Chereads / The Psychopath's Mask / Chapter 9 - Chapter 8: He's Still There

Chapter 9 - Chapter 8: He's Still There

MANDIE

Maaga akong gumising upang ihanda ang damit na susuotin ko ngayon sa movie marathon namin ni Jade. Tinawagan ko si Wella ngunit sabi niya ay maglalaba sya ngayon kaya hindi siya makakapunta.

Malapit na ako sa paradahan ng jeep nang magtext si Jade.

From: Jade

Mandie pasensya na, hindi tayo tuloy ngayon. Nasa bahay kasi si papa.

Nanghinayang ako dahil nagdala ako ng makakain. Naisip kong tawagan si Wella upang ipaalam na hindi na kami matutuloy ni Jade na mag-movie marathon.

"Ano? Bakit daw?" Nagtatakang tanong niya.

"Eh kasi naman, nandoon daw sa bahay nila ang papa niya." Pagpapaliwanag ko.

"Eh ano naman ngayon? Mas maganda nga iyon para may magbantay sa inyo eh."

"Hindi ka ba talaga pwede ngayon Wella?"

"Ano ka ba! Parang hindi mo naman ako kilala. Syempre, alibi ko lang yun kasi hindi pa ako na masyadong komportable kasama si Jade."

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Gusto mo ba pumunta ako sa bahay nyo? Sabado naman ngayon."

"Gusto mo dito ka na sa amin matulog Wella? Gala tayo mamaya!" Masayang pagyaya ko. Hindi na ako magpapalit ng damit dahil sayang naman ang outfit ko kung hindi ma-i-ra-rampa

"Magpapaalam muna ako kay papa"

"Ako na, basta samahan mo ako."

"Teka, saan ba tayo magkikita? Ite-text ko nalang si papa." Nae-excite na sabi niya.

"Sunduin nalang kita sa bahay niyo?" Trip ko kasi na pumasyal ngayon kahit dalawang sakay ng jeep ang kinakailangang sakyan bago makarating sa bahay nila.

"Sure ka? Medyo malayo..." May pag-aalinlangan na tugon niya.

"Sus! Pinsan ko kaya si Dora! Sabay pa kami gumagala nun!" Pagbibiro ko.

"Corny mo! Basta sabi mo yan ha? Mag-ingat ka baka nasa likod mo lang ang stalker ko.

"Stalker natin Wella." Pagtatama ko. Bahadya akong nakaramdam ng takot dahil bukod sa first time ko pumunta sa lugar ni Wella ay hindi ako sigurado kung tama ang jeep na masasakyan ko. Idagdag mo pa ang stalker na parating sumusunod sa amin na tila alam lahat ng galaw namin miski kaliit-liitang detalye.

Paulit-ulit kong tinignan sa phone ang pangalan ng jeep na sasakyan ko. Sinisiguro ko na tama iyon kung hindi ay gagastos na naman ako ng pamasahe pabalik.

Habang nakapila ay nakaramdam ako ng kaba at takot. Hindi dahil sa maling paradahan ako nakapila, kundi sa isang pamilyar na anino na nakikita ko sa aking harapan. Lumingon ako sa aking likuran upang makita kung sino ang nagmamay-ari ng aninong aking nakita subalit isang ale ang aking nadatnan.

"Ayos ka lang ba iha? Bakit parang ang putla ng mukha mo?" Tanong ng isang ginang na sa tingin ko'y nasa ika-apatnapung gulang ang edad.

Tumango ako bilang pagsang-ayon at pilit na ngumiti. Sakto namang dumating na ang jeep na sasakyan namin kung kaya naman agad akong pumasok sa loob.

Isa lang ang ang nakapagpaparamdam sa akin nang ganun...

Ang stalker namin ni Wella.

Andito nga kaya sya?

Hindi maalis sa isip ko ang anino kanina. Malakas ang kutob ko na sinusundan niya kami.

Itutuloy pa rin ba namin ang gala?

Iniisip ko na huwag nalang ituloy 'yon. Pero malapit na ako sa bahay nila Wella kaya ipinasawalang bahala ko nalang ang nangyari.

