Chereads / Realize That I Love You / Chapter 2 - RTILY- CH. 1

Chapter 2 - RTILY- CH. 1

Her Brother

"Sabrina! Make it fast!" Rinig kong sigaw ni kuya sa baba. I stretched my body first as I lazily get up from bed. Kanina pa niya ako tinatawag at ngayon lang ako bumangon. Mga halos limang beses na ata siyang tumawag sa akin.

Ano naman ang magagawa niya, eh sobrang tinatamad ako ngayon. It's Saturday and there's no class. Kaya irita ako at kay aga aga ginising ako ng magaling kong kapatid.

"Sabrina!"

"Yeah yeah, coming!" Sigaw ko pabalik.

I rolled my eyes as I went in my drawer and combed my hair. Pagkatapos ay kinuha ko na ang tuwalya at pumasok na sa banyo para maligo.

Pagkababa ko ay nakasimangot na si kuya habang nakasandal sa sofa namin. Nilalaro niya ang susi ng kanyang kotse habang iritang nakatingin sa akin.

"What?" I asked.

"Ba't ba ang tagal mo?"

"Tss... eh bakit mo ba kasi ako ginising? Alam mo bang today is my rest day? I just wanna be in my bed all day and feel it's warmth!" sabi ko sa kanya na may halong irita na rin. Siya na nga itong nanggising tapos siya pa yung galit. Sapakin ko kaya 'to ng matauhan.

"I told you, pupunta tayo kina bee. Kagabi pa yung usapan ah at sabi mo naman sasamahan mo ako. Tapos ngayon tatamad tamad ka." Buwelta naman niya sa akin.

Inirapan ko na lang siya at nilagpasan.

"Let's go na nga," I told him and he followed.

Susunduin lang naman daw namin sina ate Chloe at yung kapatid niyang kasing edad ko dahil mamamasyal daw kami. Pwede namang sila nalang pero yung magaling kong kuya ayaw silang mapag-isa dalawa. Torpe pa rin kasi. Tss.

"Bakit ba kasi kailangan kasama ako ha kuya?"

"Para naman mag-enjoy ka Sab. Tsaka walang tao sa bahay dahil may business trip sina mama at papa. Wala kang makakasama doon at mayayamot ka lang,"

"Tsss... gagawin niyo lang akong chaperon sa date niyo eh!"

"Don't worry li'l sis, kasama ni bee yung brother niyang si Callix. Hindi ka mag-iisa sa pagiging chaperon," at talagang tumawa pa siya kaya hinampas ko siya sa braso.

"Napakasama mong kapatid," sagot ko nalang.

"Anong masama? Sabi kaya ni bee good boy ako," nakalabi pa niyang sabi bago ngumisi at kumindat sa akin.

Napaikot nalang ang mata ko saka ko siya kinurot sa pisngi. Parang ako pa ata yung mas matanda sa aming dalawa. Isip bata kasi 'tong si kuya, nahawaan na ni ate Chloe.

"Pakyut ka kuya," sabi ko nalang bago sumakay sa kotse niya.

"Ayaw mo nun, kyut na gwapo pa." at bumunghalit na siya ng tawa.  Ang saya niya. Sanaol.

"In your dreams," sinuot ko na ang seatbelt ko at ganun din siya pagkapasok niya. Sinimulan niya na ring paandarin ang makina ng kotse at umalis na kami.

Pagkarating namin sa bahay nina ate Chloe ay nadatnan na namin sila ng kapatid niyang nakaabang sa labas ng bahay nila. Hindi naman ganun kalaki ang bahay nina ate Chloe. Simple lang ito at dalawa ang palapag. Hindi naman kasi sila mayaman at pareho silang scholar sa University na pinapasukan namin. Pero kahit ganun ay malapit ang loob namin sa isa't isa. Parang bestfriend ko na nga si ate Chloe eh.

"Bee," tawag ni kuya kay ate kaya napalingon ito.

Nakita ko namang nagliwanag ang mukha ni ate Chloe pagkababa ko ng kotse. Nagsimulang maglakad papalapit sa amin ni kuya si ate.

