MANDIE
Kausap ko ngayon si Jade. Katatapos ko lang kumain ng hapunan at hindi ako ang nakatoka na maghugas ng plato kaya naman ay dumiretso ako sa kwarto ko.
"Nasaan ka ngayon?" Tanong ko.
"Nandito ako sa computer shop nila kuya Migs, naglalaro kami. Meet tayo ngayon gusto mo?"
Hindi na ako nag-alinlangan pa at agad akong pumayag.
Naglalakad ako papuntang sakayan suot-suot ang sweatshirt na may design na cute piglets, black leggings at rubber shoes.
Kaunti lang ang mga nakikita kong tao. 7 pm palang ngunit wala akong nakikitang pagala-gala sa lugar namin, except ang sarili ko.
Sinasamantala ko ang pagkakataon dahil pasado alas diyes kung umuwi ang parents ko.
Nagkita kami ni Jade sa SM at nagpagpasiyahan namin na tumambay uli sa view deck sa ikatlong palapag.
"Jade?" Panimula ko.
"Bakit?"
"Gusto ko makilala si Claudio." Ang kaninang nakangiti niyang labi ay biglang nawala, seryoso syang nakatingin sa akin ngayon.
"Maniniwala ka ba sa akin?"
"Oo", saad ko.
"Bata palang ako, wala nang may gustong makipag-kaibigan sa akin." Malungkot na pagsasalaysay niya.
"Bakit naman?"
"Tignan mo ko. Anong nakikita mo sa akin?"
I look up to see him.
I'll be honest. Hindi siya kaguwapuhan. Mapapansin mong hindi siya matutulog nang maaga dahil makikita mo sa mata nya ang malalaki at times na eyebags. Hindi rin siya clear-skin kasi marami siyang pimples sa mukha. Pero kung titigan mo syang mabuti, may itsura sya at hindi siya pangit.
"Dahil sa balat ko, ayaw nilang makipagkaibigan sa akin. Nandidiri sila. Pinandidirihan nila ako." Malungkot na Sabi niya.
Naaawa ako.
Gusto Kong iparamdam sa kaniya na andito lang ako palagi sa tabi niya.
"Gusto kitang maging kaibigan." Nakangiting sabi ko.
Halatang nagulat siya sa aking sinabi. Pero alam ko sa sarili ko na tama ang desisyon ko.
Ipinagpatuloy nya ang kaniyang kwento. Dahil nag-iisa syang anak, at walang may gustong makipagkaibigan sa kaniya, kaya naisip niyang gumawa ng kaibigan gamit ang kaniyang imahinasyon.
Hindi niya tinuloy kung ano ang itsura ng kaibigan Niya sapagkat nagagalit raw ito kapag sinabi niya sa akin.
Nanindig ang balahibo ko nang sinabi niya na katabi ko yung 'imaginary friend' niya ngunit hindi ko pinahalata ang aking pagkatakot.
"Mandie..."
Tumingin ako sa kaniya nang may pagtatanong.
"Punta lang ako sa restroom. Dito ka lang ha, huwag lang aalis."
Tumango ako at sonundan siya nang tingin habang papunta sa pinaka-malapit na comfort room dito sa SM.
Napagpasiyahan kong pumunta sa mga stalls malapit sa pwesto na inuupan namin. Mga branded na medyas na may iba't-ibang prints.
'Iconic socks...'
Tinignan ko kung kakasya ang dala-dala Kong pera. Buti may Isang libo ako sa pitaka ko.
"Paborito mo siguro yang Doraemon no ma'am?" Nakangiting sabi sa akin ng sales lady.
Akmang sasagutin ko sya ng 'oo' nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Tumango na lamang ako at ngumiti sabay tito sa phone ko.
From: Unknown number
New Friend huh?
L-K
Nakaramdam na naman ako ng labis na kilabot. I saw Jade, calmly walking towards me.
"What happened?" Nag-aalalang tanong Niya.
"Nothing. Tara na uwi na tayo." Pilit akong ngumiti at hinila siya palabas ng SM.
