"hinga ng malalim Nigel, it's just a dream... as if naman magiging totoo yun...ang isipin mo ay kung paano mo malalagpasan ang impyernong nag-aabang sayo," pangungumbinsi kong bulong sa sarili ko...
bakit ba kasi hindi ko makalimutan yung panaginip ko kagabi!!!!
Nandito pa rin ako sa harap ng gate ng campus, para akong tangang nakatayo dito. at maya-maya pa ay biglang humapdi ang balikat ko dahil sa hampas sa balikat ko. Sino pa ba ang nagiisang taong kilala ko na kung makahampas ehh akala mo punching bag ang kaharap niya.
Hinarap ko siya ng nakasimangot, wag ngayon Nat... wala ako sa mood. Pero imbis nalayuan niya ako ay naghahagalpak siya ng tawa, kulang na nga lang ay humiga siya sa sahig tsaka magpagulong-gulong ehh!!!
"ano bang problema mo ahh, wala namang nakakatawa," baling ko sa kanya pero hindi parin siya tumitigil sa kakatawa.
Nang tumigil na siya sa pagtawa ay tsaka ito nagsalita "chiil ka lang naman... mukha ka kasing pinagsakluban ng langit ng lupa ehh, tingnan mo nga yang mukha mo... ang laki-laki ng salamin mo pero halatang hindi ka nakatulog kagabi sa laki ng eyebags o di naman kaya..."
"napanaginipan mo si Morphil and your making out in your dreams...IIIIHHHHHH!!!!"
"paaano mo nala... I mean, baliw ka ba!?" tugon ko sa kanya na lalo lang nagpalaki ng ngisi niya sa mukha, hay... minsan talaga gusto ko nalang kainin ng lupa.
"ikaw ahh! So napanaginipan mo nga si morphil na nagmamake-out kayo... hindi ko alam na ganoon ka palang side Nigel, ang wild mo ahhh!"
"tigil-tigilan mo ako, sinabi ng hindi nga yun yung napanaginipan ko ehh, ang initindihin muna natin ngayon ay yung mga events na mangyayari sa school," sabi ko sa kanya, hindi naman siya umalis sa pwesto niya, nandoon lang siya sa harap ng gate kaya bahala siya doon, iniwan ko siya. Matapos niya akong asar-asarin bahala ka diyan.
Naglalakad ako ng biglang...
"NIGEEELLLL!!!!"
Sigaw ni Nat na ikinataas naman ng kilay ko... "ano bang problema mo ahh!!! Wag mo na nga ako asa-"
"TANGA, NASA GITNA KA NG DAAN," sigaw niya sa akin
Sa lang ako napabalik sa ulirat dahil sa sinabi niya. Sa sobrang space out ko kanina, hindi ko namalayan na imbis na papasok ako sa loob ng campus, sa highway pala ang punta ko. Pero huli na ng nakita ko ang unahan ng jeep na dire-diretso papunta sa akin...
Pinikit ko nalang ang mata ko... Lord oras ko na ba talaga?
Masyadong mabilis ng mga pangyayari...
May bisig na bumalot sa akin at nagpatianod nalang ako dito...
Dinilat ko ang mga mata at ang unang imahe na rumihistro sa akin ay isang hazel brown na mga mata...
Agad na rumihistro sa kin kung kaninong mga mata ang nakatitig ngayon sa akin, kung nakaninong mga bisig ako ngayon...
Morphil Rancher Vanderturf...
Nasa bewang ko ang isang bisig niya at ang kamay niya naman na isa ay naka suporta sa ulo ko, titig na titig lang ako sa mata niya, may pwersang nagtutulak sa akin at tila ba sinasabi nito na 'ligtas ka na'
"YYYYYIIIIIEEEEEEE," hiyaw ni Nat na nagpabalik naman ng isip ko sa realidad... sheeet ano bang nangyayari sa akin?
Napabalikwas naman siya ng tayo ng marinig ang matinis na sigaw ni Nat. tiningnan ulit ako nito bago nagsalita," tumayo ka na nga diyan..." kanina lang iniligtas ako... bipolar talaga!
Aktong tatayo na ako ng kumirot ang binti ko, bigla akong napa-upo, tiningnan ko kung ano yung sumsakit. Laking gulat ko ng makita kong may gas-gas yung likd ng binti ko... hindi naman malala pero mahapdi siya, sa sobrang hapdi namamanhid yung binti ko... Lord naman ehh!!! Ayoko malumpo!!!
"anong nangyari sayo Nigel?" tanong sa akin ni Nat ng makalapit na ito sa amin... hindi ba obvius Nat? muntik lang naman akong mabangga diba?
"ayos lang ako... gasgas lang ito," sabay pakita ko sa kanya ng assuring na ngiti para hindi na siya mag-alala.
"gasgas lang daw pero hindi makatayo..." singit naman ni Morphil with matching crossed arms over the chest pang nalalaman, isama mo pa ang smirk niyang pang-demonyo.
"namamanhid kasi dahil sa-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng nakapwesto na si Morphil sa harap ko, nakaharap ang likod sa akin,
"sige na baka magbago pa-isip ko at iwanan kita diyan," sabi niya na may halong pang-aasar...
"hindi na niligtas mo na ako kanina...Nat tulungan mo nga ako dito,"tumingin ako sa pwesto ni Nat pero... ang loko nandoon na pala sa gate.
"NIGEL...UNA NA AKO! AKO NA BAHALA MAGEXCUSE SAYO SABIHIN KO NASA CLINIC KAYO, TAKE YOUR TIME!!!!" rinig ko sigaw niya bago pumasok sa loob ng campus ng nagtiti-tili... maasahan nga namang kaibigan pag-kailangan mo talaga no?
Ilang segundo pa kami sa ganoong posisiyon ng maalala ko yung salamin ko...
"YUNG SALAMIN KO!!!!!" nalulumo kong sigaw ng makita ko ang salamin ko sa gitna ng daan na basag basag na, literaln na pulbos na dahil nagulungan ng jeep kanina isama mo pa yung mga kotse na dumadaan, NAPAKA-SWERTE KO NGA NAMAN TALAGA NGAYON NO!!!
"paano yun ang mahal pa nama-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng binuhat ako ni Morphil... akala ko aalalayan niya lang ako maglakad kasi inakbay niya yung isa kong kamay sa balikat niya pero laking gulat ko ng lumutang yung paa ko sa lupa. Binuhat niya ako ng PA-BRIDAL STYLE
"wag mo na intindihin yung salamin mo, ang isipin mo ay ligtas ka. Kailangan ka ng madala sa clinic kasi namamanhid yung mga paa mo, medyo malaki yung gasgas..."sambit niya habang buhat-buhat ako
Hindi ko alam pero parang ligats ako sa mga kamay niya... pakiramdam ko...
Parang alam ko yung pakiramdam na ito...
Hindi ko lang alam kung kailan...
Pero panigurado ako...
Na ligtas ako...
"salamat, Morphil," bulong ko sa kanya...