Ibinuka ni kuya ang mga kamay niya at nag-abang ng yakap mula kay ate. Ako naman ay nasa likod lang ni kuya at nanonood sa ka-sweetan nila.

I crossed my arms as I watched kuya being stupid for his move. Sinimulan ko siyang tawanan nang nilagpasan lang siya ni ate Chloe at ako ang niyakap nito ng pagkahigpit higpit.

"Sabrina!" Gigil ako nitong niyakap kaya sinuklian ko rin ito ng mahigpit na akap.

"Ate Chloe! Na-miss po kita ate,"

"Same here bb," kinurot pa nito ang pisngi ko.

"I feel so betrayed 'lil sis," natuon ang atensyon namin sa kuya kong nakasimangot na habang nakatingin sa amin. Hindi ko naman mapigilan ulit ang tumawa. Epic kasi ng reaction niya nang nilagpasan lang siya ni ate. Bwahahahaha.

"Ang dami mo kasing ka-cornyhan sa buhay kuya hahahaha,"

"Humanda ka sa'kin mamaya," tumingin siya sa akin ng matalim bago ibinaling ang tingin sa kapatid ni ate Chloe. Nakalimutan ko pala na kasama yung kapatid niyang ni hindi man lang umiimik at nakatingin lang sa amin ng walang reaksyon.

"Hey Callix, how are you?" Kausap ni kuya kay Callix.

Sandali akong tumitig kay Callix at naalala ko na naman ang usapan namin ni Gi noong nakaraang linggo. Naalala ko ang dare niya sa akin at hindi ko maiwasang magdalawang isip.

Yung taong ito yung papahulugin ko ang loob sa akin. Pero mukhang mahihirapan yata ako.Mas matigas pa siya sa bato.

"I'm fine kuya," simpleng sagot niya kay kuya.

"Good. Now shall we go?" Ani kuya at inakbayan na si Callix. Kinawit naman ni ate Chloe ang braso niya sa akin at hinatak na ako papunta sa kotse ni kuya.

Nagsimula ng magkwento si ate Chloe sa akin ng kung ano anong bagay. Isa sa mga katangian niyang pinaka nagustuhan ko. Yung tipong pinaparamdam niya talaga sa'yo na interesado siyang kausap ka at handa siyang ibahagi ang lahat ng bagay.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero siguro date na namin itong apat. Yun nga lang, dapat ay sina kuya lang kaso mahilig siyang manguha ng chaperon sa date kaya nandito kaming dalawa ngayon ni Callix.

Hindi ko rin maiwasan paminsan minsan ang mapatingin sa kanya. Nasa passenger seat siya at nasa likuran naman kami ni ate.

May pagkakataon pa na nagkakatagpo ang tingin naming dalawa sa salamin ng kotse. Ako naman ang unang umiiwas dahil nakakahiya.

Si ate Chloe lang talaga ang ka-close ko at hindi si Callix. Tahimik kasi siya at cold kaya hindi ko bet ang makipag-usap sa kanya.

Dinala kami ni kuya sa mall at kumain muna kami dahil gutom na raw siya. Kay aga aga eh nagutom agad. Sa isang fast food lang kami kumain kaya naman medyo napabilis. Next stop namin ay yung arcade at naglaro muna kami roon.

Sobra akong nalibang lalo na sa zombie zombie na laro. Yung babarilin mo sila at dapat hindi sila makalapit sa'yo. Si kuya sana yung kasama ko kaso niyaya siya ni ate Chloe sa may basketball kaya binigay niya kay Callix yung baril niya.

Wala naman akong pake dahil aliw na aliw ako sa nilalaro ko. Nabigla lang ako nang nagsimula na rin siyang maglaro at ang mas nakakagulat pa ay kinakausap niya ako.

"Yung sa gilid mo!" Sigaw ko sa kanya at binaril naman niya yung zombie.

"Sab bilisan mo! Malapit na sila!" Todo naman ako tira para lang hindi umabot sa amin yung mga zombies.

