WELLA
Inaamin kong pati ako ay nababahala dahil don sa lalaking nagpapadala ng codes para Kay Mandie.
What if ang lalaki na na-meet nya at ang lalaking nagpapadala sa kaniya ng sticky notes na may codes ay iisa?
Sinabi ko Kay Mandie ang naiisip ko. Pero sabi niya ay malabo raw iyon sapagkat napakabait raw ni Jade.
Masama ang kutob ko.
Paano kung stalker yung lalaking yun?
Nandirito kami ngayon sa isang park, hindi kalayuan sa school namin.
Kanina pa kami nag-iisip kung anong code ang maaaring ginamit ng "stalker" na yun.
"Maybe this isn't just a code..."
"What do you mean?" I asked Mandie curiously.
"Maybe this is a mathematical cipher!"
Tinignan kong mabuti ang letters na nakasulat sa papel.
abaaa
aaaba
aaaaa
abbaa
baaab
aabaa
aabaa
babba
abbab
baabb
L-K
"Eh ano ba pinagka-iba ng code sa cipher?" Tanong ko kay Mandie habang hindi pa rin inaalis ang mata ko sa mga nakasulat sa papel.
"Ang cipher, it changes a message on a letter-by-letter basis, while ang code naman, it converts whole plaintext words or phrases into other words or numbers."
Medyo naguguluhan pa rin ako kasi parang parehas lang naman yon.
Anyway...
Kinuha ko ang phone ko sa bag. I started to search for codes and ciphers at baka may makuha akong information about doon sa ipinadala nung 'stalker' nya.
Hmmm...
There are so many mathematical codes and ciphers. Binasa ko isa-isa.
Hmmm...
Tinignan kong mabuti ang mga letrang nakasulat sa papel. Kasabay non ay ang pagbasa ko sa nahanap kong parang related doon. Inilapit ko ang cellphone ko para makita rin ni Mandie.
Mga ilang segundo ko rin syang tinatawag, ngunit Hindi sya sumasagot. Nanatili lamang syang nakatitig sa may Pine tree.
"Mandie? What's wrong?" I asked with concern.
"He's here! Tara na Wella, umalis na tayo rito!" Nagmamadaling tumayo so Mandie at ganun rin ako.
Nagtataka man, ay hindi ko maitanong kung anong nakita niya dahil hinila na niya ako papunta sa sakayan ng jeep.
"I'll call you via messenger mamaya pagkauwi." Seryoso niyang sabi.
"Sige, mag-ingat ka."
Nagkahiwalay na kami nang dumating ang jeep na sasakyan niya.
Hanggang ngayon ay nababagabag ako sa nakita nya. Maaari kayang alam niya ang pinag-uusapan namin?
Anong pakay niya?
6 pm nang makatanggap ako ng tawag mula Kay Mandie. Agad ko naman iyong sinagot.
"Pasensya na kanina ha, kailangan kasi nating nagmadali lalo na't nakita ko sya na nakatingin..." Nag-aalalang sabi ni Mandie sa kabilang linya.
"Okay lang... Pero teka Mandie ano ba ang nakita mo?"
"Yung kinuwento ko sayong lalaking naka-mask..."
"Yung nakita mo kagabi?" Paglilinaw ko.
Eh??? Kahit kung ako ang stalker, ay hindi ko nanaisin na magsuot ng mask sa lugar na maraming tao.
"Oo..."
Nabalot kami ng kaunting katahimikan.
"Mandie..."
"Yes?"
"May nasearch ako... Posible kaya to?"
Agad kong binasa sa kaniya nang malakas ang nakita ko.
"Bacon's cipher or the Baconian cipher is a method of hiding a secret message as opposed to just a cipher, devised by Francis Bacon in 1605."
Ipinakita ko sa kaniya ang mga letra at equivalent non sa alpabeto.
A= aaaaa B= aaaab
C= aaaba D= aaabb
E= aabaa F= aabab
G= aabba H= aabbb
I/J= abaaa K= abaab
L= ababa M= ababb
N= abbaa O= abbab
P= abbba Q= abbbb
R= baaaa S= baaab
T= baaba U/V= baabb
W= babaa X= babab
Y= babba Z= babbb
"Sheep, alam ko na!" Napasigaw bigla si Mandie habang nanginginig. Mahahalata mo ang takot sa kaniyang mga mata.
Iniharap nya sa akin ang papel na pinagsulatan nung stalker at na-decipher na niya ang mensahe.
I - abaaa
C - aaaba
A - aaaaa
N - abbaa
S - baaab
E - aabaa
E - aabaa
Y - babba
O - abbab
U - baabb
L-K
"So sinusundan ka talaga niya Mandie..."
"Wala naman syang makukuha sakin. Hindi naman ako mayaman"
"Pero kailangan mo pa rin mag-ingat. Paano kung idamay nya pati family mo? Hindi naman sa tinatakot kita, pero it's a fact na we all need to be cautious--"
"I know Wella, wait lang, I'll hang up na, nagchat kasi si Jade. Na-solve naman na natin yung cipher kaya huwag muna tayo mag-isip ng kung anu-ano..."
Here we go again. Hindi na naman sya nakikinig. Malakas talaga ang kutob ko. That man named Jade is hiding something.
Concern lang naman ako kay Mandie. Pero minsan naiinis na ko sa kaniya kasi napakabilis niyang magtiwala.
Whenever I see her cry because of dumb men, it hurts me too.
Now she's acting like stupid again.
Kung ayaw niyang maniwala sa akin, ako mismo ang magpapatunay na si Jade at yung siraulong lalaking nagbibigay sa kaniya ng letters with codes and ciphers ay iisa.
Gusto ko mapatunayan na tama ang hinala ko.
Hinanap ko ang pangalan niya sa Facebook.
Tinignan ko ang laman ng wall niya pero, naka-private mode and posts nya.
I sent him a friend request.
Wala pang limang segundo ay in-accept nya ito.
Hmmm...
I saw some of his artworks. Lagi siyang gumagamit ng dark and vivid colors sa mga paintings nya.
There's no other subject but a man wearing a blue coat and a blue hat.
It seems like he's interested with demonic creatures kasi katabi non ay creepy paintings na color blue and black.
Sabi ko na eh, baka kampon ni Satanas ang lalaking to.
Balak Kong ilihim kay Mandie ang susunod na hakbang ko.
I chatted him.
"Kung hindi mo lalayuan ang kaibigan ko ay ako mismo ang maglalayo sa kaniya sayo." Nanginginig na pinindot ko ang send button.
"Hello po, kilala ko po ba kayo? At sino pong tinutukoy nyo na kaibigan nyo?"
Aba! Ang galing magmaang-maangan ng lalaking to.
"Layuan mo na si Mandie, Jade..." Pakiusap ko.
" Wala naman akong masamang intensyon sa kaniya ate. Promise!" He sent a smiling emoji with halo.
"Siguraduhin mo lang."
Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng text from unknown number.
From: Unknown
Wherever you are, I can see you.
Wherever you go, I will hunt you.
L-K
Nakaramdam ako ng kaunting kilabot. Feeling ko ay nasa loob sya ng kwarto ko. Ayoko itong malaman ni Mandie para naman hindi ako makadagdag sa mga iniisip niya.
Napalingon ako sa may bintana...
I saw a man wearing a blue mask standing in front of my glass window, holding a cardboard with written words.
'Let the haunt game begin. Find me or your friend will die'
His smile widened when he saw me crying and started shouting at him.
"Wella Andrea Perez right?"
He smirked.
I froze.