Buong araw akong lutang. As in, walang maintindihan sa lahat ng subject na dumaan. Nagtaka pa nga ako sapagkat, hindi zero ang score ko sa quizzes. Hindi mababa, kundi nasa katamtaman lang. At wala pa ako sa tamang huwisyo iyon ah. Kaya bumilib ako bigla sa sarili ko. Kaya ko palang maging ganun?.
Oo naman gurl. Kaya mo. Pero huwag dapat madalas. Focus. Remember. Nangako ka sa Papa mo na hindi gagaya sa mga Ate mong bulakbol.
Alam ko naman na iyon. Ang pangako ko ay hindi ko kailanman babaliin. Wala akong balak na bawiin iyon sapagkat alam ko kung gaano kaproud si Papa na magkaroon ng isang anak na tulad ko. Hindi nawawala sa listahan ng mga honor students.
"Bamby, saan tayo gagawa ng group study?." tanong ni Winly dito. Kasalukuyan na kaming nasa area of responsibility. Naglilinis. Hapon na at maya maya ay uwian na namin.
Nagdampot lang din ako ng mga dahon sa may bermuda grass dahil wala naman kailangan walisan. Tapos nang nagdilig ang mga boys at kaming mga girls nalang ang naiwan. Dito sa Math park. Ang area nina Winly, Joyce at Bamby ay nasa mismong harapan ng math park kaya dinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.
"Di ko nga alam eh. Di naman pwede sa bahay dahil andun sila Kuya. Baka maistorbo lang tayo." sagot naman ni Bamby.
"E sa bahay nyo gurl?." tanong ni Winly kay Joyce na kanina pa walang imik. Di ko alam bakit.
"Sorry pero di rin pwede sa bahay."
"Bakit naman?. Sandali lang naman tayo.." pagpipilit pa ng bakla sa kanya ngunit wala na syang nagawa nang sabihin nitong basta lang.
"E sa inyo Karen?. May space pa ba tayo duon?." sakin naman bumaling ito.
"Meron naman."
Biglang nagdiwang ang bakla at nilapitan agad ako. Umakbay pa nga kahit alam nyang may ginagawa pa ako. "Don't worry Kaka. Di kami mag-iingay. Promise.." itinaas pa nito ang kanang kamay. Nangangako na wag gagawa ng ingay.
Pero nung dumating na sa bahay. Jusmiyo!. Dinaig nya pa sina Ate. Talagang nakipagkwentuhan kay Mama. At mas lalo pang naging maingay nung dumating na sina Ate.
"Yan ba ang tinatawag nyang group study?." bumuntong hininga ako sa sariling katanungan. Tinapik lang ako ni Bamby sa balikat at natawa.
"You know him. Ganyan yan pag gusto nyang makipagtsismisan. Hahaha.." anya. Tumango nalang ako sapagkat totoo naman ang sinasabi nya. Kapag kwentuhan talaga, yan ang number one na hilig nya. Talent na yata tawag sa ganung. Hay ewan...
Gabi na ng magpaalam sila pero ang di ko inasahan ay may darating pang bisita.
"Karen anak! May bisita ka." mula sa ibaba ay isinigaw ito ni Mama. Nasa silid ako at kasalukuyang nakahilata na. Titig na titig ako sa kisame na para bang andun ang mga sagot sa tanong ko.
"Sino naman kaya iyon?." tanong ko dahil wala akong inaasahan ng bisita. Atsaka gabi na. Sinong dadalaw sakin ng ganung oras?.
"Kaka!?." muling tawag ni Mama. Tumayo ako't lumabas na ng silid.
"Andyan na po." habang naglalakad ako sa may hagdanan. Kinakausap ko na sarili ko. "Psh!. Maka-mine noong isang araw tapos di naman na nagparamdam ng isang buong araw. Ano kayang tawag sa ganung tao?." parang timang na akong nakarating sa may sala. Ni hindi ko na inayos pa ang suot kong damit. Sobrang ikli ng shorts ko at ang nipis ng suot kong sando. Ang buhok ko pa ay parang hindi alam ang bagay na suklay sa gulo nito.
"Mama?." tawag ko din kay Mama. Hinanap ko sya. Wala kasing tao sa may sala.
"Dito sa may kusina hija." anya kaya naglakad ako patungo roon.
At...
Ang sabi ko nga... hindi... ko... inaasahan... ang... bisita.
If you guys are asking who?. None other than, him. Kung sinong nasa isip nyo. Tama yarn. Sya nga! Si Kian the Master!...
"Hi.." ang ngiti nyang napakaganda ang sumalubong sakin dito. Kumaway pa ng bahagya. Mukhang nahihiya kay Mama.
Sinipat ko sya. Nakasuot ito ng puting polo na nakatupi hanggang siko. Ang black slacks pants nya ay dumaan sa mainit na plantsa. Pino ang pagkakalinya nito sa may tuhod. Talaga nga namang galing sa isang party.
"Hello.." kinawayan ko sya pero halos hindi ko iyon magawa. Nakatingin kasi sakin itong si Mama.
Naglinis si Mama ng lalamunan. "Tawagin nyo lang ako sa sala pag may kailangan kayo ha?. Nak?. Hijo?." tinapunan nya kami ng tingin ni Kian bago tuluyang lumabas.
"Kamusta engagement party?." di ko alam bat nasabi ko ito. May dumaang sakit sa lalamunan ko matapos ko itong sabihin. Naglakad ako't iniwasan agad ang mata nya. Imbes harapin sya ay mas pinili kong gawin nalang ang mga hugasin na para dapat bukas.
