Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 68 - Chapter 68: Withdraw

Chapter 68 - Chapter 68: Withdraw

Two weeks nalang ang nalalabi para sa sem break namin. Ang bilis nga ng panahon kapag maraming nangyayari sa buhay mo.

Pagdating ko ng school. Abala na ang lahat sa kani-kanilang area of responsibility. Sa pagmamadali ko. Patakbo akong umakyat ng hagdanan. Sa hangdan paakyat na. Hindi ko alam may tao pala. Nagkabungguan kami't muntik nang matumba. Mabuti nalang at malakas ang kapit ko sa uniform nung tao. Kinabahan ako ng wala sa oras. Natakot rin syempre dahil ayokong magdagdag ng problema ngayon sa mga magulang ko.

Agad akong lumayo sa taong hawak pa rin ako dahil napagtanto kong napaka-pamilyar ng kanyang pabango. Nanlamig agad ang kaibuturan ko. This is so impossible. Kung sino pang taong iniiwasan ko, ito pa tong kaharap ko't nayakap pa kanina. My gosh(. Is this really real?!.

I lost my mind. Natameme ako sa mukha nyang bakas ang pag-aalala. I have thousand words to say but damn, my words got lost. Sandali lang kaming nagkatitigan pero pakiramdam ko, taon na iyon.

Marami nang dumaan na kaklase namin pero andito pa rin kami't ayaw pakawalan ang titig ng bawat isa.

"Master, si Andrea raw nasa parking lot." bigla naman ngayong sumulpot ang bulto ni Jaden na may hawak pang walis tambo at dust pan sa likod nya. Ngumiwi agad ang labi ni Jaden ng mapansing di gumalaw ang kaibigan at matanawan ako sa gilid. Nagkamot ito ng ulo sabay sabi ng, "Ay, wow mali." tas nagwalk out na ng walang kahit anong paalam.

Binalik ko sa kanya at paningin. Without saying any words. Nilampasan ko sya.

Andrea pala ha?. E di wow!.

"Karen." Dinig kong tawag nya pero di ko sya pinakinggan. Tumakbo na ako papuntang room namin. Gumilid pa nga si Jaden para di ko sya masagi. He looks at me. Nginitian ko lang din sya.

"Hey, Karen."

"Ha?." napahinto ako sa pagtawag ni Jaden. Nasa pintuan na ako ng room. Labas maskk na ang kaklase namin. Bumati na nga sakin si Winly, di ko pa nababati.

"Kian is single. He withdrew from their engagement."

"Ano nga ulit yun boy Jaden?." singit na ngayon ng bakla. Nakarinig kasi ng tsismis e. Tsk.

Ako naman. Sa totoo lang. Gusto ulit marinig yung sinabi nya kanina. Sana ulitin nya. Sana!

Lumapit ngayon si Jaden samin. "Gusto ko lang sabihin na, Kian is single. Umatras na sya sa engagement nila ni Andrea." Jaden repeated his statement. And that made me woke up.

"Ohh.. kaya ba nasa parking lot ang bruha?. Naghahabol?." Winly spoke. Sya na ang nagtanong nang nasa isip ko. Paano nya kaya nalaman?. Nakita nya ba ito?.

"Parang ganun na nga." Jaden answered while staring at me.

"Bakit raw umatras ang poging Kian?. May nangyari ba?." di pa nakuntento ang bakla. Hay..

"Hindi ko alam e. Basta iyon lang ang nalaman ko." anito. Hindi ako nagsalita o tumango o kahit ang umiling. Ayokong isipin nya na nagustuhan ko ang ibinalita nya o higit pang natuwa ako. Baka kasi ibalita nya ito duon sa isa. Alam mo na. Kaibigan nito iyon.

"Wala na raw sila girl. Anong say mo?." pangungulit sakin ngayon ng bakla habang kami'y papunta sa aming area.

"Ano bang dapat kong sabihin?." I asked sarcastically.

Tumikhim ito. "Ikaw kung anong gusto mong sabihin?. Masyadong tahimik yang labi mo eh. Nakakatakot pakinggan kapag nag-umpisa nang bumuka."

"Tsk. Wag mo nga akong lituhin." pigil ko dito. Ngumuso sya.

"So nalilito ka ngayon?. Bakit?. Aminin. Natuwa ka dun sa balita ni boy Jaden noh?." hinarang nya akong maglakad.

"Paano ako matutuwa. Nang dahil sa Mommy nya, nakulong si Papa." walang preno kong sambit.

Nanlaki ang kanyang mga mata. As in lumaki sa normal na size nito. Ang oa na naman!.

"Ano?!." hinila nito ako sa likod ng gym. Tabi ng Math park lang ang gym kaya ilang hakbang lang namin ito. "Anong nangyari?."

"Di ko alam ang buong kwento. Ang tanging gumugulo pa sakin ay ang may nakaraan ang Mommy nya at si Papa."

"What the shit!.. Nagbibiro ka ba?."

"May oras pa ba akong magbiro?. Wala. Seryoso ako Win." umiling sya. Salubong ang mga kilay.

"Nakakaloka. Seryoso ka?. Hays... ang liit naman ng mundo nyo?." sinang-ayunan ko sya sapagkat tama naman ito. Pambihira ang ganitong may nakaraan ang mga magulang ng dating magkasintahan. "Si Kian, nakausap mo na ba?." inilingan ko ulit sya. "May balak kang kausapin sya?."

"Wala." mabilis kong sagot. Pumadyak sya sa sahig. Sign na di dapat iyon ang gawin ko.

"Bakit naman Karen?. Akala ko ba mahal mo sya?."

"Walang duda ang pagmamahal ko sa kanya Win pero hindi ko na alam sa ngayon."

"Ano ka.ba?. Kapag minahal mo ang isang tao. Hindi na yan nawawala pa kahit ano pang pagsubok ang dumating sa inyo. Sabihin mo man o hinde. Hindi ka talaga nalilito. Natatakot ka lang tanggapin na mahal mo pa sya."

Maaaring tama nga sya dahil hindi ko na alam kung paano dipensahan ang aking sarili patungkol dito. "Bakit mo tatakbuhan ang bagay na alam mong makakapagsaya sa'yo Karen?. Hindi solusyon ang lumayo o kahit ang takasan ang problema nyo. Matuto kang tanggapin at harapin ang bagay na gusto mo. Kung ayaw may dahilan. kung gusto palaging mayro'ng paraan."

Hay.. magaling akong mag-advice kay Bamby tungkol sa kanila ni Jaden pero pagdating sakin, samin. Nawawalan ako ng palaisipan.

Uwian na at sa mismong parking lot kung saan duon daw naghihintay ang Andrea kaninong umaga. Duon kami nagkita kita ng buong barkada. We're not in a good terms but not either n a bad terms kaya kahit malaki ang pagitan sa gitna naming dalawa. Kasama pa rin kami sa buong barkada.

"I already withdraw our engagement." sa tabi ko'y umalis si Bamby at nakipag-usap sa kanyang kapatid. Nagkaroon tuloy ng space sa tabi ko. Pumalit sya ngayon. Biglang nagbibigay paliwanag.

"Good for you." sabi ko lang.

"Are you happy?."

"No. Are you, happy?." balik tanong ko dito. He shakes his head.

"Will never be, until I get you back again." kumabog ng malakas ang dibdib ko. Bakit kinakabahan ako ng todo?. My gosh!. "I'll do everything to win you again Kaka. Kahit itakwil pa ako ni Mommy. I'm tired. I just want to be happy, with you."