Chereads / The Wedding Prophecy (Tagalog) / Chapter 5 - Kabanata 5 - A Bit of Help

Chapter 5 - Kabanata 5 - A Bit of Help

Morning break na pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin tumatayo o kumakain ng almusal si Marco. Abala siya sa kanyang ginagawang trabaho at kahit pa kumakalam na ang kanyang sikmura ay hindi niya iyon alintana. Nadagdagan kasi ang kanyang mga trabahong kailangang tapusin at hindi niya alam kung paano niya sisimulan ang lahat ng iyon.

Una ay kailangan niyang tapusin ang project na nasimulan niya kahapon dahil pagkatapos ng morning break ay ipapasa na iyon sa editor. Pangalawa naman ay mayroong ibinigay na bagong project ang kanyang Manager at kailangan ay matapos niya na iyon within ten minutes. At ang panghuli naman ay kailangan niyang madaliing gawan ng report presentation ang kanyang Manager tungkol sa ginagawa niyang project dahil maya-maya ay darating na ang kanilang CEO.

Kaya naman sa mga sandaling iyon, kulang nalang ay iuntog niya ang kanyang ulo sa pader o sa kahit na ano mang matigas na bagay. Pwede pa sana kung ang project lang niya ang kailangan niyang asikasuhin, tiyak na hindi siya mamomroblema. Pero pati ang report na dapat sana ay si Mr. Georgico ang gumagawa ay agad nitong ipinasa sa kanya.

Nasaan naman ang konsensya ng Universe?

"Tol, tara labas tayo. May nakita akong kainan do'n sa kabilang kanto. Tutal at may 15 minutes pa naman tayo, punta muna tayo do'n," Maya-maya'y rinig niyang aya sa kanya ng isang lalaking agad na umupo sa dulo ng kanyang desk.

Bahagya siyang napabaling sa lalaking iyon at pagkuwan ay napailing. "Wag ngayon, Aleman. Marami akong ginagawa. Kung pwede ba bakit hindi ako lalabas lalo na at kanina pa 'ko gutom na gutom?" aniya sabay baling muli sa kanyang mga ginagawa.

Napamulagat ang huli. "Ano? Mula kanina nang manggaling ka sa Bulacan, hanggang ngayon hindi ka pa rin kumakain?" Tila ba alalang-alalang tanong nito. "Alas-nuebe na, baka mamaya niyan umandar na naman 'yang acidic mo? Kumain ka na muna kaya?"

He took a deep breath. "No way," Iling niya. "Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko? May kailangan akong tapusing trabaho at kailangang matapos 'to within 10 minutes," aniya kasabay ng bahagya niyang paghinto nang marinig niya ang halakhak ni Mr. Georgico.

Agad siyang napabaling sa kinalulugaran nito at pagkuwan ay napatiim-bagang nang marinig niya ang pagmamayabang nito na tapos na ito sa kanyang mga trabaho at mamayang konti ay aalis siya saglit upang pumunta sa mall. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay agad na umakyat ang inis niya sa kanyang tuktok at pagkuwan ay mabilis niyang ibinagsak sa kanyang desk ang hawak niyang folder.

"Kung minamalas ka nga naman oo," Napatiim-bagang niyang anas at bahagyang ikinuyom ang kanyang mga kamao.

Nagsalita si Aleman. "Sus! Hindi ka na nasanay kay Mr. Georgico. Talaga namang walang alam na gawin 'yan kundi ang mambabae rito sa loob ng opisina. Ang mga malalanding babae naman dyan sa tabi-tabi ay pumapatol sa lalaking 'yun samantalang wala naman binatbat sa kagwapuhan nating dal'wa," Mahaba niyang anas sabay lagok ng bottled water na hawak niya.

Bagamat hindi man sumagot ngunit sang-ayon si Marco sa sinabing iyon ng kanyang kaibigan. Pambababae at pagtatambay lang naman ang alam na gawin ng kanilang Manager. Habang siya na wala pa sa mataas na posisyon ay sobrang daming ginagawang trabaho kabilang na roon si Aleman.

