AGAD siyang nagmulat ng mata, laking pagtataka nito ng mapansin niyang wala siya sa condominium niya. Ang huling naaalala niya'y nag-aayos siya ng mga gamit dahil may business tour siyang dadaluhan sa ibang bansa bago siya makaramdam ng pagkahilo.
Iginala niya ang kaniyang paningin, napagtanto niya na nasa mansiyon siya nina Carrieline. Iinot-inot siyang napaupo sa kama na kaniyang kinahihigahan, kung saan ito rin ang naging pansamantala niyang tulugan noong nagpunta silani Carrieline, may ilang buwan na rin ang nakararaan.
Napasulyap siya sa may pintuan nang pumasok ang Daddy ni Carrieline, may dala-dala pa itong tubig at mga pagkain. Bigla ay natakam siya.
"Kamusta ang pakiramdam mo iho, mabuti at nagkamalay kana."pangangamusta nito sa binata.
"Ah opo, medyo pagod pa rin po Tito,"sagot niya rito, habang nanatili pa rin ang tingin ni Jared sa dala-dala nitong pagkain. Tila ilang araw siyang walang kain, dahil sa labis na gutom na kaniyang nadama. Mataman siyang pinakatitigan ni Fermin, wari'y parang may gusto itong sabihin sa kaniya.
"Bakit po, saka Tito nagtataka lamang ako. Kasi h-hindi ko po matandaan kung paano po ako nakarating dito sa inyo?"Tanong ni Jared sa ama ni Carrie. ababakas sa tinig nito ang kalituhan.
Nag-alis muna ng bara ang matandang lalaki, napalingon muna ito sa labas ng bintana na katapat lamang ng kaniyang kinahihigahan. Nakito niya ang biglaang pagpanglaw ng mga mata nito.
"Tatlong araw kang walang malay iho..."sagot nito sa binata.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Jared dahil sa sinabi nito. Nagkandasamid-samid pa ito. Mabilis itong uminom ng tubig na dala nito.
"Po? Paano nangyari ho iyon, saka h-hindi ko po maalala kong paano po ako nakarating dito sa mansyon niyo Tito,"nalilitong usisa ng binata.
"Kumain ka muna riyan iho, maya ko na sasagutin ang lahat ng tanong mo okay. Aasikasuhin pa ang burol ni..."sagot nito sa kaniya.
Bigla-bigla ay sinalakay siya ng kaba sa sinabi nito.
"Po? S-sino pong namatay. Nasaan nga po pala si Carrieline?"Puno ng pag-aalala niyang sabi rito. Bigla siyang nawalan ng interes na kumain, dahil sa biglang sinabi ng Daddy ni Carrie.
Natatakot itong marinig sa matandang lalaki na baka si Carrieline ang kasalukuyang nakaburol.
Ngunit nakahinga siya ng maluwag nang mapag-alaman nitong hindi si Carrieline ang kasalukuyang nakaburol.
Dahil nakita niyang nakaupo ito sa harap ng kabaong, nasa mga mata nito ang labis na kapighatian. Parang may sinaling sa loob-loob nito pagkatingin ni Carrieline sa kaniya.
Naikuwento ng Daddy ni Carrieline kay Jared na may sumanib daw sa katawan niya. Ang pangalan nito'y Jeydi, ang inakala nilang kakambal ni Carrieline. Ngunit ang totoo hindi ito ang tunay nitong kambal, dahil ang tunay daw na kambal nito ay si Jeyda ang nag-iisang babae sa magkakapatid na Lacus na kinabibilangan ni Dexter. Napag-alaman nilang lihim na ipinagpalit ng ama nina Dexter na si Sherman si Jeydi at Jeyda. Hindi pa kasi uso ang nanganganak sa hospital dati, malaki raw ang ibinayad ng ama nina Dexter sa kumadruna kaya upang matagumpay na naipagpalit niya sina Jeydi at Jeyda.
Balak nitong gamitin si Jeyda sa kasalukuyan para malagot ang sumpa, ngunit nahuli si Sherwin na sabihin kay Dexter na mahalaga si Dada. Napatay na niya si Jeyda ng masabi nito ang lahat ng katotohanan kay Dexter.
Dumating nga ang puntong naging kumplikado na ang lahat dahil sa sumpang ipinataw ng kalahi nina Carrie sa angkan nina Dexter.
Maraming taon ang nagdaan, patuloy ang ginawang pagpapahirap ng itim na anino na bumuhay sa katauhan ni Laura. Sa panahon nito, may alam ang mga ito sa mahikang itim. Kung saan... isinangla ng ama ni Laura ang kaluluwa nito sa demonyo, dahil sa kagustuhang ariin nito ang buong ari-arian ng mga Pamilya Lacus. Dahil bantog ang angkan ng mga ito, bilang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman sa kanilang bayan. Maski sa iba't-ibang kalapit na bayan ay nangingimi ang lahat sa mga Lacus.
Dumaan ang maraming dekada patuloy na nagpalipat-lipat ang sumpa sa mga lalaking angkan nina Dexter. Hanggang dumating nga na tuluyang naputol ang sumpa sa angkan ng mga ito nang tuluyan mapatay si Dexter. Kaya ang lahi ng mga Lacus ay iglap na nabura.
