Chereads / The Psychopath's Mask / Chapter 6 - Chapter 5: Surprise!

Chapter 6 - Chapter 5: Surprise!

MANDIE

Ilang araw rin akong nakahinga ng maluwag dahil ilang araw rin' hindi nagparamdam ang stalker ko.

Okay... I considered him as my stalker na simula nung magpadala sya ng picture ko na kuha nya.

Sabado ngayon at busy ako sa paglalaba. Maglilinis rin ako ng bahay kasi mamaya, darating si Wella. May sasabihin raw siya sa akin.

The doorbell rang.

I rushed to the gate to see who's looking for me.

"Ah--- Ms. Mandie po?"

"Yes, ako nga." I smiled at him.

Napukaw ang atensyon ko ng Isang maliit na box.

"May nagpapadala po. Para sa iyo raw."

I signed the form and picked up the package. Pumunta ako sa room ko para tignan kung ano ang laman. May nakasulat sa labas na "perishable". May hinuha ako na baka pagkain ito.

'Sino naman kaya ang nagpapadala sa akin ng pagkain?'

Impossible na parents ko kasi I'm sure na magte-text sila sa akin if ever may ipapadala sila.

Hindi ring pwede na galing kay Wella, kasi pupunta siya rito mamaya.

Dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Nagsulat ako ng liham para kung sakali man na bomba ito at biglaang sumabog ay malaman nila. Tumakbo ako papuntang kusina para iwan ang liham doon.

Pagkabukas ko ng kahon ay lumabas ang nakakasulasok na amoy.

Sheep! Ang baho!

Tiniis ko ang nakakadiring amoy upang makita kung ano ang laman ng kahon.

Eeew!!!

"Dead Fish?!" I exclaimed.

Tinawagan ko si Wella para ipaalam ang balita. Sinabi niya na papunta na siya sa bahay namin.

30 minutes passed by, at sa wakas, dumating na si Wella.

Nandirito kami ngayon sa salas. I prepared coffee and cookies for our meryenda.

"Nakita mo yung mukha?" Nagtatakang tanong ko.

Sinabi niya sa akin na nagpakita sa kaniya yung lalaking naka-mask. Hindi raw niya dapat sasabihin to sa akin dahil nababahala siya at ayaw niya ring dumagdag pa sa mga problema ko.

"It's okay. At least sinabi mo sa akin. Nakita mo buong mukha niya?" Pag-uulit ko ng tanong. At para na rin malaman ko kung parehas ba kami ng nakita.

"He's wearing a blue mask. Pero sa mata... I saw his smile. Nakakatakot Mandie." Halata sa mga mata niya na sobrang matakot siya sa pangyayari.

Based on her description, magkaiba kami nang nakita.

Tapos na ang 'Halloween' pero ang lakas makapag-mask. Ibang klase.

Ang tanging pagkaka-parehas lang ng story namin ni Wella ay yung may hawak na cardboard yung lalaki.

"Wherever you are, I can see you. Wherever you go, I will hunt you."

"May initials ba siya na inilagay?" Tanong ko.

"Oo, L-K... Ganyan rin sa iyo di ba?"

"Oo! Wella! Alam mo ba! May nagpadala sa akin kanina ng 'Dead Fish'..."

"Patingin ..."

Pumunta kami sa kwarto ko at umaalingasaw pa rin ang baho.

Binuksan ko ang pintuan at bintana sa kwarto ko para lumabas ang amoy.

Nagsuot kami ng gloves upang tignan ang itsura. Kadiri!

Ang lansa ng amoy!

"Tara itapon na natin!" Nandidiring sabi ni Wella habang nakatakip sya ng kaniyang ilong.

Dali-dali kaming lumabas at inilagay sa basurahan ang nabubulok na isda.

Pumasok kami sa loob ng bahay upang makapaghugas na ng kamay.

May posibilidad na death threat to. O talagang gusto lang kaming takutin ng taong iyon.

I opened my laptop and searched for the answers to my questions.

"May nahanap na ko." Bahagya Kong iniharap Kay Wella ang laptop upang makita niya.

' If someone left you a dead fish, it only means that you will be killed'

Bigla akong nabalot ng takot at pangamba.

"He wants to kill me..." I whispered. Pero narinig iyon ni Wella.

"Hinding-hindi ako papayag Mandie!"

I started to cry.

What did I do? Bakit gusto akong patayin ng lalaking iyon?

Anong kailangan niya sa akin?

Marahang hinaplos ni Wella ang likod ko upang pakalmahin. Napagdesisyunan namin na i-report na ang kaso sa pulis.

Pero...

Sabay na tumunog ang aming cellphone. Sabay rin naming tinignan kung sino ang nagpadala ng mensahe. Hindi na kami nagulat, dahil parehas ang laman non.

From: Unknown number

Huwag na huwag kayong magsusumbong sa pulis kung gusto nito pang maabot ang mga pangarap nyo.

L-K

Nagkatinginan kami ni Wella. Tinignan namin kung may tao sa labas dahil parang alam ng lalaking iyon ang pinag-uusapan namin.

Ngunit wala kaming ibang nakita kundi ang mga batang naglalaro sa labas.

"Bili tayo ng milktea..." Pagyayaya ni Wella.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Kinuha ko ang bag ko na may lamang cutter na pwede naming gamitin for self defense. Binigay ko Kay Wella ang pepper spray para na rin magamit kung sakali man na makita namin ang stalker.

I heard the doorbell rang.

Hindi ko inaasahan ang aking nakita.

"Anong ginagawa ng lalaking yan rito?" Mataray na Sabi ni Wella.

Hindi ko siya pinansin at binuksan ko ang gate para makapasok si Jade.

"Oh, saan ka galing?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.

"Ah may pinuntahan lang akong katropa, malapit kasi dito ang bahay nila." Nakangiting pagpapaliwanag niya.

"Ah ganun ba? Paalis rin kasi kami ni Wella eh, sabay-sabay na tayo."

"Sige, pupunta na rin akong computer shop."

Narinig Kong napabuntong-hininga si Wella. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya Kay Jade. Pero heto siya ngayon, wala magawa. Awkward.

Nakarating na kami sa SM at kanina pa ako kinukulit ni Wella.

"Wala talaga akong tiwala sa lalaking yon."

"Don't judge the book by its cover Wella"

"Alam ko, pero feeling ko, hindi maia-apply yon sa akin, dahil halos lahat ng hinala ko ay tama."

Napailing nalang ako at hinila siya sa Isang milktea shop doon.

"Wintermelon sakin, sayo Mandie?"

"Chocolate"

Umupo ako sa isang cozy na sofa doon sa loob ng shop.

Halos lahat ay teenager, mag-kasintahan. Kami lang ata ni Wella ang single.

"Sa tingin mo, kaklase natin yung stalker mo?" Tanong ni Wella sabay sipsip sa kaniyang inumin.

Kung ako ang tatanungin, maraming possibilities na kaklase nga namin siya.

Pero maaari ring kapitbahay namin.

"Paano kung makipag-meet tayo sa kaniya?"

"Eh? Sure ka ba jan Wella? Hindi ka ba natatakot?"

Hindi na siya sumagot at inubos nalang niya ang kaniyang iniinom.