Kinabukasan, pagdating ko sa school ay tili ni Gi ang sumalubong sa akin. Kilig na kilig daw siya noong nakita niya kaming magkasama ni Callix. Akala pa nga niya nung una ay gf ni Callix pero nang mapansin daw niya yung bag ko ay doon niya nalaman na ako pala yun. Nadaanan kasi namin kahapon yung kanto nila Gi, bumili pala siya ng tinapay sa malapit na bakeshop kaya namataan niya kaming naglalakad papuntang park.
"Gorl, as in sobrang kilig ng pwet ko nang makita ko kayo. Mukhang magkakajowa ka na, ayyy!" Tili niya. Mahina pa niyang sinampal yung pisngi ko.
"Sa gandang demonyang 'yan, sino ba naman yung hindi mafa- fall hindi ba?" Tumawa siya nang pagkalakas lakas kaya napatingin ang ibang estudyante sa amin. Nasa bench kasi kami at pumapatay ng oras(pumapatay talaga, exag ako:>).
Himala kasi at napaaga ako ng gising kaya napaaga rin ang pagpunta namin sa school ni kuya. Ewan ko ba, ang ganda ganda ng gising ko kahit yung mga nangyari kahapon ay hindi kaaya-aya.
"Alam mo Gi, tumahimik ka na diyan. Nag-aya lang siya kasi inaway siya ng babae," sabi ko sa kanya. Nakwento ko rin kasi yung tungkol sa babaeng sumampal kay Callix at itong bestfriend ko naman ay gigil agad.
"Ay naku, pinaalala mo na naman. Ang sarap bangasan ng babaeng yun! 'Pag ako nandoon lang nakatikim na yun ng hame hame slap!" Aniya pa niya sabay ikot ng mata.
"Tss... ang harsh mo. Alam mo naiisip ko minsan, kaya siguro dinare mong paibigin ko si Callix kasi may gusto ka sa kanya? Tapos kapag malapit na sa akin si Callix saka mo siya aagawin sa akin. Alam mo yun? May hidden agenda ka siguro no----Aray!" Hinampas niya ako ng librong hawak niya kaya naman napasapo ako sa ulo ko.
"Anong may gusto pinagsasabi mo diyan? Si Edward Cullen ba siya para magustuhan ko? Si Kai ba siya ng exo para pagnasaan ko? Tama na 'yang kakapakinig mo sa papa dudut. Kung ano ano ang naiisip mo, tse!" Hinawi pa niya ang bangs niya at nagpaypay.
"Defensive?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya tumawa nalang ako.
"Ini-istress mo ako bruhilda ha, hinahanapan ka na nga ng jowa eh--"
"Eh sino ba kasi may sabing gusto ko magkajowa ha?"
"Ikaw? Ayaw magkajowa? Haha. Parang hindi ko alam ang dahilan kung ba't ka nag-rp ah? 'diba nga gusto mo magka-JOWA? tas yung najowa mo naman sa rp, eh GHOSTER PALA? HAY NAKU SA'YO BRUHILDA KA," madiin niyang sabi.
Napaikot ang mata ko at tinawanan nalang lahat sinabi niya kasi tama naman. Kahit man lang sa rp maranasan ko magka-JOWA kasi nga ang hopeless romantic ko bwahahah.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan ni Gi hanggang sa dumating na yung first period namin. Pumasok na kami sa room at nagulat ako nang pagpasok namin ay nandoon si Callix. Parang bigla akong kinabahan nang makita siyang nandoon sa lamesa ng teacher namin. Hindi ko alam kung bakit nandoon siya pero parang may nire review siyang test paper.
Napasulyap siya sa akin nang dumaan kami ni Gi sa harapan ng teachers table. Hindi naman siya napansin ni Gi dahil busy ito kakabasa ng kung ano sa phone niya. May bago na naman sigurong katext na lalaki. Hays.
Umupo na ako sa upuan ko at naghintay ng ilang minuto bago pumasok yung adviser namin na first period na rin. May mga dala dala siyang patong patong na libro at maingat iyong inilapag sa tabi ng mga papel na binabasa ni Callix. Napatayo naman kaming lahat at bumati sa teacher namin.
