Habang nakasakay sa jeep ay hindi ako mapakali dahil sa sikip na ng inuupuan ko ay may malikot na kamay pa ang humahaplos sa binti ko. Naka-mini skirt lang kasi ako dahil yun ang uniform ng University para sa highschool students.
I shifted in different positions just to push away the mans hand on my legs.
Hindi kasi ako ang nasa entrada ng jeep kundi si Callix. Sobrang liit na nga ng espasyo ay may manyakis pa sa tabi ko. Napapangiwi na ako dahil paulit ulit at pasimple kong hinahawi ang kamay nung lalaki. Mukha siyang adik dahil sa rami ng piercings niya at may tattoo pa siya sa braso.
Sa pang labing isang beses na pinatong niya ulit ang kamay niya ay hindi ko na naiwasan pang hampasin ng malakas ang kamay ng lalaki. Napansin iyon ni Callix at napatingin siya sa akin.
"Ayos ka lang Sab?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako at hindi umimik. Ilang minuto lang ang dumaan ay nasa binti ko na naman ang kamay nung lalaki.
"Ano ba?!" Hindi ko na napigilan pa ang sumigaw kaya napatingin sa amin ang ibang mga pasahero sa loob.
Tumingin lang sa akin ang lalaki at nginisian ako.
"Ang kinis ng legs mo miss," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at bumilis ang paghinga ko dahil sa galit. Gusto ko siyang sapukin at pagsasampalin dahil sa pambabastos niya.
"Anong sabi mo pare?" Kunot noong tanong ni Callix. Magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa lalaki. Ramdam ko ang bahagyang pag-angat ng braso niya sa likuran ko at kita ko ang paggalaw ng panga niya.
"Napakakinis ng balat ni miss byutipul, sarap hap---" napatili ako nang biglang suntukin ni Callix yung lalaki kaya napahiga ito sa katabing tao. Nag-panic naman yung iba na nasa loob ng jeep dahil sa eskandalo at dahil na rin sa patuloy na pag-andar ng jeep.
Babangon sana ulit ang lalaki pero sinuntok ulit siya ni Callix. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pinapanood siyang suntukin yung lalaki. Mabuti na lamang at huminto ang jeep kaya hinatak ko na si Callix. Bahala na kung malayo pa ang destinasyon namin basta mailayo ko lang ang mga sarili namin doon.
"Callix... tama na yan. Halika na!" Hinatak ko siya pababa ng jeep kahit pa nagugusot na ang damit niya sa hawak ko.
"T*ngina mo g*go! 'wag na 'wag ka lang magpapakita sa akin ulit at baka hindi lang 'yan ang abutin mo!" Sigaw pa niya sa lalaki bago kami tuluyang makalayo.
"CALLIX TAMA NA!" sigaw ko sa kanya kaya naman medyo kumalma siya.
Mabilis ang paghinga niya at magkasalubong pa rin ang kilay na nakatingin sa akin.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin? Sana nag-taxi nalang tayo! Hindi yung oo ka lang ng oo na ayos lang kahit hindi naman!" Mataas ang boses na sabi niya.
"Ano ka ba?! Mataas ang bayad sa taxi tsaka 'diba sabi mo mag jeep tayo? At nangyari na ang nangyari---"
"T*ngina Sab, sana hindi ka nabastos kung nag-taxi nalang tayo!"
"Huwag ka ngang sumigaw!" Sagot ko sa kanya. Tumalikod siya sa akin at sinapo ang mukha niya. Napabuntong hininga rin siya at tumingala.
"C-Callix... I'm sorry okay? Ayoko lang din naman na gumastos ka pa. Tsaka hayaan na natin yung nangyari, wala naman na tayong magagawa pa," mahinahon kong sabi sa kanya.
Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga ulit. Umiling siya ng ilang sandali at naglakad na.
"Maghahanap lang ako ng taxi," aniya.
"Huwag na Callix, maglakad nalang tayo." Hinawakan ko siya sa braso para tumigil.
Napatingin siya sa kamay kong nasa braso niya at tumango. Kinuha ko na rin ang kamay ko at tinago ito sa likuran ko.
Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko. Nakakahiya naman at hinawakan ko siya sa braso. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa kaba kanina.
