SHIT!?!?... ang saya niyo naman lord! Sarkastiko kong bulong sa isip ko
Agad kong hiniwalay ang labi at katawan ko sa kanya kasi baka may makakita pa sa amin sa ganoong posisyon... jusko! Ano ba tong nangyayari sa araw ko... pagandahin niyo naman kahit kaunti!!
Pero laking gulat ko ng nakapulupot pala ang dalawa niyang bisig sa katawan ko, at ang hindi ko maintindihan... bakit nakatulala siya sa akin?
"uhmm... pwede mo na akong...ano... bitawan?" basag ko sa katahimikan na agad namang nagpabalikwas sa kanya patayo, ano ba kasing nangyayari sa kanya?
"uhmm... sorry," sagot niya, hindi siya mapakali... para siyang natatae o ewan?
Kinapa ko yung mata ko at tsaka ko lang naramdaman na wala pala yung salamin ko... sheet naman! Ayokong may makakita nitong eyeballs na ito!!!! Napakamalas ko naman talaga!!
Hinanap ko yung salamin ko at nakita ko itong nasa sahig... naku naman! Baka magkagasgas pa ito... ang hirap kaya magpagawa ng customized na salamin, wala kasi itong grado at intended lang para hindi masyadong mag-gain ng attention yung mata ko.
Aktong pupulutin ko na ito ng may kamay na humawak dito...
"ako na," sambit niya na ewan ko ba... parang may kung anong meron sa boses niya, ewan ko ba dito kanina lang galit na galit sa akin na parang gusto akong patayin... pero ngayon parang tuta yung kinakausap niya, bipolar ata to ehh...
"hindi ako na... pasensya na nga rin pala kanina hindi ko kasi nabalanse yung..." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng lumapit siya sa akin, nilagay niya ang isang daliri niya sa labi ko na nagpatahimik sa akin, pagkatapos ay siya na mismo ang naglagay ng salamin sa akin.
hindi ko alam pero... pero... yung puso ko,bumilis yung tibok... tsaka ko lang napansin yung mata niyang hazel brown yung kulay, tila nangungusap ito sa akin na siya ng bahala sa akin...na ligtas ako sa kanya.
Napabalik nalang ako sa ulirat ng pumitik siya sa harapan ng mukha ko
"nga pala, ako si Morphil Rancher uhmm..." pagpapakilala niya sa akin, sabagay, maganda pangalan niya... ano pa bang aasahan mo sa isang Vanderturf diba, ang panget naman pakinggan kung Andress o kaya Virgilio ang pangalan niya diba... Andress Virgilio Vanderturf, ang sagwa! HAHHAHAHAHAHA
hindi naman siya mapakali, anong nangyari dito? may mga time na mapapakamot siya sa batok niya,ng bigla siyang nagsalita ulit na nagpataas ng balahibo ko," simulan mo na tong tour o iiwan kita dito?" tanong niya na ikina-simangot naman ng mukha ko...
Hindi ko talaga maintindihan to, kanina ang bait bait, may nalalaman-laman pang I-will-take-care-of-you look sa mga mata...tapos ngayon nang-aasar ulit, dalhin ko to sa psychiatrist ehh... bipolar
Natigil naman ako sa pagiisip ng biglang bumukas ang pinto ng office of the principal... lumabas si maam milagros ng may pag-aalala bago nagsalita "ano yung narinig kong bumagsak?" sabi ni maam na hindi pa rin mapakali...
"ano po maam kasi....ehhh....uhmmm," hindi ako makasagot...
paano to? Hindi ko alam ang idadahilan ko... hindi naman pwedeng sabihin ko na, tumaas po ako maam sa monoblock tapos sasapakin ko po sana tong si mr.transferee, este Morphil tapos na-out of balance ako kaya bumagsak ako..
magdadahilan na sana ako ng magsalita tong Morphil na to...
"wala po yun maam, natangay lang ng hangin yung monoblock kaya natumba at lumikha ng ingay..." pagdadahilan nito na sinang-ayunan ko naman.
"nakakapagtaka naman, ang init-init kaya at walang hangin paano..." sabi ni maam na agad ko namang pinutol, ewan ko ba kasi dito sa Morphil na to bakit yun pa ang dinahilan ehh alam niyang katirikan ng araw... jusko naman!
