Chereads / FLIPPED / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"so ayon nga iba ang SC council ng college dept. kasi sobrang laki nito at kadalasang iba ang mga events ng college dept. at highschool," patuloy ko sa paliwanag ko.

Grabe! Ang sakit na ng paa ko, buti nalang at hindi na sinama yung college dept. baka abutin pakami ng gabi dito kaka-tour, pa-VIP naman kasi to ehh, pero hindi naman ako makapagreklamo dahil inutos mismo ito ng principal, at isa pa... anak ng may-ari ng school tong mokong na to, bumuntong hininga na lang ako at nagpaalam na kasi nga maguumpisa na ang third subject.

"so ayun lang... kung may mga tanong ka pa, just find me in 10/A, maguumpisa na ang third subject punta na tayo sa room, saan ba room mo?" tanong ko sa kanya, dinedma lang niya ako at naglakad papalayo.

"suplado... akala mo naman kung sino," bulong ko sa sarili ko at pumunta na sa klase ko.

Hindi pa ako nakakarating sa room... mga dalawang room pa ang pagitan, ay nakarinig ako ng mga tili, ano naman kayang meron bulong ko sa sarili ko

huminga muna ako at pinatong ang mga palad ko sa aking tuhod, ang layo kaya ng tinakbo ko ahh! 3 building yun tapos sa fourth floor pa room namin kaya naman hingal na hingal ako kahit hindi pa man ako nakakarating sa room namin.

Nang makabawi na ko ng hininga ko, tinuloy ko na ang paglalakad... habang papalapit ako ng papalapit sa room ehh lalong lumalakas yung mga tilian na naririnig ko kanina, may lindol ba?... wala naman akong naramdaman ahh?

Nang makarating na ako sa room ay nagsalubong ang kilay ko ng makakita ako ng pamilyar na mukha, pinunasan ko pa yung salamin ko kasi medyo malabo dahil sa hininga ko at sinout ko ulit... kung kanina magkasulobong lang ang kilay ko, ngayon naman ehh nadagdagan pa ito ng kunot sa noo ng mapagtanto ko kung sino yung nasa unahan ng teachers table...

Sino pa ba edi yung mokong... nagpapakilala na siya sa unahan ng pumasok ako. Agad namang nawala yung tilian ng mga babae, sama mo pa yung mga lalaki sa likod na binabae ... hindi ko nalang sila pinansin at nagpaumanhin kay sir mañago dahil late ako.

Pinagpatuloy naman ni mokong yung pagpapakilala niya dahil naudlot nga ito nung pumasok ako.

"I'm Morphil Rancher Vanderturf, starting from today onwards I will become one if your classmates, let's treat each other nicely," sambit niya at bigla pumorma sa labi niya ang isang napakatamis na ngiti...

Syempre ang mga babae kong kaklase ay biglang nag-sitilian, isama mo pa yung sobrang tinis na tili nung mga binabae sa likod... ang sakit sa tenga sobra para sabihin ko sa inyo. Yung mga kaklase naman naming mga lalake, yung iba walang pake... dedma lang kung baga, may mangilan-ngilan na nakutalala... nadiscover ata yung sarili nila, napagtanto ang kabilang dulo ng bahaghari....HAHAHHAHAHAHAH

Ako naman dedma lang at tumingin sa unahan, pake ko diyan sa lokong yan!?

Tumingin ako sa harap ng black-board dahil napansin kong may mga sulat dito... siguro may diniscuss sa second at first subject, bakit ako pa kasi inutusan nilang i-guide yang lalaki na yan!?

Bigla namang nagtama ang tingin naming dalawa nung mokong na nasa unahan, at yung ngiti niya kanina na akala mo sinag ng araw na magliliwanag sa madilim mong buhay... biglang naging ngisi na akala mo papatay ng tao. Nagsulubong naman ang dalawa ko kung kilay... bipolar talaga ang mokong na to...

