Chereads / The Health Conscious Girl / Chapter 7 - Chapter 06: Awkward

Chapter 7 - Chapter 06: Awkward

AMENADIEL

PAGMULAT ng aking mga mata ay hinanap ko na agad si Calli ngunit hindi ko nakita ni anino niya.

Bumangon na ako at nag-tungo sa banyo. Napatingin ako sa mga labi ko bago linisin ang aking mga ngipin.

Bumalik sa aking memorya ang ginawa ni Calli kagabi. Nasa mga labi ko pa rin ang tamis ng kaniyang halik. Bakit namumula ako?!

Hinalikan niya lang naman ako sapagkat binati niya lamang ako ng 'magandang gabi'. Sigurado akong walang malisya sa ginawa niya. Kaya, dapat ko nang tigilan ang aking kilig.

T-teka lang, panaginip ba 'yun o totoo?

"Greetings! The morning sun is halfway up to its afternoon setting. Good morning, Mr. Late." Muntikan na akong sumubsob sa lababo dahil sa gulat nang bigla itong sumulpot.

Sandali, anong late? Ang late ay huli, ako ba 'yung late? "Late?"

Nag-kibit balikat siya, "Oo --- woah, that sounds good. Amiela has already gone to school, she said that you must take a rest today."

Nakapasok na si Amiela? Alas-siyete pa ang oras ng pasok 'nun ah? Teka, kumain kaya 'yun, hindi ako nakapagluto ah?!

"Anong ora---time na ba?"

"I already told you. The morning sun halfway up to its afternoon setting, it is nine am."

"Kumain ba si Amiela?"

"Amiela? I could not really understand you but if th---you are asking about Amiela, she's good and had eaten before going to school." Ngumiti siya at winagayway ang kaniyang kanang kamay. "Guma-in ---- as she told me."

Nawala ang pag-aalala ko nang sabihin niya na kumain naman si Amiela. Mahirap na at baka magkasakit pa si Amiela, wala pa kaming pera.

"Sige, salamat."

"Okay. How about you? Let's eat."

"K-kain? Susunod ako, mag-si-sipilyo lang ako." Ipinakita ko ang sipilyo ko sa kaniya at tumango naman siya bago umalis. Bakit ako nauutal at hindi makatingin ng diretso sa kaniya?

Nakaka-ilang!

"HOPE you will like the dish I cooked for us this morning." Wika niya habang hila hila ako. Hindi ko maintindihan pero tila ay lumulutang ang aking isip habang naka-titig sa kamay niyang nasa braso ko. "I have not eaten yet for I was waiting for you. Come quickly, I am starving."

Tumango na lamang ako at umupo na sa tapat ng hapag-kainan. Umuuga na ang aming mga upuan dahil sa kalumaan ng mga ito. Hindi ko naman pangunahing pangangailangan ang mga bagay gaya nito.

"No blinking!" Masayang wika ni Calli at unti-unting ini-angat ang takip ng pagkain. Nang matanggal na niya ito nang tuluyan, halos mahulog ang panga ko. Itlog na may keso, sibuyas, at kamatis sa loob. Kailan pa ba kami nakakain ng ibang putahe bukod sa tuyong isda at mga gulay? Ah, kagabi pala, simula nang dumating si Calli. Ngunit, saan niya nakukuha ang salapi na pinapambili niya? "VoilĂ , egg stuffed with white onion and tomatoes --- or in short, omelet. Do you like it?"

To-ma-tos? Kamatis ba 'yun, hindi ba to-mey-tos iyun? Pero, kumikinang ang pagkain na lalo pang nagpagutom sa sikmura ko. "Salamat, mukhang ang sarap!"

"Ga-in na." Nauutal niyang sambit sa akin. Natawa ako nang kaunti dahil sa paraan niya ng pagsasalita. "Is that right?"

"Not, ang tama ay ka-in, ang impit ay sa 'ka'. Ka-in, not ga-in." Pagtatama ko at napansin kong napanganga siya doon. Ang talino ko na ba?

"Oh, all right. Kain na, Mena." Ang kulit ng pagsasabi niya ng 'kain na' pero hindi ko na siya pinansin at magsisimula na sanang kumain ngunit, ito na naman --- ginulat ako ni Calli. "Pray first, always put God first!" Sigaw niya at pinalo ang aking kamay.

"Sabi mo kain na, pero okay." At inumpisahan niya na magdasal at pagkatapos 'nun ay may kinuha pa siya galing sa lutuan. Bumalik siya nang may letsugas, puting sibuyas, kamatis at mayonnaise sa kaniyang pinggan. Ano nga ulit tawag doon, salad? Salad na puro gulay at dahon.

"Hindi mo ba ibig ang egg?" Tanong ko.

Umiling siya nang dahan-dahan. "No, thank you. That food is a supposed to be alive animal, so no, really."

Ah, animal daw. Maselan nga pala ito sa katawan at kinakain niya. "Sige, salamat pala rito."

"Sa-la-mat is thank you, right? You're welcome. By the way, about last night---"

Bago niya pa mabuksan ang sensitibong usapan ay kinuha ko na ang aking pagkain at pumunta na lamang sa silid namin. Nakaka-ilang para sa akin.

Palilipasin ko muna ang araw na ito.

Votes and feedbacks are highly appreciated.