Chereads / Realize That I Love You / Chapter 7 - RTILY- CH. 6

Chapter 7 - RTILY- CH. 6

English time at nautusan ako ng teacher namin na ihatid ang mga snacks ng participants. Hindi ko nga alam kung bakit ako napag-utusan eh madami namang pwedeng sabihan sa canteen. Ang sabi lang sa akin ni ma'am ay medyo busy ang mga staffs sa canteen at may meeting naman ang ibang designated teachers sa pamamahagi kaya siya ang naatasan. It was a hundreds of pieces that's why she needed some help.

I am spacing out that time. Nagitla lang ako nang tawagin ako ni Gi at sinabing tawag daw ako ni ma'am. Napatingin ako sa kanya at hindi na ako tumayo dahil baka mapahiya lang ulit ako.

"Help me distribute the snacks of our participants Ms. Montenegro," ani ma'am. Tumango lang ako at sumunod sa kanya papuntang canteen. Doon kasi nakahanda ang mga snacks. Pagdating namin ay isa isa ko ng kinuha ang mga sandwiches at nilagay sa isang box. May mga kaklase rin akong kasama at sila ang nagbitbit ng mga box ng juices.

We went to the gym. Some of the participants are in the gym because some of them are having a painting contest. Not just a simple painting. Magp-paint sila sa parang isang puting malaking jar na may takip at doon nila ip-paint ang theme. Some themes during Science month are all about environment or technologies. So I think, their paintings are all about it too. Gagawin 'yong mga basurahan sa school 'pag natapos na.

Nagdistribute kami ng mga sandwiches sa participants at coaches. Sunod naman naming pinuntahan ay ang air-conditioned laboratory. Hindi naman kami pumasok sa mismong lab kung saan sila nage-expirement. Nasa medyo naunang kwarto kami kung saan pwedeng magchikahan ang mga participants bago sila pumasok sa isa pang room.

Next  stop is the specialized building for quiz bee contestants. Parang biglang kumabog ang dibdib ko, knowing that I'm gonna see Callix. Hindi na rin nakakapasok pa si ma'am Salodes sa amin dahil sa review nila. 2 days from now na kasi ang kanilang contest mismo.

Air-conditioned ang room at may bawat cubicle para sa iba't ibang kind ng quiz bee. Nasa unahang cubicle ang mga team quiz bee participants. Nasa medyo sulok naman ang mga individuals  Nakita ko si Callix na nakaupo at tutok na tutok sa kanyang binabasa. Naka-eye glass siya ulit at nakasideways ang buhok . Hindi ko namalayang medyo napatulala pala ako at nahinto sa tapat ng room kung hindi lang ako siniko ni Anne na bitbit ang kahon ng dalawang juice. Pumasok na ako at nakita siyang sumimangot.

Umirap nalang ako sa hangin. Hindi ko talaga close ang mga kaklase ko at si Gi lang. Yung iba, may grudge pa sa akin kaya hindi na ako nakipagkaibigan pa. They started giving the snacks kaya nagbigay na rin ako. Nasa unahan silang lahat kaya naman pumasok ako sa may sulok kung nasaan sina Callix para naman mabigyan sila agad. Nang mapunta ako sa table ni Callix ay napasulyap siya sa akin at ngumiti ng tipid. Ngumiti rin ako sa kanya at inabot ang isang piraso  ng sandwich.

"Sandwich, Callix." Kinuha niya sa kamay ko ang sandwich at nagpasalamat. May sasabihin pa sana ako pero biglang sumulpot sa gilid ko si Anne at medyo natulak niya ako ng bahagya. Muntik ko ng mabitawan ang box kaya napaisod ako ng kaunti.

"Hi Callix!"masigla ang pagkakabati niya kay Callix. Tinapunan lang siya nito ng tingin at tumango. Inayos ko muna ang mga sandwich na nagulo bago ko inilibot ang mga mata ko kung nabigyan na ba lahat. Nang masiguro kong ayos na ay nakita kong sumenyas na si ma'am na lalabas na kami. Napasulyap ako ulit sa gilid ko at nakangiting pinagmamasdan ni Anne si Callix. Minsan ay tinatanong niya ito. Napalunok muna ako bago nagpasyang tawagin na si Anne.

