"MA! Nandito na ako!" sabi ko habang nag-huhubad ng sapatos, kung may word na magdedescribe ng araw kon ngayon that's HELL.
Hindi lang basta impyerno kasi lagi namang impyrno ang school para sa kin, it's just that mas grabe ngayon... kapag sinabi kong grabe, as in GRABE talaga. Hindi pa kasi natapos doon sa anak ng may-ari ng school ang problema ko dahil malapit na nga yung joint Eng at AP Fest kaya bago ako makauwi ng bahay katakot-takot na paper works ang kailangan kong I-check para doon sa mga events. hassle pa kasi lahat ng mga kasama ko sa council ehhnagdahilan na hindi daw sila makakapunta... napahawak nalang ako ng sintedo dahil sa mga sakit ng ulo na hinarap ko. Ang gusto ko nalang talaga ay umuwi at matulog. Kaya pasalamt naman ako ng makauwi na ako... sa wakas! Malaya na ako sa impyerno!
"nandiyan ka na pala Nigel, nandiyan pala si Nathalia hinahanap ka daw,"sabi ni mama na nagpatingin naman sa akin sa isang tao na nasa sala... agad akong napabalikwas ng tayo at sumigaw kay Nat...
"NAT NAMAN EHH!? Bakit naman ganyan ka magbuklat ng comics?!" sabi ko dito dahil kulang nalang ehh puntiin niya yung page sa sobrang bukang buka nung libro... ako nga walang 45 degree angle kung ibuklat yun ehh, tapos siya bukang-buka, mahirap pa naman hanapin yung comics na binabasa niya... bumuntong hininga nalang ako bago siya nagsalita.
"relax Nigel! Parang hindi ka pa nasanay sa akin,"sabay hampas sa balikat ko...akala ko makakapag-pahinga na ako dito sa bahay pero parang mali pa ata ako ng akala... hays, lord naman ehh! Seryoso ba kayo?
"oo na, oo na... bakit ka nga pala napadpad dito? manghihiram ka comics?" tanong ko dito...
Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit siya pumupunta dito sa bahay, una kung manghihiram ng comics kung hindi naman mangugulo lang dito sa bahay, na pinaka-kinaiinisan ko.
"hindi mangangamusta lang..."sagot niya na ikinataas ng isang ko kilay
"yung pangangamusta mo hindi ka tiwa-tiwala... maghehello ka na nga lang sa akin, lagi pang may kasamang hampas," sabi ko dito pero parang wala lang sa kanya at nginitian pa ako.
"dito na kayo magkwentuhan habang kumakain,"sabi ni mama sa kusina na biglang nagpatayo kay Nat.
"ewan ko ba kung may hiya ka pang natitira sa katawan o talagang inborn ka na talagang walang hiya," sabi ko dito na hampas naman ang isinukli sa akin,hinimas ko yung balikat ko, nadislocate ata ehh, ang sakit!
"may hiya ako no! sayo lang ako walang-hiya," sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko, hahampasin ko sana siya pero nakaiwas siya at agad na pumunta sa kusina kung nasaan si mama, napatawa nalang ako... kailan ba ako nanalo kay Nat bulong ko sa sarili ko at sumunod na sa hapag kainan.
Matagal ko nang bestfriend yang si Nathalia Vanchester Fox, siya ang pinaka una kong naging kaibigan. Una kaming nagkita noong grade one ako, inaasar ako lagi kasi nga mukha akong babae dahil sa mga mata ko, at si Nat ang nagligtas sakin noon. Kung minsan nga inaasar kaming dalawa kasi daw mas mukhang lalaki pa si Nat kaysa sa akin at ako daw yung prinsesa lagi niyang pinoprotektahan. Nahihiya ako sa asar nilang yun kaya nilayuan ko si Nat para hindi na rin siya madamay, kung aasarin man ako ng mga bully ako lang ang aasarin nila, hindi na madadamay si Nat. Pero hindi niya ako iniwan kahit hindi ko siya pinapansin, to the point na nasanay na rin ako sa kanya. Nalaman ko na mahilig siya sa comics na hilig ko din kaya mas lalo kaming naging close. Mahalaga siya sa akin dahil sa mga oras na kailangan ko siya nandiyan siya lagi para sa akin, kaya kung sakali man...baka nga hindi mangyari kasi mas malakas pa sa kin si Nat pero kung kakailanganin niya ng tulong nandyan ako lagi para sa kanya.
Tungkol naman sa pamilya ni Nat. Sila ang may-ari ng wintercole pharmaceutical. Sabi niya magmemedicine siya sa college which is hindi naman nakakapagtaka dahil nga doon naka-line yung profrssion ng mga magulang niya, pero hindi naman niya kailangang mangamba sa pagtake-over ng kompanya nila dahil may kuya siya at yun daw ang magmamana ng kompanya nila. Kaya ito siya ngayon, happy happy lang.
Ewan ko ba diyan, dapat sa mga kasing yaman niya siya nakikipagkaibigan pero mas pinil niyang makipagkaibigan sa akin. Hindi naman kami mayaman, si mama ay nagtratrabaho lang naman sa isang law firm. Hay ewan basta... kakain nalang ako, tama na ang kwentuhan dahil masarap ang ulam namin... my favorite sinigang!
"dahan-dahan Nigel hindi ka naman mauubusan!" sabi ni mama sa akin... pero kain parin ako ng kain. Kailangan kong namnamin to, impyerno pinagdaanan kokaya tama lang na magpakasaya ako.
Tuloy tuloy kami ng pagkain hanggang sa maubos na namin ang nakahain sa lamesa... eto naman si Nat, busog na busog, dumighay pa na ikinatawa naman naming tatlo. Nag-ayos na kami ng pinagkainan at tumayo na ako.
