TULALA at hindi makaapuhap ng salita ang dalaga, nasaksihan niya kung paano lamunin ng itim na anino si Toushiro. Bagamat patay na ito'y alam niyang ininda pa rin nito ang naganap. Nangibabaw sa kaniya ang mga huling pangungusap na isinigaw nito, bago ito tuluyang lamunin ng itim na anino.
Napapiksi siya nang marinig niya ang mahinang tinig ni Dexter na nagmumula sa kamang katabi. Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtinang nakatabing sa pagitan nila, nakita niya ang tila hirap na hirap nitong sitwasyon. Muli, naalala niya ang mga senaryong ipinakita sa kaniya ng kapatid nitong si Toushiro.
"Carrie, anong nangyari?"Naguguluhan na tanong ni Dexter sa dalaga. Kahit paano hindi na nagulat o ipinagtaka ng dalaga ang sinabi nito. Dahil unti-unti na niyang nauunawaan ang lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa binata at maging siya man. Hindi niya alam kung paano niya umpisahan sabihin sa binata ang nalaman. Kung paano niya ipaliliwanag na wala na ang kapatid nito, dahil tuluyan na itong napasakamay ng itim na anino.
"Dexter..."mahina niyang bulong. Rumehistro ang pagkagula sa mukha ng binata sa kaniya nang bigkasin ni Carrieline ang tunay niyang pangalan. Hindi niya alam ang iisipin. Akala niya mababaon na sa limot ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. Ngunit nagkamali siya, dahil habang tumatagal ay unti-unti siyang ibinabalik sa nakaraan na akala niya'y maibabaon na niya sa limot.
Napalunok siya ng laway ng ilang beses, ngayon lang nangyari sa kaniya ito. Tila'y nangngapa siya sa kawalan ng tamang sasabihin sa dalaga sa mga oras na iyon. Naglumikot ang mga mata niya, nagagalit siya at the same time nakaramdam siya ng pagka-alangan sa mga sandaling iyon sa harapan ni Carrieline.
Hindi niya alam kung matatanggap siya nito bilang kaibigan or worse baka hindi pa siya ituring na tao dahil sa mga kamalian na nagawa niya dati.
Napaangat ang mukha niya nang sinapo ng dalaga ang kaniyang mukha, agad ang paggapang ng kuryenti na nanuot sa kaniyang kalamnan. Sa tuwing nagdidikit ang balat nila ng dalaga'y napapanatag siya, kasabay niyon ang emosyon na kay Carrieline lamang niya naramdaman.
"It's okay Dexter, naiintindihan ko na kahit paano ang lahat. Don't worry I'll help you, nangangako ako sa iyo na tutulungan kitang tuklasin at makalaya ka sa sumpang ibinigay sa inyo. I think may ideya na ako,"marahan nitong bigkas kasabay nang pag-upo nito sa kama.
"Ano ang ibig mo sabihin Carrie?"Takang-tanong sa sinabi ng dalaga.
"Ipinakita ni Toushiro ang naganap noong nakaraang panahon, kung saan..."tuloy-tuloy na sabi ni Carrieline. Ngunit mabilis siyang pinigilan sa pagsasalita ni Dexter. Nanigas ang panga nito at naglabasan ang mga ugat niya sa leeg, isang desisyon ang ginawa ng binata.
"Stop it Carrie and don't call me that name again! I don't want you ever to hear that fvking name from you!"Galit na sabi niya sa dalaga. Halos maglabasan ng apoy ang mga mata nito, nakita niya ang pagbadha ng sakit at kalungkutan sa mga mata ng dalaga.
Grabeng pagpipigil ang ginawa niya, pinatatag niya ang sarili. Pinatili niya ang galit sa mukha, hindi niya hahayahang may madamay pa.
Hinding-hindi niya hahayahan na pati ang babaeng mahalaga sa kaniya at nag-iisang natira na lamang sa kaniya ay mawala pa. Ayaw niyang masaktan ito, dahil sa sumpang nanatiling nanalaytay sa kanilang angkan sa mahabang panahon.
"Pero Dex... nararamdaman ko na malaking bahagi ako ng magiging kasagutan para mawala ang sumpa. Please makinig ka sa akin, huwag mo naman akong ipagtabuyan."katal na ng desperasyon ang tinig ng dalaga, unti-unting dumaloy sa pisngi ng dalaga ang mga butil ng luha. Matatag siyang babae, pero pagdating dito napakahina niya.
Nakaramdam ng kung ano si Dexter sa nakikita niyang paghihirap sa mukha ni Carrieline, mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kahit hirap na hirap minabuti na niyang tumayo, hindi niya hahayahang madamay ito. Kahit malaki nga ang kaugnayan nito sa pinagdadaanan niya.
Masiyadong makapangyarihan ang sumpang bumalot sa kanila.
"Please Dexter let me help you I'm begging, I need you. Hindi ko kakayanin mawala ka. Antagal kitang hinanap!"Patuloy na pagsigaw nito. Ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad, naging bingi siya sa bawat pagtawag ng dalaga. Hanggang sa maramdaman niya ang mga braso ng dalagang pumalibot sa beywang niya. Naramdaman niya ang pagdampi ng mukha nito sa likuran niya, patuloy ito sa mabigat na pagluha. Naikuyom niya ang mga kamay, nang mapansin niya ang pagbungad ni Jared sa pintuan ng clinic. Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito, habang pinaglipat-lipat nito ang tingin sa mukha niya at kay Carrieline na nanatiling nakayakap sa kaniya ng mga oras na iyon.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dexter, mapait siyang napangiti. Siguro ito nga ang itinakda ng tadhana sa kaniya. Ito ang sinasabi ng ama niya dati bago nito ibigay ang katana noong umedad siya ng sampu, bago pa magbago ang buhay niya may ilang taon na rin ang nakararaan.