"Anne, tayo na." Mahina ang boses na tawag ko. Parang hindi siya nakarinig kaya naman pinabayaan ko nalang dahil halos nakalabas na ang mga kasamahan namin. Sumunod na ako sa kaklase kong nasa pintuan na at hindi ko na tinawag pa ulit si Anne.

Nasa kalagitnaan kami ng field pabalik sa canteen para isauli ang mga boxes na wala nang laman nang biglang may tumabi sa akin. Si Anne na nagkagulo gulo na ang buhok at pawis na pawis dahil siguro sa pagtakbo.

"Ganyan ba talaga ang mga tulad mo Sab? Ignorante at walang pakialam?" Ramdam ko ang galit sa tinig niya kaya napalingon ako sa kanya.

"What do you mean? Ano ba ang ginawa ko sa'yo?" Nagtataka kong tanong.

"Really? You're acting innocent like you didn't know what you've done?!" tumaas ang boses niya kaya napatingin ako sa unahan. Medyo malayo sina ma'am sa amin at nahuhuli kaming dalawa.

"What? Ano ba ang ginawa ko sa'yo? I didn't do something!" Irita kong sabi kasi hindi ko talaga siya gets. I did nothing wrong to her!

"Pinahiya mo ako! Sa harap ni Callix! I thought you were still there behind me! Tapos pala malalaman ko nalang na nakatingin na silang lahat sa akin and the look on their faces are telling me to get out! Wala na pala kayong lahat at iniwan ako sa loob ng room na 'yon!" Histerikal niyang sabi.

My brows furrowed and my lips pursed. Sobrang irita ko na ngayon. Why would she blame me?! Ako ba ang sobrang landi at hindi nakarinig ng tawag ko?!

"What the hell is wrong with you?! I called you alright! But you're busy flirting so you didn't hear me! Kaya umalis na rin ako dahil naiiwan na tayo! So don't blame me kung napahiya ka. I did nothing wrong and it's all your fault!" I know I'm not really a war freak. Kung may mga kaaway man ako ay pinipilit kong mag-usap kami ng mahinahon. Hindi rin ako nagsusumbat at kung maari ay nananahimik ako. Because for me silence is better than shits. Silence is the better insult I can give. Pero ngayon ay sobrang nairita ako at sadyang tumaas ang dugo ko. Mainit na nga, susumbatan pa ako nitong babaeng 'to. Eh hindi ko naman kasalanan kung malandi siya!

"Me?! Flirting?! I was just talking to Callix!---"

"Oh you were talking to him! Yes, of course. So don't blame me. Ikaw ang nakikipag-usap sa kanya kaya hindi mo narinig ang tawag ko! Kaya kung napahiya ka man, kasalanan mo na 'yon!" I frustratingly told her and walked faster.

Nang makarating na kami sa canteen ay nilagay ko na agad ang box na dala ko saka dali daling lumabas. Nakasalubong ko pa siya sa pintuan ng canteen pero diretso lang ang tingin ko habang taas noong naglalakad.

Pagkarating ko sa room ay nandoon ang mga kaklase ko at magulong naglalaro. May kanya kanya silang mundo at walang pakialam kung mapagalitan man sila ng ibang teachers.

Padabog akong umupo sa tabi ni Gi na nagbabasa ng fictional books. Napatingin siya sa akin at nanguusisa ang mga mata.

"What happened to you girl? Bakit parang busangot 'yang mukha mo?" He asked me and I rolled my eyes.

Magsasalita na sana ako kaso dumating na yung ibang kaklase ko na kasama ko kanina. Si Anne ang huling dumating at nang magtama ang tingin namin ay sumama ito bigla. Umayos na rin ang buhok niya at hindi na siya pawisan. Umirap nalang ako sa hangin at hindi na siya pinansin.

"Oh I get it na. So what's the reason?" Nabaling ulit ang tingin ko kay Gi kaya naman kinwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit kami magkaaway ni Anne.

At sa ngayon naman ay pareho na siya  naming kinaiinisan. Mabuti na lamang at hindi na niya ako muling ginambala pa kahit na nakita niya akong nakikipag-usap kay Callix sa labas ng room noong uwian na.

'Yun din ang ipinagtataka ko dahil nasa harapan ng room namin si Callix ngayon. Yung ibang estudyante naman ay napapalingon sa amin at mag-uusap ng palihim. I know Callix is somehow popular in the school. Hindi lang dahil sa gwapo ito dahil mostly , nakikilala siya ng students sa mga academic contests. Madalas din siyang manalo kaya naman patok na patok ang pangalan niya sa lahat.

