Chereads / EKBASIS (Tagalog) / Chapter 23 - Chapter 21: Farewell

Chapter 23 - Chapter 21: Farewell

Kinabukusan, nagising ako sa tunong nang aking alarm clock. Inaantok na inabot ko ito sa side table saka pinatay. Unti unti kong idinilat ang aking mata at nang makaag adjust sa liwanag ay tumitig muna ako sa kisame ng aking kwarto.

Saka ko lang naalala na naka graduate na nga pala ako pero maaga parin akong gmising. Ganitong oras ako gumigising para maagang makapasok sa paaralan.

Kamusta na kaya siya? Tanong ko sa aking sarili

I hope he's doing well....even though I'm not on his side anymore

Napakagat labi na lang ako sa aking naisip. Ilang buwan na ang makalipas simula nang napagdesisyunan kong hindi na bumalik sa lugar na 'yon pero walang araw na hidi ko siya naiisip.

Noon, gabi gabi akong umiiyak. Napakasakit para sakin na lisanin ang lugar na naging malaking bahagi ng buhay ko hanggang sa ilang araw, linggo at buwan na ang nakalipas ay hindi parin naghihilom ang sukat sa aking puso. Hindi man ako umiiyak ngayon pero nandito parin yung sakit at pakiramdam ko ay hindi na ito matatanggal pa.

Matapos ang ilang sandaling pag iisaip ay napagpasyahan ko nang bumangon. Niligpit ko muna ang kung higaan bago pumasok sa banyo. Lumabas din ako agad pagkatapos kong mag ayos. Dumiretso ako sa kusina saka nagsalin nang mainit na tubig sa baso at nag timpla nang kape. Nakasanayan ko nang hindi kumakain tuwing umaga sa halip ay nag kakape na lang. Noong asing pumapasok pa ako ay madalas akong malate sa school dahil nauubos ang oras ko sa paghahanda nang aking almusal tapos magliligpit at mag uurong pa ako at lalo pa akong matatagalan dahil nag lalakad lang naman ako papasok sa school kaya natutunan kong mag kape na lang sa umaga. Tuwing tanghalian ako buumabawi nang kain. Nung una ay medyo nahirapan pa ako dahil gutom na gutom na ako pero hindi pa pwedeng lumabas dahil hindi pa taopos yung klase bago magtanghalian pero nasanay din naman nang kalaunan

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay tumungo naman ako sa sala. Naupo ako sa sofa saka binuksan yung TV para manood nang balita

Habang nanonood ay bigla kong naalala yung sinabi ni Tita na susunduin nila ako limang araw matapos dahil nga lilipat na ako sa bahay nila sa Manila. Hindi naman ganon karami yung gamit ko pero mukhang matatagalan akong magimpake dahil wala kong katulong at ako lang mag isa. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar

Mamimiss ko ang lugar na ito dahil dito ako tumira nang ilang taon. Ang lugar na ito ang naging saksi sa aking paglaki. Maraming ala ala ang nabuo dito kaya hirap akong iwan 'to pero ganon talaga siguro. May mga bagay na kaylangan nating iwan pero hindi din malalaman kung hindi natin susubukan. Malay mo pala may maganda itong kapalit.

Ilang oras ang makalipas ay bumalik ako sa banyo para maligo. Balak kong mag impake nang damit pagkatapos ay maglinis ng apartment. Gusto kong malinis ito bago ako umalis at para hindi nadin mahirapan yung taong papalit sakin dito.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako nang damit kung saan komportable ako at malayang gumalaw. Nagsuot lang ako nang short at oversize na t-shirt. Itinali ko din ang aking buhok para hindi ito makaabala sakin mamaya

Napatingin ako sa buong lugar. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang medyo matatagalan ako dito.

Mag iimpake muna ako nang damit kaya pamasok ako sa kwarto. Binuksan ko yung kabinet ko saka inilabas yung bag ko na malaki sunod naman yung mga damit ko. Isa isa ko silang tinanggal sa hanger saka itinupi nang maayos bago ilagay sa bag. Hindi naman marami yung damit ko kaya dalawang malaking bag lang ang aking naggamit. Pagod na umupo ako sa kama. Alam kong hindi ganong marami at kahirap yung ginawa ko pero napagod agad ako. Naghabol muna ako nang hininga bago tumayo at dumiretso sa kusina para uminom nang tubig.

