Chereads / Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 10 - Kabanata 7

Chapter 10 - Kabanata 7

NANATILING nakayupyop sa manibela si Carrie, habang patuloy lang ang kaniyang pagtangis. Mahinang hinahaplos naman ni Jared ang likod niya.

Inis na inis si Jared, bakit ba kasi natulog pa siya. Hindi niya tuloy nabantayan ang dalaga, baka kung mapano pa 'tu. Bawal pa naman itong nag-iisip at nagiging emosyonal.

"Calm down Carrie, huwag ka masiyadong nag-iisip makakasama sa kalusugan mo iyan hindi ba?"concern na sabi ni Jared dito. Mayamaya dahan-dahan din humina ang pag-iyak ni Carrie, hanggang sa tuluyan ng tumigil ito sa pag-iyak.

Agaran nitong pinunasan ang mga luhang umaagos pa rin sa mata niya. Tinitigan niya si Jared na bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa kaniya. Ito siguro ang dahilan kung bakit nabigyan pa siya ng ikalawang buhay, dahil may nangangailangan pa sa kaniyang tulong. Ngayon buo na ang pasya niyang tulungan si Toushiro, unti-unti na rin niyang naiinitindihan ang lahat.

Na ang lalaking nasa kaniyang panaginip ay parte ng buhay ni Toushiro. Nakaramdam siya ng bigat sa dib-dib ng mapagtanto niyang marahil wala na ito sa mundo kaya bigla na lamang itong nawala may sampung taon na ang nakararaan, balang-araw unti-unti niyang malalaman ang lahat-lahat.

Mag-uumpisa siyang mangalap ng impormasyon sa eskuwelahang pinasukan ng mga kabataan na nasa larawang kupas. Kung 'di siya nagkakamali baka isa sa mga teenager na nasa litrato ay si Tosh. Sa ngayon kailangan na muna niyang ipahinga ang katawan, lalo kasing nanakit ang kaniyang dib-dib dahil sa mga naganap sa kaniya ngayon.

"W-wala Red, bigla lang kasing nanakit ang aking dib-dib. Nakalimutan ko kasing uminom ng gamot kanina, mabuti at naalala ko rin."nagpapalusot niyang sabi, nanatili siyang nakatitig sa mata ng lalaki. Madali siya nitong mabasa, kaya ginalingan niya ang pag-akto. Hindi pa panahon para i-share niya ang nalalaman, kahit paano paunti-unting may nabubuong kasagutan sa misteryong panaginip niya.

Maski ang tungkol kay Shin ay hindi na muna niya sasabihin dito, gusto niyang kilalanin na muna ang lalaking laman lagi ng kaniyang panaginip.

Malayo palang siya kanina at kahit sobrang dilim ng paligid dahil maulan at wala man lang post ng ilaw na nakatirik sa daan ay agad niyang nakilala ito. Tandang-tanda niya ang bawat detalye rito, hindi niya maipaliwanag ang damdaming lumukob sa kaniya ng tuluyan na  niyang malapitan at makausap ang lalaking lihim niyang minahal sa panaginip. Ilang taon siyang nangarap na sana makita na niya ito. Mabuti at pinagtagpo nga sila ng tadhana, alam niya... ramdam niyang may kakaibang koneksyon sila ni Shin lalo ng maramdaman niya ang tila kuryenting dumaloy sa kamay nilang nagdaop nang sila ay maghawak ng kamay.

"Ganoon ba, sige ako na munang magmamaneho. Ituro mo nalang sa akin kung saan banda ang mansyon niyo. Para maipahinga mo naman 'yang katawan mo Carrie."sagot nito, agad silang nagpalit ng puwesto. Muling pinaandar ng binata ang kotse, nag-umpisa na siyang magkuwento sa dalaga. Upang kahit paano maiwala sa isip nito ang mga isiping patuloy na gumugulo sa dalaga.

Agad nilang narating ang mansyon ng mga Monteclaro, kung saan malapit lang ito sa bukana ng kakahuyan ng San Rusico. Maski si Jared ay nilukuban ng kakaibang pakiramdam pagkakita rito.

"Carrie nasa dulong bahagi pala ng bayan ang mansyon niyo? Kita mo kakahuyan na ang kasunod niyo."nasa tinig ng binata ang takot. Habang nakatanaw sa kakahuyan na nasa may kaliwang bahagi ng mansyon nila.

"Oo dulo na ito sa amin, ang alam ko may nagmamay-ari sa lupain na 'yan actually likurang bahagi ng lupain ng pamilya Lacus ang lupang sinasakupan ng kakahuyan na iyan. Ewan kong kamusta na ang malaking mansyon sa looban, hindi kasi ako nakakalabas dati. Alam mo naman ang dahilan, bawal akong mapagod. Saka ayaw ko lang ulit mag-alala si Mommy at Daddy sa nangyari sa akin noon, naalala mo naman siguro 'yung naikwento ko sa iyo dati hindi ba?"mahabang paliwanag ni Carrieline sa binata. Habang inuumpisahan na nilang magbuhat ng mga bagahe na nasa compartment niya.

