Chereads / Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 12 - Kabanata 9

Chapter 12 - Kabanata 9

TAHIMIK na ang hallway ng eskuwelahan, kaparis sa ibang school sa ganoong oras ay abala ang mga mag-aaral sa kani-kanilang classroom. Nakausap na niya si Denver kanina nangako si Carrieline na siya na ang maghahatid sa bata pagdating ng uwian. Natawagan na rin nito ang Mommy nito na si Lydhemay. Excited na siyang makita ito at makipagchikahan, magmula kasi ng inilipat siya ng Mommy at Daddy niya sa Maynila ay nawalan na sila ng communication. Pinsan niya ito sa ama.

Naglalakad-lakad na siya papuntang school libriary kung saan nakuhan ang mga bata na nasa larawang kupas. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, kasabay ng pagbukas niya ang marahan nitong paglangit-ngit pabukas. 

Walang maririnig sa buong paligid kung 'di ang nakakabinging katahimikan lamang. Naglakad siya papasok, upang tignan kung may tao. Ngunit wala siyang nahagilap man lang.

Nagikot-ikot pa siya, hanggang sa mapadpad siya sa mga estante ng old documents ng eskuwelahan. Mabilis niyang dinampot ang mga nakalagay na year book, pinagtitignan niya ang mga taon doon. Hanggang sa matagpuan nga niya ang hinahanap. Taon kung saan nasa 2009-2010. Isa-isa niyang pinaglilipat ang mga pahina, tinitignan ang bawat larawan na nasa libro.

Hanggang sa mahinto ang paglipat niya ng pahina, maski ang mundo niya'y tumigil. Kitang-kita niya ang mukha ng mga batang nasa larawan, ganoon na ganoon ang kuha sa napulot niyang litrato. Mabilis niyang inilabas at ikinumpara ang mga itsura sa hawak niya, mabilis niyang binasa ang mga pangalan ng bawat isa:

Jeyda Lacus

Nakame Lacus

Toushiro Lacus

Dexter Lacus

Matagal siyang napatitig sa mukha ni Dexter, may mga solo shot sila kaya natitigan niya ang mga ito. Hindi niya alam, pero bigla siyang kinabahan ng  mapansin niyang may pagkakahawig ito kay Shin. Kung iisa si Dexter Lacus at Shin Montelo bakit iba ang pangalan nito sa una? 

"Anong ginagawa mo dito?"Biglang bigkas ni Dexter mula sa kaniyang likuran. Bigla niyang naibagsak ang hawak na libro, mabilis siyang napahawak sa dibdib kasabay ng kaniyang pagsinghap. Dahan-dahan siyang humarap sa binata, sa pagharap niyang iyon. Kitang-kita niya ang kalamigan na nakabadha sa mukha ni Dexter.

"W-wala S-Shin, mayroon lang akong tinitignan,"palusot niya.

Mabilis na inilihis ni Dexter ang mga mata at itinuon sa lapag, kung saan nahulog ang libro. Agad itong kinuha ni Dexter at muling ipinatong sa book shelf, natigilan ito ng makita niya rin sa lapag ang larawang kupas na matagal na niyang itinapon. Bigla ang silakbo ng poot sa kaniyang dibdib. Napayuko siya, mariin niyang ipinikit ang mga mata. Tigbi-tigbi na ang namoong pawis sa kaniyang noo, mahigpit na rin ang pagkakakuyom ng mga kamo niya. 

"Please not now..."mariin niyang bulong sa isip. Ngunit unti-unti na siyang nilalamon ng mabigat na emosyon.

Maski si Carrieline ay nabahala sa pananahimik niya.

"A-are you okay Shin?"Tanong ng dalaga, kasabay ng paghawak niya sa braso nito.

Ngunit sa pagkagulat ni Carrieline ay mahigpit na hinawakan ni Dexter ang kamay niyang humawak sa braso niya. Napaawang ang kaniyang labi, kasabay ng pagsalakay ng mahinang kirot mula roon. Mahigpit na mahigpit na ang pagkakahawak ni Dexter sa kamay ni Carrieline akma siyang sisigaw ng maramdaman niyang agad siyang itinulak sa pader nito, kasabay ng pagtatakip ng palad ni Dexter sa bunganga niya.

"Ang pinaka-ayaw ko ang nagsisinungaling at pinaglilihiman ako. Tinutulungan ka na pala ni Toushiro ngayon huh..."malademonyong bulong nito.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita niyang nagkulay itim ang mga mata ni Dexter. Ang mga labi nito'y ganoon din, maski ang boses nito'y nag-iba. Naramdaman niya ang pangangapos ng hininga niya ng mariin siyang sinakal ng binata, nabitin siya sa ere dahil itinaas siya nito habang sakal-sakal pa rin siya ng mahigpit ng binata. Naramdaman niya ang pagdurugo sa kaniyang kamay na hawak parin ni Dexter. 

Ngunit bigla ay binitawan siya nito mula sa pagkakasakal. Agad na lumayo ang binata, ang dalaga naman ay agad na naghabol ng hininga. Ngunit kitang-kita niya ang tila napasong palad ni Dexter na kababakasan ng kaniyang dugo,  agad itong napapikit.

Muli itong nagdilat ng mga mata, nawala na ang pangingitim ng mata at labi nito. Nakita niyang natumba ito sa lapag pagkatapos, agad nagsipasok ang ibang mga guro. Marahil narinig nila ang kumusyon na kanilang kinaroroonan.

Mabilis nilang ichineck si Carrieline at dinala sa clinic, maging si Dexter ay ganoon din.

MAG-IISANG oras na siyang nakahiga, iinot-inot na umupo si Carrieline sa kama. Napansin niyang may bandage na ang kaniyang sugat sa kamay, marahan niyang hinawi ang kurtinang nagsisilbing tabing sa isa pang kama. Nagbabakasali siyang naroon na nakahiga si Dexter.

Hindi ito nagkamali, dahil nakita niya itong nanatiling nakahiga habang nakapikit. Hindi niya mawari kong anong klaseng kababalaghan ang nangyari kanina. Basta nalang nag-iba ang anyo ng binata. Tila ibang tao ito sa mga oras na iyon, lalo siyang kinutuban. May nagaganap ritong hindi maganda, tila may kumukontrol dito.

Mabilis siyang napalingon ng buhat sa kaniyang tabi, naroon na nakatayo si Toushiro. Napalunok siya ng ilang beses, alam niyang kaluluwa na lamang nito ang binatang kaharap.

"Carrieline kailangan mong tulungan si Dexter, ikaw lamang ang makakatulong sa kaniya. Pakiusap tulungan mo siya. Kung ano man ang iniisip mong masama sa kaniya'y puro mali,"mahabang paliwanag ng binata kay Carrieline.

"Ano ba ang ibig mong sabihin Tosh?"Naguguluhang tanong ni Carrieline. Ngunit imbes na sumagot agad na idinantay ni Toushiro ang hintuturo nito sa noo ng dalaga.

Kasabay ng pagdantay ng daliri nito ay ang pagdaloy ng mga alaala ng nakaraan sa kaniyang gunita. . .