Chereads / The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 16 - Kabanata 16 - Questions

Chapter 16 - Kabanata 16 - Questions

It's been 25 minutes since Orlando has arrived. He's with his best friend Orion and Mikaela who came along with them upon entering the apartment.

Dalawampu't-limang minuto na ang nakararaan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababasag ang katahimikan na namamagitan sa kanilang lahat. Tanging tunog lamang ng telepono ang nagsasagutan sa isa't-isa ganon din ang tunog ng cellphone ni Orlando na kulang nalang ay ibalibag niya sa labas ng apartment. Bagamat hindi nila alam kung sino ang tumatawag sa binata pero nakasisigurado sila na ilan lamang iyon sa mga reporters na ayaw itong tantanan.

Kilala kasi bilang isang sikat na Film Director si Orlando. At hindi tulad nilang lahat ay mas naging matagumpay ang buhay at ang career nito. He's been enjoying his life and making the most out of it as if nothing had happened in the past.

For Orlando, they are nothing compared to him.

Ngunit para naman sa mga dating kasamahan nito ay masaya sila sa natamong tagumpay ng binata. They are happy for him but what they were afraid of was the fact that Orlando has no intention of letting his feet touch the grounds anymore.

"There are a lot of people outside, a lot of douchebags calling me from work, my friends were worried about me, and my time was about to collapse. But up until now, I still can't get an answer to you about the news," Maya-maya'y basag nito ng katahimikan. "Masasayang lang ba ang oras ko rito na nakatunganga? Ano? Maghihintayan nalang ba tayo rito kung sino ang sasagot sa mga tanong ko?" Ngisi nitong anas.

Roja took a deep breath. "I'm sorry. But have you asked us a question?" Sarkastiko nitong sambit. "Sa pagkakaalam ko ay basta ka nalang pumasok dito at umupo sa couch na hindi man lang nakikipag-usap sa kahit na sino sa 'min. Tapos ngayon magtataka ka kung bakit hindi namin sinasagot ang tanong mo. What was your question?"

Pagak itong natawa. "Sinabi ko na sa magaling kong kapatid kung ano ang gagawin ko rito. Hindi ba niya ipinaalam sa inyo?" He turned to Phoebe. "Seriously? Iyon na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa magawa? What a bitch!"

"Hoy!" Aleman exclaimed with a wrinkled forehead. "Hindi porke't sikat ka at may pangalan kang iniingatan sa showbiz ay gaganyanin mo na kami. Hoy! Kahit Hari ka pa ng Espanya kung hindi ka rin naman marunong makisama, wala ring kwenta 'yang pagiging sikat mo," anito na ikinatitig sa kanya ni Orlando. "And for your information, hindi lang random girl 'yang kinakausap mo. Baka naman nakalimutan mo nang kapatid mo 'yang si Phoebe?"

Sa sinabing iyon ni Aleman ay hindi kaagad nakasagot si Orlando. Bagkus ay napatitig lamang ito sa binata na sa mga oras na iyon ay hindi maalis-alis ang pagkakunot sa noo nito. At sa mga sandaling iyon ay walang pagdadalawang-isip na sang-ayon ang lahat kay Aleman lalong-lalo na si Marco.

For four years of knowing Orlando, Marco didn't imagine that the guy would turned out to be their rival. They were so good for those years and no one tries to argue with them because they always win - the three of them.

But now, they are letting Orlando win for almost all of the time. And he cannot agree more with Aleman who would rather chose to be in the past rather than in the present.

If he could turn back the clock, he will do everything he can to change the past.

Muling nagsalita si Roja. "You know what, if you coming in here will be a nightmare, just get the hell out of here," anito na mabilis pa sa alas-kuatrong ikinatango ni Aleman. "Ayaw namin ng gulo at hindi 'yun ang kailangan namin ngayon,"

"Tama si Roja. Hindi ngayon ang tamang oras para mag-away tayo," sabat ni Phoebe na agad na ikinailing ni Orlando. "Mas may higit pa tayong kailangang asikasuhin kaysa dito. We actually don't know who sent the email to Marco and we don't know who put that big headlines on the newspaper cover,"

Napatikhim si Klesha. "That's odd," Kunot-noong sambit nito sabay baling kay Marco. "But aside from your haters, wala ka bang nakaaway nitong mga nakaraang araw? O noong mga nakaraang buwan?"