Labis na akong naguguluhan sa mga pangyayari. Stalker ba to? Gusto ko nang lumapit sa pulis. Natatakot ako.
Nag-vibrate uli ang cellphone ko.
Nakakakaba...
From: Wella
Uy Mandie! Nasaan ka?
Sinabi ko kay Wella na palabas na ako sa SM kasama si Jade.
From: Wella
Mag-ingat ka, wala akong tiwala sa Jade na yan.
Lumingon ako kay Jade na nakatingin sa mga ilaw sa daan. Hindi ko na nireplayan si Wella sapagkat malapit na ako sa bahay namin. Sobrang bait talaga ni Jade dahil niyaya nya pa akong ihatid sa bahay. At pumayag ako. Delikado rin kasi sa daan lalo na't mag-a-alas diyes na ng gabi.
Ligtas akong nakauwi sa bahay. Bukod sa wala namang dumukot sa akin dahil kasama ko si Jade, ay dahil na rin wala pa ang mga magulang ko.
Nagpasalamat ako Kay Jade sa paghatid sa akin at agad na akong pumasok sa bahay.
Pagkatapos kong magpalit ng damit pambahay ay agad kong sinimulan ang assignment na pinapagawa sa amin.
Habang nagsusulat ako ay pakiramdam ko, parang may tumitingin sa akin.
Nag-vibrate ang cellphone ko.
Nakakakaba...
Nabitawan ko bigla ang cellphone ko at sa lakas ng pagkakahulog ay nabasag ang screen nito.
Sheep!
He took a picture of me, standing in front of the door, going inside the house.
Sheep!
Labis na kumakabog ang dibdib ko.
Pinulot ko ang cellphone ko at inalis ang dumi sa screen. Binasa ko ang kasunod na mensahe niya sa ibaba.
From: Unknown number
Everywhere you go, I'm there. On Saturday morning, you will scream, I swear.
L-K
Agad kong ibinalita kay Wella ang natanggap Kong mensahe, ngunit hindi niya pa ako sinasagot sapagkat hindi na siya naka-online.
Inaalala ko ang mga kaibigan ko. Pati na rin ang pamilya ko, lalong Lalo na ang mga magulang ko na late na umuuwi.
Napa-praning na ko.
I could feel his presence everywhere.
Nababaliw na ba ako?
Nasisiraan na ba ako ng ulo?
I tried to forget everything by watching meme videos.
Pero it didn't work.
Sobrang laki ng basag ng screen.
'Lagot ako sa mama ko.'
Paniguradong bubungangaan na naman ako.
I locked the door. I pull down the curtains. Pero I left the window open.
Minutes passed by. I heard a nursery rhyme song playing...
"London bridge is falling down. Falling down. Falling down. London bridge is falling down. My fair lady. Aaaaaaaaahhh!!!"
Nagulat ako nang may biglang sumigaw.
Tumingin ako sa bintana upang tignan kung may kaguluhan bang mangyayari sa labas.
I saw ..
Nothing.
Nothing but a man. He's wearing a blue mask, and standing in front of my window. May cardboard syang hawak.
'Did you like my prank?'
Matalim ko siyang tinignan. Kumuha ako ng 'pepper spray' para sana turuan siya ng leksyon. Sobrang bilis ko na kumilos. But when I glanced back, he's gone.
My phone vibrated.
From: Unknown number
You're too slow to catch me, Mandie Allison Garcia.
Paano niya nalaman pangalan ko?
Bumaba ako sa kusina upang uminom ng tubig. I saw my mom and dad there, arguing at something.
Wala na kong ganang marinig pa iyon. Masyado nang polluted ang utak ko dahil sa mga nangyayari sa akin.
I decided na i-report nalang ang lahat sa pulis para matapos na.
I didn't delete the last message na pinadala niya.
'Humanda ka sa akin kapag nakita kita.'
Biglang nag-flashback ang message niya sa utak ko.
'Everywhere you go, I'm there. On Saturday morning, you will scream, I swear.'
L-K