Chereads / Realize That I Love You / Chapter 3 - RTILY- CH. 2

Chapter 3 - RTILY- CH. 2

Him

Weekends ended so fast. Sobrang tamad pa akong bumangon sa kama ko nang mag-alarm na ng 6:30 ang alarm clock ko. Lunes na naman at marami na namang tambak na gawain ang sasalubong sa akin sa school.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba para mag-agahan. Nakita ko si kuya na kumakain na at malapit ng matapos habang ako ay dahan dahan pang lumapit sa hapagkainan.

"May mas ibabagal ka pa ba Sab? You're going to be late," puna niya sa akin.

"Tinatamad kasi ako. Bakit kasi ganun? Kung kelan gusto mo ng mahabang pahinga ay saka naman bumibilis yung oras. Tapos kung kelan gusto mong madaliin yung oras saka naman siya bumabagal. Hayst," inis kong sabi at umupo na. Pinagsilbihan ako ng katulong sa pagkain ko kaya nagsimula na rin akong sumubo.

"Ang aga aga eh puro ka rant diyan. Bilisan mo nalang at male-late na tayo." Tumayo na si kuya at kinuha ang bag niya saka lumabas na ng bahay.

Umikot nalang yung mga mata ko bago ipinagpatuloy ang pagkain.

**********

PAGKAPARK ni kuya ng kotse niya ay bumaba na ako. Nagpaalam lang ako saglit at nagpatuloy na sa paglalakad papasok ng campus. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang bestfriend kong si Gi na todo kaway na sa akin.

"Makakaway ka para akong sasabak sa hunger games ah," salubong ko sa kanya.

"Gaga, Miss Universe wave yun hindi yun para sa'yo. Pina-practice ko lang yung skills ko duh," sabi naman niya sabay flip hair. Aba't mas bruha talaga sa akin.

"Wow grabeng kaway na pang Miss Universe ah? Todo kampas ng kamay? Ano yun, swiper sa windshield na beauty pageant wave?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang buhok ko at hinila ng konti kaya di naman masakit.

"Aminin mo na kasi, na-miss mo 'tong beautiful na mala anghel kong feslak," dugtong ko pa sabay tawa.

"Hoy Fyi bruhilda, hindi ka mala anghel. Mala demonyo ka, tse!" Sabay flip hair ulit. Feeling mo talaga may buhok eh.

" Napakasama mong kaibigan. Tsss. Halika na nga at late na tayo." Kinawit ko ang kamay ko sa braso niya at hindi naman siya nagreklamo. Himala. Akala ko magtitili na naman siya at sasabihin ang linyang 'girl, don't kawit kawit your hands on mine. Baka mapagkamalan kitang gf ko. So yaks lang talaga'.

Oo, napaka-conyo at arte talaga ng bestfriend ko pero maaasahan 'yan kahit anong oras. Siya talaga ang kasama ko sa lahat ng kalokohan ko sa buhay at masasabi kong sa dami ng dumaan na tao sa buhay ko, siya lang ang nagtiwala at nag-stay nung mga oras na sobrang down ako at hindi ko alam ang gagawin.

"Oy bruha..." Rinig kong tawag niya habang tinatahak namin ang malawak na field. Nasa kabilang side pa kasi ng field yung building ng classroom namin. Nasa fourth year high school na kami at so far ay 5 years na kaming magkaibigan ni Gi.

"Oh?" Sagot ko sa kanya.

"Napag-isipan mo na ba ang dare ko?" Tanong niya sa akin.

Oo nga pala at may dare pa siyang hindi ko nagagawa.

"Hindi pa, wala akong isip eh," pamimilosopo ko.

"Ay bruha! Ngayon mo lang napansin? Ay gorl, tama ka diyan," pero siyempre hindi ko siya madadaig sa papilosopohan. Pro na siya at nag-aral ata siya sa Harvard para laging icontradict yung mga sinasabi ko.

"Wow, hiyang hiya ako"

"Ba't ka mahihiya, eh makapal pa sa balat ng kalabaw yung feslak mo?"

"Abnormal ka talaga,"

"Hindi ako abnormal, below normal lang." at nagtawanan kaming dalawa.

