Chereads / The Health Conscious Girl / Chapter 3 - Chapter 02: A Beggar at His Door

Chapter 3 - Chapter 02: A Beggar at His Door

AMENADIEL

"ARE you sure you didn't fight with someone, Kuya?" Tanong ni Amiela habang nakatingin sa pasa na nakuha ko. Nasa hapag-kainan kami ngayon upang gamutin sana ang aking mga sugat ngunit batid kong wala pala kaming mga gamot.

Ingles na naman, nakakainis itong araw na ito! "Naku, tigilan mo nga ako sa mga ingles na iyan. Alam mo namang hindi ako marunong. Sekondarya lang ang tinapos ng Kuya, hindi pa nag-aral ng maayos sa wikang iyan."

Kung hindi siguro ako huminto sa pag-aaral ay isa na akong ganap na guro sa mathematics. Ngunit noong nawala ang aming mga magulang ay napilitan akong mag-trabaho para sa ikabubuhay at pag-aaral ng kapatid ko. Mag-ko-kolehiyo na rin itong si Amiela kaya marapat lamang na pag-butihin ko na.

"Ibig ko pong turuan ka, Kuya. Since, sabi ng aking guro ay magaling ako sa wika, lalo na sa ingles ngunit ayaw mo naman."

"Matalino ka talaga, Amiela, walang alinlangan. Mag-aral ka na lamang para sa sarili mo at huwag mo na akong intindihin. Hindi naman kailangan iyan sa buhay, ang aking kailangan ay salapi para sa atin."

"Kung iyun ho ang iyong nais ay hindi na ako makikipag-talo. Anyways, feeling ko po ay may sumuntok sa inyo, namamaga po oh." Nag-aalalang sagot sa akin ni Amiela pero ayaw ko siyang nag-aalala.

"I will sure." Pag-subok ko sa ingles na wika.

"I am sure po ang kaibig-ibig sa tainga at tama, Kuya."

"Whenever!" Singhal ko na nagpatawa naman sa aking minamahal na kapatid. Mabuti naman ay tumawa muli siya.

"Whatever iyun---" Hindi na niya naituloy ang kaniyang binibigkas sapagkat tumunog ang mga katok mula sa pinto. "Sino po kaya ang mangangahas na bumisita rito. Hindi kaya ay may umiibig na sa iyo, Kuya?" Kiniliti pa ako ni Amiela habang nang-aasar.

"Sino naman ang baliw na iibig sa kagaya ko?"

"Kagaya mong handsome at mabait? Sus, marami."

"Itigil mo nga iyang pang-uuto mo sa akin, Amie. Sandali lang, bubuksan ko ang pintuan." Tumayo ako at naglakad na patungong pintuan.

Binuksan ko ang pintuan --- muntikan pang bumigay dahil nabigatan ko pero buti na lamang ay hindi --- at tumambad sa akin ang isang babae. T-teka, siya 'yung---

"Indeed, I was that wif whom you saved earlier, thank you very much." Saad niya na tila nababasa ang aking isip. Lumingon ako kay Amiela at buti na lamang ay nakuha niya ang minumungkahi ko.

"Kausapin mo nga, nag-i-ingles iyang pulubi na 'yan, at hindi ko alam kung baliw ba siya o sira ulo lang." Agad namang tumango si Amie at kinausap ang babae.

"By any means, do we know you, Miss?"

Kahanga-hanga talaga itong kapatid ko, ang galing niya mag-ingles na mistulang Amerikano siya. "British accent siya, Kuya. Mula yata sa UK." Sa bagay, kakaiba ang pag-wika niya kumpara sa aking kapatid. May nalalaman palang accept accept? Ngayon ko lang narinig 'yun, ah.

"Not actually, but I wish to met your brethren here if I only may, no rudeness nor force given."

"Oh, I see."

Alpabeto ba pinag-uusapan nila? O-I-C raw?

"Why the heck do you have a visitor, Kuya?" Singhal ng aking kapatid sa akin. Teka, bisita ba ika niya?

"Hindi! Titigan mo, pulubi iyan!"

"Pero titigan mo rin po, ang ganda niya sa kabila ng mga dumi sa mukha niya. Naka-mamahaling alahas pa nga po siya." Aniya at bumalik sa harap ng babae. "Are you a visitor of my brother?"

"Yes, I believe that I owe him today. So, may I go in? I do have a few questions and requests for your brethren." Rinig kong sambit ng babae.

"Excuse me for a second, I will ask my brethren." Tumalikod muli si Amiela at kinausap ako. "Ibig niya raw po tumuloy upang makausap ka."

"Ayos lamang, hindi maganda itaboy ang bisita." Ani ko at tuluyan nang ibinukas ni Amie ang pintuan. "Kumusta ka?" Bati ko nang makita siya nang malapitan.

"Thank thee for asking, I'm fine. How about thee?"

"He's fine, I mean we're fine. What are thou here for?"

"Paano mo alam ang 'kumusta ka?'?" Tanong ko nang pabulong.

"My brother was asking about how did you answer the question 'kumusta ka?' Do you know how to speak Filipino language?"

"Not really, but I heard that somewhere."

MAGKAKAHARAP kami sa hapag-kainan at walang ni isa sa amin ang ibig tumiwalag sa katahimikang bumabalot sa buong bahay.

Hanggang sa nagsalita ang babae. "Forgive me for I lost my manners. I'm Victoria Calliope Herman de Novi, but thou can call me Calli for thy convenience. What are thy names?"

Itinaas ni Amiela ang kaniyang kanang kamay at nagsalita, "Amiela Ollague. Anyways, nice and long name!"

"Thanks, and thee?" Pagbaling niya sa akin.

Pakiramdam ko ay dapat ko ring sabihin ang aking pangalan. Wala naman sigurong masama, 'di ba? "Amenadiel Ollague."

"Oh, what a name! The leader of the host, right? Absolutely suitable for you, because you're an angel!"

Gusto kong i-tanong kung paano niya nahanap ang bahay ko at bakit siya nandito pero hindi ko magawa. Tila ay na-putol ang aking dila kaya hindi ako maka-imik.

"An angel? Why, have you two met?" Tanong ni Amiela na may pagtataka.

"Fortunately, yes! Just in time! I was saved by thy brethren from absolute danger. I almost got raped if he did not come."

"Woah, Kuya, kaya ba may sugat at pasa ka sa mukha?"

"Oo, pasensya na at nag-sinungaling ako, ayaw ko lang na ika'y mag-alala, Amie." Ini-abot ni Amiela ang kaniyang kamay sa akin at hinawakan ito saka ngumiti. "Kuya, dapat sinabi mo na lang ang totoo. Mamamangha pa ako sa'yo, syempre habang nag-aalala."

"Pasensiya na."

"Yes, and yes. He had a knife fight earlier and he was so awesome!" Sinisimulan ko nang isipin na baliw talaga ang babaeng ito. "He's like a knight! Always there for the royalties!"

"Pero hindi ko naman napa-bagsak ang lalaking iyun. May ibang gumawa sa kaniya 'yun."

"Yes, I did. I apologize if thou got involved in my little show but it was only an act. The truth is..."

Note: Votes and feedbacks are highly appreciated.