Si Claire ang nagsalita. "Nakaaway? Sa tingin niyo, 'yung kaaway niyang 'yun ay gagawa ng ganoon para sa ikaangat ng pangalan niya? Imposible naman yatang mangyari 'yun?" Sunod-sunod nitong tanong. "Ang dami kong kaaway pero kahit ni minsan ay hindi nila 'ko ginawan ng mabuti,"

"She's right," Mabilis na sagot ni Mikaela kasabay niyon ay ang nakakalokong-tinging ipinukol nito kay Claire. "At kung may kaaway ako, sisiguraduhin kong mauuna siya sa impiyerno bago ako," Taas-kilay nitong anas.

Matapos marinig ang sinabing iyon ng dalaga ay napailing nalang si Marco.

Agad niyang itinukod ang kanyang magkabilang siko sa kanyang mga tuhod at pagkuwan ay napahilamos sa kanyang mukha. He took a deep breath and while listening to those conversations, his memories from the past came rushing back at him again.

It's not only a nightmare but a war that they just can't win. But aside from thinking those trashy conversations, Marco couldn't agree more with Claire.

Kung tunay nga na kaaway niya ang gumawa sa kanya ng ganoon, bakit sa ganoong paraan? Bakit hindi nalang nito lubusang inilubog ang kanyang pangalan para matigil na ang kanyang paghihirap? At kung may kaaway nga siya, sino iyon at bakit kakaibang paraan ang ginagawa nito para guluhin ang kanyang buhay?

He's been trying to resent himself from anyone else in the world. But it's still not good enough.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" ani Orlando na siyang naging dahilan ng mabilis niyang pag-angat ng kanyang ulo sa pagkakatungo. "After all these years, you still chose to shut up and listen to us? Don't you have any opinions or answers to this? Kasabay ba ng krimen na ginawa mo ay kasabay din 'yun ng pagkawala ng dila mo?"

Hindi siya sumagot bagkus ay sinalubong lang niya ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Kung tutuusin ay napakaraming bagay ang siyang tumatakbo sa kanyang isip at gusto niyang sabihin ngunit hindi niya alam kung bibigyan ba siya ng pagkakataon na magsalita at ipaalam sa kanila ang mga iyon.

"Ano bang dapat kong sabihin? Meron ba?" tanong niya at pagkuwan ay nag-iwas ng tingin. "Saka kung meron man, hindi rin ako sigurado lalo na kung tungkol doon sa email na natanggap ko," He took a deep breath. "Masyadong kahina-hinala ang email account na 'yun at kahit ilang beses mo pa 'kong pilitin na sagutin ang tanong mo, I can't answer that," He said and immediately stood up from his seat.

"So, that's it?" Tila ba dismayadong anas ni Orlando. "All my effort of going in here was nothing but a bunch of another questions? This is ridiculous!" He exclaimed. "Hindi na sana 'ko nagpunta pa rito,"

Si Phoebe ang nagsalita. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo? Ikaw lang naman ang hindi nakikinig," Napailing ito. "Sabagay, sino ba naman ako para pakinggan mo, hindi ba? For all I know, I am just an excess to our family. At sa paraan ng pagtrato niyo sa'kin ay baka hindi ako tunay na parte ng pamilya Ramirez," Dagdag pa nito at dali-daling napatayo mula sa kinauupuan nito.

Sa mga sandaling iyon ay hindi na hinintay pa nito ang susunod na mga sasabihin ng kanyang kapatid. Bagkus ay agad itong nagtungo sa terrace at pagkuwan ay isinarado ang glass sliding door. Tanaw nila mula roon na pabagsak itong napaupo sa bench na naroroon at kasabay niyon ay ang pagbalibag nito ng vase sa sahig.