Agad niyang nilapitan si Carrieline, napalingon ito sa kaniya nang maupo ito sa tabi niya. Kitang-kita ni Jared ang nangingitim niyang mga mata, ang kalungkutang nakabadha sa maamo nitong mga mata; na nagbigay ng mabigat na pakiramdam sa binata sa mga sandaling iyon. Habang nakatunghay siya sa mukha ni Carrieline.
"Kamusta Carrieline mukhang wala ka pa yatang tulog. Ang mabuti pa ay matulog ka muna, kami na muna nina Tita at Tito ang bahala rito,"payo nito sa dalaga.
Ibinalik lang nitong muli ang tingin sa harapan, kung saan nakapuwesto ang kabaong ni Dexter. Unti-unti itong tumayo, agad niyang sinundan ito sa harapan. Tumayo siya sa tabi ng dalagang nanatiling nakasilip sa salamin ng kabaong. Kung saan nakahimlay ang katawan ni Dexter.
Kitang-kita ni Jared ang payapang mukha nito, kung titignan ng maigi tila'y natutulog lamang sa pagkakahiga sa loob ng kabaong ito.
Napakislot siya nang marinig ni Jared ang mahinang paghikbi ni Carrieline sa kaniyang tabi. Lumapit siya rito at hinagod niya ang likuran ng dalaga. Sa mga oras na iyon ay wala itong pakialam, mas nahihirapan at nasasaktan pa ang binata sa nakikitang pag-yak ng babae. Mahigpit ko niyang niyakap ito, ramdam na ramdam niya ang bigat na pinagdadaanan nito sa mga sandaling iyon. Ang hikbi nito'y tuluyang naging hagulhol. Lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakahapit kay Carrieline, sa pamamagitan ng yakap niya ay malaman nitong hindi ito nag-iisa na nandirito lamang siya--- ang kaniyang Mommy at Daddy.
Napasulyap si Jared sa kabaong ni Dexter ng mga sandaling iyon, natigilan siya nang makita niyang wala ang katawan nito sa loob.
Biglang sinihilan ng kaba at kilabot ang binata, unti-unti niyang ipinaling ang mukha. Kitang-kita nitong nakatayo sa kaniyang harapan si Dexter. Nagpalinga-linga ito kung ang ibang mga kasama niya sa mga oras na iyon ay nakikita rin ito. Ngunit laking-gulat niya ng bigla na lamang huminto ang lahat sa paggalaw. Maski ang ingay sa paligid ay biglang nawala, tila ba'y tumigil ang oras ng mga sandaling iyon.
Pero nanatili pa rin na nakatayo sa kaniyang harapan si Dexter, wala siyang makikitang emosyon sa kaniyang mukha nanatili lamang itong nakatitig sa kaniyawng mga sandaling iyon. Napasikdo ang puso niya nang mag-umpisang lumapit ito palapit sa kay Jared.
"Jared maari mo bang alagaan si Carrieline para sa akin..."ang nakangiting hiling nito sa binata. Pero halatang pilit lamang ang ngiting ipinakita nito kay Jared.
"Kahit hindi mo naman sabihin 'yan Dexter ay aalagaan ko naman talaga siya. K-kasi mahal na mahal ko siya,"diretsang sagot nito.
Napatingin si Dexter kay Carrie na nanatiling nakayakap kay Jared ng mga oras na iyon. Dahan-dahan nitong itinaas ang kanang kamay. Pinahid niya ang butil ng luha na umagos sa pisngi ng dalaga. Hinawakan nito ang mukha ni Carrieline. Nakita niyang unti-unting namuo ang luha sa magkabilang mata nito. Ngunit bago tumulo ang luha nito ay agad na nitong itinaas ang mukha.
"Jared, 'wag mo siyang pababayaan. Wala na akong oras ikaw nang bahala sa kaniya,"bulong nito. Tumalikod na ito, ngunit huminto muna ito.
"... Saka Jared, pakisabing mahal na mahal ko siya. Na lagi lamang akong nasa paligid, laging nakabantay sa kaniya,"huling sabi nito bago ito tuluyang mawala sa kaniyang harap.
Napakurap si Jared ng sandaling iyon, nanatili pa rin naman nakayakap at patuloy pa rin na umiiyak sa kaniyang bisig si Carrie, napasulyap siya sa loob ng kabaong ni Dexter. Kung saan naroroon pa rin naman ito at payapang nakahiga.
"Akala ko totoo ang lahat ng nangyari kanina, 'yun pala guni-guni ko lang pala..."bulong mula sa isip ni Jared.
Mayamaya'y nakaramdam ito ng kakaiba sa paligid na tila may nagmamatyag sa bawat kilos nila. Mabilis niyang iniikot ang tingin, ngunit wala siyang nakitang kakaiba.
"Lagi mong tatandaan mga ibinilin ko Jared."Biglang nagsitayuan ang buhok nito sa batok at braso, pagkarinig niya sa boses nito sa likod ng kaniyang tainga. Marahas siyang napalingon, ngunit walang tao sa kaniyang likuran. Pero alam niyang boses iyon ni Dexter.
Akala niya guni-guni nito lamang ang lahat pero mukhang nagkamali siya. Dahil totoong hindi nito iiwan si Carrie na mananatili ito sa tabi ng dalaga. Hanggang maging ito man ay bawian na rin ng buhay.
Dahil maikli na rin ang natitirang oras ng dalaga sa mundong ibabaw...