Chereads / FLIPPED / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

As a kid, gustong gusto ko manuod ng mga fantasy movies. Mga movies that wil take me sa isang mundong bago sa akin. I also like reading comics... thats wrong... I don't like it, I LOVE IT!!! to the point that magwawala ako pag hindi ako binilhan ng bagong comics. Naalala ko pa nga naglupasay ako sa sahig ng 7/11 dahil hindi ako binilhan ni mama nung comics na gusto ko, hiyang-hiya si mama ko noon kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao sa sobrang iyak ko , sa huli ayun... binili na ni mama kasi nga gumagawa na ko ng scene, grabe magang-maga yung mata ko noon paguwi namin dahil sa kakangawa ko...hahaha

Now that I'm a grade 10 student... syempre need ko ng unahin pag-aaral ko pero hindi pa rin ako tumutigil sa pagbabasa ng comics. dahil nga dito nakilala ko ang best friend ko ehh...na syempre mahilig din sa comics.

I'm a consistent honor student... I'm also the president of our student council . hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang may pinaka mataas na nakukuha kapag may mga exam at quizzes ang mga teacher namin, kaya hindi maiiwasan na may mga magsasabi na teachers pet daw ako... yung iba naman sinasabihan akong nerd at sipsip sa teacher,

HOY!?... para sabihin ko sa inyo matalino talaga ako... pakain ko sa inyo tong mga grade ko ehh!?

kung appearance ko naman ang tatanungin niyo well... average lang, matangos naman kahit kaunti ang ilong ko, my lips are just the right size... ang pinaka kinaayawan ko lang talaga sa katawan ko ehh ang mata ko, they are big...but not that alien looking type, they look like baby eyes for fucks sake?! sinamahan pa ng mahabang pilikmata ko... i look like the girl protagonist in comics ready to be saved by the prince, inaasar pa nga ako dati ... bakla daw ako kasi mukha akong babae, kaya ayun nagsalamin ako para kahit papaano mabawasan yung pagaka-girl loooking ko.

Enough of me... dahil monday ngayon at kailangan ko ng tumayo para mag-agahan, nakakatamad tumayo! nagupdate kasi yung manga na binabasa ko ehh...matagal ko rin yung inabangan, kada araw tinitingnan ko kung may update ba si author. At hindi naman ako nabigo nagpagaabang dahil kagabi nagupdate siya ng ten chapters kaya ayun... alas-dose na ako natulog... hehehe

(A/N: manga is term for comics in japanese )

"ABA!!? NIGEL... WALA KA BANG BALAK TUMAYO DIYAN... NAGPUYAT KA NA NAMAN!!?... YAN NA NGA BANG SINASABI KO EHH?!" sigaw ni mama mula sa baba na nagpabalikwas sakin ng tayo...

"opo eto na po...tatayo na po!" sagot ko dito ng hindi na sumigaw pa, grabe naman kasi si mama! ang lakas lakas ng boses, rinig na rinig tuloy sa kapitbahay...nakakahiya

pagkatapos kung magunwind ng sarili para masigurado kong gising na gising na talaga ako, syempre... Ano pa bang gagawin?!

I-check syempre kung may update... mahirap na baka may bagong chapter tapos malate ako...hehehe

pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto

pagbaba ko ng kusina may naamoy akong pancakes na niluluto kaya mas lalo akong ginanahang pumasok... dabest ang pancakes ni mama... lalo na pag may mainit-init na gatas na kasama, YUM!

"wow naman... bakit may pa-pancakes... may bista ba?" tanong ko kay mama

"wala lang, bakit? masama ba magluto ng pancakes kahit walang bisita atsaka ikaw ?! nagpuyat ka na naman ng gabi no?! pag ako talaga nainis nigel kukunin ko yang selpon mo!...ano?! magpupuyat ka pa!?" pananakot sa akin ni mama

"wala namang ganyan ma... nagaaral naman akong mabuti ehh," sambit ko kay mama with matching puppy eyes...

kung minsan may advantage din ang pagkakaroon ng pambabaeng mata kasi hindi ako matiis ni mama kapag nagpaawa na ako with my oh-so-sincere-puppy-eyes... hehehe

"ayan ka na naman!? pag-pinagsasabihan ka yang mata mo lagi binabalandra mo sa akin... gusto mo dukutin ko yan!?" iritang sabi ni mama, pero alam ko...deep inside tinatablan na siya ng paaawa efect ko...BWAHAHAHAHA

"sige na mama...promise ko na lagi kong gagawin ang best ko at hindi ko hahayaang mawala ako sa honor dahil lang sa pagbabasa ng comics, promise!" sabi ko...

"oo na...oo na, basta sinasabi ko sayo just always do your best at anything... para maging proud sayo si papa mo okay!" paliwang ni mama na tinanguan ko naman with enthusiasm.

"opo mama... promise magiging proud po kayo ni papa sa akin!" sabi ko...

pagkatapos ng masaya kong agahan...naghanda na ako para sa isa namang araw ng umaatikabong pakikipagsapalaran sa loob ng campus. sumakatuwid ang aking impyerno

bumuntong hininga na lang ako bago bumulong sa sarili ko...

"nigel...kaya mo yan"