Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 69 - Chapter 69: Sutil

Chapter 69 - Chapter 69: Sutil

Alam mo yung pakiramdam na parang bumalik ako sa pagkabata?. Actually. Bata pa naman ako. 15 years of age pero ang isip ko'y lumagpas na sa taong iyon. Dahil pagkatapos sabihin ni Kian na lahat gagawin nya para lang makuha ulit ako kahit itakwil pa sya?. Sus!. Sus na sus!. Kinilig ako ng todo!. Sobra pa sa sinasabi nilang sobra!. Hay nako!. Ngayon ko natanto na tama nga si Winly. Tama nga syang mahal ko talaga si Kian at tama rin syang natatakor lamang ako sa maaaring gawin ng kanyang Mommy. Si Tito naman ay ayos pa. Nakita ko pa nga sya sa bahay noong isang gabi. Kinausap nya si Papa at humingi ng dispensa para sa ginawa ng kanyang asawa. I wonder kung love triangle ba silang tatlo noon o arrange marriage lang din nangyari sa Mommy ni Kian?. I bet. It is. Kaya siguro ganun nalang kung itulak ng Mommy nitong Kian na ikasal na kahit wala pa sa tamang edad. Sus talaga!. Bakit kaya ang yaman na nga nila, ginagawa pa nilang kumpliikado ang lahat ng bagay sa kanila?. Mga di marunong makuntento sa kung ano nang meron sa kanila.

"Karen." Physical Education namin at hawak ko ang bola. Ibabato na sana ito sa may ring kaso lang nabitin sa ere ang kamay ko ng biglang may tumawag sakin.

"Yes?." tanong ko sa kay Jaden. Mukhang boses nya kasi ang nadinig ko e. Binato ko sa ring ang bola at swak naman ito. Nagkantywan ang iba dahil ako lang sa babae ang nakapasok ng bola.

Hinanap ko si Jaden. Nasa may entrance ito ng gym. Namaywang ako't pinunasan ang pawis gamit ang likod ng kamay. "Bakit yun boy Jaden?. Wala ang Bamblebiee dito. Nagpaalam na masakit daw tyan nya." diretso kong sabi without knowing kung bakit nya ako tinawag.

"Naks, boy Jaden!." kinantywan tuloy sya ng iba naming kaibigan. Namutla agad ang buong mukha nito, lalo na Ang kanyang tainga. Nagpakawal ito ng malalim na hininga bago yumuko at duon nagsabi ng mga bagay na di nya kayang sabihin sa harapan ng maraming tao. Hay boy!. Duwag!.

A minute later. Umayos muli sya't namaywang. Duon ko sya nilapitan para pakalmahin. "I'm just kidding. Relax ka lang. Namumutla ka na na eh. Hahaha.." sinadya kong matawa kunyari para hind na nya ako titigan ng masama. Di ko kasi gusto titig nya eh. Para bang sinasabi nito, sige lang. Lokohin mo lang ako. Darating din karma mo. Ganun ang feeling ko the way he stares at me now.

Tahimik lang sya habang awkward ang paligid para sakin. "Bakit mo nga pala ako tinawag?. May klase kami remember?." I whispered him my last statement. I feel so cool pa that time. Walang kahit anong butil ng pawis sa noo but then karma is really a bitch. "Kian is watching you right here, right now. Pinapaabot nya ito." sabya luha nya ng kumpol ng rosas sa tabi kung saan di ko man lang napansin kanina.

Laglag panga ko.

"Hoy! Ano yan ha?." Billy shouted. Sounded like joking while walking towards us. Unti unti rin kaming pinalibutan ng lahat. "Akala ko ba si Bamby bro?. Ano ito ha?." natatawang ani pa ni Bryan. Inakbayan ang balikat ni Jaden. Siniko sya ngayon ni Jaden sabay paliwanag ng. "Kay Master yan galing. Mga ulol kayo!."

"Bwahahahhaha... aba malay namin sa'yo.." sutil pa ni Billy.

"Get lost Bill." Ani Jaden dito.

"I'll get lost to you but I'll assure you that I'll win your little Bamby.." tumalim na ngayon ang pagtingin ng isa dito sa taong malakas ang sutil sa katawan.

"Hep! Hep!. Tama na yan. Baka magkapikunan na eh. Karen, anu na?. Hindi ice cream ang bulaklak ha?. Baka matunaw pa Yan pag di mo kinuha." anang bakla na sya pa tong kumuha sa kamay ni Jaden at nilagay sa kamay ko. "Ayan. Pakisabi sa Master mo. Salamat daw. Kinilig daw sya." tapos tinulak na nya si Jaden paalis sa grupo namin. Ang bastos talaga.

"Oh ayan!. Tutal, di ka makapagsalita. Ako na nagpasalamat. Pasalamat ka sakin ha?." kumindat pa ito. Lokong bakla!.

I just greeted my teeth. "Win naman eh." nagdabog ako. Iniwan na kami ng iba.

"Aba?. Bakit na naman?. Gusto mong tawagin ko ang boy Jaden ulit para si Master na mismo ang mag-abot ng bulaklak mo?."

"Baliw!. Ano ka ba?. Hindi ganun."

Nagdabog din sya. Ginaya ang ginawa ko kanina. "Eh ano nga?. Kayong mga babae talaga. Ang aarte nyo. Pag ako yan, sunggab agad. Grrr..." frustrated nyang sabe. Inirapan pa ako. Hay....

"Kasi nga, bat ka sumingit?. May sasabihn ako eh."

Nanlaki ang kanyang mata. Ang OA!!!.

"Shunga!. bat di mo ko pinigilan?. Ikaw talaga!. Sarap tuktukan sa ulo!.." nanggigil nyang sabi.

"Kasi nga, sumapaw ka."

"Bat di ka rin sumapaw?. Hay.. Ewan sa'yo.." he walked out pero bumalik din agad. "Don't worry. I'll call Kian para di na kayo mapagod pa. Mga duwag na to!." he murmurs while dialing on his phone. Sinubukan ko syang pigilan subalit huli na. Sumagot na ang nasa kabilang linya.

"Yes hello pogi. Meet daw kayo ni Karen sa Science park this afternoon. She said may sasabihn daw sya sa'yo.." tumango tango sya.

"Win?. O my gosh!. Don't do this." pigil ko sa kanya.

"Yes. Pag di ka daw pumunta. Di ka na nya daw Mahal.."

"Winly!.."

"Yes pogi... She's behind me. K. Bye."

"Problem solved.." humarap sya sakin at duon ko sya kinurot sa tagiliran. Napaaray ito hanggang sa tumakbo na palayo sakin. Di ko sya titigilan. Bwiset na to!. Wala akong sinabi na ganun... Ano nang gagawin ko ngayon?.