Chereads / Realize That I Love You / Chapter 4 - RTILY- CH.3

Chapter 4 - RTILY- CH.3

Nanatili siyang nakatayo at hindi gumagalaw. Nakatagilid pa rin ang ulo at nakatingin lamang sa semento. Nag aalinlangan pa akong lumapit sa kanya pero nang makita kong halos lahat ng mga mata ay nasa kanya na, tinanong ko na siya.

"C-Callix... ayos ka lang ba?" Muntikan pa akong mautal dahil bigla siyang napatingin sa akin.

Inayos niya ang buhok na napunta malapit sa mata niya at tinitigan ako.

"Pwede mo ba akong samahan?" Para akong natuod sa kinatatayuan ko nang tanungin niya ako nun. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin na may nagsusumamong mga mata kaya hindi na ako nakatanggi pa. Napa oo nalang ako bigla.

"S-sige... Pero teka, kukunin ko lang yung bag ko," sabi ko sa sa kanya at patakbong pumasok ulit sa café. Kinuha ko ang bag ko at pina-wrap ang order kong ni hindi man lang nabawasan. Dinagdagan ko na rin ng isa para kay Callix na naghihintay sa akin sa labas.

"Tara na," aya ko sa kanya nang makabalik na ako. Nagsimula na siyang maglakad kaya naman sumunod ako sa kanya. Wala ni isa sa amin ang nag-iimikan. Sobrang awkward na parang gusto ko nalang bumalik ulit sa café. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako pumayag na sumama sa kanya.

Sinimulan ko na ba ang dare ni Gi? Parang oo na parang hindi. Pero ang alam ko lang, gusto kong malaman ang nangyari at kung bakit ganoon na lang ang galit ng babae.Yung tipong sasampalin talaga siya in public at ipinahiya. 

"Callix, uhm... saan ba tayo pupunta?" Putol ko na sa katahimikan dahil hindi ko na kaya.

"I don't know," aniya at nagkibit balikat.

Hindi ko alam kong saan nga ba ang tungo namin pero nanatili akong nakasunod. Nag-text na rin ako kay kuya na huwag na niya akong sunduin dahil may pinuntahan pa ako.

NAKARATING kami sa isang playground malapit lamang sa University na pinapasukan namin. Umupo agad si Callix sa swing at humalukipkip. Ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya.

Wala masyadong tao sa playground at dalawang bata lang ang nakita kong naglalaro sa hindi kalayuan.

"You should sit. Mangangalay ka," napaigtad ako nang magsalita siya. Hindi talaga ako sanay na umiimik ang isang katulad niya kahit na gustong gusto ko na siyang kausapin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinunod ang sinabi niya. Umupo ako sa katabing swing at marahan iyong idinuduyan.

"Oo nga pala, eto oh." Binigay ko sa kanya ang isang paper bag. Yung in-order ko ang laman niyon.

"Ano 'yan?" Tanong niya.

"Coffee at cake. In-orderan na rin kita," sagot ko sa kanya. Hindi naman siya tumanggi at inabot ang paper bag.

Binuksan ko na rin ang akin at nagsimulang kumain. Ganoon din siya. Ilang minuto rin kaming hindi nag-usap nang bigla siyang magsalita.

"Sab..." tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Hmmm?"

"Masama ba akong tao?"

Muntik na akong masamid sa tanong niya kaya napahigop agad ako sa kape ko.

"Bakit mo naman natanong?" tanong ko sa kanya pabalik.

"Hmm, wala lang. Nakita mo naman siguro kanina. Ang sama ko na siguro dahil may sinaktan akong tao," napayuko siya at pinaglaruan ang takip ng lalagyan ng kape.

"Hindi ko naman alam ang buong istorya kaya hindi ko rin masabi kong masama ka nga bang tao." sagot ko na lamang.

"You're right. Nevermind that," aniya at sumubo ng cake.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Pero gustong gusto ko pa ring malaman kung ano nga ba ang nangyari kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na magtanong sa kanya.

"Bakit ka nga ba inaway nung babae Callix? Gf mo ba yun?" tanong ko.

"Nope," sagot niya.

"Eh bakit ganoon na lang ang reaksyon niya? Daig pa pagiging jowa mo?"

"I don't know. Maybe because I gave her false hopes. And in the end, she hoped for nothing," kalmado niyang sabi.

