Kabadong inilapag ko sa lamesa ang kape saka naupo sa harap ni Tita. Pinaghawak ko ang aking mga kamay dahil baka makita ni Tita na nanginginig na ako sa kaba. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula
"Saan ka kagaling?" tanong niya saka humigop ng kape
Yun pa lang ang tinatanong niya ay hindi na ako makasagot. Paano pa kaya sa mga susunod na sasabihin niya. Kahit kinakabahan ay sinikap ko magsalita para sagutin siya
"S-sa kaibigan k-ko lang p-po " nauutal na sabi ko habang iniiwasan ang kanyang paningin
"Nang dalawang linggo?"
This is the moment I knew I'm fuck up
Natahimik ako. Hindi ako makasagot sa tanong ni Tita.Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan kung bakit hindi ako makapagsalita. Mabigat ang aking paghinga dahil sa takot
"Tinawagan ako ng Adviser mo. Pinapunta ako sa school mo. Sinabi niya sakin na dalawang linggo ka nang hindi pumapasok" malakas na bumuntong hininga siya. Halatang pinipigilan ang kanyang sarili. "Love, anong nangyari?"
Hindi ako nagsalita. Hanggang ngayon ay nangangapa parin ako ng mga salita para may maisagot ako pero wala kahit isa. Yumuko na lang ako dahil sa hiya
"Alam mo ba ang sinabi sakin ng Adviser mo?"
Ikinuyom ko ang aking mga kamay para pigilan ito sa panginginig. Nagsisimula nadin manlabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha. Hindi ako nag angat ng paningin para hindi makita ni Tita ang itsura ko. Baka lalo ko lang ikahiya ang sarili ko pag ganon
"Bumabagsak na yung grades mo at baka hindi ka na maka gradute kapag nagpatuloy pa 'yon" stress na sabi ni Tita
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at doon na nagbagsakan ang mga grupo ng luha galing sa aking mga mata. Agad ko naman pinunasan yon para hindi na makita ni Tita na umiiyak ako. Sinubukan kong lumanghap ng hangin dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa pigil na pag iyak
"Love, saan ako nagkulang?"
Sunod sunod ang pag iling na ginawa ko kasabay 'non ang pagpahid ko sa aking mga luha na hindi na natigil sa pagpatak.
"Alam kong mahirap para sa iyo na lumaki na walang magulang kaya heto ako pinupunan yung mga pagkukulang sayo ng magulang mo. Pinalaki kita na parang totong anak ko, binihisan kita, pinakain kita, pinatira kita sa bahay ko pero anong ginawa mo? Sa lahat ng hirap na ginawa ko para sayo heto pa ang igaganti mo? Ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang mapalaki ka ng maayos. Hindi naman sa sinumbat ko sayo lahat. Ginagawa ko 'to bilang kamag anak mo. Ginagawa ko 'to kasi responsibilidad kita bilang Tita mo pero sana naman gawin mo yung responsibilidad bilang pamangkin ko " sabi niya sakin
Ang aking paghikbi lamang ang maririnig mo sakin. Hindi na ako sumagot. Hindi na ako nagsalita pa dahil in the first place ako naman talaga ang may kasalaman. Hindi ko inisip yung mga maaaring maapektuhan ng mga desisyon ko. Hindi ko iniisip yung ibang tao. Hindi ko man lang inisip yung mga consequence nang gagawin ko. Sobrang selfish ko.
Naiinis ako sa sarili ko. Napaka tanga ko para hindi maisip yung mga taong nag hihirap para lang sakin. Hindi ko inisip yung hirap na dinanas nila para lang makarating ako kung nasaan ako ngayon. Lahat na lang ginawa nila para sakin tapos heto pa ang igaganti. Napaka walang hiya ko. Napaka selfish mo Aphrodite nakakahiya ka
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at umiyak na ako nang umiyak sa harao ni Tita. Hindi na ako nag abala na punasan yung mga luha ko at baka mapapagod lang ako pag ginawa ko yon dahil hindi ko na mapigil ang aking luha. Nanlalabo nadin ang paningin ko dahil sa pag iyak. Hindi ako nag aangat ng tingin dahi wala akong lakas ng loob na harapin ng mata sa mata si Tita. Sobrang nahihiya ako sa sarili ko
Naramdaman kong lumapit si Tita sakin. Naupo siya sa tabi ko. Nanatili ako sa pagkakayuko. Hinawakan niya ang kamay kong kanina pa nanginginig. Nagulat ako nang yakapin niya ako. Agad ko namang siyang niyakap pabalik saka doon ipinagpatuloy ang aking pag iyak sa kanyang bisig. Naramdaman kong hinagod niya ang likod o kaya lalo akong napa iyak. Sunod sunod na pag hingi ng tawad ang giawa ko
"S-sorry p-po, k-kasalanan k-ko lahato 'to" paulit ulit na paghingi ko ng tawad
Patuloy niyang hinagod ang likod ko para patahanin ako
"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit mo nagawa 'yon pero hindi pa naman huli ang lahat. Maaayos pa 'to dahil aayusin natin 'to pero sa ngayon kaylangan mo munang itigil ang ginagawa mo para maibalik natin sa dati kung ano man ang mga nawala sayo " sabi ni Tata na agad ko namang sinangayunan
Ilang minuto matapos kong matigil sa pag iyak ay nag usap kami tungkol sa mga kung anong nangyari sakin dito habang wala si Tita. Hindi naman siya nagtagal at umalis din matapos naming magka linawan sa lahat. May mga bagay din kaming napag kasunduan. Hanggang sa pag alis niya ay hindi ako tumigil sa paghingi ng tawad dahil sa ginawa ko. Matapos non ay umalis na siya at bumalik sa Manila. Hindi siya pwedeng magtagal dito dahil may trabaho pa siya at sinabi din niyang may mga bagay pa siyang kaylangang ayusin na naiwan niya dahil sa pag punta dito
Pagkaalis niya ay humiga na ako dahil pakiramdam ko ay sobrang daming nangyari ngayong araw. Pinangako ko kay Tita na simula sa Lunes ay papasok na ulit ako at hahabulin kung ano man ang mga nawala sakin. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama. Mabuti na lamang ay sabado ngayon at may isang araw pa ako para mag isip isip. Dahil sa pagod ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako siguro dahil nadin sa pagod at sa mga lahat nang nangyari