"ahhh!...maam simulan na po namin yung tour malapit na po kasi magsimula yung klase sa second subject," dahilan ko kay maam... woah good Nigel! Talino mo talaga!
"anong malapit ng magsimula? Tapos na ang second subject... kaya nagtataka ako kung bakit nandito parin kayo,"
Sheet, hindi ko alam na matgal na pala kami dito sa harapan ng principal office...
Agad kong hinila si morphil at naglakad na..."maam sige na po!... take your break... magto-tour na po kami!" paalam ko kay maam habang naglalakad na sinuklian naman ni maam milagros ng ngiti... terror si maam milagros, pero kung mabait ka sa kanya ay mabait din siya sa iyo... kaunti lang ang nakaka-alam ng kanyang side na mabait dahil sa harap ng mga estudyante ng campus namin, bawat maling galaw ay napupuna ni maam... mula sa maiikling palda hanggang sa mga naka- civilian ay tanaw na tanaw niya kahit mula sa malayo, bansag nga sa kanya ehh kwagong may sampung mata dahil nung unang pasok ko to dito noong grade seven, may isang estudyante siyang ginupitan ng buhok dahil mahaba ito na parang pugad sa ulo...tawang tawa ako noon ng makita ko siyang lumabas ng office of the principal ng panot ang ulo... HAHAHHAHAHAHA
Maswerte naman ako dahil mabait sakin si maam dahil nga araw-araw ko siyang nakakausap ukol sa mga events at projects ng school, kung minsan nga ehh parang bestfriend lang ang turing niya sa kin... kung sinuswerte naman ehh, nililibre ako ni maam sa cafeteria, hindi lang basta cafeteria dahil doon niya ako nililibre sa cafeteria ng mga faculty staff... kaya nga close ko lahat ng mga guro dito sa campus ehh, kahit nga janitor at guard ng school kilala ako... pero my bad effects din minsan ang pagiging close ko sa mga faculty staff kasi nga yung mga iba kong kaklase pati na rin mga schoolmate ko, minsan nga hindi ko pakilala ehh... tinatawag akong sipsip at teachers pet.
Ang sarap nilang pagsasapakin! Kahit hindi naman nila ako kilala ng personal ehh ang dami-dami nilang sinasabi... pero sabi nga nila "silent river runs deep" kaya bahala sila diyan... ipasok sa kabilang tenga, ilabas sa kabila...
Bumalik naman ako sa realidad dahil naramdaman kong may matang kanina pa nakatitig sa akin mula sa likuran, tumalikod ako pero wala namang tao... pinagkibit balikat ko nalang iyon at humarap sa unahan ko kasi, ang bilis ng hakbang ng mokong na ito!
"hoy hintayin mo naman ako..." sigaw ko dito ngunit hindi ako pinansin, tumakbo at sinabayan ang lakad niya bago ako nagsalita
"umpisahan natin sa highschool department ang tour since ito ang department natin at kadalasan naman ng gagawin natin ay dito marerevolve," sabi ko habang nakatingin sa daan.
Hindi ko nalang siya pinapasadahan ng tingin dahil alam kong magkakailangan lang kami...
"ang highschool department ay nahahati sa sa dalawa, ang junior highschool building which is makikita mo agad pagkapasok mo ng gate, yung kaninang pinagkukumpulan ng mga estudyante..." dagdag ko sa pliwanag ko
Ang Vanderturf academy kasi... teka ngayon ko lang pala nasabi yung pangalan ng campus...hehehe sensya na, balik tayo sa sinasabi ko
Ang Vanderturf academy ay nahati sa tatlong department elem. Department wich is nasa gitna, highschool department nasa may kanan ng elem. Dept. at ang huli ay ang college dept na halos triple ang laki ng pinaghalong elem. Dept. at highschool dept. Nasa may likod ang gate nito di tulad ng elementary at highschool dept. na nasa bungad lang ang gate, kaya kailangan pang mag jeep para lang makapunta doon... ang laki kasi ng campus ehh... well ano pa nga bang ineexpect natin sa isang prestigious school na pinapangarap ng lahat ng mga estudyante...