My brows furrowed and I think deeply. Baka siguro pinaasa niya ang isang yun kaya itong si babae naman ay umasa.

"Eh bakit nga kayo nag-away? I mean, bakit ka pala niya inaway?" tanong ko pa rin.

"She heard about a rumor that I have a girlfriend. Tapos nakita niyang magkasama kami nung babae. I won't deny that fact pero dahil lang naman iyon sa project namin. Si Jimena, the girl you saw earlier was my friend. Alam kong may gusto siya sa akin. So, I tried avoiding her. At ayun dahil sa rumors na narinig niya sa kung saan at ang pag-iwas ko sa kanya ay kinompronta niya ako. Hindi ko siya gf pero ano nga ba ang magagawa mo sa taong nagseselos? I told her that she's only my friend and that girl was only my classmate pero ayaw niyang maniwala. Tinanong ko siya kung bakit siya nagagalit eh hindi naman kami. She told me that she loves me. And I told her that I don't feel the same way. Then the story goes," kwento niya.

Napatango tango ako sa sinabi niya.

"Maybe you showed some affection towards her. At inakala niyang may gusto ka sa kanya when in fact it was just a friendly caring," I told him at tumango naman siya.

Ilang segundo munang tumahimik bago siya nagsalita.

"Ang hirap maging gwapo," at tumawa kaming dalawa.

"Yabang, gwapo ka?"

"Bakit? Hindi ba? Ang gwapo ko kaya,"

"Weh? Proof nga,"

Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Maya maya pa'y nag-pogi sign siya kaya bumunghalit ako ng tawa.

"Ayun, pogi na ba?" Tumaas taas pa ang dalawang kilay niya.

Napailing nalang ako habang tumatawa. Damn, may ganito pala siyang side. Ang cute.

"Alam mo ba, akala ko nung una ang cold mo. Sobrang tahimik mo kasi at ni hindi ka man lang nagsasalita 'pag nagkakasalubong tayo. Ngayon lang kita nakausap ng ganito," sabi ko at tumingin ako sa kanya.

"Yeah," sagot niya.

Hindi na ako umimik ulit dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa maubos na ito. Nilaro ko na lang yung paperbag na lalagyan ng binili ko kanina.

Magdidilim na at konting liwanag na lang ang nakikita ko sa kalangitan. Nagiging kahel na rin ang langit at unti unti ko nang dumadami ang mga tao sa park na siyang pinagtataka ko. Halos lahat ng dumadating ay mga couples na kung hindi magkahawak kamay ay nakaakbay naman yung lalaki sa babae.

"Ang ganda nung langit," rinig kong sabi niya.

"Oo nga," sang-ayon ko.

"Pero kahit gaano naman kaganda, magwawakas pa rin hindi ba?" Aniya.

Napalingon ako sa kanya at kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Hindi ko alam kung bakit o baka namamalikmata lang ako dahil nung pagkurap ko ay nakangiti na siya.

"Halika na at malapit ng dumilim. Baka hinahanap ka na sa inyo." Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako sa swing.

Magkasabay kaming naglalakad pabalik sa direksyon ng café. Habang naglalakad ay napag kwentuhan namin ang tungkol sa isa't isa. At naisip ko ring hindi naman pala ganoon ka-cold o ka-snobber si Callix.

"Bakit parang ang snobber mo naman 'pag sa ibang sitwasyon?" Kuryoso kong tanong sa kanya. Kasi hindi naman siya ganito ka open sa mga tao sa paligid niya. Nagtataka ako ngayon dahil kinakausap niya ako.

"Snobber?" Nagtataka pa niyang tanong. Hindi ba nito alam kung ano ang snobber?. "Don't look at me like that. What I mean is, why the hell I became a snobber?" Dagdag pa niya.

"Duh, you're not giving any attention to anyone who surrounds you. Para ka ngang bingi at pipi eh. Bingi dahil parang wala kang naririnig minsan kahit na tinatawag ka na at pipi dahil parang ayaw mong magsalita kahit kinakausap ka. Tapos ang cold mo pa minsan yung tipong sobrang ikli ng sinasagot mo," mahabang litanya ko.