"ma doon muna ako sa kwarto," sabi ko at aktong tatayo ng nagsalita rin si Nat.
"ako din po...hehehe," sabi ni Nat na ikanataas ko naman ng kilay.
"sige sige..." sabi ni mama habang nakangiti ," tandaan niyo na may pasok pa bukas kaya wag masyadong magpapagabi, ihatid mo mamaya tong si Nat, mahirap na at babae," sabi ni mama...
Tumawa naman ako bago magsalita ,"amazona yang si Nat ma, baka mamatay pa magbalak diyan..."
"aray," daing ko ng hinampas ako ni Nat na ikinatawa ni mama
"o siya sige na ," tugon ni mama na tinalima naman namin.
Pagkapasok namin ng kwarto ng biglang sinara naman ni Nat ang pinto, kinabahan ako dahil may ngisi na namumuo sa kanyang labi, jusko! Ano na naman to!
"let's play a game Nigel!" sabi niya na nagpataas naman ng kilay ko.
"ano naman yun?" habang nagsasalita ko ay nasa likod yung isang niyang kamay, kaya naman kinabahan ako... sheett, kinabahan ako bigla dahil baka tali yun, mahilig pa naman to sa BDSM comics kaya laging may dalang tali.
(A/N:BDSM means Bondage and Discipline (BD), Dominance and Submission (DS) Sadism and Masochism (SM)... in short people having pleasure in means of pain... para sa kanila, mas masakit = mas masarap)
Lumapit siya sa kin at inilabas ang nasa likod niya...isang...barya? hindi lang basta barya dahil parang may inscription doon na hindi ko naman mabasa... baka kulamin ako nito!
"ano na naman yan Nat?" tanong ko sa kanya na nagpalawak naman ng ngisi niya sa mukha.
"maglalaro tyo ng toss coin...hehehe" sabi niya na nagpasimangot sa akin... akala ko naman kung ano na...
"sige na sige na pero pagkatapos niyan umuwi ka na at maggabi na," sabi ko sa kanya na tinanguan naman niya.
"pero may twist tong toss coin na lalaruin natin, kung sinong mananalo magtatanong siya sa natalong player... ayos ba?" kuda niya
"seryoso ka ba?...ehh alam mo naman lahat sa akin, tsaka kaya ko ng magsulat ng talambuhay mo kaya para saan pa yan..." sabi ko sa kanya na sinagot niya naman ng basta... sige na nga ng makauwi na tong babaeng to.
"yehey!!..." hiyaw niya naman at nagsimula na kami sa paglalaro ng toss coin... imbis na nagaaral na ako ehh...
"heads or tails?" tanong niya... nagheads ako kaya siya naman ang nagtails.
Pintik niya yung barya sa itiaas at bumagsak ito sa sahig ng naka...
Tails...kaya naman kinabahan na ako...ano ba kasaing ittanong nitong masokistang to.?
"paano bayan? Ako magtatanong," sabi niya ng nakangisi..
"ano ba kasi gusto mong ita-,"
"malambot ba labi ni Morphil?" hindi na ako nakapagsalita pa...napanganga ako, paaano to!? Pag minamalas ka nga naman oh...
"paaano mo nalaman... este anong pinagsasabi mo?" sambit ko na nagpalaki naman ng ngisi ni Nat... sheet naman oohhh...bibig ka, pahamak ka ehh!
"babalik sana ako para tawagin ka kasi first subject na, pero nagulat ako... nakita ko kayo ni morphil... nagkiss kayo.... Ihhhhhhhh!!!" sabi niya sabay tili ng napakatinis
"hindi ganun yun susuntukin ko siya baka mali lang yung angle, alam mo na refraction of light rays, bouncing of lights... baka guni guni mo lang yun..." pagpapalusot niya na lalong nagpataas ng kilay niya, patay na! naghukay pa ata ako ng sarili kong libingan... lord please help me!!!
"ang nakita ko ay nakita ko...susuntukin daw ahh!!!" pangaasar niya habang taas-baba pa yung mga kilay niya.
"hindi nga!" mariin kong sagot dito. minsan lang ako magsisinungaling lord pagbigyan niyo na ko...
"nakita ko kaya..."pagpupumilit niya na sinagot ko naman ng hindi
Paulit-ulit lang siya sa pagtatanong na sinasagot ko naman ng hindi, hanggang sa susmuko na siya... hehehe akala mo ahh!
"sige ganito nalang mangako ka sa akin na hindi talagang totoo yun," sabi niya sa akin habang hawak sa kamay niyayung barya kanina na parang pang kulam.
"oo na, oo na... nangangako ako,"sambit ko ng biglang lumakas yung hangin sa may bintana... may bagyo ba?
"sige mangako ka na kapag totoong nagkiss kayo, you will take the consequences..." ano namang kalokohan to? Pero hindi na ako nagmatigas pa at sumang-ayon nalang, gusto ko nalang matulog!!!
"sige pag-nagsisinungaling ka magiging kayo ni Morphil!!!!" sigaw niya ng biglang lumakas yung hangin. Tinoss niya yung coin at umiikot ito bago tumigil...
"Tails...anong meron?" tanong ko...
Bigla naman siyang humiga sa kama at naglupasay, paggulong gulong pa si Nat habang tumitili...
"ano ba kasing meron... bakit sobrang saya mo?"
Tumigil siya at tumili bago nagsalita...
"nagsisinungaling ka so you will take the consequence!... magiging kayo nI MORPHIL," sigaw niya bago tili ulit...
ANO DAW??