Chereads / The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 20 - Kabanata 20 - Back to the past

Chapter 20 - Kabanata 20 - Back to the past

Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Marco nang muli siyang mapalingon sa mga reporters na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang tantanan. Kulang na nga lang ay gumawa siya ng eksena para lang tigilan siya ng mga ito ngunit talagang matitigas ang bungo ng mga ito.

He's been running away from them for five minutes and he has no idea when are they going to stop. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay napagdesisyunan niyang takasan sila. Dali-dali siyang sumuot papasok sa isang maliit at madilim na eskinita na hindi niya alam kung saan patungo. Basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay makaiwas siya sa mga reporters at sa tanong ng mga ito na para sa kanya ay walang kakwenta-kwenta.

Sa kasagsagan ng kanyang paglalakad sa madilim na eskinitang iyon ay agad siyang natigil nang mayroon siyang kung anong nasipa mula sa kanyang paanan. Agad niyang tiningnan iyon at ganon na lamang ang kanyang pagkabigla nang mapagtanto niya na ang bagay na iyon ay ang pocket watch na nakita niya mula sa estrangherong babae. Kaya naman walang pakundangan niyang pinulot iyon at pagkuwan ay agad na napakunot-noo sa kadahilanang hindi nga siya nagkamali ng inakala.

That moment that he picked it up, he knew that it was his missing pocket watch. Honestly, he's been looking for it for 10 years and this is the first time that he saw it again. It was an anciet watch given to him by his grandmother and above all things, it was the most valuable to him.

Importante sa kanya ang bagay na iyon sa kadahilanang iyon lamang ang palatandaan niya sa kanyang namayapang ina at lola. Pero kung gaano naman siya kasaya dahil sa wakas ay nasa kamay niya nang muli ang pocket watch na iyon ay hindi naman mapakali ang kanyang isip kung bakit napunta sa estrangherong babae ang kanyang gamit.

Sino ang babaeng iyon? Bakit bigla na lamang itong nagpakita sa kanya sa krisis na pinagdaraanan niya? At higit sa lahat, bakit nasa harapan niya na ngayon ang pocket watch na kanina lang ay suot-suot ng babae?

Napailing siya. Wala siyang maisip na sagot at hindi niya alam kung sino ang pwedeng sumagot ng kanyang mga tanong. Kaya naman imbes na pagurin pa niya ang kanyang sarili ay itinuon nalang niya ang kanyang atensyon sa hawak niyang pocket watch.

"Thank goodness, it's still here," Nakangiti niyang anas habang titig na titig sa larawan ng kanyang lola na nakadikit pa rin sa takip ng pocket watch na iyon. "Bakit ba kasi nawala ko 'to? Nagmukha na tuloy nanggaling sa smoky mountain," Napapailing niyang sambit at pagkuwan ay bahagyang natawa. "For the record, this is the best thing that ever happened to me for the past few years. At hindi ko na sana mawala ulit 'to, paniguradong kapag nangyari 'yun ay hinding-hindi talaga ako mapapatawad ni Lola,"

Matapos sabihin iyon ay agad na pinunasan ni Marco ang maruming parte ng pocket watch na iyon. Ngunit habang ginagawa niya iyon ay muli siyang natigil nang may marinig siyang boses lalaki mula sa kanyang likuran.

"Kanina ko pa hinahanap 'yan, nasa iyo lang pala," Bungad na sambit nito. "Pwede ko na bang makuha? Kailangan ko na kasing umalis at hinihintay na 'ko ng mga kaibigan ko," Dagdag pa nito na naging dahilan ng paglingon niya rito.

Napailing siya. Bagamat hindi niya masyadong makita ang pagmumukha nito dahil sa dilim ng lugar ay nagpasya pa rin siyang magsalita tungkol sa sinabi nito.

"At bakit ko naman ibibigay sa'yo 'to kung alam kong pagmamay-ari ko ang pocket watch na 'to?" Kunot-noo niyang anas habang hindi pa rin maalis-alis ang pagkakatitig sa pigura ng babaeng kaharap niya. "Ilang taon ko nang hinahanap ito at hindi ko na hahayaang mawala ito sa pangalawang pagkakataon,"

"Paano mo nasabing sa'yo 'yan?" tanong nito na ikinabuntung-hininga ni Marco. "Ibinigay sa'kin ng lola ko 'yan noong nabubuhay pa lamang siya. At iyan lamang ang natatanging bagay na palatandaan ko sa kanya. Siguro ay nagkakamali ka lang, kaya mas mabuti pa kung ibigay mo na sa'kin 'yan at para wala nang gulo,"

Sa huling sinabing iyon ng lalaki ay agad na nahinto si Marco. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya at hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng kanyang kaharap.

He sounded like a 16 years old highschool student but aside from that, he felt like there was something more about this guy that he couldn't explain.

Pagak siyang natawa. "Imposible 'yang sinasabi mo. Mukha ng lola ko ang nandito sa loob ng pocket watch, wag mong sabihin na pareho tayo ng lola? Pwera na nga lang kung magpinsan tayo o magkapatid na nawalan ng komunikasyon sa mahabang panahon,"

Natawa rin ito. "Hoy, ang kapal ng mukha mo!" anito. "Iisa lang ang kapatid ko at iyon ay si Roja. At sa natatandaan ko ay wala akong nawawalang pinsan o iba pang kapatid na ginawa ng tatay ko sa ibang babae. Dadalawa lang kami ni Roja at wala ng iba pa,"

Napaatras si Marco.