Naabutan ko siya na nagsasampay. Mukhang katatapos niya lang maglaba. Tumatagaktak rin ang kaniyang pawis.

"Oh! Mandie, mabuti naman at nakarating ka nang maayos. Kumusta byahe?"

"Heto naman parang galing naman ako sa napakalayong lugar" pabirong sagot ko.

"Eh kasi syempre di ba? Yung stalker thing?"

Bigla kong naalala ang nangyari sa may paradahan kanina.

"Gusto mo pa rin ba gumala mamaya Wella?"

"Oo naman! Mas okay na iyon at may pagkakataon tayo na mahuli ang stalker..." Napahinto sya at napabuntong-hininga.

"Mandie, mag-ingat ka pa rin kasi napapansin kong super nagiging close na kayo ni Jade." Pagpapatuloy niya.

Binigay nya sa akin ang listahan ng mga possible na stalker ko.

Unang-una sa listahan si Jade. Until now, pinagdududahan pa rin niya ang kasamahan namin.

"Oh bakit naman kasali pa rin si Jade dito? Eh di ba? Kasama na natin siya sa grupo natin?"

"Mandie, kasi hindi mo dapat agad pinagkakatiwalaan ang taong weeks mo palang nakilala..."

Kung sabagay, may punto si Wella. At isa pa, magkasing tangkad halos ang stalker ko at si Jade kay possible rin na nagpapanggap lang ito.

Sunod na nakita ko sa listahan ay si Raymond. Sya yung nangharana sa akin nung Valentine's day. May dala siyang isang boquet ng flowers at kinantahan ako sa harap ng mga kaklase namin.

Mabait si Raymond kaya gusto ko siyang alisin sa listahan ngunit ayaw ni Wella kasi kaya raw ako sinusundan ng stalker ay dahil obsessed ito sa akin.

Parang hindi naman ganoong tao si Raymond.

Sunod sa listahan ay si Keith. Manliligaw rin. Para sa akin, wala namang masama kung hahayaan mo na sabay-sabay silang manliligaw sayo. At least may pagpipilian ka di ba?

Last na sa listahan ay si Kevin. Ang ex-boyfriend ko. Iniwan ko siya dahil nahuli kong nakikipag-meet up sa ex niya.

Parehas silang basura. Nagkunwari akong walang alam ngunit nang hindi niya inamin ang ginawa niya ay kaagad kong ikinwento ang buong detalye. Hindi na ako magtataka kung siya ang stalker ko. Dapat siya ang number one sa listahan at hindi ang pangalan ni Jade.

Tinulungan ko si Wella sa pagsasamapay upang mabilis na ito matapos. Pinayagan siya ng kaniyang mga magulang na sumama sa akin dahil kilala na rin ako ng mga ito nang ipalilala ako ni Wella sa kanila.

Tinulungan ko siya na mag-impake ng mga gagamitin dahil sa bahay nga siya matutulog. Plano namin na pumunta mamaya sa night market upang bumili ng anik-anik o ng mga murang damit sa wagwagan.

Tinawagan ko ang aking mga magulang upang ipaalam na aa bahay matutulog si Wella. Pinagalitan pa ako dahil hindi ko pa naayos ang kwarto ko.

Sanay na si Wella sa ganoong scenario dahil parati siyang pumupunta sa bahay. Minsan pa'y tinulungan niya ako mag-ayos ng higaan dahil sinabihan ako ng mama ko na mukha itong kinalaykay ng manok.

Nang matapos maghanda ni Wella ay niyaya muna niya akong kumain ng pananghalian sa kanila. Hindi na ako tumanggi dahil may dala rin akong pagkain na pwede naming pagsalu-saluhan.

Habang kumakain ay sabay na tumunog ang cellphone namin ni Wella. Nagkatinginan kami at ang tingin na iyon ay nangangahulugang iisang tao ang nagtext sa amin.

"Anong sabi?" Nagtatakang tanong ko kay Wella. Sabay naming ipinakita ang message at buti nalang ay hindi ito code.

From: Unknown number

See you later...

'Sheep'