Chereads / The Health Conscious Girl / Chapter 6 - Chapter 05: Kisses

Chapter 6 - Chapter 05: Kisses

AMENADIEL

"REALLY!?" Sabay naming sigaw ni Amiela. May ganun palang nalalaman? Teka, ano nga palang ibig sabihin 'nun? "Ano sinasabi niya, Amiela?"

"Health conscious, ibig sabihin maingat at maselan siya sa mga kinakain niya, Kuya." Paliwanag ni Amiela.

"Ah, 'e 'di mabuti kasi puro gulay lang din kaya natin ipa-kain diyan." Sagot ko naman. Mabuti na lang kasi ayun lang din kakayanin ng salapi namin.

"Feeling ko po wala tayong magiging problema. Tayo pa nga po pinakain niya ngayon."

"I will not be a problem. I promise!"

MAG-HUHUGAS na sana ako ng mga plato at kutsara nang bigla na lamang nagpakita si Calli sa tabi ko na pawang ay isang multo. "Step aside, my knight." Tunog utos ang boses niya. Tinulak niya patungong hapag-kainan at saka pina-upo.

"I will be at your service from now on, my knight." Wika niya muli at sa sumunod niyang ginawa ay labis akong nagulat. Hinalikan niya ang aking kamay habang naka-tungo. Ganito ba talaga kapag night na? Night na ibig sabihin ay gabi. Ganun ba gagawin kapag night, sabi niya 'my night' 'e?

Dahil hindi ko talaga maunawaan ay hinawakan ko ang plato at tela at tinuro siya. "Huhugasan mo mga ginamit natin?"

Mukha namang nakuha niya ang sinasabi ko sapagkat siya ay tumango. Ini-abot ko ang kamay niya at hinalikan din ito, gabi na 'e. "Magandang gabi sa iyo, Calli. Paalam na muna."

Halatang nagulat siya sa aking ginawa subalit bigla rin siyang ngumiti at mabilis akong hinalikan sa aking pisngi. "Have a good night, my prince."

Kusang gumalaw ang aking mga paa paalis sa lababo at damang-dama ko rin ang aking mukha na nag-iinit.

"Ano ito? May sakit ba ako?" Pagtatanong ko sa sarili sapagkat hindi ko mawari kung ano ang nangyayari sa akin. Simula kanina pa ito.

Bigla namang nagpakita si Amiela na may dala-dalang mga libro. Gulatan ba ngayon? "Na-love at first sight ka, Kuya?"

"Ano 'yun?"

"Ibig sabihin ay na-ibigan mo na agad siya sa unang kita pa lang. Uy, si Kuya!" Pang-aasar niya na may halong pangingiliti. "Itigil mo nga iyan, Amiela! Baka marinig ka ni Calli!"

"Sus. Bakit ayaw mo marinig niya ah?"

"Bahala ka nga. Hindi naman niya naiintindihan 'yan!" Sigaw ko at tumakas na sa paningin nila.

T-teka nga, Amenadiel. Bakit sobra kang naapektuhan sa pang-aasar ni Amiela?

Hindi ko maiwasan tanungin ang aking sarili. Totoong marikit siya at kaibig-ibig, saka malakas din siya. Gusto ko nga ba siya? Kung hindi, bakit ang lakas ng pagpintig ng aking puso ngayon? Bahala na nga, itutulog ko na lamang ito!

INII-AYOS ko na ang mga higaan namin ni Amiela ngunit naalala kong nandito na pala si Calli. Sakto namang tumambad siya sa pintuan at iginala ang kaniyang mga mata sa aming kwarto. Ngumiti siya at tumalon-talon, "Gracious officer, thy room is eye-catching!"

O-pi-sa? Inirapan ko na lamang siya bago magtanong, "Dito ka ba matutulog?"

"What?"

Nag-buntong-hininga ako at kinuha na lamang ang unan at ipinakita sa kaniya. "You... sleep?" Itinuro ko ang sahig kung saan naka-latag ang aming mga higaan. Hanggang nandito ang babaeng ito, kailangan kong um-arte para maunawaan siya. Hindi pantay, dapat gumagawa rin siya ng paraan para maunawaan ako!

"Oh, you were asking if I will sleep here. Then, the answer is yes. I am good at lying next to Amiela." Saad niya, lumakad papunta sa akin at saka in-agaw ang kumot na kanina ko pa hinahawakan. "I'm at the service so rest now, my king."

"Katabi si Amiela? Sige subalit baka hindi ka komportable na may lalaki kaya sa hapag-kainan na lang ako matutulog." Suhestiyon ko.

"Hindi, Kuya!" Ani Amiela. "Marami akong takdang aralin kaya ako ang matutulog sa hapag-kainan. Ate Calli, you shall occupy my place there. Good night people, see you!"

"Amiela, ano---" Ngunit bago ko napagtanto na katabi ko sa isang lugar ang babaeng ito ay nawala na si Amiela. "Arrgh!"

"Easy, calm, Mena! I'm good with you, do not worry --- I will not snore."

Tsk! Hindi niya siguro maunawaan na ang lalaking ito ay konserbatibo, dahil nasa bansang konserbatibo rin siya! Nakakahiya! Hindi dapat nagsa-sama ang hindi pa kasal sa iisang silid!

Malayo ba iyun sa kaniyang pag-unawa!?

Ako ay lubos na naguguluhan kaya naman ay nag-taklob na lamang ako ng kumot at pumikit na. Mabuti pang ako ang unang makatulog kaysa sa kaniya. Baka ano pang masabi ng iba --- bagay na ayaw kong nararanasan.

"You're so cute when blushing, Mena! I know that you got a good heart and living a great life as well so do not think so much. I trust you." Rinig kong sambit niya at ramdam ko ring nasa likod ko siya. Bumangon ako at tinitigan siya. Hindi ko lubusang mawari ngunit tila ako ay hinihigop ng kaniyang mga mata. "Hazel brown eyes, very beautiful, indeed. In fact that the owner of those eyes has a kind heart, too." Malambing ang kaniyang tinig at ang mata niya ay nangungusap.

"Hindi kita maunawaan, alam mo 'yun. Magandang gabi na lamang ang aking masasabi---"

Hindi ko na-ituloy ang aking sinasabi sapagkat ang mga labi niya ay pumatong sa aking mga labi. Mabilis din niyang inilayo ang mga iyun at nag-wika muli, "Have a wonderful night, Mena..."

Note: Votes and feedbacks are highly appreciated.