MABILIS siyang naghanda para sa pag-alis ng opisina. Katatapos niya lamang sa pagbabasa ng nobelang ipinadala ni Dexter, madami itong nalaman kahit papaano. Marami na ang pinagdaanan nito sa totoo lang.
Pasakay na siya sa elevator ng makita niya mula sa loob si Jeyda ang bunso nina Dexter. Nakatingin lang ito sa kaniya, nasa mga mata nito ang labis na ligalig at pangamba ng mga oras na iyon. Napalunok muna ang dalaga, bago ito mag-umpisang magsalita.
"Ahmm.. Dada, ano bang kailangan mo?"Puno ng kalituhang tanong ni Carrieline rito.
Nagbabakasakali itong sagutin siya nito. Ngunit sa pagkamangha niya`y unti-unting kumurba sa labi nitoang isang pagkatamis-tamis na ngiti. Tila lumiwanag pa nga ang palibot nito ng mga sandaling iyon.
"N-nakita mo ako Carrie?"Ang maluha-luha na tanong ni Jeyda rito.
"Oo naman, noong nasa hospital pa lamang ako,"sagot niya.
"Halla! Ano ba `yan matagal mo na palang akong nakikita hindi mo man lang ako kinakausap,"nagtatampo nitong sabi sa dalaga. Bigla siyang naguluhan dahil sa sinabi nito.
"Malay ko ba Jeyda, saka ang alam ko patay ka na rin eh. Saka, bakit puwedi naman ikaw ang maunang makipag-usap sa akin ah,"sagot naman niya rito. Naglakad na siya papasok ng elevator, kailangan niyang bilisan. Dahil babiyahe pa siya papunta sa San Rusico. Alam niya na rin kung saan matatagpuan si Dexter. Salamat sa binata, naibulong nalang niya sa sarili. Biglang napasulyap si Carrieline kay Jeyda nang muli itong umimik sa kaniyang tabi.
"H-hindi kasi ako maaring ang unang mag-salita Carrie,"bulong nito mula sa kaniyang tabi. Nanatili itong nakatungo sa mga sandaling iyon.
"Bakit naman?"Usisa niya, naguguluhan siya rito. Lumabas na siya ng elevator, naglalakad na ito ng building nang marinig niya ang bigla nitong sinabi.
"P-pakiulit ang sinabi mo, D-Dada?"May bahagiya pang kinig ang tinig niya ng mga sandaling iyon. `Di niya mawari kung tamaa ba ang pagkakarinig niya sa mga salitang lumabas sa bibig nito ngayon.
"Kambal mo ako Carrie, nagbalik ako dahil may huling misyon akong hindi ko nagawa noong nabubuhay pa lamang ako. D-Dahil sa napatay nga ako ni Kuya Dexter,"paliwanag nito sa kaniya.
"Paano mo nasabi na magkambal tayo Dada?"Nasa tinig niya ang kabiglaan, bagamat unti-unti na siyang naniniwala rito. Kaya Pala magkamukhang-magkamukha sila nito. Dahil kambal silang tunay. Sa mga oras na iyon, bigla siyang nakadama ng kakaibang kaligayahan. Marahan niyang inilapit ang mga kamay ng kasama, ngunit tumagos lamang ang palad niya.
"Si Papa ang nagsabi, hmmm Papa nina Dexter. Sabay kasing nanganak ang Mama nila at Mama natin, kaya nagkachance na maipagpalit kami ni Jeydi. Si Jeydi. Siya talaga ang tunay na kakambal nina Dexter."bunyag nito kay Carrieline. Kaya upang mabaling na naman ang tingin ng huli rito. Kaya pala pinatay ito dati ni Dexter dahil si Jeydi ay ang tunay na magkadugo, kaya pala noon palang... nag-uumpisa nang maghasik ng lagim ang itim na anino. Nakaramdam ito nang munting hinanakit sa kalahi nilang nagbigay ng sumpa kina Dexter. Madami na itong nakuhang buhay, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nito tinitigilan si Dexter.
Hindi matanggap ng dalaga na ang dugong nanalaytay rito at sa nilalang na sumumpa kina Dexter ay iisa lamang. Hindi niya gusto ang patuloy nitong paghihiganti sa angkan ng mga Lacus.
Nagiisang lahi nalang ng mga Lacus si Dexter, kung mawawala pa ito`y tiyak... Tuluyan nang mabubura sa mundo ang angkan nina Dexter. Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano matitigil ang sumpa.
Pasakay na siya ng kaniyang kotse nang biglang humarang si Jeyda, nasa mukha nito ang determinasyon...
