Saktong 4:30 ng hapon nang makarating na sila sa kanilang apartment. At kasabay ng paghinto ni Fernando ng kotse ay siya namang mabilis na pagbaba ni Marco mula roon. Kanina pa kasi siya nagugutom at sobrang hapdi na rin ng kanyang sikmura. Balak sana niyang kainin ang natirang pagkain ni Aleman ngunit alam niyang gutom din ang loko dahil sa napakaraming gawain na tinapos nito kanina.
Wala siyang pakialam kung ano ang isipin ng mga naiwan niya sa ibaba. Ang mahalaga sa kanya ay magkaroon ng laman ang kanyang tiyan para hindi matuluyang umakyat ang acid sa kanyang dibdib.
Last time that happened, he felt like he was about to die.
Pagpasok na pagpasok sa loob ng kanilang apartment ay agad na ibinalibag ni Marco ang kanyang shoulder bag sa couch. Dali-dali siyang nagtungo papunta sa kusina at pagkuwan ay naghanap ng ready-to-cook na pagkain. Ngunit akmang magpapainit na siya ng tubig ay saka naman siya nahinto nang mapabaling ang kanyang tingin sa lamesa kung saan ay mayroon nang mga nakahandang pagkain.
Kaya naman hindi nagtagal ay agad niyang ibinalik ang kinuha niyang cup noodles sa kabinet at pagkuwan ay napahalukipkip na humarap sa lamesa.
Mayroong adobong manok, sinigang na salmon, at pritong bangus - ilan sa mga pagkaing talagang hinding-hindi niya kayang tanggihan. Ngunit kahit panay na ang paglalaway niya sa mga oras na iyon ay hindi niya lubusang maisip kung sino ang naghanda ng mga iyon. Sa kanilang apat nina Miguel, Aleman at Roja ay siya lang ang may alam pagdating sa pagluluto kaya ganon na lamang ang kanyang pagtataka nang maabutan niya ang lamesang punong-puno ng pagkain at para bang may kung anong okasyon.
"Wow, ang bilis mo namang magluto. Idol talaga kita," Maya-maya'y rinig niyang bungad ni Aleman pagpasok nito sa kusina. "Pwede na bang kumain?" Dagdag pa nito at pagkuwan ay agad na kumuha ng pinggan sa sideboard.
"Hindi," Mabilis niyang sagot.
Natigil ang huli at pagkuwan ay sinamaan siya ng tingin. "Bakit naman? Wag mong sabihing kakainin mo lahat ng 'yan? Ano ka? May sampung intestine?" Sunod-sunod nitong tanong na ikinatitig lang sa kanya ni Marco.
"Hindi ako ang nagluto nyan," aniya at maya-maya ay napaupo sa harap ng lamesa. "Ikaw? Sa tingin mo, sino kayang nagluto nito?" tanong niya.
Humugot ng malalim na hininga si Aleman. "Sus naman, Marco. Kung kumain nalang kaya tayo kaysa mag-isip ka pa diyan? Alam ko kanina ka pa nagugutom kaya kumain ka na bago na naman umadar 'yang acid reflux mo," Problemadong anas nito at walang isang salitang kumuha ng kanin sa rice cooker.
Pagak siyang natawa. "Hindi ako kakain hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nagluto niyan. Malay ko ba kung may lason ang mga 'yan?" aniya at pagkuwan ay dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
"Nagugutom ka na, 'yan pa rin ang iniisip mo?" Kunot-noong anas ni Aleman sabay bato nito sa kanya ng sandok. "Ewan ko sa'yo, basta ako-"
Naputol ang sasabihin nito nang isang boses babae ang siyang narinig nilang nagsalita mula sa kanilang likuran. Agad silang nahinto at kasabay niyon ay ang mabilis na paglapag ni Aleman ng pinggan na siyang hawak niya. Habang si Marco naman ay napahugot nalang ng malalim na hininga nang mapagtanto niya kung sino ang babaeng iyon.
"Seriously?" Bungad na anas nito. "Porke ba hindi mo alam kung sino ang nagluto niyan, may lason na kaagad? Di ba pwedeng ipina-deliver lang no'ng magaling mong kapatid o di kaya'y si Miguel para makakain ka?" Walang preno nitong sambit na ikinailing lang niya.
