito.
"Pwedi ba, 'wag mo kong hahawakan!"Pasigaw nitong sabi, mabilis nitong kinalas ang pagkakabit ng kaniyang seatbelt. Ngunit sa isang galaw biglang nakaramdam si Carrieline ng pinong kirot na nagmumula sa kaniyang dib-dib. Napasandig ito sa upuan ng kotse, habang habol niya ang hininga. Bigla naman nataranta si Jared, agad niyang tinawag ang Mommy at Daddy ni Carrieline mula sa loob. Mabilis na lumapit ang mag-asawa sa kanilang anak na namumutla na at naghahabol na ng hininga.
"Carrie hold on, my goodness!"Panic na saad ng ama nito, mabilis nitong binalingan si Jared na nanatiling nakatayo sa labas ng kotse. Ang Mommy naman nito ay kitang-kita na ang labis nitong pag-aalala sa anak.
"Simplemente no quiero repetir lo que sucedió en el pasado!"(Anak kapit lang ayaw ko ng maulit ang nangyari noon!)Sabi ng ginang.
Nagmalabis na rin ang luha sa pisngi nito. "Nunca podré perder a un hijo Carrie, ¡no más!"(Hindi ko na kakayaning mawalan pa ng isang anak Carrie, hindi na!)Wika nitong muli.
"Jared iho, pumasok ka na... kailangan na nating dalhin si Carrie sa hospital bilis!"Mando ni Fermin sa binata na agad namang umupo sa driver seat, nanginginig pa ang mga kamay nito. Habang ikinakabit nito ang seat belt. Lalo siyang nataranta nang makita niyang nagsuka na si Carrieline, kasabay ng pagtirik ng mga mata nito at panginginig ng katawan. Awang-awa siya rito, kapag ganito na parati itong inaatake ng sakit parang siya ang nasa sitwasyon nito. Mabilis niyang pinaandar ang kotse.
Sa paputol-putol na pagmulat ng mga mata ni Carrieline ay nakita niya mula sa labas ng kaniyang kotse ang nakatayong si Dexter. Tila may kakaiba sa titig nito sa mga oras na iyon, marahan niyang idinantay ang daliri sa bintana ng kaniyang kotse. Hindi na niya naalala ang sumunod na pangyayari, dahilan ay nawalan na siya ng ulirat.
HINDI batid ni Carrieline kong ilang oras siyang nakatulog, basta paggising niya nasa loob na siya ng puting silid. Hindi na bago sa kaniya ang mga ganoong tanawin, dahil kahit nasa Maynila ay inaatake siya ng sakit. Madalas siyang itinatakbo sa pagamutan.
Marahan niyang iginala ang tingin, madilim-dilim pa kaya hindi siya masiyadong makaaninag. Ngunit may isang bagay ang siyang umagaw sa atensyon niya, bigla ay nakaramdam ito ng kaba at takot nang mapagtanto niyang pigura ng isang tao iyon. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng unti-unting naglakad ito palapit sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag ng lubos niya itong makilala.
"Ikaw pala 'yan Dex, m-mabuti naman at bumalik ka,"nanghihinang saad ni Carrieline habang marahan na niyang idinantay ang palad niya sa kamay nito.
Ngunit pagkagimbal at takot ang bumalot sa kaniya ng masilayan niya ang itim na itim at nangangalit na mata ni Dexter. Nangibabaw kay Carrieline ang labis na sindak.
Nahigit niya ang hininga ng mablis at mahigpit siyang hinawakan sa leeg nito, pilit niyang inaalis ang tila bakal nitong kamay.
"P-please D-Dex 'di na ko makahinga..."nauubo at paputol-putol na bigkas ni Carrieline. Nasa tinig niya ang labis na hirap at pangangapos ng hinga. Isang malademonyong ngiti ang nakita niya sa mukha nito.
"Kung sana nakinig ka lang sa kaniya hindi sana ganito ang aabutin mo Carrieline!"Marahas nitong sigaw sa kaniya. Bigla ang pagbabago ng mukha nito, unti-unting kumurba ang ibang wangis sa mukha nito.
Hanggang sa tuluyang tumambad ang tunay nitong katauhan. Tila siya ang nakatunghay sa sarili, ipinagkaiba lang ay ang maitim nitong mga mata; ang naagnas nitong mukha na tila nanggaling sa hukay. Punit-punit ang damit nito na nakadesinyo ng sinaunang damit na parang sa kapanahunan pa ni Rizal. Makikita niya rito ang labis na pagkapoot sa itsura nito.
Unti-unti ng pinapangapusan ng hangin si Carrieline, ngunit sa pagkagulat niya'y biglang nawala ang mga kamay na nakahawak sa leeg niya. Agad ang pagsagap niya ng hangin, habang sapo-sapo niya ang dib-dib. Kitang-kita niya ang paglalaban ng dalawang anino sa harapan niya. Maririnig niya ang nakakakilabot na atungal ng bawat isa, ang bawat mararahas na hampas ng hangin sa ere ng dalawang anino na naglalaban.
Hanggang sa isang bisig ang mahigpit na yumakap sa kaniya sa mga sandaling iyon. Mga bisig na kabasidong-kabisado niya sa tuwing mananaginip siya at makakasama niya ito.
"Huwag ka ng matakot Carrie, hindi kita hahayahang masaktan... pangako ko 'yan sa iyo,"puno ng pagmamahal na bulong ni Dexter.
Nakita niya ang mukha nitong puno ng pagmamahal na nagbigay sa kaniya ng assurance na sa piling nito alam niyang mananatili siyang malayo sa kapahamakan.
Napapikit nalang si Carrieline habang nilamon na ang buong paligid ng liwanag pagkatapos nang makaraang sandali...