Chereads / Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 18 - Kabanata 15

Chapter 18 - Kabanata 15

ILANG Buwan na rin ang nakalilipas magmula nang magbalik siya ng Maynila kasama si Jared. Sa mga Buwan na lumipas, walang sandaling hindi sumasagi sa isip niya si Dexter.

Miss na miss na niya ito, gusto man niyang bumalik sa bayan nila ay wala rin naman siyang mapapala. Naghired na siya ng tao para hanapin ito, ngunit bigo ang lahat ng kinuha niya para malaman kung nasaan ito. Palagi rin siyang binibisita ni Jared, parating may dala-dala itong makakain at kung anu-ano. Hindi yata ito mapapagod sa pagdalaw at pangangamusta sa kaniya. Hinahayaan nalang niya ito, dahil darating din naman ang panahong iiwan niya rin naman ito ng tuluyan. 

Maski ang pinsan niyang si Lydhemay ay wala na rin balita kay Dexter, tila naglahong parang bula ang binata sa paaralang pinagtuturuan nito. Ikuwenento niya kay Lydhemay ang lahat ng nalaman niya kay Dexter through video calling na labis nitong ikinabigla. 

Napabuntong-hininga siya kasabay ng paglakad niya pabalik sa kaniyang swivel chair. Pinaikot-ikot niya ang sarili sa upuan, napatigil siya sa ginagawa ng may kumatok sa kaniyang pintuan. Nasa office siya sa mga sandaling iyon. Matagal din siya bago nakapasok dahil sa pagka-atake ng sakit niya.

Hindi na rin siya masiyadong humahawak ng manusctipt. Iilan na lang ang ipinapaasikaso ng boss niya sa kaniya. Baka nga ito na ang huling renew niya sa kumpaniya bago siya tuluyang magresign. Bawal na sa kaniya ang mastress, pero may isa siyang gustong gawin bago sana siya mamatay. Ang maging Psychiatrist, dangan lamang at mas nauna ang pagpasok niya sa kumpaniya. Dahil na rin sa rekomendasyong ng sariling ama. 

Sa ilang Buwan ay may nakita siyang bakanteng space malapit sa kaniyang condominium. 

Doon niya binabalak umpisahan ang plano niya dati, iyon naman talaga ang gusto niya noon pa man. Ang magpagaling ng mga taong nangangailangan lang naman ng makakausap at makakatugon sa mga pinagdadaanan ng mga ito.

Napasulyap siya sa pintuan, kung saan pumasok ang evaluator nila sa kumpaniya. Nakita niya sa mukha nito ang kakaibang ngiti, napasimangot siya bigla. Mas  matanda ito sa kaniya ng limang taon, pero kung umasta ito'y tila mas bata pa ito sa kaniya.

"Hai Carrieline, mabuti at nakapasok ka na. Ilang buwan ka rin wala ah, kamusta naman pagbabakasyon mo? Balita ko nagpunta ka ng Europe."tuloy-tuloy na sabi nito habang palapit sa table niya.

Kahit wala siya sa mood pinili na lang niyang sagutin ito ng maayos. Kilala siya bilang masungit sa opisina, lalo ngayon na madami siyang iniisip.

"So, pakialam mo Mr. Gordon. Ano bang sadiya mo ngayon. Meron ka bang ipapaayos?"Iritang sabi niya, habang panay ang tapik niya sa kaniyang lamesa gamit ang hawak niyang ballpen.

"Ano ka ba Ms. Monteclaro parang 'di ka sanay sa akin ah, siyempre naman. Mawawalan ba ako ng manuscript na ipinapasa araw-araw,"pamimilosopo naman nito. May pagkabinababae ito. Kaya lalo siyang nabuwebuwesit rito. Talo pa siya nito minsan.

"Aba'y piliosopo ka rin ano, ilapag mo na nga lang iyan dito sa lamesa at lumayas ka na. Madami pa akong aasikasuhin!"Masungit niyang sabi, kahit ang totoo iyon lang naman ang aasikasuhin niya. 

"Hindi ka na mabiro Carrie, ang mabuti pa'y mag-asawahan na kayo ni Jared. Kung hindi ako na mismo ang aasawa sa kaniya!"Malanding sabi nito habang ngiting-ngiti sa kaniya. Imbes na ipagpatuloy niya ang pagsusungit dito ay napabulalas na lang siya ng tawa. Talagang naglaglag na ito sa kaniyang harapan. Hindi man lang ito nahiya sa kaniya, nakalimutan yata nitong mas mataas siya at nasa loob pa sila ng opisina.

"Do what you want Mr. Gordon, kung gusto mo pa ibigay ko pa ang cellphone number niya sayo, basta umalis ka na lang sa harapan ko at ako'y madami pang aasikasuhin."pagtataboy niya rito. 

Napakibit nalang ito ng balikat, kasabay ng paglalagay nito ng isang malaking envelope. Nagtaka pa siya, dahil sa tanang buhay niya nj nagtratrabaho sa kumpaniya ay hindi pa siya nakakahandle ng manuscript na ganoon ang format. Mabilis niyang binuksan ang envelope, isang makapal na note book ang laman niyon. Marahan niyang pinasadaan ang naturang notebook. Nabigla siya dahil napuno iyon ng sulat-kamay galing sa isang malikhaing isip ng isang manunulat na gustong magpalimbag sa kanilang publishing house. Mukhang doon nito napiling ilagay ng author ang sarili nitong akda. Sa pagkakatingin nga niya rito ay tila matagal nang sinusulat iyon ng author. Dahil paiba-iba ang tatak ng tinta sa bawat lapag nito ng chapter, bagamat iisang kulay lang ng tinta ang gamit nito.

Napabuntong-hininga siya sapagkat madaming panahon ang gugulin niya sa nobela na iyon. Dahil mano-mano niyang ititipa iyon sa kaharap niyang computer desk.

Tatawagin na sana niya sa intercorm si Mr. Gordon para tanungin  kung bakit ito nakapasa. Sapagkat mahigpit ang pamantayan at rules nila sa pagkuha ng mga manuscript sa mga baguhang manunulat.

Napatigil siya sa pagsasalita sa intercom nang mabasa niya sa pinakaunang pahina nito, kung saan nakasulat ang title ng  manuscript na "Sin Mideo A La Muerte( WALANG TAKOT SA KAMATAYAN)"... lalo ng tuluyan niyang mabigkas ang pangalan ng author ng nasabing akda.

"Dexter L-Lacus..."anas niya. Kasabay ng biglang pagpintig ng mabilis ng kaniyang puso. Tila may humaplos sa kaniyang  puso ng mga oras na iyon.

Agad niyang inilipat ang pahina ng notebook na kaniyang hawak-hawak, nanginginig na siya sa labis na tensyon. Tila ba may nakapaloob na misteryo sa notebook na hawak, hindi na ito magsasayang ng oras. Uumpisahan na nitong basahin ng buo iyon. Sa ikalawang pahina ay nakasulat roon ang author's note.

" Mga Alaala ng kahapon na totoong naganap, alaalang tumimo sa aking utak. Binigyang laya ng aking panulat, upang ilapat sa bawat pahina. "

-Dexter

Isinuot niya ang reading glass niya para sa mahaba-habang pagbabasa na uumpisahan niya ngayon...