"Okay class, good morning. As you can see, nandito si Mr. Montier. Dito muna siya mamamalagi sa classroom ko since magre review kami para sa Science Quiz Bee these coming August. So I'm asking for your cooperation na huwag masyadong maingay. Bibigyan ko lang kayo ng task at gagawin niyo yun ngayon..." May mga sinabi pa si ma'am pero hindi na ako nakinig. Natuon nalang yung atensyon ko kay Callix.
Ngayon ko lang napansin na naka-eye glass pala siya. Malabo na ba yung mata niya? Siguro. Ngayon ko lang din napansin na ang gwapo niya rin 'pag naka-eye glass.Tutok na tutok siya sa binabasa at mukhang hindi na rin nakikinig sa pinagsasabi ng teacher namin. Mas lalo ko lamang siyang hinangaan. Napakadesidido talaga niya sa pag-aaral katulad ng ate niya.
Hindi ko namalayan na napatitig na ako sa kanya ng matagal at hindi ko na narinig ang tawag ni ma'am sa akin.
"Huy, beshie," bulong na tawag ni Gi.
"Huh? U-uh?"
"Tawag ka ni ma'am"
Napatingin ako kay ma'am Salodes at mariin siyang nakatingin sa akin. Agaran naman akong napatayo dahil sa kaba. Napansin kaya niyang nakatitig ako kay Callix? Sana naman hindi. Jusko.
"Why are you standing Ms. Montenegro?" Tanong niya.
"Y-you're... uh... calling my name ma'am?" Patanong kong sabi.
"I'm just checking your attendance. No need to stand." Nang-init agad yung pisngi ko sa sinabi niya. Piste. Attendance lang pala. Dahan dahan akong napaupo at ngumiti ng hilaw. Yung iba kong kaklase kung hindi napahagikhik ay patago akong tinatawanan. Tsk. Plastics.
Mas lalo pa akong nahiya nang matuon ang pansin ko kay Callix na nakangiti ng bahagya. Tangina, pahiya ako dun.
"Pfft.." napalingon ako kay Gi nang marinig ko iyon. He's pressing his lips so hard to prevent his self from giggling. Masamang masama ang tingin ko sa kanya. Ni hindi man lang niya sinabi sa akin na attendance lang pala yun. At ako naman itong si eng eng ay tumayo bigla. Humanda sa akin 'to mamayang bruhilda na 'to.
Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin si Callix dahil baka mapahiya lang ulit ako. Tumutok ako sa pakikinig sa ibang teachers namin. Nagpatuloy na rin ang review nila ni ma'am Salodes. Naglagay si ma'am sa labas ng table para doon sila magreview. Pero hindi ko rin maiwasan paminsan minsan ang mapasulyap sa labas at tingnan si Callix.
Natapos ang lahat ng subjects namin buong araw at uwian na. Ganoon pa rin ang routine. Magkasabay kaming maglalakad ni Gi hanggang kanto nila.
Pagkatapos kong marinig ang 'class dismiss' ng panghuli naming teacher ay nagligpit na ako ng gamit. Ganoon din ang ginawa ni Gi. Pagkatapos ay tumayo na kami para lumabas. Nandoon pa rin sina Callix at ma'am Salodes. May mga tinatanong si ma'am na sinasagutan naman ni Callix nang hindi tumitingin sa reviewer niya. Sandali siyang napalingon sa amin nang lumabas na kami sa room.
Gusto ko sana ulit siyang kausapin tungkol sa kahapon. Alam ko kasing nag-alala talaga siya sa nangyari kahapon sa jeep. Pero hindi ko naman siya pwedeng istorbohin kaya siguro sa susunod na araw nalang.
Paalis na sana kami nang tawagin ako ni ma'am Salodes. "Ms. Montenegro..."
Lumapit ako sa table nila at napatingin ako kay Callix na hindi man lang sumulyap nang lumapit ako.
"Can you buy us some snacks sa canteen? Then paki balik na rin ng mga libro na 'to sa library. Idi dismiss ko na kasi si Mr. Montier.." tumango ako at kinuha ang pera kay ma'am saka ko inaya si Gi na busy na naman kakaselpon. Babalikan ko nalang yung mga libro pagkatapos kong bumili.