Sa pagkakataong iyon ay mas lalong dumami ang tanong na siyang rumeshistro sa kanyang isip. Hindi siya sigurado kung ano ang kanyang iisipin o kung nagkakamali lang siya ng dinig. Pero hindi naglaon ay nasagot din ang kanyang mga tanong nang tuluyan na ngang humakbang palapit sa kanya ang lalaking kanyang kausap.

Sa maliit na liwanag na pumasok sa loob ng madilim na eskinitang kanilang kinalulugaran ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang mukha nito. At laking gulat na lamang niya nang mapagtanto niya na hindi nga siya nagkamali ng inakala.

He was standing right there talking to his 16 years old self. The Marco Silva that wasn't desperate as he was right now. The innocent one and the achiever of RDHSI.

But how on earth did that happened?

"Pwede bang ibigay mo na sa'kin 'yan?" Maya-maya'y sambit nito na mas lalo niyang ikinatitig sa binata. "At pwede ba kung may binabalak ka man, wag mo ng ituloy dahil pagsisisihan mo rin lang. Hindi ako 'yung tipo ng tao na aatras nalang dahil sa takot, lumalaban ako at tiyak na hindi mo magugustuhan 'yun," Tiim-bagang nitong anas.

Napatango siya. "Alam ko," sagot niya na ikinatitig nito sa kanya. "Alam kong palaban ka. Pero maniwala ka sa'kin, mawawala rin 'yan sa pagkatao mo. Sa huli ay mapupunta lang din sa wala ang pagiging matapang mo at hindi magtatagal ay matutulad ka sa 'kin,"

Pagak itong natawa. Ngunit akmang magsasalita na itong muli ay saka naman ito nahinto lalo na nang mabaling ang tingin nito sa hawak ni Marco na pocket watch.

Unti-unti ay nawala ang ngiti sa labi nito at pagkuwan ay napalitan iyon ng tila ba pagtatanong. Hanggang sa hindi naglaon ay nakikita nalang niya ang kanyang sariling ibinibigay ng kusa ang pocket watch na iyon sa binata.

Pero sa kalagitnaan ng kanilang pananahimik ay isang ingay ang siyang bumulabog sa kanila. Mula roon ay rinig nila ang ingay ng mga reporters sa kabilang dulo ng eskinitang iyon. Napalingon doon si Marco at sa pag-aakalang malayo ang mga reporters na iyon sa kanila ay nagkamali siya.

Right at that moment, they knew where he was hiding and they immediately went there without hesitation. Kahit pa madilim at masikip ay tila ba walang balak ang mga ito na tantanan siya kaya naman sa mga sandaling iyon ay dali-dali siyang nagpasyang lisanin ang lugar na iyon.

Akmang hihilahin niya na ang binata upang isama sa kanya paalis doon ay nabigo siya. Hindi dahil sa ayaw nitong sumama o kung ano pa man, pero hindi niya ito magawang mahila. Tila ba hangin lamang ito na nakatayo sa kanyang harapan at multo na binibisita lamang siya.

"Anong-"

"Wag kang magbalak dahil hindi rin mangyayari," Putol nito sa kanya sabay abot sa kanya ng pocket watch. "Kung gusto mong tantanan ka ng mga humahabol sa'yo, gawin mo ang ibinubulong sa'yo ng puso mo," Dagdag pa nito.

Napailing siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin lahat ng mga bagay na ginawa mo sa nakaraan, ano ang gagawin mo?" tanong nitong muli na ikinatitig niya rito. "Babaguhin mo ba? O pagtitiisan mo nalang ang pinagdaraanan mo ngayon? Pumili ka,"

Pagak siyang natawa. "At kung sakaling gusto kong baguhin ang nakaraan, sa paano namang paraan? Hindi na 'ko makakabalik sa dati at-"

"Anong silbi ng regalong ibinigay sa'yo ni Lola kung hindi mo gagamitin?" sambit nito na hindi man lang tumitingin sa kausap. "Ilang minuto nalang ay makakaharap mo na naman ang mga reporters na iyon," Muli itong bumaling sa kanya. "Kung gusto mo talagang baguhin ang nakaraan, ikaw na ang bahalang magdesisyon. Nasa kamay mo ang sagot,"

Matapos sabihin iyon ay unti-unti ng naglaho ang pigura ng binatang nasa kanyang harapan. At ang tanging naiwan lamang ay ang pocket watch na dali-daling nahulog sa kanyang paanan. Ngunit imbes na pulutin niya iyon ay isang buntung-hininga lang ang pinawalan niya.

Sa isip-isip niya, bakit siya magtitiwala sa sinabing iyon ng binata gayong alam niyang wala namang katotohanan ang mga iyon?

Ngunit kahit ganon pa man ay mayroong parte sa kanyang pagkatao ang bigla na lamang napaisip sa sinabi ng binata. Though he didn't trust the guy but he couldn't resist to get out from that place without having the pocket watch with him.

Kaya naman hindi naglaon ay nagpasya siyang balikan ang iniwan niyang orasan na nakalapag sa daanan kahit pa alam niyang palapit na ng palapit ang mga reporters sa kanyang kinalulugaran.

He immediately picked it up and for a minute, he couldn't take his eyes off of it. Pero sa kalagitnaan ng kanyang pagtitig sa orasan na iyon ay ganon na lamang ang kanyang pagtataka dahil sa hindi maipaliwanag na pagbabago ng oras. Mula sa 6:30 ay nakatapat ang kamay ng orasan na iyon sa 9:30.

So, to speak, he immediately rotates the clock's hand into its original place. But just as he was satisfied with the outcome, he was shocked to know that it wasn't only the clock that changed.

He came back from the place and time he didn't imagine he would deal with for the next few hours.