"Hindi ako makakapayag na puntahan mo si Dexter, Carrie. Tamang ako na lamang ang nawala. Hindi ka na dapat pang madamay!"
Nagulat ito sa biglaang sinabi nito sa kaniya. "Naisin ko man na pagbigyan ka Jeyda. Hindi maari, kailangan kong tulungan si Dexter. Kaya please pabayaan mo na ako!"Puno ng paninindigang saad niya rito.
Tinitigan ito nang matagal ng kakambal niya. Nagkatitigan sila sa mata. Tila binabasa ni Jeyda ang nasa isip ni Carrieline sa pamamagitan ng pagsuyod sa kabuuan niya.
"May gusto ka ba kay Dexter, C-Carrie?"Hindi makapaniwalang tanong nito sa kambal.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin rito, agad niyang isinuksok sa lagayan ng susi ang hawak niyang susi. Napansin nito ang mabilis na pagsunod at pag-upo sa katabing upuan ni Carrieline.
"Sagutin mo ang tanong ko, may gusto ka ba kay Dexter Lacus... Oo o hindi?!"Malakas at may desperasyon na sa tinig ni Dada.
Pinatili lamang ni Carrieline na nakatutok ang pansin sa harapan, habang dahan-dahan niyang pinaandar ang kotse. Mahigpit niyang hawak ang manibela ng kotse nito.
"Mali ka nang iniisip Jeyda, hindi ko gusto si Dexter. Actually mahal na mahal ko siya,"bigkas nito. Isang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mga mata hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga iyon.
Akala niya'y naubos na ang lahat ng luha niya, ngunit nagkamali siya. Dahil sa araw-araw na hindi niya nagigisnan si Dexter ay lagi-lagi rin siyang umiiyak. Siya ang nahihirapan para sa taong mahal niya. Lalo`t sariling kadugo pa niya ang dahilan, kung bakit ito nasa ganoong sitwasyon. Kung alam lang sana ni Carrieline ang makakatanggal sa sumpa.
"So totoong magaganap ang nakatadhana, Carrieline. Masisira ang sumpa ng dahil sa iyo..."matalinhaggang bulong nito sa tabi ni Carrieline.
Marahan namang napasulyap ang dalaga rito, ngunit ibinalik rin nito sa harapan ang buong pansin.
"Ano ang ibig mong sabihin Dada, may nalalaman ka ba. Alam mo ba kung paano masisira ang sumpa?"
Bigla ay nagkaroon ito ng pag-asa na makakawala at maililigtas niya si Dexter sa itim na anino. Dumaan ang ilang sandali, nanatiling tahimik si Dada sa tabi nito. Gustong pilitin ng dalaga ang kakambal na magsabi sa mga alam nito kung paano masisira ang sumpa, pero tila ayaw nitong ibahagi kay Carrieline iyon.
Mayamaya`y bigla itong umimik sa kaniyang tabi.
"Oo alam ko kung paano masisira ang sumpa Carrie, p-pero napakadelikado. Pweding siya ang mawala o ikaw..."puno ng pag-aalala ang nasa tinig nitong sagot sa kakambal.
"Sabihin mo sa akin kung paano ko masisira ang sumpa Dada. K-kahit buhay ko ang maging kapalit, basta ba makita kung maging okay na si Dexter,"puno ng pagmamahal na sagot ni Carrieline kay Jeyda.
"Nahihibang ka na talaga Carrie!"Panenermon nito sa kakambal. Pero halatang concern lamang ito sa kaligtasan ni Carrieline.
"Hibang na kung hibang Dada, mahal na mahal ko siya and I`m willing to sacrifice my life just to free him by the grudge. Tutal Jeyda, doon din naman ang pupuntahan ko. Kaunting panahon na rin naman ang ilalagi ko rito sa mundong ibabaw, dahil may taning na rin naman ang buhay ko Jeyda."
Umiba ng tingin si Jeyda, nasa mukha nito ang labis na kalungkutan ng dahil sa pagkakabanggit niya sa sariling karamdaman.
Alam ni Carrieline, kahit hindi sila totaly lumaking magkasama ay nararamdaman niyang mahal na mahal ito ni Jeyda. Pero pasasaan darating ang panahon, magkakasama rin naman sila. Matatapos na ang lahat, matutuldukan na rin ang kaguluhan.
Pinakakaasam ni Carrieline na sana kahit sa huling pagkakataon ay matulungan nito si Dexter, dahil kahit paano may pinagsamahan na din naman ang dalawa. Kahit na sobrang sama ang nagawa ni Dexter noong nabubuhay pa sila nina Toushiro.
Kahit na ang totoo, hindi naman nito ginusto ang mga naganap dati...