Todo tawa kami sa tuwing napapasigaw ako dahil muntik ng mamatay yung character na dinadala ko. Natapos namin ang laro na puro tawanan lang.

"Grabe, pakiramdam ko nasa loob ako ng screen hahahaha," tawa ko.

"Oo nga eh, ang ingay mo." tumawa rin siya kaya para na kaming mga baliw na tumatawa.

Nang medyo mahimasmasan kami ay bumalik na naman ulit sa dati. Yung tipong sobrang awkward at ni isa ay walang nagsasalita kahit kanina lang ay para kaming magtropa na nagtatawanan.

"Uhm..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang bumalik lahat ng hiya ko.

Pagdating talaga sa kanya ay para akong pipi.

"Punta lang ako kay ate," aniya pagkatapos ng ilang segundo.

Tumango lang ako at nginitian siya. Hindi siya ngumiti pabalik at tumalikod na lang sa akin. Wala na naman siyang reaksyon at yun ang kinaiinis ko. Napaka-cold niya talaga. Gwapo nga pero medyo suplado naman o baka yun lang talaga yung impression ko sa kanya. Okay naman kami kanina habang nagtatawanan kaso nature niya na talaga siguro 'yon.

Pagkatapos sa arcade ay naglibot libot muna kami sa loob ng mall. Bumili ng mga damit at kung ano ano pa.

Dinala rin kami ni kuya sa Rizal Park at doon kami tumambay at nagkwentuhan. Pero si Callix, hindi na masyadong nakikipag-cooperate sa usapan. Bumalik na naman siya sa pagiging tahimik.

Hindi ko na lamang pinansin 'yon kahit na sa isip isip ko ay nabo-bother ako sa pinapagawa ni Gi. Kaya ko nga bang paglaruan ang damdamin niya?

Kaya habang pauwi kami ni kuya pagkatapos namin silang maihatid ay bukambibig niya ang moment kuno namin ni Callix sa arcade.

"Binubugaw mo ba ako kuya?" Irita kong tanong.

Medyo nawala na kasi yung gana ko at siguro dahil na rin sa pagod buong maghapon.

"Hindi naman sa ganun 'lil sis. Nakita ko lang na bagay pala kayong dalawa. 'Pag kayo nagkatuluyan, naku ipapatumba ko yung manok ng kapitbahay natin para sa double date,"

"What the hell are you saying? At tsaka ipapatumba? Yung manok? Walang manok yung kapitbahay natin. You're imagining too much,"

"Joke nga lang 'lil sis. Pero hindi malabong mangyari. Alam mo kasi 'pag pumana si kupido hindi 'yan nagpapaalam. Minsan magigising ka nalang, may mahal ka na pala." Napaikot nalang ang mata ko sa mga pinagsasabi niya.

"Ewan ko sa'yo kuya. Mauuna na ako," sabi ko nalang at bumaba na ng kotse niya pagkarating namin sa bahay.

Agad-agad akong umakyat sa kwarto at nagbihis. Ala siyete na pala kami nakauwi at nakapag-dinner na rin kami sa isang resto kaya matutulog na lang siguro ako.

Pagkahiga ko pa lamang sa kama ay mukha na ni Callix na tumatawa ang biglang nakita ko sa isip ko. Mas lalo pala siyang guma gwapo 'pag tumatawa. Sana lagi na lang siyang nakatawa at hindi yung laging walang reaksyon.

Naalala ko na naman ulit ang dare ni Gi sa akin. Nagdadalawang isip pa rin ako kung gagawin ko. Naiisip ko rin kasi ang sinasabi ni kuya kanina. Paano nga 'pag biglang pumana si kupido at nasa gitna ako ng dare? Natatakot ako sa maaaring mangyari.

Baka kasi ako yung matalo...

----------------+++++++------------------------------

(・∀・) Nakatapos rin ng chapter

Thank you for reading! Lovelots(◍•ᴗ•◍)❤

Abang abang lang po tayo💙:>