5 days afters…..
Akala ko magiging maayos na ang lahat. Akala ko babalik na sa dati ang ang lahat pero mali pala ako nang iniisip. Nitong mga nakaraang araw, ramdam kong mag isa na naman ako. Sobrang hirap para sakin na gawin ang desisyong 'to. Alam kong hindi lang ako ang nasasaktan dito. Alam kong nasasaktan ko si Felix sa ginawa ko pero wala akong ibang choice kundi ang gawin yon. Hindi ko inakala na aabot kami sa puntong 'to. Dumaan ang ilang araw na hindi ko siya nakikita, hindi ko siya nararamdaman, hindi ko siya nakakausap at hindi siya ko nahahawakan
Gusto ko ulit makita yung ngiti niya na abot hanggang tenga. Gusto ko ulit maramdaman ang mga hawak at yakap niya na nakapagpapakalma sakin tuwing galit o malungkot ako. Gusto ko ulit pumunta sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Gusto ko ulit siyang makita pero lahat nang 'yon ay hindi na pwede dahil nangako ako sa aayusin muna ang sarili ko. Nangako ako na ibabalik ko ulit lahat nang nawala sakin. Iaayos ko lahat nang mali para gawing tama
Napangiti ako nang mapait at ipinagpatuloy ang aking paglalakad papasok sa paaralan. Matapos kong makabalik ay hindi man lang ako tinanong ng aking guro kung bakit ako hindi pumasok nang ilang. Siguro ay kinausap na ni Tita ang Advser ko. Walang nagtanong kahit isa kung anong nangyari sakin o kung ano ang problema ko. Lahat sila ay hindi nagsasalita. Mas pinili nilang manahimik kahit nakikita at alam nilang may mali sakin
Simula nang bumalik ulit ako para pumasok ay walang masyadong nangyari sakin. Parang noon lang na walang pumapansin sakin ang mga estudynate maliban na lang sa mga mata nilang pabalik balik ang tingin sakin na mahahata mong gusto magtanong pero pinili na lang nila na manahimik
Sinubukan kong makahabol sa klase. Lahat ginagawa ko para lang maging stable ulit ang grades ko at makagraduate. Nilunod ko ang aking sarili sa pag aaral para naman kahit papano ay makita ni Tita na may pagbabagong nagaganap sakin. Gusto kong ibalik ulit niya ulit ang tiwala niya sakin. Hindi ko na siya ulit bibiguin
Napatingin ako sa bintana. Tumingala ako. Nakita kong makulimlim na ang kalangitan at may ilang kulog at kidlat na maririnig senyales na uulan
Malakas na napabuntong hininga na lang ako. Mukhang mababasa na naman ako. Hindi ako nakapagala ng payog dahil kanina bago ako umalis nang bahay ay maganda naman ang sikat nang araw kaya hindi ko naisip na uulan sa hapon
Nang matapos ang klase ay nagsimula na akong magligpit nang gamit ko at naglakad na palabas nang room. Walang kibo akong nakalabas nang builing. Kahit umaambom ay patuloy parin ang aking lakad at walang pakialam kung mabasa man ako nang ulan. Naglabas na lang ako nang earphone at inilagay 'yon sa aking tenga para kahit papano ay malibang naman ako. Nagpatugtog na lang akong nang kahit anong kanta na meron ako sa phone. Hindi na ako nag abalang pumili nang kanta tutal naka shuffle naman ito
Kahit basa na akong ay patuloy parin ako sa paglalakad at tahimik na nakikinig nang musika
"It kills me how your mind can make you so worthless so, before you go"
Damn. That hits different
Biglang nag flashback sa utak ko lahat nang mga magagandang alaala na namin ni Felix, lahat nang mga nangyari samin sa Ekbasis. Napahinto ako sa paglalakad. Biglang nanggilid ang luha ko dahil sa isipin. Napayuko ako. Ayokong may makakita sakin na umiiyak
Sinubukan kong mabuhay nanag normal ulit. Sinubukan kong wag na munang isipin ang lugar na 'yon at ang taong nasa loob non pero bigo lang ako at heto ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lahat na na ginawa ko para lang makalimutan lahat nang alaala na gumugulo sakin ngayon pero hindi pa siguro 'yo sapat dahil hanggang ngayon ay patuloy parin akong nasasaktan
Hindi ko na napigilan pa ang luha ko at toloy tuloy na nagbagsakan ito. Parang may kung anog bumara sa lalamunan ko dahilan kung bakit hindi ako makahinga nang maayos
We just knew we were just having fun but we didn't realize we're already making a memories
Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang malakas na kulog at kidlat. Hindi ko na alintana kung mababasa ako. Wala ako sa aking sarili para isipin pa 'yon. Laking pasasalamat ko ang umuulan ngayon dahil hindi mapapansin na umiiyak ako kung may makakita man sakin
Wala sa sarili na nagpatuloy ako sa paglalakad. Muli kong tinahak ang daan pauwi kahit na umuulan, imiiyak at basang basa na ako
Kahit ilang araw na ang makalipas ay hindi parinnababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong hindi dapat dahil sa una pa lang ay wala kaming kahit anong espesyal na relasyon sa isa't isa pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako? Bakit hirap na hirap akong iwan ka? Bakit umiiyak ako dahil sayo?
Ang dami kong bakit. Ang daming gumugulo na mga tanong sa isapan ko pero kahit isa wala akong masagot
Nang makarating sa apartment ko ay dumiretso agad ako sa banyo. Sinara ko ang pinto at sumandal don. Nagpadausdos ako pababa. Ipinatong ko ang aking tuhod sa ulo at doon pinagpatuloy ang aking pag iyak. Hindi ako nagpalit agad kahit na basang basa ako
Gusto kong pumunta dyan para tanungin kong kamusta kana? Kumakain ka ba nang maayos? Anong mga pinagkakaabalahan mo? At kung...…
Hinihintay mo parin ba ako
Lumakas ang hagulgol ko. Puro pag iyak lang ang maririnig mo sakin. Parang ilang beses na sinasaksak ang puso ko. Ilang beses akong napailing kahit hindi niya ako nakikita
Nakikiusap ako, wag mo na akong hintayin dahil baka hindi na ako makabalik pa. Ayokong saktan ka kapag sinabi ko sayo ang lahat. Natatakot ako sa mangyayari kaya pinili ko na lang manahimik. Mas pinili kong sarilihan ang lahat. Alam kong masasaktan kita kapag sinabi ko sayo na aalis ako at ayokong mangyari yon pero mas masasaktan ako kapag nakikita kang nasasaktan din nang dahil sakin
Patawarin mo ako kung hindi ko na matutupad ang mga pangako ko. Patawarin mo 'ko kung hindi na ako makabalik dyan. Patawarin mo 'ko dahil sinabi ko sayo na babalik ako pero ginawa ko parin. Minsan may mga bagay talaga na kailangan kong maging makasarili pero tandaan mo na ginagawa ko 'to dahil sa gusto ko kundi dahil eto ang kaylangan
Nakikiusap ako, please wag mo na akong hintayin dahil baka hindi na ako makabalik