May totoong dahilan kung bakit ibinigay sa kaniya ng ama ang katana. Dahil malaki ang magiging papel nito sa buhay niya sa kanilang angkan ito ang susi kong paano siya makakawala sa sumpa. Ngunit napakadelikado...
Pinagpasa-pasahan ng bawat panganay na lalaki ang katanang iyon sa pagdaan ng panahon. At dahil siya ang pinakapanganay na lalaki sa mga kakambal niya, siya ang nasalinan ng sumpa matapos ngang mawala ang ama. Ramdam na niya noon na nananalaytay na sa kanilang dugo at laman ang sumpang iginawad ng babaeng nilapastangan ng panganay na lalaki sa angkan nila may ilang dekada na ang nakararaan. Alam niya iyon, dahil sa tuwing inaangkin ng itim na anino ang katawan niya tila nagbabalik sa nakaraan ang alaala niya.
Nang araw na napatay nga niya ang ama, nag-umpisa na ang mga kababalaghan sa kaniya. Patuloy na siyang sinundan ng itim na anino, tulad ng pagsunod din nito sa ama nila. Kaya pala ginamit siya ng ama para patayin si Zetch ay dahil nagmula rin sa angkan ng mga sumumpa sa kanilang lahi. At dahil hindi pa siya tuluyan inaangkin ng sumpa dati, kaya nagawa niyang mapatay ito. Nais lamang palang iganti ng ama niya ang kanilang lahi, pero hindi iyon nakatulong. Dahil habang tumatagal lalong nagiging kumplikado ang lahat. Nais na lang niyang maglaho kaysa sa ganito--- masasaktan niya lang sa huli ang dalaga.
Unti-unti niyang binaklas ang mga kamay ni Carrieline na nanatiling nakapulupot sa beywang niya. Tila siya pinapatay habang dinig na dinig niya ang hirap na hirap na pagmamakaawa ni Carrieline.
Hahabulin pa sana siya ni Carrieline ngunit mahigpit na siyang niyakap at inilayo ni Jared. "Ikaw nang bahala sa kaniya,"bilin ni Dexter dito. Tumango si Jared.
Binilisan na niya ang palalakad, hindi niya alintana ang hapdi at sakit na nararamdaman niya sa kaniyang katawan sa mga sandaling iyon. Nagpatuloy siyang naglakad palabas ng campus, anuman ang pagtawag na ginawa ng mga nakasalubong niya'y hindi na niya pinansin. Halo-halo na ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon, hanggang sa sinapit niya ang kakahuyan nagpatuloy siya sa mahabang paglalakad. Ang kalangitan na siniskatan ng araw ay unti-unti ng nagdilim hanggang sa matakpan na ito ng maitim na ulap. Bumubos ang malakas na ulan, kasabay ng pagkulog at pagkidlat sa kalangitan. Tila nakikisimpatya sa pinagdadaanan niyang hirap ng mga sandaling iyon.
Naaninag niya mula sa likuran niya ang pagsunod ng itim na anino mula sa likuran niya. Alam niyang napasakamay na nito ang kaluluwa ni Toushiro, lalo siyang sinalakay ng samo't-saring alalahanin. Sa oras na iyon awn kawalan ng pag-asa ang namayani sa kaniya.
"Masaya ka na ba huh!"Nasasaktan at nagdaramdam na sumbat ni Dexter sa itim na anino.
"Kulang pa iyan Dexter sa lahat ng atraso ng angkan niyo sa amin, gusto ko'y gumapang ka pa sa hirap. Kahit kailan hindi mo makakamit ang kapayapaang hinahangad mo! Pahihirapan kita..."puno ng pagkamunghi ang tinig na narinig nito. Dumagundong iyon na sumasabay sa buhos ng malakas na ulan at kulog. Basang-basa na si Dexter ngunit wala siyang pakialam, sa isip-isip nito mas nanaisin pa niyang magkasakit at mamatay nalang.
Ngunit imposible iyon, dahil tila hawak ng itim na anino ang buhay niya. Nakikinita na niya na katulad ng ibang kanununuan at ng ama niya'y papahirapan siya hanggang sa lamunin na siya ng pagtanda. Iyon ang sumpang iginawad sa kanila, ang mabuhay sa mundo ng nag-iisa. Habang unti-unting ipinaparamdam nito sa kaniya ang pinakamasakit na kaparusahan.
Nakarating siya sa dating tahanan ng ama niya, napaupo siya at napapikit. Mananatili na lamang siya roon, hindi niya hahayahan na pati si Carrieline ay mapahamak sa binabalak nitong pagtulong sa kaniya.
Mula sa dulong espasyo ng bahay naroroon ang itim na aninong nakabantay na sa pamilya ng mga Lacus. Matagal nang panahon na pinahirapan niya ang mga angkan nito, hinding-hindi niya hahayahang may makaligtas sa mga lahi ng mga ito. Iisang Lacus na lang ang natitira at si Dexter iyon, hindi niya hahayahang makialam si Carrieline. Isang malademonyong ngiti ang bumadha rito kasabay ng unti-unting pagkurba ng anyo ni Dexter rito. Hanggang sa tuluyan na niyang nakopya ang lahat-lahat sa binata. Maski ang anyo nito'y gayang-gaya nito, tila usok itong naglaho sa likuran ni Dexter...