Ganyan kami kabaliw. Medyo harsh yung mga salita namin pero siyempre kami lang din ang nakakaintindi na hindi yun totoo at pawang kagagahan lang namin sa buhay.

"So, back to the topic nga. Ano na?"

" Hmmm, hindi ko alam. Tsaka bakit ba ganyan yung naisip mo na dare? Wala akong rason na makita," kunot noo kong tanong. Kasi nga totoo naman. Walang rason para gawin ko 'yon.

"Hm, wala lang. Yun ang gusto ko eh. Tsaka para na rin sa'yo. Ga- graduate na tayo 'di ka pa rin nagkaka-jowa,"

"Study first ako eh,"

"Wow, big word. Study first. Hindi ko na nga maisip kung ilang beses mo na akong naaya ma mag-cutting. Nagka-amnesia ka 'te?" Sabi pa niya at may pakumpas kumpas pa sa ere ng kamay niya.

"Hindi ko talaga alam kung kaibigan kita eh. Minsan suportado mo ako minsan hindi," nakalabi kong sabi sa kanya.

"Eto namang bestfriend ko..." Kinurot niya ang pisngi ko at nagpakita pa ng ekspresyon na para bang habag na habag siya sa akin. "Hindi na majoke, masyado pang pa-cute." aniya sabay tawa.

Hinampas ko na lang siya sa braso at kumalas sa pagkakakawit ko sa kanya. Binilisan ko ang lakad ko para kunwari nagtatampo ako sa kanya.

"Oyyy... Eto namang si Sab hindi ma-joke," rinig kong sabi niya.

"Mag-joke ka sa kalabaw, tsss." Pinagalit ko ang tinig ko para kunwari galit talaga ako sa kanya.

"Oy, sorry na nga mala ANGHEL kong kaibigan!" Sigaw niya.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Tataasan ko na sana siya ng kilay nang may mahagip ang mata ko sa likuran niya. Si Callix.

Katulad namin ay naglalakad din siya sa kalawakan ng field. Nakasuot siya ng uniform namin at may nakasuksok na earphones sa magkabilang tenga niya habang nakatingin lang siya ng diretso.

Hindi ko maitatangging ang cool ng dating niya. Lalo pa't nakasideways ang buhok niya at nakapamulsa.

Gwapo si Callix. Maputi siya katulad ni ate Chloe at may pagkamestiso ang mukha. Makapal ang kilay, manipis ang mapupulang labi, medyo chinky yung mata at matangos ang ilong.

Yun nga lang, ang cold ng aura niya. Yung tipong manlalamig ka 'pag nagkaharap kayo. At matipid siya sa salita bagay na hindi ko masyadong gusto dahil nga lahat ng tao sa paligid ko ay maingay.

"Ay wow, natulala si ineng. Sino ba yung tinitignan mo diyan?" Napamulagat ako sa tinig ni Gi. Napatingin ako sa kanya at namula ang pisngi ko dahil lumingon siya sa kung saan ako nakatingin.

"Ay bongga, si papa Callix." Excited ang boses niyang sabi.

"Hi Callix!" Bati niya dito. Ako naman ay medyo napayuko nang medyo malapit na sa amin si Callix.

Tumingin lang sa kanya si Callix at nagpatuloy na ito sa paglalakad at nilagpasan kami.

"Ay snobber," nakasimangot na sabi ni Gi habang tinatanaw ang papalayong si Callix.

"Gi, 'yan ba ang lalaking paglalaruan natin? Tingnan mo nga oh, halos 'di ka pansinin. Ano pa kaya ako?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"Alam mo friend, hindi ka naman talaga niya papansinin 'pag hindi ka nagpapapansin. Gumawa ka ng bagay na mababaling ang atensyon niya sa'yo." Aniya.

Napakibit balikat nalang ako.(Kaya sa mga may crush diyan. Magpapansin na kayo, malay niyo ikrass back na kayo mwahahahha)

"Hay, 'yaan mo na nga muna 'yan. Alalahanin muna natin ang assignment natin sa Science. Nakagawa ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oh my!! Oo nga pala bessy! Hala, bilisan na natin. Malapit na mag-time!" Pasigaw niyang sabi at hinatak na ako habang lakad takbo kaming dalawa. Naabutan pa namin si Callix na papasok sa room nila.