Binilhan ko lang sila ng sandwich at orange juice sa canteen saka kami bumalik. Nagliligpit na rin ng gamit si Callix pagkabalik namin. Ganoon din si ma'am. Binigay ko na yung snacks at saka kinuha yung mga libro na nakapatong sa mesa.
Kinuha ko ang mga yun ng isa isa at walang imik. Nasa panghuling libro na sana ako nang magkahawakan ang kamay namin ni Callix. Parang bigla akong napaso at napabitaw agad ako sa libro. May kukunin pa pala siyang nakaipit na papel sa libro.
Hindi ko maintindihan pero nandoon na naman yung parang kuryente. May power ata 'tong si Callix dahil ganun yung nararamdaman ko sa tuwing magkakadikit ang balat namin. Kinuha ko na agad ang huling libro para ibalik sa library.
Aayain ko na sana ulit si Gi pero bigla siyang nagsalita.
"Sab, hindi ata ako makakasabay sa'yo. Kailangan ko nang umalis dahil may emergency daw sa bahay. Sorry bes,"
"Ganun ba? Sige ayos lang Gi." Sagot ko nalang.
Nagbeso lang siya sa akin at nagpaalam na. Inayos ko na rin ang pagkakabitbit ko sa mga libro. Umalis na rin pala si ma'am Salodes at hindi ko man lang napansin. Pero si Callix... nandoon pa rin at nakatayo.
"Uhm Callix... hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko.
Umiling lang siya at napatingin sa librong mga bitbit ko. Halos limang libro rin ata yun at sobrang kapal kaya medyo mabigat siya.
"Tulungan na kita," aniya at kinuha ang tatlong libro mula sa pagkakabitbit ko.
Medyo napalapit yung mukha niya sa akin dahil nga sa pagkuha niya ng libro. At ayun na naman yung pakiramdam na para akong kinikiliti. Nag iinit na naman yung pisngi ko at ramdam ko na naman ang tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa lapit niya pero mabuti nalang at nakuha niya na rin agad ang mga libro mula sa kamay ko.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa library ng school. At gaya ng dati ay wala pa rin kaming imik na dalawa.
Napapakagat nalang ako sa labi ko at minsan ay kumikibot kibot ito. Ganitong ganito ako sa tuwing gustong gusto ko nang magsalita pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"Pfft.." I was taken aback when I heard that giggle. I saw Callix preventing his self from smiling.
Napatigil ako sa paglalakad kaya ganoon din siya. Napatingin siya sa akin ng may nagtatanong na mga mata pero nandoon pa rin ang tagong ngiti sa labi niya. Pinagtatawanan ba niya ako?
Kunot noo akong tumingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "What's funny Callix?" tanong ko kaya ngumisi siya.
Ngayon ko lang siya nakitang ganoon except noong weekend na tumawa talaga siya. Bibihira lang talaga siyang magpakita ng emosyon at parang ang swerte ko naman yata dahil dalawang beses ko na siyang nakitang ngumingiti ng hindi pilit.
"May sasabihin ka ba sa akin Sab?" Nakangiti niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit siya nakangiti eh sa pagkakaalala ko ay hindi maganda ang mood niya kahapon dahil sa nangyari.
"H-huh? Ano bang sasabihin ko?" Nagtataka kong tanong. Ewan ko ba sa sarili ko, kanina gustong gusto ko siyang kausapin pero ngayong kinakausap na niya ako ay para naman akong napipi.
"Kanina pa kumikibot kibot 'yang bibig mo. Alam kong may gusto kang sabihin sa akin at hindi mo man lang masabi. Spill it," aniya kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"Huh? Hindi naman porke kumikibot yung labi ay may sasabihin na. Habit ko lang talaga--"
"Don't lie to me. Simula pa lang nang makilala kita, sa tuwing may gusto kang sabihin sa kuya mo kapag nag-uusap sila ni ate ay kumikibot na ang labi mo. Saka mo lamang si kuya kakausapin kapag tapos na sila." Sabi niya.
