AMENADIEL
"SHOT! 'Yung tindahan!" Sigaw ko nang mapa-tingin ako sa burger stand. Iba na ang nagluluto at mistulang nagkaroon ng free samples. Sira ulong babae 'yun, ah? Hindi sa inyo 'yan!
Tumakbo ako patungo sa tindahan ngunit umalis na rin palayo. Ngayon, hindi ko na alam paano pa sila sisingilin. Marami na rin bang naipamudmod?
Dito pala sila pumunta 'nung nawala sila sa paligid ng naging kaaway ko. Paano na ito? Mawawalan ako ng trabaho!
Base sa bilang ng mga tinapay, mula sa labin-dalawang balot ay sampu na lamang. Kalahati ang ninakaw nila! Patay ako nito!
Naluluhang tinignan ko ang lagayan ng salapi. Wala pang laman tapos ang dami nang nawalang sangkap.
Bigla kong narinig ang boses ng aking amo mula sa malayo. Napalunok na lamang ako, wala na akong magagawa. Ito na ang katapusan ng aking trabaho. Ni hindi pa nga ako nakaka-isang araw o nakakasahod man lang bago matanggal pero ito, palpak na naman ako. Ito lang naman ang klase ng trabaho na kaya kong pasukan, dahil nga hindi ako nakapagtapos. Paano na kami? Paano na pag-aaral ni Amiela?
"Amenadiel, ang dami mo nang naibenta, nakakahanga! Magkano na? Ibigay mo sa akin ang lagayan ng pera, please." Bungad ng aking amo habang iniikot ang tingin sa kaniyang stand.
Napayuko na lamang ako at hindi naka-sagot. Ano bang isasagot ko sa tanong niya? Wala ngang laman ang lagayan ng pera.
"Ninakawan ako, Sir, habang nasa labas ako." Tumingin ako sa labas at nakita muli ang babae. Bakas sa mukha niyang puno ng grasa ang awa.
"So, totoo nga ang narinig ko na naghamon ka ng away at may kutsilyo ka pa? Anong pumasok sa kukote mo at nakipag-basagan ulo ka!?"
"Hindi iyan totoo---"
"At dahil doon, napagsamantalahan ang tindahan ko! Paano mo maibabalik ang aking kita! Wala ka talagang silbi sa lipunan na ito! YOU'RE FIRED!"
Ito na nga pero hindi ko inasahang makakatanggap ako ng masasakit na salita mula sa aking dating kaklase. Ako, walang silbi? Sa bagay, hindi ako nakapagtapos kaya wala nga akong maidudulot sa ekonomiya ng bansa na itinutulong sa mahihirap na tao. "Pero, Jim---"
"Call me Sir! Alam mo kung hindi lang kita kaklase, hindi kita tatanggapin. Tama nga ang turan nila sa'yo, malas ka!"
"Nagmamakaawa ako, Sir!"
"Then, you should have done better! Tell me why did you fight with that person! Bakit ka nakipag-away!?"
"Kasi po..." Napatingin ulit ako sa babae. Inosente siya, kinailangan niya lang ng tulong, wala siyang kasalanan. Ang mga naki-kain ang may kasalanan dito. Ngayon lang naman ako magsisinungaling, patawad, Amang nasa langit! "Napag-balingan ko lang siya."
"THAT'S IT! YOU'RE FIRED, TANGGAL!" Sigaw niya at itinuro ang pinto sa likuran niya. "Akin na iyang apron at sumbrero mo! Napaka-malas mo, hinding hindi ka uunlad, Amenadiel." Malumanay niyang sambit ngunit sagad na sagad sa puso ko. Siguro ay tama naman sila, malas ako at wala na akong pag-asa sa buhay. Pero alam ko na tama ang ginawa ko para sa babaeng iyun. Wala naman nang mas mahalaga kaysa sa kabutihan at pag-ibig, hindi ba?
Bumagsak ang aking mga balikat at malungkot na lumabas mula sa tindahan. Unti-unti ring tumakas ang aking mga luha at bumagsak sa semento.
Wala akong mukhang mai-haharap sa aking mahal na kapatid.
NAGLALAKAD pa rin ako dahil sa bagal ng aking pag-usad. Dinaramdam ko pa kasi ang nangyari kanina. Ngunit, Wala na rin namang maidudulot sa aking mabuti ang pag-iisip 'nun. Mabuti pa ay kalimutan ko na lamang. Nakaka-siguro akong makaka-hanap din ako ng bagong hanap-buhay.
Huminto ako nang biglaan, at may narinig na mga yapak na tila ay tumigil din. Lumingon ako subalit wala naman akong nakitang sumusunod sa akin. Baka ilusyon ko lamang ang narinig ko. O baka 'yung naka-basag ulo ko!?
Sa takot ay nilaparan ko ang aking nga hakbang at wala pang sampung minuto ay nakarating na ako sa aking tahanan.
"Oh, Kuya. Nandiyan ka na po pala, sabay tayo ah. Tamang-tama ang iyong pagdating sapagkat dala ko ay gulay na ibinigay sa akin ng aking guro. Tara, ipagluluto kita. Batid kong gutom ka na." Saad ng aking kapatid na si Amiela, kitang kita ko na galing lamang siya sa kaniyang paaralan sapagkat dala-dala niya pa ang kaniyang mga libro. Hindi mo mahahalatang mag-aaral siya sa dahilang hindi siya naka-uniporme. Hindi ko kasi siya naibili ng mga iyun, dahil sa kawalan ng salapi. 'Di bali, alam kong maibibili ko rin siya.
Tumango ako at sumabay sa pagpasok sa aming tahanan. Maliit man ito ay maraming ala-ala ang tirahan namin. Tahanan, sabi nga nila, kung maituturing.
Mabuti na lamang ay mabuti ang guro ni Amiela at binigyan siya ng gulay. "Kuya, kumusta ho pala ang unang araw sa trabaho?"
"Tara, gutom na ako, Amiela---"
"Na-paano po ang iyong mukha, Kuya?" Pag-aalala ay bakas sa maamong mukha ng aking kapatid. Minabuti ko na lamang na magsinungaling. "Ah, wala ito. Na-untog lamang kung saan."
"Oh, sige ho. Lagyan na lamang natin ng yelo mamaya bago kumain. Mag-iingat ka sa susunod, Kuya."
Ang sakit sa loob. Hindi ko pa nga naibigay sa kapatid ko ang ilang bagay na kailangan niya ngayon sa paaralan tapos nawalan na ako ng trabaho. Ang malas ko talaga!
"Sige, bunso. Salamat sa pag-aalala pero malakas si Kuya, wala lang ito, kayang-kaya!" Ngumiti ako.
Minsan talaga, kailangan na lang kumapit sa kasinungalingan para hindi na makasakit ng ibang damdamin.
Note: Votes and feedbacks are highly appreciated.