Chereads / The Psychopath's Mask / Chapter 3 - Chapter 2: Death Threat?

Chapter 3 - Chapter 2: Death Threat?

MANDIE

Napabalikwas ako ng bangon habang palinga-linga sa paligid.

A took deep breath of relief.

"Panaginip lang pala." Agad kong tinignan ang cellphone ko sa may study table.

Ganun pa rin ang ayos nito simula nang iwan ko ito bago matulog. Isinalpak ko ang battery at binuksan ito.

6:30 am na pala...

Tinignan ko ang inbox ko kung may natanggap uli akong text mula sa unknown number.

Nawala ang kaba ko nang makitang walang ibang messages doon kundi galing kay Wella.

From: Wella

Uy sorry tulog na ko kagabi, bakit?

Hindi na ako nagreply, 9 am pa ang class ko kaya hindi rin ako nagmamadali.

Pumunta ako sa bathroom para magpa-init ng paligo. Pagkatapos ay agad akong pumunta sa kusina upang maghanap ng makakain.

Nagulat ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. May tumatawag.

Simula nang makita ko yung lalaking naka-mask, at nang makatanggap ako ng text galing sa 'unknown number' ay kinakabahan na ako ng sobra.

I'm worried not only for my life, but including my family and friends. Ayoko silang madamay.

You missed a call from Wella.

Hmm? Si Wella lang pala.

I called her back. Agad rin nya itong sinagot.

"Uy Mandie anyare?"

" Eh kasi naman! Magre-review sana ako kaso naiwan ko naman yung notes ko sa school. Manghihiram sana ako sayo..." tugon ko.

"Ahy sya nga pala! Shahan mo pumasok sa school..." dagdag ko.

"Bakit?"

"Basta may ikukwento ako sayo... Secret lang natin ha?"

"Oo sige"

Pagkatapos ng chikahan ay ibinaba ko na ang telepono.

Kung kailan ka nagmamadali ay saka ka paglalaruan ng tadhana. It's my lucky day today!

Walang jeep.

From: Wella

Oh, Asan ka na? Akala ko ba maaga?

I replied.

"Eh kasi naman, walang jeep!"

Sakto namang may jeep na paparating. Agad akong sumakay roon nang makita kong nag-iisa nalang ang upuan na available.

Super bagal naman ngayon ng jeep. Tinitigan ko ang mga facial expressions ng mga tao.

Yung katapat ko ay isang college student. Babae sya, at halatang umiyak sya dahil mugto ang mga mata nya.

Ah. Brokenhearted.

Yung katabi naman nya sa kanan, ay isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, ay elementary student ito.

Nagpipigil ako ng tawa sapagkat nangungulangot ito sa harapan ng maraming tao.

Tsk. Mga bata talaga.

Napalingon ako sa bumaba sa jeep. Awra palang nito ay nakakakilabot na. Parang pamilyar.

"Be careful." Nagsitaasan lahat ng balahibo ko nang marinig ang mga salitang iyon.

I tried my best not to panic. I acted calm para hindi ako mapahiya sa harapan nila.

May mga taong tumitingin sa akin. Baka nagtataka kung kakilala ko ang lalaking iyon.

"Ineng, hindi ka ba rito bababa?" malakas ang boses ni manong driver.

Natauhan ako nang kalabitin ako ng katabi ko.

"Ahy dito nalang ho ako manong, pasensya na po" nakatulog at mabilis akong bumaba ng jeep.

Hanggang sa classroom ay tulala ako. Mabuti na lamang at hindi ako na-late. Katabi ko ngayon si Wella at kasalukuyan kaming nakikinig sa isa sa napaka-boring na subject para sakin.

Mathematics.

Sa halip na notes ang isulat ko ay ginuguhit ko ang paborito kong cartoon character na si 'Doraemon'.

Pagkatapos nang dalawang subject ay pumunta kami sa paborito naming tambayan upang doon kainin ang pagkain namin for breaktime.

"Uy Mandie... Curious lang ako. Bakit parang tulala ka kanina?"

Sinimulan kong isalaysay ang mga nangyari kagabi, kasama ang panaginip ko. Pati na rin yung nakita Kong papel na may code.

Noong una ay inakala nyang nagkamali lang ang lalaki at sa akin naibigay. Sinabi nya rin sa akin na huwag ko nang masyadong isipin pa iyon.

Pero nang sabihin kong nakita ko sya uli sa jeep at sinabihan nya ko na mag-ingat ay naniwala na sya.

Ipinakita ko sa kaniya ang papel na may code at matagal nyang tinitigan iyon.

"Parang Death Threat?"

Hindi ko masabi kung tama ba siya na 'Death Threat' nga iyon kasi wala naman akong alam na nakaaway ko recently.

Pero sigurado ako n may iilan na galit sa akin. Siguro dahil na rin sa inggit.

I shrugged my shoulders since I don't even know the answer to my own questions too. Ayoko rin naman na sumakit ang ulo ko kakaisip.

I quickly nchanged the topic to brighten up the atmosphere.

I told her about the guy named Jade whom I met last Saturday sa SM.

He's really a good and gentleman guy. I'm not really into meetups or eyeball pero, I granted his request.

We sang in the KTV. I can say na he's really good in singing too. He's an artist. He loves to paint and draw.

Even though I feel really uncomfortable whenever he holds my hand, hinayaan ko nalang.

I listened to his stories. From the very dark until how he fought up with his life battles. I admire him for being brave and for trusting me kahit hindi pa kami ganoon nagkakilala.

"Pero mag-ingat ka pa rin ha?" Wella said with concern.

"Of course, thank you." I smiled and checked the time.

Hala 10 minutes nalang.

Nagmamadali naming inakyat ang 5th floor. Sira kasi ang elevator kaya hindi pa namin pwedeng gamitin.

"Mauna ka na, may kukunin lang ako sa locker ko." Sabi ko Kay Wella.

Nagmamadali akong pumunta sa locker ko at binuksan upang kunin ang libro ko for the next subject.

Ethics.

Pagkabukas ko ng locker ko ay napansin Kong may note na nahulog.

Agad ko itong pinilit at nakakita na naman ako ng code galing sa iisang tao.

K-L

Iisa lang ba kami ng University na pinapasukan?

Possible..

Nagmamadali Kong isinara ang locker at tumakbo papunta Kay Wella at agad na ipinakita ang papel.

"Ang hirap naman nito! Wala na syang clue na naibigay?" Napapakamot ulo na tanong ni Wella.

"Wala eh, as in ganyan lang..." I'm so frustrated at the moment.

Dapat ko na bang simulan gumawa ng letter? Para if ever na may pumatay mabasa iyon ng parents ko.

I brushed off the idea in my mind.

Tinignan ko uli ang code. Naglalaman ito ng letters pero walang mabubuo na sentence.

Napagdesisyunan namin ni Wella na pag-usapan iyon bago umuwi.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya palihim ko itong tinignan habang busy ang teacher kakacheck ng assignments namin.

From: Unknown number

Wag magpapagabi. :))

L-K

Nanginginig na inilagay ko ang phone sa aking bag.

Sino ka ba? At anong kailangan mo sa'kin?