PAGBUKAS palang ng pinto ni Carrieline, bumungad na sa kanila ang bulto ni Jared. Kasalukuyan itong hahawak sa seradura upang lumabas marahil ng pintuan nang pinakatitigan niya ito nang mabuti. Biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan nang mapagtanto nitong may kakaiba sa lalaki.
Nangatal siya sa takot at kumabog ng pagkalakas-lakas ang tibok ng kaniyang puso nang mapagsino nito ang kaluluwang gumagamit sa katawan ni Jared.
Hindi niya aakalain na makakabalik pa ito, ang akala niya'y tuluyan na rin itong napasakamay ng itim na anino. Bakit naririto itong muli?
Napalunok siya ng mga sandaling iyon, mabilis niyang tinapunan ng pansin si Carrieline na kasalukuyang nakikipag-usap dito.
Atat na atat na itong magsabi rito na hindi ito ang kaibigan nitong si Jared, kung 'di ang panganay sa kambal nina Dexter--- si Jeydi.
Malakas ang kutob niyang may masamang binabalak ito. Nakahinga lamang siya nang maluwag ng tuluyan ng umakyat si Carrieline para pumasok sa sarili nitong silid. Agad itong napasunod rito, kahit na nanatiling nakadikit ang mga sulyap ni Jeydi kay Dada.
Alam niyang maski ito'y nakikita siya, ipinagwalang-bahala na lamang nito iyon. Dahil parehas na sila ng kalagayan na isa na lamang kaluluwa na nagbabalik sa mundo ng mga mortal.
Ano man ang layunin nito ay titiyakin ni Jeyda na walang masamang mangyari kay Carrieline.
Agad na nahiga si Carrieline sa kama, biglang sumama ang pakiramdam nito. Mahahalata ang agad nitong pananamlay. Bago ito tuluyan mapapikit ay agad itong kinausap ni Jeyda.
"Carrie,sasabihin ko na kung paano mo mapuputol ang sumpa. Kaya makinig ka muna,"halos pabulong niyang sabi na may lakip ng panic.
Alam nitong nasa labas lamang si Jeydi, mataman na nakikinig sa nakasaradong pinto.
Marahang bumukas-sarado ni Carrie ang mga mata, maski ang paghinga'y nito biglamg lumalim. Kinabahan si Jeyda, dahil tila may maling nangyayari rito. Agad siyang napalapit sa kakambal, maiyak-iyak na ito sa mga sandaling iyon.
"A-anong nangyayari Carrieline!"Nag-aalalang tanong niya. Pilit niyang hinahawakan ang katawan nito. Pero bigo siyang mahawakan man lang ang kahit na anong parte ng katawan nito. Sobra-sobra ng emosyon ang sumasalakay sa kaniya. Wala siyang magawa sa mga sandaling iyon, dahil nanatiling tumatagos ang mga kamay nito sa katawan ng kaniyang kambal.
"Ang mga gamot ko Dada, k-kailangan ko,"mahinang bigkas ni Carrieline. Nanginig na ang katawan nito, habang tumitirik na ang mata.
"Carrie please lumaban ka, h-hindi kasi ako maaring magpakita kina Papa at Mama. Basta lagi mong tandaan ang ipapakita ko sa 'yo, d-dahil iyan ang susi kong paano mapuputol ang sumpa Carrie..."huling pangungusap na sabi ni Jeyda. Mariin siyang pumikit.
Kasabay ng kaniyang pagpikit ay ang kakayahan niyang magkaroon ng chance na hawakan ang noo ni Carrieline, gamit ang hintuturo nito. Mabilis niyang pinaglakbay sa gunita nito ang dapat nitong gawin upang maputol ang sumpa at kung ano ang mangyayari kapag nangyari iyon. Nanghihina na ito ng tuluyan nang iali sa noo ni Carrieline ang hintuturo nito.
Mabilis itong pumihit at tumakbo, agad na binuksan nito ang pintuan. Ngunit sa pagkagulat niya'y naroroon si Jeydi, nakita niyang nakahandusay na sa lapag ang katawan ni Jared. Agad itong kinabahan ng makita niya ang galit nitong mukha na nakatitig sa kaniya, isang dipa lang ang layo nito rito. Kaya upang agad siyang mahawakan sa leeg at mahigpit na sinakal. Nakatunghay ito sa kaniya ngayon, habang may panlilisik sa mga mata.
"Hindi ba't sabi ko sa iyo, huwag kang makikialam. B-bakit nagbalik ka pa!"Marahas nitong bulyaw kay Jeyda. Sa higpit ng pagkakasakal nito kay Jeyda ay halos lumawit na ang dila niya, dahil na rin sa paghahabol ng hininga. Pinilit niyang binabaklas ang mga kamay nito. Ngunit masiyado itong malakas ito.
Ngunit bigla siya nitong binitiwan, nang mula sa 'di kalayuan ay nakita ni Jeyda na nakatayo ang Daddy at Mommy nila. Dinig nito ang napapaos na tinig ni Jeydi, habang isinasaboy ng Daddy nila ang hawak nitong holy water. Habang ang Mommy nila ay bumibigkas ng latin words na tila dasal.
Napa-upo siya, habang kitang-kita niya ang tila nasusunog na balat ni Jeydi. Dahil sa patuloy na pagsaboy ng Daddy nito ng holy water dito. Unti-unting napaluhod ito, pilit siyang naabot ngunit mabilis ng gumapang palayo si Jeyda mula rito. Ilang sandali pa bago tuluyang mapuksa ito ay may isinigaw pa ito.
"H-Hindi kayo magtatagumpay sa binabalak niyong gawin. Dahil habang nasa ilalim ng kapangyarihan ng itim na anino si Carrieline. Hinding-hindi niyo malalagot ang sumpa!"Sigaw nito. Kasabay nang unti-unting pagkawala nito sa kanilang harapan.
Tanging ang naiwan na lamang ay ang itim na bakas nito sa lapag sa mga oras na iyon...
Mabilis na nanakbo paloob ng silid ni Carrieline ang Daddy nila, habang ang Mommy nito ay mabilis siyang dinaluhan at niyakap. Makikita niya ang kagalakan sa maamo nitong mukha, habang sapo-sapo ng magkabilaang kamay nito ang kaniyang mukha. Naramdaman niya ang banayad nitong paghalik sa kaniyang noo.
"Estoy bien y eres un niño seguro, papá y yo te queremos mucho."(Mabuti naman at okay ka lang. Lagi mong isipin na mahal na mahal ka namin ng Daddy mo.)puno ng damdamin na bigkas ng ina nila.
Bigla ang paglipad ng tingin nila sa silid ni Carrieline nang marinig nila ang pagsigaw mula sa loob ng Daddy niya. Sabay silang napatakbo papasok, kitang-kita niya ang nag-aalalang mukha ng ama, habang nakaupo sa kama.
"W-where's Carrie?"Agad na tanong ng babae sa asawa. Iling lamang ang isinagot ni Fermin sa tanong nito.
Mabilis na gumana ang isip ni Jeyda, nakita niya ang parehabang kahon na nakalapag malapit sa kama ni Carrie. Biglang bumilis ang tibok ng puso nito nang mapagtanto niyang ngayon magaganap ang pagkaputol sa sumpa na tumagal din ng ilang dekada...