Hingal kaming nakarating ng classroom at buti nalang talaga ay wala pa si ma'am. Nanguha na rin kami ng mga sagot mula sa kaklase namin. Nasa room 2 kami ni Gi samantalang Room 1 naman si Callix---isang hinahangaan ko sa kanya ay ang pagiging matalino.

****

Mabilis na lumipas ang mga oras at bored na bored lang ako sa klase buong maghapon. Paano ba naman kasi ay puro lang lectures at assignments ang pinapagawa sa amin. Nakatulugan ko pa yung math kaya naman nagkaroon ako ng penalty. Idi-discuss ko raw yung history ni Pythagoras at ang lahat ng ambag niya sa mathematics. Hindi ko alam kung bakit ganun ang pakulo ni sir eh pwede naman akong mag maintenance nalang. Papaduguin niya talaga yung utak ko.

Kaya habang naglalakad kami ni Gi palabas ng school ay nakasimangot ako at hindi na ata maipinta ang mukha ko.

" 'Yan kasi. Hayaan mo, tutulungan kita sa research na gagawin mo. Alam mo na ang gagawin mo sa susunod dear bestfriend. 'Wag nang matulog sa klase especially M-A-T-H." Nag qoutation mark pa siya sa hangin habang sinasabi yun.

Napabuntong hininga nalang ako at pinagpaliban na muna ang pag-iisip sa letseng math na 'yun. Kaya kayo 'wag kayong matulog 'pag math. Magpadugo lang kayo ng ilong.

Nagpaalam na sa akin si Gi nang malapit na kami sa kanto nila. Sa totoo lang ay nilalakad ko muna ang kahabaan ng highway dahil may pinupuntahan pa akong café. Doon ako madalas tumambay kapag uwian na at doon ko na rin hinihintay si kuya.

Tumunog ang chimes sa may pintuan ng café nang pumasok ako. Napangiti ako nang masinghot ko na ang aroma ng kape nila. Nilagay ko muna ang bag ko sa may upuan sa may bandang bintana at pumunta na sa counter para um-order.

"One frappé and chocolate cake please," I ask the girl on the counter.

"Take out or dine in ma'am?" Tanong sa akin ni ate girl kaya sinagot ko naman.

"Dine in miss,"

"Okay ma'am, wait a second please.." sabi niya at tumalikod na.

Naghintay ako nang ilang sandali bago niya binigay ang order ko. Nang makuha ko na ay tumalikod na ako at babalik na sana sa table ko nang may makita ako sa labas.

Isang babaeng nagwawala habang tinitignan lamang siya ng lalaki. Pamilyar ang mukha ng lalaki kaya pumunta na ako sa table ko at hindi nga ako nagkakamali. Si Callix yung lalaki.

Yung babae naman ay todo sigaw sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at mukhang walang pakialam yung babae.

Hindi ko rinig ang sinasabi niya o binibulyaw niya dahil soundproof ang café. Pero alam kong may nagawang kasalanan si Callix kung kaya't galit na galit yung babae.

Nagpatuloy ako sa panonood sa kanilang dalawa at medyo tumigil din sa kakasalita yung babae. Si Callix naman ang nagsalita at maikli lamang iyon. Pero hindi ko inaasahan ang panlalaki ng mga mata ng babae.

Pero mas nagulat ako nang bigla niyang sinampal si Callix. Alam kong malakas 'yon dahil napatagilid ng bahagya ang ulo niya.

Nagdadabog na umalis ang babae habang nanatili namang nakatayo si Callix.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Naaawa ako at naiinis. Awa, dahil alam kong napahiya si Callix. May nakita pa nga akong nag video eh. At inis dahil sa kung anumang ginawa niya kaya nagkaganoon ang babae.

At hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako lumabas ng café at pinuntahan siya.

------------------------------------->> (・∀・)

Another chapter yey! Thank you for reading! Lovelots💙💙

;C'Sinensis