"Well, hindi ko lang gusto ang makipag-usap kahit kanino. Pakiramdam ko ay nasasayang lamang ang laway ko kakasalita. Mas mabuting manahimik na lamang kaysa dumada eh wala namang kabuluhan. Ayoko rin sa maiingay. And as much as possible, I want to distance myself from anyone. Not because I hate them but because I don't wanna get attached to them. Na sa huli, ikaw at ang sarili mo lang din naman ang nandyan para sa'yo sa panahon na tatalikuran ka na ng mundo," aniya.

Nag-akto akong nagpahid ng kung ano sa ilong ko."Wow mehn, ang deep. Nakaka nosblid." Biro ko.

Napangisi naman siya at tinaasan ako ng kilay. "Seriously Sab, kailangan mo rin magseryoso minsan. Hindi yung puro ka lang laro at patawa." Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Yaa! I'm just trying to lighten the atmosphere. Ang heavy kasi eh, parang battery," sagot ko sa kanya.

"Battery?" Kunot noo niyang tanong kaya humagikhik ako.

"Heavy-duty battery," sagot ko sa kanya at tumawa.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at umiling iling. "Mais," sabi pa niya. Ngumuso ako at nag-cross arms.

"Nandito na tayo sa café. Susunduin ka ba ng kuya mo?" Aniya. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng café. Madilim na at sarado na rin ito.

"Hindi eh, sabi ko kasi sa kanya mauna na siya at may pupuntahan pa ako. Pero okay lang, magco-commute nalang ako. Dito ka na lang ba?" Sabi ko sa kanya.

"Nope, sabay na tayong mag-commute at ihahatid na kita sa inyo. Tutal ay ako naman ang nag-aya sa'yo kaya ginabi ka." Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Nasa likuran niya lang ako at tinatanaw siya habang naglalakad. Nakapamulsa siya at nakatingin lang ng diretso sa dinadaanan. Hindi ko man kita ay alam kong walang ekspresyon ang mukha niya.

Sa loob ng maikling oras ay may isang bagay akong nakita kay Callix. Sa lahat ng kwento niya sa akin tungkol sa sarili niya ay ramdam ko ang takot niyang makipag-ugnayan sa iba. Takot siyang may mawala sa kanya kaya distansya partida siya sa lahat ng tao.

Pero ang ipinagtataka ko ay bakit niya ako inayang samahan siya?

"Sab! Pakibilisan!" rinig kong sigaw niya. Malayo layo na pala siya sa akin.

Nag-half run ako para maabutan siya. Sinabayan ko ang lakad niya at napansin kong napasulyap siya sa akin. Hindi ako umimik at hinigpitan ang kapit sa bag ko.

"Magje-jeep lang tayo, ayos lang ba 'yon?"

" Oo naman!" Nginitian ko siya. Akala siguro niya ay hindi ako sanay mag jeep. Laking kotse kasi ako at never akong pinapa-commute ng mga magulang ko. Eto lang ata ang pinakauna.

Ayoko namang isipin ni Callix na hindi ako sanay sa hirap. Ayokong isipin niyang gusto kong mag-taxi nalang kahit pa mahal ang bayad. Ewan ko ba, ayokong mag-isip siyang maarte ako.

"Sigurado ka?" Tanong pa niya kaya tumango ako.

Nakarating kami sa parahan ng jeep at iisa nalang ang naka-parke. Punuan pa kaya kita kong masikip na sa loob. Doon lang yata nag-sink in sa akin na dapat ay mag-taxi nalang kami.

"Callix uhm---"

"Sasakay ba kayo iho? Sumakay na kayo at nang makaalis na tayo," putol ng konduktor sa sasabihin ko.

"Opo manong," sagot naman ni Callix kaya nanlumo ako.

Sasabihin ko na sanang huwag nalang at mukhang hindi na kami kakasya pero naunahan na ako ni Callix.

Umakyat na siya sa loob ng jeep. "Sab, halika na at sumakay." Napangiwi ako habang dahan dahang lumalapit sa kanya. Kaonting espasyo na lamang ang naiwan para sa akin.

Inilahad niya ang kamay niya nang nasa entrada na ako ng jeep. Napatingin ako sa kanya at kita kong naghihintay siyang abutin ko ang kamay niya.

Napabuntong hininga ako at inabot ito. Sa sandaling nagkadaop ang mga kamay namin ay hindi ko maipaliwanag ang kiliting naramdaman ko.

Para bang may kuryenteng dumaan sa mga palad niya at napunta sa akin kasabay ang pintig ng puso ko...

--------------------------------------->>(・∀・)