"What are you doing here?" Nagtataka kong tanong sa kanya at pasimpleng sumusulyap sa mga taong nakatingin sa amin.

"Bawal ako dito?" He chuckled like it was a joke. Umiling ako at nagsimulang magsalita.

"Y-you know naman 'diba? Baka machismis tayo. Usually, they know you for being an introvert and this is really a big deal. You... here... waiting for me?" Patanong ang huli kong sabi dahil hindi ako sigurado kung hinihintay nga ba niya ako.

"I don't care. Tsaka, we're already friends. I'm not an introvert anymore," ngumisi siya akin. Napangiwi ako dahil alam kong magiging laman na naman ako ng chismis bukas.

Ayoko pa naman sa lahat ay 'yong makikilala ako sa loob ng campus. I just wanna stay lowkey. And hanging out with someone who's popular would really made my life a living hell. Ayoko talagang pinag-uusapan ako. Tinitignan ako kada dadaan ako at pagchi chismisan ako.

"Well, if it's really a big deal for you. It's fine. I can go on my own," ngumiti siya sa akin ng tipid.

Then he started walking away. I feel like being disappointed with myself. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro hindi ko nasunod kung ano man ang gusto ni Callix. Tinanaw ko siya habang naglalakad palayo. Yung ibang students naman ay umalis na rin matapos umalis ni Callix.

I can feel my heart beating. Napapikit muna ako at napabuntong hininga. I bite my lips and pressed my teeth so hard. God, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung ano itong nararamdaman ko.

And then I just found myself running while calling his name.

"Callix! Please wait for me!"

Kailangan ko na talagang pukpukin 'yong ulo ko mamaya. I saw how the students head turn towards me and to Callix. He stopped from walking and looked back on me.

Wala siyang reaksyon pero nakita ko sa mga mata niyang masaya siya at sasabayan ko siyang maglalakad. Si Gi naman ay nauna na kanina pa. May pupuntahan daw at hindi na makakasabay sa akin.

Susulitin ko nalang ang pagiging ganito ni Callix. This side of him is so different from what I used to know. Hindi ito yung Callix na sobrang cold at sobrang emotionless. And I prefer this one.

Sabay naming tinahak ang field hanggang sa makalabas kami ng campus. Sabay pa rin kami sa paglakad hanggang highway. Nang malapit na kami sa café akala ko ay tatawid na siya sa kabila pero nagulat ako nang sabayan niya akong maglakad hanggang sa makapasok kami sa café na tinatambayan ko.

"Hindi ka pa uuwi?" I asked him.

Umiling lang siya at umupo na sa table na napili ko. Malapit iyon sa bintana dahil iyon talaga ang favorite spot ko sa café na 'to. I can see what's happening outside at nagagandahan rin ako sa nights light na nanggaling sa iba't ibang sasakyan at katabing buildings.

Tumayo ako para umorder ng cake at coffee para sa amin. It was the same girl na inorderan ko rin last time.

"Good afternoon miss, ano pong order niyo?" Nakangiti siya sa akin kaya sinuklian ko rin iyon.

"The usual, but it's two this time" tumango siya at napasulyap sa table namin. Nandoon si Callix at may kinakalikot sa phone niya.

After a few minutes ay binigay na sa akin ni ate girl ang order ko.

"Miss, boyfriend mo yun?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

My face heated up as I shake my head. "Ay, akala ko bf mo. Ang gwapo miss, bagay kayo" dugtong pa niya kaya napakagat ako sa labi ko at medyo napayuko. Nakakahiya naman at napagkamalan pa niya kami.

"Hindi ko po siya boyfriend." Nahihiya kong sabi bago tumalikod at bumalik sa table namin. Nahihiya pa rin ako. Ang isiping boyfriend ko si Callix ay sobrang layo sa reyalidad.

Napatingin si Callix sa nilapag ko. "Bakit dalawa?" Kunot noo niyang tanong.

"Para sa'yo yung isa," I said obviously.

"Sana hindi ka na nag-abala pa." I shrugged my shoulders and gave him the plate and the coffee.