"I ran off.." I heard him growl this.
Tumakas sya?. Kaya ba sya andito?.
Dinig kong lumangitngit ang paa ng upuan sa may tiles. Tanda na tumayo ito. "It's Mom's plan, not me." bigla ay paliwanag nya.
"Bat ka andito kung ganun?. Ayoko ng gulo Kian.." pinanggigilan ko ang sariling ngipin sa pagtitimpi. Di ko alam bat bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ito kilig kundi kaba na di ko maintindihan.
"Dahil gusto kong patunayan sa'yo na di ako interesado sa kahit na sino, bukod sa'yo."
I'm speechless.
Di ako umimik. Wala akong masabi.
"Jaden told me that you look so down the entire day. Did you miss me?."
Tinatanong pa ba yun?.
"Miss you?. Asa ka!." padarag kong inilapag ang plato sa may sink kaya bahagya itong gumawa ng ingay. Muntik pa ngang nabasag. Lumipat sya sa may kanang bahagi ko at sya na ang nagbanlaw. Kinuha ko agad ang nasa kamay nya pero mas malakas sya sakin kaya wala akong nagawa kundi pabayaan nalang sya sa ginagawa.
"Di mo lang ako nakita ng buong araw, malungkot ka na?. Sa bahay ka nalang kaya tumira para pareho tayong masaya?.."
"In your wildest..... dreams...." I stretch it out the word wildest dreams para malaman nyang hindi ako natutuwa sa mga sinasabi nya. Sino sya, sinuswerte?. Grrr....
"Hahahahaha.." natawa pa sya. Bwiset lang!.
"Ikaw talaga. Ang cute cute mo kapag ganyang naaasar. Hahaha.." kinurot pa nito ang pisngi ko gamit ang basa nyang kamay.
"Ano ba!?." kahit gusto kong iwasan ang kamay nya, dumadapo pa rin ito sa pisngi ko.
"I miss you.." bulong nya ng medyo magkalapit kami. Lumayo ako ng kaunti dahil baka makita kami ni Mama. Ngunit lalo lang syang lumapit. "I just want to let you know that, Daddy is against the marriage." dagdag nyang bulong.
"And, I don't even care." mapakla kong sagot.
"But, I do care for you. I miss you, my Kaka.." he even lean on my shoulder. Inayos nya pa ang nahulog na starp ng sando ko. Noon ko lang din naalala ang suot ko.
What the... anong ginagawa nya?.
"Bat di ka nalang dun sa babae mo?." lumayo ako sa kanya at humalukipkip para takpan ang hinaharap.
"Wala akong babae." agap nyang sabi.
"Sinong niloko mo?." itinaas ko ang balikat ko upang paalisin sya sa balikat ko. Napaayos sya ng tayo kaya kami nagkaharap.
"Wala akong niloloko." he look at my eyes. Damn it!. I miss those eyes.
"E di bolero.." ngiwi ko. Pampawala ng kaba.
"Hindi kaya ako bolero. Wala pa akong binola." napangiwi na naman ako. Humalukipkip ako't sinubukang tumitig sa kanya kahit sobra pa sa umaaapaw na tubig sa balde ang kaba ko.
"Sa maniwala ka man o sa hinde Kaka. Nandito ako para sabihin sayong walang matutuloy na kasal. Sinabi ko na ito kay Mommy at nagalit sya sakin. Kaya ako andito para sana, magpaalam sa'yo na kung pwede, dito na muna ako kahit ilang araw lang?.."
"No.."
"Please Kaka.. Saan ako matutulog nito mamaya?."
"Di ko na problema yun."
"You don't care about me?." pagmamakaawa nya.
"No!. Yes!.." nakita ko kung paano umarko ang kanyang labi. Tinatago ang ngiti. Bat kasi No sinabi mo girl?. Erk!.
"You miss me too huh?."
"Tsk.. sirang plaka ka ba?."
"Hinde. CD player lang ako na kumakain ng plaka pero hindi naninira ng plaka.."
"Hay.... ewan sa'yo Kian. Umuwi ka na.."
"Wala nga akong mauuwian.."
"E di tawagan mo Daddy mo.."
"Ayoko nga. Baka pauwiin din nya ako."
"Ayaw mo yun?. May reunion kayo ng Mommy mo.."
Duon sya natahimik. Did I cross the red line?. Oh okay!. Natapakan ko nga yung red line.
"Okay fine. Dito ka na muna pero bukas na bukas rin. Umuwi ka na sa inyo. Mommy mo pa rin sya Kian. Wag mong hayaan na lamunin ka ng galit na dala dala mo."
"Thanks.."
"Alam na ba ito ni Mama?." tanong ko dahil baka magulat si Mama eh. Tumango naman sya. "Anong sabi nya?. Saan ang tinuro nyang higaan mo?."
"Dyan sa may sala." tinignan ko ang gawing sala. Sinilip ko kung andun pa si Mama. Wala na. Sinipat ko din kung kasya ba sya duon. Medyo mahaba at malapad naman iyon kaya pwede na. Tinanguan ko nalang sya't hinayaan nang makitulog sa amin.
"Didn't you miss me?." hay... ang kulit!. Pang ilang beses na nya itong tinanong?.
Sagutin mo nalang kasi girl para matahimik na. "Hmmm... miss you.." mahina ngunit dinig nya naman at pagkatapos kong sinabi iyon, patakbo na akong umakyat para matulog.
Talaga ba?. Dito sya ngayon matutulog?. Makikita ko sya pagkagising nya?. Awit naman dyan!.