TAHIMIK naming binaybay ang gilid ng kalsada. Medyo malapit na rin naman kami sa subdivision kung saan ang bahay namin. Walang imik akong sumasabay sa bawat hakbang niya. Gustong gusto ko na siyang kausapin o kahit magkwentuhan man lang kami. Pero nag aalinlangan ako dahil sa nangyari kanina.
Nagtataka rin ako sa biglang inasta niya sa loob ng jeep. Pero siguro baka normal na lang yun sa kanya. Sino nga ba naman ang masisiyahan na nababastos na ang isang babae? Yung mga manyakis lang.
Kahit ngayon ay ramdam ko pa rin ang kamay ng lalaki. Sobrang gaspang at nandidiri ako pero ayaw kong ipahalata iyon kay Callix.
Nakarating kami sa gate ng subdivision namin nang hindi nag-uusap. Parang biglang bumalik si Callix sa dati niyang personalidad. Yung tahimik lang at sobrang cold.
Ala siyete na ng gabi at alam kong nagaalala na si kuya. Nalowbat na rin kasi yung cp ko kaya hindi ako nakapag-text.
Hinarap ako ni Callix at tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Ramdam ko na naman ang pang-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa tingin niya. Yung tibok ng puso ko ay hindi normal na para bang kinakabahan ako.
Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at nagsalita na rin siya.
"Pumasok ka na," aniya.
Tumango ako at dahan dahang tumalikod. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero nang lumingon ako ay nanatili siyang nakatayo roon.
"Oo nga pala, s-salamat sa paghatid," sabi ko sa kanya.
"No prob, pumasok ka na." Iminuwestra niya ang kamay sa may gate kaya tumango ako.
"Ingat ka," I told him and he just nod.
Tumalikod na ako at mabilis na pumasok sa loob ng subdivision. Nagulat pa si manong guard dahil sa late ng pagdating ko.
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Kahit pa hindi maganda iyon ay hindi ko maiwasang kiligin sa inasta ni Callix. Oo at matagal na kaming magkakilala pero hindi kami nagkaka usap man lang. Hindi ko inaasahan ang ganoong reaksyon niya dahil iilang araw palang kaming nagkakausap ng matagal.
Nawala lamang ang hindi normal na pagtibok ng puso ko nang makita ko si kuya sa may pintuan at may magkasalubong na kilay. Patay na naman ako neto.
"Sabrina Caella Montenegro," binanggit niya ang buong pangalan ko kaya kinilabutan ako.
Kapag ganyan na kasi ay sesermonan na niya ako. At alam kong galit na siya.
"Bakit ngayon ka lang ha? Alam mo bang halos ipasuyod ko ang buong subdivision kakahanap sa'yo? Saan ka nanggaling at bakit ngayon ka lang?---"
"Kuya, stop nagging please. Pagod po ako."
"At ako ba hindi pagod Sab?!" Tumaas ang boses niya kaya medyo kinabahan ako.
"Look, stop nagging. Para kang si mommy. Sinamahan ko lang si Callix dahil nagpasama siya sa akin." Sagot ko sa kanya.
Nakita kong medyo napahinga siya ng maluwag. Buti naman at baka hindi ko na naman kayanin ang sermon niyang daig pa si mommy. But even so, he's still the best kuya for me.
"Bakit hindi ka man lang nag-text?"
"My phone is dead bat. Kuya. Now, can I come in?"
Tumalikod na siya kaya naman sumunod na ako papasok ng bahay. Umakyat agad ako sa kwarto ko at nagbihis na ng damit pambahay. Bumaba na rin ako para makakain at umakyat ulit pagkatapos.
Nagtoothbrush ako sa kwarto at inopen ko muna yung cp ko habang ginagawa iyon. Pagbukas ko palang ng fb ko ay chats na ni Gi ang bumungad sa akin.
Nagtanong siya kung bakit daw kami magkasama ni Callix. Nakita pala niya kaming magkasama. Sinabi ko naman ang rason at pinatay ko na ang cp ko.
Humiga na ako sa kama at napatulala sandali sa kawalan. Nagrereplay sa utak ko yung eksena kanina sa jeep. At habang naaalala ko ang mukha ni Callix ay hindi ko alam kung bakit parang bumibilis yung tibok ng puso ko at nang iinit yung pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ito... pero the way I saw how he gets mad on the man made my heart jump.
---------------------------------------------->>>>(・∀・)