PAGKABIGLA at kagalakan ang namayani sa Mommy at Daddy ni Carrieline pagkakita sa kanilang dalawa. Niyakap ng dalawang matanda si Jared, kilala na nila ang binata dahil ito ang laging sumasama kay Carrieline. Malaki ang tiwala ng dalawang matanda sa binata, kulang nalang ipagtulakan siya ng mga ito sa binata na mariin niyang tinutulan. Dahil bukod sa playboy ito ay tanging pagtinging-kaibigan lang ang kayang ibigay ni Carrieline sa binata. Hindi na iyon lalabis pa.

Nakahiga na siya sa kama ng muli niyang maisip ang balak gawin kinabukasan. Uumpisahan niyang magsiyasat sa eskuwelahan, doon nag-aaral ang pamangkin niya, anak ng pinsan niya. Kaya may dahilan siya sa pagpunta roon. Unti-unti na siyang nilalamon ng antok at pagod. Hindi na niya napansin ang lihim na pagmamasid ng isang pares na mga mata sa kadiliman.

Dahan-dahan lumabas mula sa kinapuwe-puwestuhan ito. Mabilis niyang inalis ang hood na nakatalukbong sa ulonan niya, marahan siyang lumapit sa dalagang ngayon mahimbing ng natutulog. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito, magmula ng makita niya ito sa personal. Hindi na nawala kaniyang gunita ang napakaamo nitong mukha.

"Lagi kitang babantayan Carrie, hindi ko hahayahang may manakit sa iyo. Pangako ko 'yan..."bulong nito. Habang kinintalan ng munting halik sa buhok ang dalaga. Unti-unti siyang napatayo hanggang sa kinain na siya ng dilim.

Marahang iminulat ni Carrieline ang mga mata, parang naramdaman niyang may humaplos at humalik sa bunbunan niya... mabilis siyang napaupo at nagpalinga-linga. Nakita niyang bumukas ng pagkalakas-lakas ang bintana niya. Natitiyak niyang sarado at nakalock iyon kanina. Kinakabahan man dahan-dahan siyang nagalakad upang isara ang bintanang nabuksan. Bigla siyang natigilan, parang pamilyar sa kaniya ang senaryong iyon. Bigla ang pagkabog ng kaba sa kaniyang dib-dib, mahigpit siyang napahawak sa kurtinang nakakabit sa bintana ng kaniyang silid. Mula sa kalayuan, kitang-kita niyang nakatayo ang lalaking nakasuot ng kulay itim na jacket. Basang-basa na ito dahil sa ulan na patuloy na bumabagsak mula sa langit. Dali-dali siyang nagtatakbo pababa ng hagdan, hanggang sapitin na nga niya ang kanilang pintuan. Agad siyang tumakbo palabas, ngunit pagkadismaya ang bumalot sa kaniya sa mga oras na iyon.

Dahil wala na ang lalaking nakita niya, mula rito sa ibaba. Pipihit na sana siya pabalik ng mansyon ng makarinig siya ng tinig mula sa kaniyang likuran, kung saan bungad doon ang pinangingilagang kakahuyan na pagmamay-ari ng pamilya Lacus.

"Carrie bumalik kana kung saan ka nanggaling... ayaw kitang masaktan,"bulong nito sa kaniya.

Nilingon niya ang nanggalingan ng tinig, kitang-kita niya ang nakahood na lalaki. Hindi niya maaninag kahit ang mukha nito, pero nakatitiyak siyang si Shin ito.

"Ayaw ko, ngayon nakilala na kita..."puno ng pagmamahal na bigkas ni Carrie.

"Carrieline..."bulong ni Shin. Tila musika sa pandinig niya ang pagkakabigkas nito sa pangalan niya.

Hahawakan na sana niya ito, ngunit unti-unti itong naglalaho sa kaniyang paningin. Bigla ang pagkatarantang naramdaman niya, tanging naisigaw na lamang niya ang pangalan nito. Nangibabaw sa malakas na bagsak ng ulan ang alingawngaw ng kaniyang tinig.

MABILIS siyang napabangon at nagpalinga-linga, patuloy pa rin ang malakas na pagbagsak ng ulan sa labas. Muli isa na namang panaginip ang napaginipan niya, tila totoong nangyari ang mga iyon.

MATAGAL siyang nanatili siya sa ganoong ayos. Hanggang sa napagpagpasiyahan niyang ituloy ang naudlot na pagtulog .