Chereads / The Health Conscious Girl / Chapter 4 - Chapter 03: The Truth

Chapter 4 - Chapter 03: The Truth

AMENADIEL

"I only put an experiment. If someone will respond to me and give me a food, that's where I will live in. And I saw you, looking at me and then you planned to cook me food, right? But things got out of my hands, that guy has followed me and almost raped me. I was not his wife nor his relative as he was trying to tell you. It was a trick for others to think it's a spat between couples and just normal. So, I am really grateful to your bravery."

Alam niya kung paano makipag-laban? Anong tawag doon, self-dehence? Tapos siya pa ang nagligtas sa akin?

"That's why I trailed behind thee. Can I live in here? I have no other place to stay at. Please!"

"Oh, Ate. If only Kuya agrees. Kuya, can we, can we? Puwede ba? Ngayon lang ako magkakaroon ng ate, bonus pa na ang ganda niya. Hinanap ka na ng tadhana mo, huwag ka nang umiling."

Tsk. Nang-uuto na naman itong si Amie 'e. Paano naman? Bakit dito pa siya titira? Ang daming mas malalaking bahay kaya bakit ito ang napili niya? Ah, oo nga pala, sabi niya ay kung sino tumulong sa kaniya ay doon siya maninirahan.

"Pansamantala lang ha? Okay." Pagpayag ko na ikinasaya naman nila. Nagsigawan pa sila.

TUWANG-TUWA ang kapatid ko at pinahiram niya pa ng mga damit ang babaeng iyun. Ano nga ulit pangalan niya? Calypso? Nakalimutan ko na sa gulat na gawa-gawa niya lang ang nangyari kanina (tinagalog ni Amie lahat), nawalan pa tuloy ako ng hanap-buhay. Pero sigurado naman ay ayos lang.

"Ate is an honorific title of elder women here in Philippines, I will call you Ate Calli from now on, okay?" Rinig kong tanong ni Amie at um-oo naman si Calli. Calli pala. "Kuya, tingnan mo si Ate. Guess what, hindi rin siya pulubi. Sabi na nga ba 'e, makinis kasi siya at ang puti pa. Tumakbo lang siya mula sa mapang-abusong pamilya niya." Paglalahad ni Amiela na parang tao sa mga balita. Lumingon ako at halos mahulog ang panga ko.

Tila kumikinang ang pigura ni Calli habang sinusuklay ang buhok niyang basa pa mula sa pagligo. Suot niya ang maikling pambaba ni Amie, ganun din ang matingkad na bughaw na pang taas. Ang puti at ang kinis niya. At higit sa lahat, ang ganda niya.

"Whatever she is saying, I know it is authentic. By the way, guys --- woah, I am still not used to it --- have you eaten dinner yet?"

"Not yet, Ate."

"Then, just wait for me. Let me cook thee foods." Wika niya bago tumakbo palabas ng aming tirahan. Nang mawala na siya sa paningin ko ay aking hinarap si Amiela. "Naniniwala ka doon? Paano kung masamang tao 'yun, Amie?"

"Kuya, batid kong lubos kang nag-aalala ngunit naa-amoy ko na mabuting tao si Ate. Ilang buwan lang, ayos na ba?"

"Naku, sinasabi ko sa'yo ah. Tingnan mo pa, wika niya ay tumakas siya sa pamilya niya? Paano kung magka-problema tayo dahil tinanggap natin siya?"

"Lubos kang nag-iisip ng puwedeng mangyari. Ako ang sasagot kung may masamang mangyayari sa atin."

"Ano!? Pangako ko sa mga magulang natin na iingatan kita tapos---"

"Shh! Umupo ka na lang diyan at tigilan ang pag-iisip ng kung anu-ano."

Maya-maya pa ay bumalik si Calli na may dala-dalang manok at mga gulay, pati na rin bigas. Tama, hindi nga siya pulubi. "Bakit mo nga pala ako sinundan dito?" Lumunok ako dahil nakakapugot hininga ang kaniyang itsura.

Tumayo si Amie at winagayway ang kaniyang mga kamay. "Kuya, huwag ka namang ganiyan. Sabi ko sa'yo, hinanap ka na ng destiny mo oh."

"Destiny, destiny ka diyan. Saan ka nakakuha ng pera, Calli? Baka naman nag-nakaw ka!?"

"Kuya!"

Lumapit ang babae sa kusina at nag-simulang mag-asikaso ng putahe. "I would be cooking a roasted chicken, my specialty. Tell me, do you have pots?"

"Ate, it's underneath the sink. May I ask, where did you get those ingredients?"

"Oh, just there, somewhere out there. Amiela, sweetheart, may I ask you to prepare the table, please?"

"Oh, okay. I trust you, Ate!"

"Thank you." Sa lahat nang nailahad nila ay 'thank you' lamang ang aking na-unawaan. Dali-daling nagtungo si Amiela sa hapag-kainan at nag-handa ng mga kagamitan. "And as of you, help me cook. I mean, this is your house, and you knew the place." Nabaling ang tingin ko kay Calli at napansin ang mukha niyang higit na maputi kaysa niyebe at ang kutis niyang tila ay hindi dinapuan ng lamok. Ang mga mata niya'y bughaw at kumikinang na parang tunay na perlas, matangos na ilong, at mapupulang labi.

"Amenadiel, seems like thee could not decipher the idea that I am no beggar. I am telling you that I am really a commoner." Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti. Sobrang marikit ang babaeng ito, hindi ko ika-kaila. "Handsome being, you are."

"Gwapo ka raw, Kuya." Bulong ni Amie sa likod ko na nag-balik sa akin sa huwisyo. ''My brethren said you're beautiful."

"Oh, thank thee so much."

"Ate, thou shalt replace the 'thee' and 'thou' with a simple word: you. That's easier, I guess." Pag-singit ni Amie bago umalis ulit.

"Thank thee --- I mean, thank you!" Sigaw ni Calli. "So, where is thy utensils?"

Utensils daw, Amenadiel, itigil mo na ang pag-sulyap! "Ah, doon." At itinuro ko naman ang lagayan ng aming mga kagamitan na luma na dahil sa mga ninuno pa namin ito. "I-kumpirma mo kung tama ang aking sinabi."

"I can't understand the --- you."

"Ako rin naman, dugong dugo na ilong at utak ko sa'yo..."

Note: Votes and feedbacks are highly appreciated.