"you may seat in the vacant seat there at the back," sabi ni Sir mañago... yan diyan ka sa likod, kasama mo yung mga binatang nagdadalaga... BWAHAHAHAHA, iba nga naman gumanti ang karma. Buti nga sayo yan, ang sama sama mo kasi sa akin, tinawag pa akong fagggot, BWAHAHAHHAHAHA...

"BWHAHAHAHHAHAHAHA..."

"ano yung nakakatawa Ginoong Nigel Nite Diesta," tanong sa akin ni sir mañago...

Sheet!?...napatawa ako ng malakas

"uhmmm...ano po kasi sir...uhhmmm," hindi ko alam ang sasabihin ko ng biglang maglakad si mokong papunta sa kinuupuan ko.

Kung kanina ay nasa akin ang atensyon ni sir...bigla itong napalipat sa kanya, ano bang problema nito?

"Mr.Vanderturf, the vacant seat is at the..."hindi na natapos ni sir ang sasabihin niya ng biglang sumingit si mokong

"can I seat here... mas malamig kasi dito tsaka madilim sa likod hindi ko masyadong makita yung mga nakasulat sa blackboard," sagot niya na nagpatahimik kay sir at sa mga kaklase namin.

Tiningnan naman ng masama ni mokong yung katabi ko... sa sobrang takot nito, manginig-nginig itong tumayo sa kinuupuan niya at lumipat sa likod.

Wala namang nagawa si sir kung hindi ang um-oo nalang... tumingin naman ako sa kanya pagkaupo niya, na dapat di ko na pala ginawa dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala yung ngisi sa mukha niya, Ano bang iniisip nito?

"well now that everything is settled let's get back to the discussion," tinuran naman ni sir at umayos naman ng upo ang mga kaklase ko pwera lang dito sa katabi ko na akala mo bahay yung desk niya... yung totoo?

"we will tackle the story of deadalus and icarus so...," bigla namang natigil si sir ng magtaas ng kamay tong katabi ko.

"sir pwede po bang pumunta muna ako sa cafeteria, hindi po ako nakapagbreak and now im straving," kuda niya na nagpanganga sa mga kaklase ko at nag painit naman ng ulo ni sir mañago...

"pwede ba pagkatapos nalang ng discussi-,"

"daedalus is a greek inventor that excels in many things. he built the wooden cow and the labyrinth where the minotaur has been prisoned,

He also build two sets of wings that is used by him and his child which is icarus, to escape the labyrinth. I also know that icarus died because he flew to high that cause the wax in the wings to melt, sino ba naman kasi ang gagawa ng pakpak gamit ang kandila diba. To cut the story short... icarus died and deadalus mourn for the death of his child..."mahaba paliwanag niya na nagpa-nganga kay sir at mga classmate namin.

"tapos na ang discussion, pwede na ba? Gutom na ako..."wala namang nagawa si sir, dahil speechless siya ehh... tumango nalang siya.

Papalabas na siya ng classroom, lahat ng mata ay nakatingin sa kanya "and by the way... just use google to self study... ang boring nang discussion niyo sir," dagdag pa niya.

Hindi alam ni sir ang sasabihin... nakanganga lang siya. Yung iba naman naming kaklase ay pinipigilan ang kanilang tawa, kung ako yung nasa pwesto ni sir mañago, talagang mahihiya ako... kawawa naman si sir

Sumigaw pa siya sa hallway "I forgot... icarian sea is also named after icarus!" hindi na napigilan ng mga kaklase ko ang pagtawa nila dahil pahiyang-pahiya na si sir, pulang-pula na siya na ewan ko ba kung dahil sa hiya o sa galit.

"SHUT UUUUPPPP!" sigaw ni sir na nagpatahimik sa buong klase... grabe nakakatakot, rinig na rinig ata yun hanggang sa kabilang building.

Nagbalik na kami sa klase at biglang lumitaw sa isip ko si Morphil... naalala ko tuloy yung nangyari sa amin sa harap ng office of the principal...agad kong iwinaglit sa isip ko yun at nagfocus na lang sa unahan kung saan ng nagdidiscuss si sir...

"focus Nigel...focus, hindi mo naman first kiss yun ehh kaya okay lang,"