Sa loob ng isang araw ay wala silang bakanteng oras at sa kasamaang palad ay wala rin silang day-off ni kahit minsan nang magsimula sila sa kanilang trabaho roon. Gustuhin man nilang humingi ng kahit isang araw na day-off ngunit kinabukasan naman ay sunod-sunod na trabaho ang ibibigay sa kanila. Kaya naman kahit masakit sa kanilang loob ay pareho nilang mas gugustuhing pumasok araw-araw kaysa magpakahirap ng husto sa trabahong hindi man lang sila kayang bigyan ng award.

"Siyangapala, may pagkain pa 'kong tira rito. Kakainin ko sana mamaya pero dahil wala ka pa palang kinakain mula kanina ay sa'yo nalang para medyo magkaroon ka naman ng energy," Maya-maya'y bungad sa kanyang muli ni Aleman sabay lapag nito ng baunan sa kanyang harapan.

Napatitig siya roon ngunit maya-maya ay agad niya rin iyong iniusog palayo sa kanya. "Ayos lang ako. Saka wag mo 'kong intindihin. Siguro mag-alala ka nalang sa'kin kapag bumagsak na 'ko sa sahig o di kaya ay sumuka na 'ko ng dugo," Sarkastiko niyang anas na agad na ikinamaang ni Aleman.

"Aba't may oras ka pa talagang magbiro?" Nakangisi nitong sambit. "Kung ginamit mo kaya ang oras na 'yan para kumain imbes na magsalita ng kung ano-ano?" anito at muling inilapag sa harapan ni Marco ang baunan. "Kumain ka na, tol kung ayaw mong sabihin ko kay Phoebe 'yang mga pinaggagagawa mo. Kilala mo 'yun, isang tawag ko lang ay isang banyera ding isda ang ihahampas no'n sa'yo,"

Sa sinabing iyon ni Aleman ay bahagyang nahinto si Marco sa kanyang ginagawa lalo na nang marinig niya ang pagbanggit ng pangalan ni Phoebe.

Saglit siyang natulala sa harap ng kanyang computer at tila ba nawalan siya ng ideya sa susunod na dapat niyang gawin. Ilang araw na rin kasi simula nang hindi niya nakikita ang babaeng iyon. Bagamat gusto niyang kamustahin ito sa kaibigan nito ngunit numinipis naman ang kanyang pagmumukha sa tuwing susubukan niyang gawin iyon.

Ilang minuto ang nagdaan ay agad siyang bumalik sa kanyang ulirat nang marinig niya ang hagikhik ni Aleman ganon din ang napakalakas na pagsiko nito sa kanya.

"Aba't ni hindi mo pa nga nakikita ang pagmumukha ng babaeng 'yun pero natutulala ka na. Gusto mo, tawagan ko siya tapos video call kayo?" Tila ba kinikilig nitong anas at pagkuwan ay pinagtaas-baba ang mga kilay nito.

Napangisi siya kasabay niyon ay ang pagtulak niya kay Aleman kung kaya't kamuntikanan na itong nawalan ng balanse sa pagkakatayo. "Tumigil ka nga. At bakit naman ako matutulala sa babaeng 'yun? Matagal ko na siyang kinalimutan at-"

"Pero ang puso mo, kinalimutan nga ba siya?" Mabilis nitong putol sa kanya na hindi pa rin maalis-alis ang ngisi sa labi. "You still love her, do you?"

Hindi siya sumagot. Bagkus ay hinarap nalang niyang muli ang kanyang computer at ipinagpatuloy ang kanyang mga ginagawa. Wala siyang oras na makipagkwentuhan kay Aleman dahil baka mamaya ay dumating na ang CEO. Ayaw niyang mapagalitan at baka kung saang lupalop na naman ng mundo mapunta ang pangmamaliit nito sa kanya.

Gusto niyang manatili ng matagal sa kumpanyang ito dahil mismong ang ama niya ang nagpasok sa kanya rito. Ayaw niyang biguin ito at ayaw niyang dagdagan pa ang pasakit na kinakaharap nito.

