Chereads / The Psychopath's Mask / Chapter 2 - Chapter 1: The Mask

Chapter 2 - Chapter 1: The Mask

MANDIE

If there is one thing that I would want to be done successfully, except my studies and career, it's to destroy my ultimate enemy.

"Claudio..." I whispered.

To be honest, there are so many things that are bothering me right now.

First, yung upcoming examination namin. I'm so stressed kasi, hindi pa kami tapos sa research namin. Minsan talaga, gusto ko nalang mag-solo. I already did my part.

Well, 'parts' yon actually. The introduction, statement of the problem, the questionnaires, pati pangongolekta ng information at pagco-conduct ng interview ako na rin gumawa. Hindi rin naman ako mare-recognize since group work 'yon.

Second, the 'mask'. I'm so curious about it. It really bothered me a lot these past few days since I met that guy named Jade.

Nagkakilala kami sa Facebook messenger. He sent a 'hand waving' sticker to me so, I greeted him back and asked his purpose of messaging me.

'Random wave', he replied.

I sighed.

We exchanged messages until midnight. Cliche, but it seems like time tick so fast and I forgot that I need to review for the tests.

I started to feel anxious at the same time feeling lazy. Sounds weird?

I tried to shake all the thoughts off my mind. I'm finding where my notes are.

Hmmm??

Where are my modules?

Shoot! Naiwan ko sa classroom.

"Sheep!", I freaked out, of frustration. Sa lahat nang makakalimutan ko, iyong importante pa talaga. I slightly punch the wall in front of me, trying to think what to do.

I remember Wella! May notes sya sigurado ako. I opened my messenger to see if she's online.

Unfortunately, she's not.

Next thing in my mind is to call her. Pero wala 'kong load.

I released a long sigh.

Okay, no choice Mandie. Kailangan mong naglakad papuntang store ngayong gabi.

I put on my jacket before going out.

The wind's cold breeze touched my face. I should've worn my beanie.

Anyway...

As I walked out of my house's gate, I saw someone's shadow behind the bushes. Creepy!

Dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Kabado, parang ilang segundo mula ngayon ay may lalabas doon sa halaman para patayin ako.

A serial killer? A ghost?

Gosh, I'm being paranoid right now. Hindi pwede. I'm doing my best to stay calm. Bigla Kong hinawi ang halaman, hawak-hawak ang walis tingting, if ever na meron ngang tao roon, ihahampas ko ang hawak ko sa kaniya.

Fear automatically climb up to my head when I found out that there's no one there. The strange man left a piece of paper.

"Ano to?" Bulong ko sa sarili ko.

The letter contained dots and dashes. Itinago ko ito sa bulsa ng jacket ko at tumakbo papunta sa labas ng gate upang makita kung nandoon pa yung taong nagbigay nito.

I saw a tall guy, standing on the lamp post, wearing a blue scary mask. He waved goodbye at me.

Something's strange.

Kilala nya ba ako? Sino sya? May kailangan ba sya sakin?

Nagmadali akong pumunta sa tindahan, taliwas sa direksyon nung lalaki.

"Oh ineng, gabing-gabi nagwawalis ka? Aba hindi maganda iyon" tanong ni aling Piding, tindera sa pinuntahan Kong store.

Napatingin ako sa hawak kong walis tingting. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at umalis agad matapos kong matanggap ang text na meron na akong load.

Sinabihan pa nya ako na sa susunod at huwag along magwalis sa gabi. Naku! Kung alam nya lang ang nangyari.

"Opo", tipid na sagot at kumaripas na ng takbo papuwi ng bahay.

Inilihim ko sa mga magulang ko ang nangyari. Well, busy naman sila palagi, kaya they don't have time to entertain me, and may tendency na hindi sila maniwala.

Agad kong tinawagan so Wella.

"The number you have dialed is out of coverage area, please try to call later." Napasabunot nalang ako sa buhok ko nang ika-sampung ulit na ay hindi pa niya sinasagot tawag ko.

"Bukas na nga lang!"

Medyo tinatamad na rin ako mag-review. Next week pa naman ang exams, may time pa.

Bigla kong naaalala ang mga pangyayari kanina at agad kong kinuha ang papel na nasa bulsa ng jacket ko.

Tinignan kong mabuti kung anong code 'yon. Mukhang pamilyar at narinig o nabasa ko na iyon somewhere.

-•••

-•-•

•-

•-•

••-•

••-

•-••

L-K

"Morse code!" I browsed the internet kasi hindi ko naman kabisado yung code na to.

I started decoding it. Hindi naman ako nahirapan maghanap ng equivalent ng mga dots and dashes na 'yon.

'Thank you Google'

B

E

C

A

R

E

F

U

L

L-K

"Be careful?" Nagtatakang tanong ko. Sa dinami-rami ba naman ng pwedeng isulat, ganito pa?

Parang normal lang naman, pero medyo nakakatakot rin. Nasanay kasi ako na 'take care' yung mga sinasabi ng friends ko.

Prank lang ba ito? I super appreciate his effort kung ganun.

I startled when my phone beeped so loud.

"Sheep!" I forgot to lessen the volume.

It's a text message from unknown number.

From: 0975 467 7676

Good night Mandie. Be careful kasi baka sa pagtulog mo, may humila sa paa mo.

-L-K

Agad kong binura yung text message. At pinatay ang cellphone ko. Tinanggal ko pati ang battery para maiwasan ang istorbo.

Pinilit kong kalimutan ang nangyari para makatulog ako.

I can hear a familiar ring tone. Sa cellphone ko galing.

Kung tama ang pagkaka-alala ko, pinatay ko ang phone ko before matulog.

Dahan-dahan Kong kinuha ang phone sa taas ng study table at binasa ang message.

From: unknown number

"I'm here"

Nanginginig na binura ko agad ang mensahe, at pinatay ang cellphone, akmang tatanggalin ko na pati ang battery ng cellphone nang biglang may nakapa ako.

Tinanggal ko kanina yung battery ng cellphone ko bago ako matulog!

Gulat na gulat kong tinignan ang battery at takip ng cellphone ko na nakapatong sa lamesa.

Takot na takot ako at halos hindi ko na maidilat ang mata ko.

Nakapikit akong pumunta sa higaan ko na malapit lang naman.

Agad akong nagtalukbong ng kumot. Maya-maya ay may humawak sa paa ko. Marahas nya akong hinila habang tumatawa na parang nababaliw.

"AAAAAAAAAAAAH"