Alam niya pa ang bagay na yun? Si kuya lang naman kasi ang may alam ng habit kong kumikibot ang labi. Ang observant naman niya samantalang ako ay pagiging cold at tahimik lang ang nalalaman ko tungkol sa kanya. Maliban sa kapatid siya ni ate Chloe. Hindi ko nga alam na may pagka soft pala siya kung hindi ko lang siya nakausap.
"So ano na? Sabihin mo na sa akin." Nagpatuloy na siya sa paghakbang kaya sumunod ako. Kinagat ko muna ang pang ibabang labi ko bago ako nagsalita.
"Ano kasi... about kahapon. Uhm, gusto ko lang mag-sorry dahil nag-alala ka pa. Kung sana ay nagsabi nalang ako ng totoo na first time kong sumakay ng jeep at sana nag taxi nalang tayo ay baka hindi ako napahamak at hindi ka napaaway--"
"Shhh, ayos lang. Normal lang naman sa akin na mag-alala sa'yo kasi malapit ka sa ate ko. At tsaka para na rin kitang kaibigan o kapatid. Kaya, nagalit ako ng sobra nang malaman kong binabastos ka nung lalaki. Pasensya na Sab kung nakita mo ang pagkabayolente ko." Tipid siyang nakangiti sa akin habang sinasabi iyon.
Ngumiti na lang din ako ng tipid kahit na may kung ano sa pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.
Hindi ko mapangalanan kaya iwinaksi ko nalang sa aking isipan.
Nakarating kami sa library at nasauli na rin namin ang mga libro na ginamit nila. Sabay kaming lumabas ni Callix sa school at sabay kaming naglakad sa kahabaan ng highway. Yun nga lang ay tumawid na siya sa kabila dahil doon ang daan papuntang parahan ng jeep. Samantalang didiretsuhin ko lang ang daanan ay mapupunta na ako sa café na palagi kong tinatambayan.
Yun lang ang huli naming usapan at hindi na nasundan pa sa mga sumunod na araw dahil sa kabusyhan nila sa pagre review ni ma'am Salodes.
AUGUST na at Science month na sa University. Kanya kanya ng kilos ang bawat member ng Science Club para sa upcoming event. Sa school kasi namin gaganapin ang Division Scilympics kung saan may iba't ibang contest na konektado sa Science. Sa Mega Quiz Bee naman nasali si Callix at individual iyon kaya naman halos dalawang linggo na rin nang huli kaming magka-usap na dalawa. Lumipat na rin kasi sila ng pagre-reviewhan matapos ang isang linggong pamamalagi sa classroom namin.
Binigyan lahat ng participants ng school namin ng efficient at magandang training grounds. Mapa acads man o physical experimentation. Kaya naman hindi ko na siya namataan pa ng ilang araw. Ewan ko ba pero sa ikli ng panahon na nagkausap kaming dalawa ay parang hinahanap hanap ko na siya bigla. Siguro hindi lang ako sanay dahil nga sa mga nagdaang araw ay marami akong nalaman sa kanya. Para bang gusto ko pa ng impormasyon tungkol sa sarili niya. Yung mga gusto niya at ayaw.
Nakakainis dahil hindi dapat ako ganito kung hindi dahil sa pinapagawa ni Gi. Kasi sa totoo lang, ay wala naman akong pakialam sa mga taong ayaw makipagkilala sa akin. Pero sa kay Callix lang ata ako na-curious ng ganito. Marahil ay na-challenge lang ako dahil sa tagal na naming magkakilala ay ngayon lang kami nabigyan ng pagkakataon na makapag-usap.
Nakapangalumbaba ako sa laptop ko dahil wala na akong maisip na i-type. Sinisimulan ko na rin kasi ang explanation at reporting ko regarding sa punishment ko ilang linggo na ang nakakaraan. Sa loob ng dalawang Linggo na yun ay puro nalang ako research tungkol sa history ni Pythagoras at lahat ng ambag niya sa Mathematics. Lalo pa at may mga example rin dapat dahil nga masyadong perfectionist ang math teacher ko. Dapat lahat sakop ng explanation ko ang lahat ng tungkol sa pinapa report niya.
Gumawa na rin ako ng powerpoint dahil ayokong magsulat. Nakakatamad kaya.
