Chereads / The Health Conscious Girl / Chapter 5 - Chapter 04: Health Conscious

Chapter 5 - Chapter 04: Health Conscious

AMENADIEL

"WHAT did thee say, Mena? Can I just call thee --- you Mena?" Wika niya at lumingon sa akin ng may pagtataka sa kaniyang mukhang marikit.

"Ah, not not. Does not mind me!" Walang kumpiyansa kong sagot. Muntikan na akong marinig nito. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin kapag narinig niya.

"All right, all right. I think I no longer need your presence here. I know yet where the utensils are."

"How did you get to know that, Ate?" Pag-singit ulit ni Amiela sa usapan. Minabuti kong lumayo nang dahan-dahan para maka-iwas sa pag-i-ingles. Wala silang mapa-pakinabangan sa akin dahil hindi nga ako marunong ng ibang wika. Marapatin ko na lamang umupo at maghintay.

"Oh, okay." Huminga nang malalim si Calli bago magpatuloy. "I kind of broke in here once accidentally. My apologies!"

"WHAT!? So, I was right when I felt someone has broken in last Monday." Singhal ni Amiela. Ano na namang usapan ng dalawang ito? Sana naman kaya kong unawain. "Why, Ate?"

"A coincidence. I am looking for foods, but I only found a carrot. I'm sorry, really."

"I guess that's fine, Ate. But you should have just asked us, we will not refuse to give you food."

"I know, you two got good hearts, especially your brethren. Forgive me, I will not do it again."

"Anong sinasabi niya, Amie?" Tanong ko. Wala talaga akong maunawaan 'e, baka mamaya ay sinisiraan na nila ako.

Ngumiti nang may pag-aalinlangan si Amiela, "Ah wala, wala, Kuya! Sabi lang ni Ate na magaling siya magluto!"

"Talaga? Calli, ayos lang ba na patikim ako niyan?" Saad ko pero tinitigan lang ako ni Calli at hindi alam kung ano ang isasagot.

"Kuya, sabihin mo 'can I have a taste of your dish'?" Nakapikit niyang sambit.

"Sige. Calli, can I have a taste of your kiss?"

"Kiss!?" Napalingon si Calli na tila ay hindi kapani-paniwala ang aking sinabi sa kaniya.

"Kuya!" Isa pa itong si Amiela. May mali ba akong nabanggit?

"Sabi mo 'e! Bakit may mali ba akong nasabi?"

Nag-senyas si Amie na tumahimik ako at hinila ako palayo sa hapag-kainan. "Kuya, hindi ko alam kung nakakatawa o nakakainis pero mali iyung sinabi mo. Ang pinasabi ko sa iyo ay 'can I have a taste of your dish' not 'can I have a taste of your kiss. Sobrang bastos 'yun!"

"Ha? Ano ba ibig sabihin ng kiss?" Nag-aalalang tanong ko sa kapatid ko. Ang bastos daw ng aking sinabi 'e.

"Ang ibig sabihin ng 'kiss' ay halik. Kaya para mo na ring sinabi na gusto mo siyang halikan."

"ANO!? BAKIT HINDI MO AGAD SINABI!?" Ramdam ko ang pag-init ng aking mukha nang lamunin ako ng kahihiyan. "PATAWAD, CALLI!" Huling sigaw ko bago tumungo sa silid namin habang tumatakbo.

Nakakahiya ako! Dapat talaga ay hindi na lamang ako nag-ingles! Naka-bastos pa tuloy ako ng babae. At isa sa mga bilin ni Ina ay huwag na huwag mang-bastos ng babae, datapwat ay respetuhin sila.

Anong gagawin ko!?

MINARAPAT ko na lamang gastusin ang oras sa pamamagitan ng paglilinis ng katawan at pagpapalit ng damit. Nagwawala na ang mga bukate sa loob ng aking tiyan ngunit hiyang-hiya akong tumungo sa kusina dahil sa kahihiyan sa kanila, lalo na kay Calli.

Lumunok ako bago tumungo sa hapag-kainan. Nadatnan ko ang dalawa doon na masayang nag-uusap, gayun na rin ang magandang dekorasyon ng manok sa plato na nasa lamesa. Kaibig-ibig ang kaganapan sa aking mga mata.

Ngayon na lamang kasi muli nagkaroon si Amiela ng babaeng kausap na mula sa bahay niya. Iba pa rin kasi kapag katulad niya ng kasarian. Aaminin ko na hindi ko nagagampanan iyun dahil lalaki ako at madalas pa ay abala at pagod ako sa hanap-buhay.

Ngumiti ako at saka napansin. "Hey, Mena. Join us!"

"Bakit ka napapa-ngiti diyan, Kuya? Nakatingin ka pa kay Ate oh, baka ibig mo talaga ang kaniyang kiss." Ngumisi si Amiela at halatang nang-aasar. Naramdaman ko ulit ang pag-init ng aking mukha. "Oy, namumula pa siya oh!"

"Ang ganda lang kasi ng tanawin, may Ate ka na." Saad ko na agad ko namang pinagsisihan. Sana hindi niya naiisip iyung pang-aasar na iyun.

"Opo, magiging Ate ko talaga ito kung gumalaw galaw ka diyan, Kuya."

"Manahimik ka nga diyan, Amiela!" Singhal ko at saka umupo sa gitna ng dalawang babae. Hindi komportable.

"Oh right. I had totally forgotten about it." Nakakagulat na sambit ni Calli.

"What is it, Ate?" Tanong ni Amiela habang nakatingin nang diretso kay Calli. May problema ba?

"I do not eat animals!" Sigaw niya at tumayo. "I apologize for my rudeness. I guess I'll just eat the vegetables. Help thyself!"

Tumawa sila kaya naki-tawa na rin ako. Tinignan ko ang putahe na nasa hapag at halos kuminang ang aking mga mata. Tila sapat ang pagkakaluto rito sa manok na may gulay sa paligid. Ang ganda at sarap ding tignan. Kukuha na sana ako nang i-harang ni Calli at Amiela ang kanilang mga braso. "Ano?"

"We shall pray first." Aniya at nagsimula nang mag-dasal. Pagkatapos magdasal ay kaniya-kaniya kaming kumuha ng putahe. "Why did I forget about it?"

"Forget about what?"

"About the idea that I hate eating animals."

"Bakit ka ba hindi kumakain ng animals?" Tanong ko. Oo, naintindihan ko naman, sabi niya hindi siya kumakain ng mga hayop. Bakit kaya? 'E masarap naman 'yun?

"For I am health conscious..."

Note: Mena is pronounced as Mi-na. Nasa mi ang stress or impit. Votes and feedbacks are highly appreciated.