"Hmm, bakit pala hindi ka pa umuwi? Baka hinahanap ka na ni Ate Chloe." I asked him while I sliced a piece of cake and put it in my mouth.

Napatingin naman siya sa akin at nailang siguro kaya umiwas agad ng tingin. "I want to uhm... talk to you with a favor," nakakunot ang noo niya habang sinasabi iyon. Ang paningin niya ay nasa cake lang na hindi man lang niya ginagalaw.

Tumaas ang kilay ko at medyo nangunot yung noo ko. "Anong favor naman?".

"Ma'am Salodes told me that she's out for a week. Hindi rin siya makaka-attend sa quiz bee competition ko. And she told me to find a suitable quiz partner or reviewer na tutulong sa akin in the last remaining 2 days. At ang naisip ko lang ay ikaw," tuloy tuloy niyang sabi kaya medyo hindi ko naintindihan yung iba.

"Wait, what do you mean?"

Napabuntong hininga pa siya bago nagsalita ulit. "I want to ask a favor... or no, ma'am Salodes want to ask a favor, kung pwede bang ikaw muna ang magreview sa akin kapag umalis siya. Two days lang naman," his eyes is pleading.

Napaawang sandali ang bibig ko habang pinoproseso pa sa utak ko ang ibig niyang sabihin. He wants me to replace ma'am Salodes for a while since may gagawin ito. And he told me that he want it to be me?

"Uh..."

"But if you have something to do at hindi pwede. It's fine. I can find someone," mabilis siyang napainom sa kape. He looked like panicking or something. Pero hindi ko naman alam kung bakit.

"I didn't say that I refuse. Pero gusto ko lang tanungin kung bakit ako?"

Napatingin siya sa akin at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kasi seriously? galing ako sa pangalawang section at hindi rin ako gaanong katalino. Marami naman sa room nila ang pwede niyang hingian.

"Uhmm... I don't have friends?" Sandali akong natahimik doon. From the very start I know that he's an introvert. Hindi ko nga siya gaanong pinapansin kahit pa magkrus ang landas namin sa campus. Kahit pa magkarelasyon ang pareho naming kapatid. I just don't like his vibes of being cold.

"Pero... hindi ako gaanong matalino. And you said na dapat suitable ang mapupunta sa posisyon. Parang.. hindi naman kasi ako, uhm suitable?" Nagaalangan kong sabi.

He looked at me in the eyes. "I don't need smart apprentice. I just want someone I'm comfortable with. And I'm only comfortable when it's you. Nothing else," he said seriously.

I don't like it. I don't like this feeling. Yung bigla bigla nalang akong mang iinit. Yung biglang maghaharumentado ang loob ko. I know the very first time I set my attention to him, there's something in him. Napakamisteryoso niya sa paningin ko. Para bang unang pansin ko sa kanya ay nakuryoso agad ako sa personalidad niya.Parang gusto ko pang tumuklas at maghanap ng mga bagay na hindi nakikita ng iba sa kanya. I want to feed my curiosity even if I'm gonna be this near to him. Hell ,this is even not all about the bet or the dare that Gi wants me to do.

Oo, minsan may pagkakataon na naiisip ko ang dare. But most of the time, it was really my curiosity in his personality. I want to discover more kaya hindi ko napipigilan ang sarili kong hindi siya iwasan o huwag nang pansinin. At hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko.

Hindi ako ganito. I can always find ways to know more about a certain person without having interaction with them. Pero sa case ni Callix, I don't think that I can get to know him without going near him or talking to him. Hindi ko kasi siya mabasa.

"So?" I snapped when I heard his voice.

Wala naman sigurong masama kung susubukan ko hindi ba? Tsaka ire review ko lang naman siya. I'm sure that he's already intellegent and he only need guidelines.

Araw-araw ko siyang makakasama at araw araw kaming magkikita. In other person, I would only think that it's a normal and a fine thing to do. Pero hindi ko alam kung bakit sa sarili ko ay sobrang big deal na makasama siya araw araw.

I looked at his pleading eyes. Ngumiti ako at sumagot. "Sure."

------------------------------------------------------------------------------>>(・∀・)

A/N: Hi to the one who's reading this, I just wanna ask some favor if what's on your mind while reading my story. I wanna hear your thoughts regarding this one:> Hope that i didn't bothered you a lot. Thank you and Happy reading!💙 Lovelots 💙

; C'Sinensis