Si Aleman ang nagsalita. "Phoebe!" Ngiti nitong sambit. "Himala yata at nagparamdam ka ngayon? Sa'ng lupalop ng mundo ka nanggaling at ngayon ka lang lumitaw?"
"Busy kasi ako sa trabaho at ang daming kailangang tapusing projects kaya ngayon ko lang naisipang pumunta rito," sagot nito at muli ay nagbaling ng tingin kay Marco. "Kung tutuusin ay doon muna sana ako didiretso sa bahay namin kaya lang ay ang sabi sa'kin ni Mama ay nandon na naman 'yung magaling kong kapatid. Kaya imbes na masira ang araw ko ay napagpasyahan kong dito nalang magpalipas oras,"
Pagak na natawa si Marco. "Hindi nga nasira ang araw mo, ikaw naman ang nanira ng araw ng iba," Blankong reaksyon nitong anas at pagkuwan ay tinungo ang refrigerator. "Bakit dito mo nga pala napagpasyahang magpunta? Hindi ba't meron kang apartment? Wag mong sabihing sawang-sawa nang makita ni Klesha 'yang pagmumukha mo?" Dagdag pa niya.
Bago pa man sumagot si Phoebe ay napabaling muna ito kay Aleman na sa mga oras na iyon ay kunot-noong napapailing sa inasta ni Marco.
Habang si Marco naman ay wala nang pakialam pa sa kung ano mang gustong isipin ng dalawang ito na nasa kanyang harapan. He doesn't care because he's been acting this way for almost 13 years. Hindi naman sa galit siya kay Phoebe, dapat nga ay ito pa ang magalit sa kanya dahil sa ginawa niya rito.
Pero kahit ano namang pagpapataboy niya rito at kahit ilang beses niya itong ipahiya sa harap ng kanilang mga kaibigan ay nagmamatigas pa rin ito. She's still wanted to be with him even though he's the most rudest person in the room. Kung tutuusin ay ayaw niyang tratuhin ng ganoon ang dalaga dahil kahit papaano ay mayroon pa rin siyang pakialam dito. Concern pa rin siya kay Phoebe dahil hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ito pero ayaw niya ng dagdagan pa ang problemang dinala niya rito.
Kung maaari ay iiwasan niya ito sa kahit na anong klaseng paraan kahit pa sobrang sakit para sa kanya.
"Mas mabuti pa siguro kung kumain na kayo dahil baka lumamig na 'tong inihanda kong pagkain," Maya-maya'y basag ng katahimikan ni Phoebe sabay iwas ng tingin kay Marco. "At para sabihin ko sa'yo, wala 'tong lason. Saka hindi ako gagawa ng katarantaduhan sa lalaking mahal ko at sa mga kaibigan niya. Kahit pa sa huli ay gusto ko na siyang batuhin ng kaserola sa pagiging bastos niya," Madiin nitong anas.
Napangisi si Aleman. "Talaga? Hanggang ngayon mahal mo pa rin si Marco?" anito at muling bumaling sa binata. "Naku, kung ako sa'yo, kaysa magtiis ka sa lalaking 'yan, patulan mo nalang 'yung mga manliligaw mo na mas mayaman at mas gwapo pa sa kanya. He doesn't deserved you, believe me,"
Napailing si Phoebe kasabay niyon ay napangiting napatitig kay Marco na sinalubong din ang kanyang mga mata.
"Wala 'kong pakialam kahit sino pang poncio pilato ang manligaw sa'kin, basta wala akong ibang magugustuhan kundi si Marco," aniya na agad na ikinaiwas ng tingin ng huli. "I don't care how many times he tried to push me away, he have to deal with that,"
Sa huling sinabing iyon ni Phoebe ay hindi nalang sumagot si Marco. Hindi nalang niya pinansin ang mga sinabi nito lalo na at ang gusto lang niyang gawin ngayon ay lantakan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa.
Ngunit bago pa man siya maupo ay isang ngiti ang siyang sumilay sa kanyang mga labi kasabay ng tinging ipinukol niya sa dalaga.
"Salamat," aniya na ikinatango nalang din ng huli.