Hindi ko alam na ganon pala kahina yung stamina ko. Siguro kaylangan kong mag excersice paminsan minsan. Pagkatapos non ay bumalik na ako sa kwarto. Tapos na akong mag impake nang damit kaya maglilinis na ako nang apartment. Itinabi ko muna sa gilid ang aking bag para hindi nakakalat dito sa kwarto mamaya kapag naglinis ako.

Kumuha ako ng walis tambo at map sakak nagsimula nang maglinis. Inuna kong linisin yung kwarto ko pagkatapos ay sa kusina at huli ang sala. Laking pasasalamat ko na hindi masyadong malaki itong apartment ko pero nahirapan parin ako dahil ako lang mag isa ang gumawa nang lahat

Ilang oras ang makalipas ay sa wakas at natapos din ako. Pagod na ibinagsak ko ang aking sarili sa sofa. Pawis na pawis at hingal na hingal ako sa aking ginawa. Ilang minuto muna akong nagpahinga bago pumasok sa banyo para maligo. Hindi nagtagal ay natapos din ako kaya diretso higa na ako sa kama

Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pakiramdam ko sobrang daming nangyari ngayong araw kahit nag impake lang naman ako ng damit at naglinis ng bahay. Napatingin ako sa aking side table at doon ko nakita ang isang picture frame. Inabot ko ito saka tinignan. Bigla tuloy ako nalungkot sa aking nakita. Litrato namin ito ni Felix. Nasa ituktok kami nang bundok kung saan masisilayan mo ang paglubog ng araw at ang kabuuan ng buong lugar. Malawak ang ngiti naming dalawa sa litrato na parang wala kaming kahit isang problema

Simula nang umalis ako sa Ekbasis ay pakiramdam ko ay may parte sakin ang nawawala. I just can't figure it out. Napabuntong hininga na lang ako

I wish I could see him again.

Napabalikwas ako nang bangon sa aking naisip. Binitawan ko ang aking hawak saka nagmamadaling lumabas nang kwarto at sumilip sa bintana kung saan matatanaw mo ang malaking pader na naghahati sa dalawang lugar. Napaisip ako bigla. Paano kaya kung bumalik ako sa Ekbasis?

Ngunit pwede na ba?

Nakagraduate naman na ako at stable na ang buhay ko kaya wala na sigurong dahilan para hindi ako pumuntang Ekbasis pero napahinto ako. Naalala kong meron na lang akong apat na araw bago tuluyang lisanin ng lugar na ito. Medyo malalayo ako dahil Manila ang aking pupuntahan at mahihirapan lang ako kung magpapabalik balik makapunta lang dito. Pero pwede din namang umuwi ako dito tuwing sabado at linggo para kahit papano ay magkita parin kami ni Felix.

Pinagbawalan lang naman ako ni Tita dahil nag aaral pa ako non pero hindi na ngayon. Wala nang pipigil sakin dahil nagawa ko na ang tungkulin ko dito at ilang buwan pa bago magsimula ulit ang klase pero sa panahonh iyon ay College student na ako. Sobrang bilis ng panahon sa halos hindi ko man lang namamalayan na hindi na pala ako bata kaya kaylangan ko nang umakto ng naaayon sa edad ko

Gusto kong makita ulit siya bago ako umalis pero ngayon ay magsasabi na ako. Ikukwento ko na ang lahat sa kanya. Gusto kong malaman niya ang dahilan nang biglaang pagkawala ko. Gusto kong malaman niya ang dahilan kung bakit ako nawala dahil ngayon ko lang narealize na hindi nga pala ako nag iisa at meron akong taong makakasama sa lahat nang 'to dahil 'yon ang pangakong aming simunpaan na hinding hindi ko bibitawan

Buo na ang aking desisyon, babalik ako sa lugar na 'yon. Babalikan ko siya dahil doon ako nagsimula kaya doon din dapat ako magtatapos