Kaya naman sa puntong iyon ay humugot nalang ng isang malalim na hininga si Marco. Bagamat hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ni Phoebe ngunit ayaw naman niyang makitang nagkakaganoon ang dalaga. For the first time, she saw her act like that because of Orlando. He'd thought that unlike before, they're not having a good time together as brothers and sisters anymore.

Matapos ang eksenang iyon ay agad na nagsitayuan ang lahat sa kanilang kinauupuan. Sina Mikaela at Klesha ay sinundan si Phoebe sa terrace. Sina Aleman, Claire, Orion at Miguel naman ay dumiretso sa kusina at ipinagpatuloy ang paghahanda ng pagkain. Sina TJ at Fernando ay nagtungo sa labas upang magbantay sa kanilang pintuan at habang si Elton naman ay nagtungo sa kwarto ni Marco upang alamin ang iba pang emails na maaari niyang matanggap.

Ngunit siya at ang kanyang kapatid ay nanatiling nakaupo sa kanilang kinauupuan kaharap si Orlando. Honestly, it's too hard for them to face him with a lot of unappropriate reactions on his face. Kung maaari nga lang ay hilahin nila palabas ang binata ngunit ayaw din naman nilang mapahamak ito lalo na at dumarami ang medya sa labas.

Napatikhim si Orlando. "Ang tahimik na ng buhay ko pero nagulo ulit nang dahil sa'yo," Tiim-bagang nitong anas at pagkuwan ay sinamaan ng tingin si Marco. "I was living my life already but because of this, what would the media will say about me?"

Pagak na natawa si Roja. "You're right. The media is your life now. The media is your priority right now," He grinned. "So, then. Ano pang ginagawa mo rito? Mas mabuti pa siguro kung umalis ka nalang dahil baka mamaya ay sisihin mo pa kami na sinayang ang oras mo imbes na nakikipag-inuman ka sa mga bago mong kaibigan,"

Marco shook his head. "Enough,"

"Of course," sagot ni Orlando sa sinabi ni Roja at pagkuwan ay napatayo sa kanyang kinauupuan. "Talagang aalis ako. Nagpunta lang naman ako rito dahil gusto kong malaman 'yung totoo tungkol do'n sa headline. Pero dahil wala kayong maisagot, ako nalang siguro ang gagawa ng paraan para malaman ko ang lintik na pinagmulan ng balitang 'yun," anito.

Napatango si Roja at napatayo rin sa kinauupuan nito. "That's right. Lumayas ka nang hindi ko na makita 'yang pagmumukha mo na mas masahol pa sa kapangitan ng pinaghalong lahi ng unggoy at asong gala," Walang preno nitong anas na mabilis na ikinatango ng huli. "Lumayas ka. And don't you come back in here anymore,"

"At sa tingin mo, babalik pa 'ko rito? Ha?" Natawa ito. "There's no way that I would be-"

"I said enough!" Maya-maya'y sigaw ni Marco na siyang naging dahilan ng pagkaputol ng sasabihin ni Orlando.

Halos lahat sila ay natigil sa kanilang mga ginagawa sa oras ding iyon. Agad na napaatras si Orlando sa kanyang kinatatayuan habang si Roja naman ay muling napaupo sa tabi ng kanyang kapatid.

"Hindi niyo ba naririnig ang mga sarili niyo?" Muling anas ni Marco at pagkuwan ay pinagsunod-sunod ng tingin ang dalawa. "Para kayong mga pusang gala na walang ibang ginawa kundi ang makipag-away sa gitna ng kalsada. Ang tatanda niyo na. Ang tatanda na natin para sa ganitong klaseng bagay. And you should be mature enough to think about that," Tiim-bagang nitong sambit na agad na ikinayuko ng dalawa na tila ba nakarinig ng panenermon sa kanilang ama.

There was a total silence after that. Each and everyone of them was shocked to witness Marco's anger for the second time. Pero di kalaunan ay agad din namang nabasag ang katahimikang iyon nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Marco. Mula roon ay lumabas si Elton at kasabay niyon ay ang agad nilang pagbaling sa kanya dahil sa mga sumunod na sinabi nito.

"You've received another email," anito habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig kay Marco. "And it's not good,"