Napatikhim si Aleman. "Paano kaya kung tulungan nalang kita dyan? Wala pa naman akong ginagawa at baka mamaya ay pauwiin na naman ako ng maaga. Ayaw kong makaharap 'yung lintik na kapatid mo dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung ginawa niya sa'kin kanina,"

"Bakit? Ano bang ginawa niya sa'yo?"

Napangisi ito. "Binuhusan lang naman ako ng malamig na tubig dahil ang tagal ko raw gumising. Samantalang kapag araw ng Sabado at Linggo ay inaabot siya ng alas-diyes ng umaga," Nakasimangot niyang anas.

"Pasalamat ka at hindi ako ang gumawa sa'yo no'n dahil kung hindi ay mainit na tubig ang ibubuhos ko para siguradong gising ka," Natatawa nitong anas na agad na ikinanuot-noo ni Aleman. "Salamat nalang sa offer pero ako nalang ang bahalang dumiskarte kung papaano ko matatapos ang trabahong 'to. Mas mabuti pa kung pumunta ka na do'n sa desk mo at maghintay ng ibibigay sa'yo ni Mr. Georgico," Maya-maya'y pagseseryoso niya.

Humugot ng malalim na hininga si Aleman. "Come on, Marco. Hayaan mong tulungan kita kahit ngayon lang. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Mukha ka nang lantang gulay at-"

"Okay, don't take this personally but I don't trust anyone to do my job," Mabilis niyang putol sa binata na agad na ikinahalukipkip nito. "Kailangan kong gawin 'to dahil sa 'kin ibinigay ang trabahong 'to. If someone else did it, I will freak out,"

Matapos niyang sabihin iyon ay napailing nalang sa kanya si Aleman. Ramdam niya na gusto siya nitong hambalusin sa mga sandaling iyon dahil sa kanyang mga ibinibigay na rason.

Pero ano bang magagawa niya kung ayaw niyang magpatulong?

Nasanay na kasi siya na sarili lang niya ang kanyang inaasahan. He wanted to prove to everybody that no matter how many times they mock him, he's still the Marco they knew that don't give up. Di bale na siguro na mapunta sa alanganin ang kanyang kalusugan basta ang mahalaga sa kanya ay mapatunayan niya na kahit mag-isa siya ay kaya niyang dumepende sa kanyang sarili.

Kasabay ng muli niyang pagharap sa kanyang mga ginagawang trabaho ay saka naman siya natigil nang biglang hablutin ni Aleman ang isang folder na nasa ibabaw ng kanyang desk. Akmang tatalikod na ito pabalik sa kanyang pwesto ay saka naman ito nahinto nang tawagin siya ni Marco sa kanyang palayaw kung saan halos lahat ay napatingin sa kanya.

"Kutkot?" Nanlalaki ang mga mata niyang baling kay Marco na blanko ang reaksiyong nakatitig sa kanya. "Balak mo ba talaga 'kong palubugin sa kinatatayuan ko?"

"Kung ayaw mong matuluyan kang lumubog, ibigay mo sa'kin ang folder na 'yan," aniya. "May kailangan pa 'kong tapusin dyan at malapit na ang deadline ko," Utos nito sa binata.

Ngunit imbes na sundin iyon ay tila ba nagbingi-bingihan lamang si Aleman. Agad nitong sinalubong ang kanyang mga titig at kasabay niyon ay ang unti-unti nitong pag-atras sa kanya. Kaya naman dahil sa kakulitan ng huli ay nagpasya siyang tumayo ngunit bago pa man mangyari iyon ay nahinto siya nang marinig niya ang mga sumunod na sinabi nito.

"Wala 'kong pakialam kung wala kang tiwala sa'kin," anito. "Basta ang alam ko ay kailangan kitang tulungan dahil kung hindi ay baka sa ospital ang bagsak mo," Dagdag pa nito. "Tapusin mo na 'yang trabahong nandyan sa table mo at ako na ang bahala rito. Believe me, you need a bit of help and that help should be done right now," Huli nitong sambit at tuluyan na ngang nagtungo pabalik sa kanyang pwesto.

Habang si Marco naman ay napahilamos nalang sa kanyang mukha kasabay ng padabog niyang pag-aayos ng kanyang mga gamit sa kanyang desk.