Chereads / FLIPPED / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

"Matulog ka na Nigel... puro kalokohan lang yung mga pinagsasabi ni Nat, wag mo ng sayangin ang oras ng pagtulog mo sa pag-iisip lang ng mga walang kwentang bagay," pangungumbinsi ko sa aking sarili ko, sabay sampal sa magkabilang pisngi upang mag-iba na ang mga nasa isip ko.

Hindi ko talaga makalimutan yung mga pinaggawa namin ni Nat kanina. Bakit nga ba kasi ako pumayag sa kalokohang yun? Ang tanga-tanga ko din ehh!

Sabi sa akin ni Nat na yung barya na yun ay galing sa isang ancient roman civilization. Salungat sa paggamit natin ngayon ng barya, yung coin na daw yun ay isang totem, that is use to tell the truth over lies. Sabi ni Nat nakapag-heads ang lumalabas, it means the truth at lahat ng mga nagsasabi ay binibiyayaan ng gantimpala, pero kabaliktaran naman ang mangyayari kapag tails ang lumabas, it means your telling a lie, and telling lies always have consequence.

Noong una ay hindi ako naniniwala kasi nga nabili lang naman yun ni Nat sa Amazon. I mean sinong maniniwala na isa yung ancient relic na mabibili mo lang ng wala pang sampung piso sa amazon? Diba? to know if totoo nga yung mga pinagsasabi ni Nat, sinearch ko ito sa google. Ayon sa google ang mga coin na yun ay totem that simbolizes the god of justice, nemesis. Sinasabi na ginagamit daw ito minsan sa mga trial noong ancient times at kahit kailan daw ay hindi pa ito nagkamali... natawa ako kasi, sino ba naman ang magiisip na ipaubaya sa toss coin ang hustisya, parang pinaubaya mo nalang sa swerte yung buhay mo...

Pero hindi parin mawala yung kaba ko kasi nga...nagsinungaling ako, paano kung totoo yun?

Sa sobrang pagiisip ko ay tinablan na rin ako ng antok, unti-unting bumigat ang talukap ng aking mata... hindi ko na hinayaan pang guluhin ng mga bagay na hindi ko naman dapat talaga isipin, let's just sleep... tomorrow will be a good day, magtiwala lang tayo kay God!

_______o0o________

"uhhhmmm..." pagprotesta ko dahil may humahawak ng mga labi ko... kung pwede lang, Gusto ko pa matulog?!

"Gising na, may pasok pa tayo," bulong ng isang tao sa tenga ko na nagbigay naman ng ibayong pakiramdaman... lalo tuloy akong inantok

"mamaya na," sagot ko dito ng pabulong

Mga ilang minuto pa ang lumipas ng mapagtanto ko ang mga nangyayari, bakit ang tigas naman ata ng unan ko ngayon? Tsaka... sino tong kinakausap ko? Parang masyado namang malaki yung boses ni mama?

Iniisip ko pa ang mga nangyayari ng biglang my humalik ng noo ko... agad akong napadilat at....teka? MORPHIL?!

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!?!?!?!?!?!" sigaw ko at agad na napabalikwas ng upo sa kama ko, sinipa ko siya na naging dahilan upang bumagsak siya sa kama, at rinig ko pa ang daing niya dahil nauna yung likod niya sa pagbagsak.

"anong ginawa mo dito sa kwarto!?" tanong ko sa kanya at nagulat ako ng tumayo ito, shheeet... nakaboxer lang siya?!!!!

"wag kang lalapit sa akin!... kakasuhan kita ng tresspassing!!" sigaw ko sa kanya na nagpakunot naman ng kanyang noo... ano bang nangyayari?

"Love naman ehh? Aga-aga nangloloko ka," sambit niya habang nakangiti ng nakakasilaw... at umugong naman yung tenga ko, tama ba yung narinig ko? LOVE!?

Papalapit na siya ulit sa kin, nakatukod na yung isa niyang tuhod kaya naman napasigaw ako... "MAMA!?!?!" sigaw ko ng sobrang lakas na naging dahilan upang tumigil si morphil sa pwesto niya... Ano na naman ba kasing kalokohan tong nangyayari sa akin?

Hanggang napatigil ako sa pagiisip ng naalala ko yung mga pinagsasabi ni Nat nung nagtoss coin kami...

Magiging kayo ni morphil...

Morphil...

Morphil...

Morphil...

Napako na ako sa higaan, hindi ako makapag-salita,nanlaki ang mga mata ko. LORD NAMAN EHH!!!!

"diyan ka lang... wag ka ng lalapit! Sasapakin talaga kita!" sabi ko kay morphil ng nakita ko siyang gumalaw sa pwesto niya, naka-pwesto narin yung kamao ko para sapakin siya

"Love naman ehh... hindi mo ba nagustuhan yung nangyari kagabi," hinawakan niya yung kamao ko, binuka niya ito at pinatong sa broad chest niya....tapat ng kanyang puso.

Literal na napa-nganga ako...ANO DAW????

"Love... ikaw lang ang kaisa-isa kong mamahalin, ikaw ang buhay ko... hindi ko kaya kapag nawala ka pa sa akin, kaya wag mo akong lokohin na parang hindi mo ako kilala dahil nasasaktan ako..." sabi niya ng seryoso pero yung mga mata niya, yung mga mata niya ay nangungusap... makikita mo dito ang kalungkutan, pati na rin ang sincerity na nagsasabi siya ng totoo...

Hindi na ako nagsalita pa... napatitig na lang ako sa kanya.

Hanggang sa lumapit siya...

Sinambit niya ang mga salitang "mahal kita... Nigel,"

Nakita kong papalapit yung kanyang mga labi sa akin...

"mahal na mahal,"

At pagkatapos ay...

*BLAG*

"aray ko!!!," napahawak nalang ako sa pwetan ko...dinilat ko ang mga mata ko, atsaka huminga ng malalim...

"ANG SARAP MABUHAY!!!!," sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay ko sa ere...

Nagpapasalamat ako dahil paniginip lang pala ang lahat ng iyon, SALAMAT LORD!!!!!

Agad naman akong napabalikwas ng tayo...nagsipelyo naligo at nagbihis na ng pang pasok ko sa eskwelahan.

Pagbaba ko nakita ko si mama nakasuot na ng kanyang uniform sa trabaho, actually wala naman silang uniform kasi nga sa law firm nagtratrabaho si mama ,yun lang talaga yung suot niya kapag nagtratrabaho siya.

Agad akong tumakboi sa likod ni mama at binigyan siya ng isang mainit at malikng backhug... hay, ewan ko ba? Bigla ko lang talaga gusto yakapin si mama?

"gising ka na pala?," kain ka na sa kusina tapos pasok na sa school ng dika malate, sabi sa akin ni Nat marami daw events sa school niyo ahh...baka nahihirapan ka naman, kaya sabi ko sayo wag ka nang tumakbo sa pagiging president ng SC ehh," mahabang litanya ni mama na tinawanan ko naman ng mahina at niyakap siya ulit.

"kaya ko ma... tsaka sayang naman yung insentives diba?" sagot ko kay mama with a smile para hindi na siya magaalala pa sa akin.

"o siya sige na! baka malate ka pa niyan dahil sa kdramahan nating dalawa ehh!" sagot niya na ikinatawa ko naman.

"I love you ma!"

"I love you too Nigel"