Chereads / The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 19 - Kabanata 19 - Ancient Clock

Chapter 19 - Kabanata 19 - Ancient Clock

An hour earlier....

Agad na humugot ng malalim na hininga si Marco nang tuluyan na nga siyang nakalabas mula sa kanilang apartment. Bagamat hindi siya sigurado kung tama nga ba ang kanyang naging desisyon ngunit mas mabuti na iyon upang makaiwas siya sa bangayan ng kanyang mga kasamahan na hindi niya alam kung kailan matatapos.

Sa katunayan ay sawang-sawa na siya sa ganoong klaseng eksena. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay ayaw niya nang dagdagan pa ang napagdaanan niya noong pagkabata pa lamang niya.

Matapos ang ilang minutong pagsakay niya sa elevator, sa wakas ay nakarating na rin siya sa ground floor. Ngunit sa paghakbang niya palabas doon ay ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla nang mapagtanto niya na hindi lamang mga staff ng apartment kundi pati na rin ang ilang mga reporters ay nandoon sa kanyang harapan.

Nakatambay ang mga ito sa lobby habang abala na nagkukwentuhan, nagtatawanan at binabasa ang dyaryo na siyang pinagmulan ng lahat ng kanilang kalbaryo. At habang abala ang mga ito sa kani-kanilang mga ginagawa ay abala naman siyang nag-iisip ng paraan kung papaano siya makakadaan sa kanilang harapan na hindi man lang siya napapansin ng mga ito.

He was very careful on making a move but it turns out that he didn't do his job accordingly at that moment.

Agad siyang nahinto sa kanyang paglalakad nang marinig niya ang kanyang pangalan na isinigaw ng isa sa mga reporter na nakasalubong niya paglabas niya sa main door. Balak sana niyang magpatuloy na sa paglalakad upang tuluyan na ring makaalis sa lugar na iyon. Ngunit labis na lamang ang inis niya sa kanyang sarili dahil lumingon pa siya na siyang naging dahilan ng dali-daling pagtayo ng mga ito sa kanilang kinauupuan.

"Marco!" tawag ng isa sa kanya na tila ba daig pa si Flash na agad na nakarating sa kanyang harapan. "Mr. Silva, what can you say about the news? Ano ang masasabi mo sa balita tungkol sa pag-imbita sa'yo ng M.G.C.C. bilang kanilang Guest of Honor and Speaker for their anniversary? Are you aware about that? If not, how are you dealing with it right now?" Walang preno nitong tanong at pagkuwan ay itinutok sa kanya ang recorder na hawak nito.

Isa pang reporter ang nagsalita. "Mr. Silva, where are your friends? Nasaan sila ngayon? Balita ko ay nagpunta rito si Director Orlando kaninang alas-singko ng hapon. Ano ang napag-usapan niyo? Are you planning to go to the M.G.C.C. anniversary?" sambit nito. "Lahat ba kayo ay pupunta o mananatili pa rin kayong magtatago hanggang sa hindi pa dumarating ang event na 'yun?"

"Mr. Silva. Tama ba ang sinabi ng CEO ng M.G.C.C. na magkakilala kayo noon? Naging magkaklase ba kayo noong highschool? Is there a possibility that he knew about the crime you did a long time ago? Is he one of your friends?" Sunod-sunod din na tanong ng isa na siyang naging dahilan ng pagtitig niya rito. "Sa tingin mo, may pag-asa bang makalayang muli si Mr. Cervantes if ever na may alam nga ang CEO na 'yun sa ginawa mong pagpatay kay Ms. Mariachi?"

Sa sunod-sunod na tanong na iyon ng mga reporters ay wala ni isa mang naging sagot si Marco. Mula roon sa kanyang kinatatayuan ay mataman lamang siyang nakatingin sa kanila. Tila ba naghihintay siya ng milagro na mawala ang mga iyon sa kanyang harapan at para makaalis na rin siya sa lugar na iyon.

Sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung anong klaseng delubyo ang pinagdaraanan niya. Iniisip niya na ganon na ba talaga siya kamalas sa buhay at lahat nalang ng pasakit ay kailangan niyang pagdaanan?

Kailan matatapos ang kanyang paghihirap? Kailan siya makakaahon at kailan niya matatakasan ang mga taong walang ibang ginawa kundi ang halukayin ang kanyang buhay?

Kung pwede lang sana ay tinapos niya na ang kanyang buhay noon, pero paniguradong kahit sa ilalim ng lupa ay hinding-hindi siya tatantanan ng mga taong iyon.

Sa kasagsagan ng eksenang iyon ay muli siyang bumalik sa kanyang ulirat nang maalala niya ang sinabi ng isang reporter kanina.

"Sa tingin mo, may pag-asa bang makalayang muli si Mr. Cervantes if ever na may alam nga ang CEO na 'yun sa ginawa mong pagpatay kay Ms. Mariachi?"

Sa ngayon ay hindi pa niya alam ang tungkol sa CEO ng M.G.C.C. pero bago mangyari iyon ay hindi niya hahayaang madamay ang taong iyon sa gulong kinasasangkutan nila ngayon.

Kahit pa alam niyang ang CEO na iyon ang dahilan kung bakit sila naghihirap sa puntong ito.

Napatikhim siya. "Don't..." Kunot-noo niyang anas na agad nilang ikinahinto. "Wag niyong idamay ang CEO ng M.G.C.C. sa krimen na ginawa ko noon. Wala siyang kinalaman doon at kung meron man, wag niyo na siyang bigyan pa ng problema tulad ng ginagawa niyo sa'min ngayon," aniya na bahagyang ikinahinto ng mga reporters.

Ngunit hindi pa man umaabot ang ilang segundo ay nagsimula na namang magtanong ang mga reporters. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay dali-dali siyang humakbang palabas ng gusaling iyon. But not long after that, he stopped. Not because of those people's questions or words that insulting on his part.

It was because of someone's voice he heard from somewhere. Sa puntong iyon ay agad siyang napalingon sa kanyang paligid at hinahanap ang pinagmulan ng boses na kanyang narinig.

Hanggang sa hindi naglaon ay isang babae ang kanyang nakita mula sa di kalayuan. Nakatayo ito malapit sa light post at walang reaksyon ang mukha nitong nakatuon ang tingin sa kanya. Nakasuot ito ng plain white t-shirt at sa pang-ibaba naman nito ay red skirt na katamtaman lamang ang haba.

But upon noticing that girl, there was something strange about her. It's not her looks or the way she smiles. But the pocket clock that she's wearing around her neck. It was familiar and he couldn't agree more because he knew that that pocket watch was once his own.

"Mr. Silva, matagal na ba kayong magkakilala ng CEO ng M.G.C.C.?" Maya-maya'y rinig niyang tanong sa kanyang muli ng isang reporter. "I heard that that guy was Mr. Jay-"

Bago pa man nito maipagpatuloy ang sasabihin nito ay mabilis pa sa alas-kuatro iyong pinutol ni Marco. Agad niyang hinila ang recorder nito at pagkuwan ay walang isang salitang ibinalibag iyon. At maya-maya ay agad siyang nagpasyang sundan ang babaeng kanyang nakita sa may poste na sa isang kisapmata lamang ay agad na nawala sa kanyang paningin.