MANDIE
Final exams na namin ngayon for fourth grading. Medyo hindi ako makagfocus at inaamin ko na lagi kong naiisip yung taong nag-padala sa akin ng package, at yung taong nagpakita kay Wella.
Palaisipan para sa akin kung ano ang pakay niya at kung bakit niya kami ginugulo.
Half day lang kami ngayon dahil examination day. Balak namin pumunta ni Wella sa Bookstore upang bumili ng libro.
Codes and Ciphers.
"Tara na?" Excited na sabi ni Wella.
Dapat na nga ba kaming umalis? Paano kung sinusundan kami nung stalker.
"Eh paano kung and ito siya?" Tanong ko.
"Si mask man?"
"Oo."
Sinuri namin ang paligid kung mayroong tao roon. Wala na ang ibang kaklase namin dahil nauna na silang umuwi. Ang iba naman ay sure na gagala pa.
Nang makasiguro kaming walang tao ay naglakad na kami pababa ng hagdan.
"Mandie!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
"Jade..."
Lumapit sya sa amin at nginitian kaming dalawa ni Wella.
"Saan kayo pupunta?" Tanong niya sa amin.
"Ah sa Bookstore, sa may SM"
"Pwede ba kong sumama?" Nangungusap na tanong ni Jade.
Tinignan ko si Wella kung agree ba siya.
"Ah--eh tinatawag na ko ni papa, kayo nalang dalawa no? Jade ingatan mo si Mandie ha?" Pilit na ngiting sinabi ni Wella.
"Sakto kasi doon ako papunta." Sabi ni Jade gamit ang kaniyang malambing na boses.
Nagpaalam si Wella na mauuna na siya. Magkaibang direksyon kasi ang tungo namin.
Mabilis lang kaming nakarating ni Jade sa SM. Agad kaming pumunta sa National Bookstore at hinanap ang librong kailangan namin.
"Mahilig ka rin pala mag-decode at mag-decipher?" Namamanghang tanong ko kay Jade.
"Oo, simula bata pa ako, ay mga gantong libro na binabasa ko."
Sabihin ko kaya sa kaniya ang problema namin ni Wella? Baka matulungan niya kami eh.
"Jade"
"Bakit?"
"Ganto kasi, nung mga nakaraang araw ay may nagpadala sa akin ng mga codes. Kasama ko parati si Wella na mag-decode ng mga iyon. Tapos nung Sabado, may nagpadala sa akin ng 'dead fish' tapos sinearch namin kung anong ibig sabihin non."
"You will be killed" seryosong tugon niya.
"Paano mo nalaman?" Gulat na tanong ko.
"I read so many books about death threats and akala ko wala nang ganoon sa panahon natin." Sunod-sunod na mungkahi niya.
"Akala ko nga, fictional nalang ang mga iyon at nababasa sa wattpad." Dagdag pa niya.
"Ah ganoon ba..." Natigilan ako.
"Balak nga naming isumbong ang lalaking iyon sa police pero mukhang alam niya lahat ng kilos namin ni Wella." Pagpapatuloy ko.
Napahawak siya sa kaniyang baba na tila nag-iisip.
"Gusto ko kayo tulungan ni Wella pero hindi ko alam kung paano..." Napakamot-ulo niyang sabi.
"Sakto! Sama ka sana sa amin lagi para makita mo rin yung naka-mask na nagpakita sa amin."
"Okay sige, pero sa ngayon, bayaran na natin ito at punta tayo sa MilkTea shop. Ililibre kita."
Hindi na ako tumanggi dahil grasya iyon. I love milktea rin. Pero I'm a coffee lover.
Pagkatapos namin pumila at makabili ng milktea ay pumunta kami sa Arcade upang maglaro.
Masaya siyang kasama. I love his smile.
I could feel my heart beating so fast.
Hinila niya ako papunta sa 'claw machine'. Naglagay siya ng token. Doraemon ang prize. Nasabi ko kasi sa kaniya noon na paborito ko ang pusang robot na si Doraemon.
Sa unang pagkakataon ay hindi niya ito nakuha. Naglagay uli siya ng isa pang token at sinubukan uli.
Yay!
Binigay niya sa akin ang Doraemon na stuffed toy at sa sobrang tuwa ay napayakap ako sa kaniya.
He hugged me back.
Humiwalay ako sa pagkakayakap nang maramdaman kong parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan.
Ano ba itong nararamdaman ko?
Nakatitig siya sa akin. Mga sampung segundo ang lumipas at hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa may shooting game.
Hindi basketball ha.
Barilan.
Two player game yon kaya tig-isa kami ng hawak na laruang baril.
Ang dapat gawin ay patayin lahat ng zombies. It's a virtual reality game kaya parang totoo ang lahat.
Nag-loot muna kami ng items gaya ng 'armor vest', 'level 1 helmet' at 'level 1 backpack'.
Narinig namin na may mga paparating na zombies kaya nagtago kami sa isang corner.
Shoot!
Nagsimula na kaming mamaril ng mga zombies. Napakagaling ng nag-develop ng virtual reality game na 'yon dahil ramdam mo talaga nila sa yabag ng mga zombies pati na rin ang pagkalbit mo ng baril.
Nasugatan ako kaya hindi ako pwedeng lumaban. Binaril ni Jade ang mga natitirang zombies. Napakagaling niyang hinawakan nito. Nawalan ng bala ang baril niya kaya ginamit niya ang kamay niya.
Pagkatapos non ay pinuntahan niya ako upang gamutin.
Tinapos namin ang laro at nanalo kami.
Pawis na pawis kaming lumabas doon at napagpasiyahan namin na pumunta sa balcony upang doon magpahinga.
"Mandie"
"Bakit?" Tumingin ako sa kaniya.
"I want to protect you." Nakangiting sabi niya.
"Thank you..." Ngumiti ako sa kaniya at tumingin ako sa itaas.
Kitang-kita ang mga stars. I'm so amazed.
I feel cold now kahit na nakasuot ako ng jacket.
Mukhang napansin iyon ni Jade kaya naman ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Oh di ba uminit?" Malambing na sabi niya.
Hinayaan ko lang na hawakan niya ang kamay ko.
"I want to stay with you like this forever..."
"What do you mean" nagtatakang tanong ko.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay, tumingala siya at tumawa.
Natahimik kami at nararamdaman kong inaantok ako.
"You can lay here" he said as he gently put my head on his shoulder.
I smiled then I closed my eyes.
I just want to be with him, forever.
Can I?
"Mandie, thank you so much..."
" Bakit naman?" Tanong ko habang nakapikit pa rin.
" Kasi, dati ko pa hinihiling na magkaroon ng kaibigan. Then you came... I'm so happy." Mahinahong sabi niya.
I just smiled and didn't answer him back.
Ako rin Jade. Sobrang saya ko. Pero natatakot ako. Kasi hanggang kailan tayo magiging ganto?
Ayokong mag-risk uli.
Mananatili tayong magkaibigan hanggang sa huli.
At hindi na mababago pa iyon.
"I'll take you home, para makapagpahinga ka na" he smiled at me genuinely.
I nodded.