Chereads / FLIPPED / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Pagkababa ko ng jeep, agad na bumangad sa akin ang mga estudyante sa harap ng school namin

Hindi sila mapakali... ano bang meron?

"NIGEL!!!" sigaw ng isang boses sa likod ko, agad akong lumingon at nakita kong tumatakbo si Nathalia papunta sa akin, Hay naku eto na naman tayo...

Hinanda ko na ang sarili ko sa isang....

"arekup!? NAT NAMAN!? Ganyan ka ba talaga bumati ... ang aga-aga ng hahampas ka," litanya ko matapos niya akong hampasin sa balikat, amazona kasi tong babaeng to ehh... daig pa nanay ko kung makahampas sa akin?!

"ikaw naman nigel, parang hindi ka na nasanay sa akin... isispin mo nalang training yan," kuda niya

Ano daw!? training... hindi naman ako ako magsusundalo ehh.

"alam mo... masochist kalang?!... wag mo nga sa akin iapply yang mga nababasa mo sa mga BDSM comics na binabasa mo... kung ako sayo titigilan ko nayan, kaya hindi ka pa nakakahanap ng boyfriend mo ehh!"

"alam mo ikaw... kill joy ka ehh! Tsaka bakit naman nasama dito yung hindi ko pagkakaroon ng jowa? hindi ka pa rin naman nagkakaroon ng jowa... remember?" sabi niya with matching taas-baba ng kilay, bwiset talaga to ehh! Alam na alam kung paano ako asarin!

"oo na, OO NA! tama na at alam ko naman na hindi ako mananalo sayo, pero maiba tayo? Bakit ang daming estudyante sa harap ng gate, may artista ba?" tanong ko dito kasi hindi kami makapasok kasi nga kumpol-kumpol yung mga estudyante sa harap ng gate, tapos sabayan mo pa ng alinsangan ng araw...

Napabuga nalang ako ng hininga... WELL! Ano pa bang ineexpect ko sa campus namin! Parang may bago naman...

"hays... sige Nat punta muna ako sa office ng student council, maaga pa naman ehh," sabi ko kay nat

"sama na ako sayo... ang init kaya oh! Baka mamaya maging tinapa na ako dito, atleast doon may aircon, hehehe," bwiset talaga to ehh kababaeng tao parang lalaki kung umasta...

"oo na sige na... may magagawa pa ba ako," sabi ko dito at akto pang hahampasin ang balikat ko pero iniwas ko na ito, Ang sakit kaya!?

"naku Nat, kung hindi ka talaga babae matagal na kitang nasapak!" sigaw ko dito kasi nabwibiwset na ako ehh!... baka magkapasa na naman ang balikat ko!

"CHILL! Chill!... eto na papakabait na po!" sagot niya at tinago niya pa yung kamay niya sa likod para ipakita na hindi na talaga siya manghahampas...

Hindi ko naman namalayan na nasa office na pala kami ng student council, kaunting lakad lang din naman kasi ang office mula sa gate, hindi na namin kailan pang dumaan sa mga kumpol ng estudyante kasi nasa buliding of the principal yung student council office kasama na rin yung admin office... samahan mo pa ng kadaldalan nitong si Nat.

Pagpasok na pagpasok ko ng SC office... agad akong napahawak sa sintido dahil alam ko na agad ang bubungad sa akin...

"Pres kailangan daw na pagmeetingan yung leadership training...tayo daw kasi magiging host school..."

"Pres yung ano daw pala, yung joint festival ng AP at English kailangan na daw I-finalize yung mga events para daw maumpisahan ng paghandaan..."

"Pres, yung ano daw..."

Hinampas ko yung table na agad nakakuha ng atensyon nila, bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"isa isa lang, pwede? Isa lang ako..." pagpapaliwanag ko sa kanila...

"About doon sa leadership traning pagmemeetingan natin yan mamaya, 5:00 pm sharp dapat nandito na kayo, about naman doon sa joint Fest ng AP at English na finalize ko na yung list ng mga events kulang nalang ng approval ng principal, baka mamaya malalaman kung okay ba o hindi... ," mahaba kong diskusyon sa kanila habang nakapamewang.

"oo nga Bryle... ano nga pala yung sasabihin mo akin," siya yung huling nagsalita pero hindi niya na natuloy dahil nga hinampas ko yung lamesa.

"pres... pinapatawag ka nga pala ng principal may bagong transferee at gusto ng principal ikaw daw mag-asikaso," sagot nito na naging dahilan upang magsalubong ang dalawa kong kilay...

"bakit ako pa... diba trabaho yung ng admin?" balik kong tanong dito na sinagot niya lang ng hindi niya daw alam.

"hala nigel! Baka may nagawa ka... " biglang singit ni Nat na kumuha naman ng atensyon naming lahat

"ginulat mo naman ako Nat! akala ko kanina ka pa umalis?" tanong ko dito

Aktong hahampasin niya na akong ng biglang bumakas yung pinto ng SC office, napatayo kaming lahat ng makita namin na si maam milagros pala ang nasa pinto, ang principal namin...

"magandang umaga po maam milagros," bati ko kay maam dahil pansin kong hindi mapakali si maam, naiihi ba siya?...constipated? ano bang meron?

"goodmorning din sayo Nigel kailangan kita ngayon sa office ko dali!!!!"sabi ni maam habang tumitili-tili at tumatalon...

"ano po bang meron maam at hindi kayo mapakale?" tanong ko dito na agad namang nagpabago ng kanyang aura... napansin niya sigurong para siyang teen ager na nahawakan ang crush niya ...HAHAHA

"basta I need you in my office ...na-excuse na rin kita sa first subject mo" sabi niya at lumabas na.

Ng makalis si maam biglang umingay ang office dahil sa tawa ng mga kasama ko... pati nga rin ako kanina pa nagpipigil ng tawa ehh...

Pagakatapos ng tawanan namin ay napagpasiyahan na nilang pumunta sa kanya kanyang klase kasi malapit na nga magsimula ang first subject, ako naman ay nagtungo sa principal office...hindi naman ako napagod dahil katabi lang naman ng SC office an office of the principal...

"ano ba kasing meron..." bulong ko sa sarili bago pumasok sa loob ng principal office...