Napapitlag ako nang may biglang lumapag ng bottled juice sa mesa ko. Si Gi lang pala. May dala dala rin siyang tinapay at iilang fictional na libro. Nasa bench ako nang University sa lilim ng isang puno. Vacant time namin ngayon kaya naman ginugol ko na ang oras ko sa pagta type.
"Kumain ka muna beshy, baka duguin ka diyan at dalawang linggo mo na 'yang tinututukan." Kinuha ko ang bottled juice saka iyon binuksan at tinungga.
Napangalahatian ko agad ito. Inuhaw ako sa sobrang dami ng iniisip ko, hays.
Napatitig ako sa laptop ko at sa tinatype ko. Pumasok na naman sa isipan ko si Callix. Kinakabahan kaya siya sa papalapit na paligsahan? Pero sa tingin ko ay hindi naman dahil sa talino niyang yun ay mukhang sisiw na lang iyon sa kanya.
Naramdaman kong nagvibrate yung cp ko sa bulsa kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext. Si Brixxi pala, yung pinsan kong nasa ibang bansa.
Nabasa kong malapit na raw siyang umuwi sa Pinas at gusto niyang ako ang sumundo sa kanya. Kasama raw niya ang ilang kaibigan na nakasama niya sa loob ng Unibersidad sa America. Nagreply lang ako na sumasang ayon akong ako ang magsusundo sa kanya. Ite-text lang daw niya sa akin kung kailan dahil tentative pa ang date kung kailan siya makakaluwag.
Nagpatuloy ako sa pagta-type habang kinakain ang tinapay na dala ni Gi. Wala rin naman siyang imik dahil nagbabasa siya ng ilang fictional books na siyang kinahihiligan niyang gawin tuwing walang ginagawa.
Pinatay ko na ang laptop ko at saka tumayo na kami ni Gi nang malapit ng matapos ang oras ng vacant namin. Sabay naming tinahak ang kalawakan ng field para mapunta sa building namin.
Nasa hallway na kami nang may marinig akong mga chismis. Wala naman sana akong pake kaso lang ay nabanggit nila ang pangalan ni Callix .
"Sabi raw ng nakakita, baka girlfriend iyon ni Callix. Hindi naman raw kasi nagsasama ng babae si Callix sa tuwing umuuwi siya kaya baka nga gf niya talaga yun at patago lang ang relasyon nila"
" Siguro nga, hayy. My heart. Para itong unti unting nadudurog. Sana lang ay hindi totoo" madrama pang sabi nang isa sa mga babaeng nagkukumpulan.
Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Siguro ay ako ang tinutukoy nilang babae na kasama ni Callix isang araw. Hindi na rin ako magtataka kung bakit ang bilis kumalat ng balita. Medyo popular nga naman talaga si Callix sa loob ng campus. Kahit nga yung ibang seniors ay nagkakagusto rin sa kanya yun nga lang ay hindi maaari dahil nga mas bata ito sa kanila.
Iba talaga 'pag charisma na ang pinapagana. Ang daming nabibighani. Hay..
"Kayo talaga, hindi naman porket magkasama eh gf agad. Baka nagpasama lang talaga siya that time 'diba Sab?" Napalingon ako dahil narinig ko ang pangalan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nasali sa usapan.
Nakilala ko ang bumanggit sa pangalan ko. It was Faye, the girl I was friends before but when she knew that her boyfriend is flirting with me, iniwan niya ako at sinumbatan. I didn't mind though because I know that all friends I have aren't true. Si Gi lang talaga ang masasabi kong tunay.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya at hindi ko siya pinansin. I walked as if I didn't hear what she said. Hindi naman na kami close para sagutin ko pa siya.
"Unless, the girl's flirting..." tumawa pa siya kaya tumawa rin ang mga kasama niya. I gritted my teeth but didn't mind them. I don't do low-class fights in campus. It's just wasting my effort and time.
Pumasok na kami ni Gi at hinintay ang teacher namin. Buong araw lang akong nakinig sa teacher kahit pa nakatulugan ko ulit yung math. Pero buti nalang at hindi ako nahuli ni sir.
--------------------------------------------------------------------------->> (・∀・)